-----
"Shit! Wala siya sarili niya Ganit, kailangan nating umisip ng paraaan para bumalik sa normal si babyboy! Shit, shit!" Ilang oras na ang lumipas simula nang umalis si Hiraya, lumagpas na sa oras na sinabi ni Hiraya ang ginugol nito sa labas kaya naman nag-aalala siyang nagpasiya na hanapin nilang magkapatid si Hiraya. Paglabas na paglabas nila ng pintuan ay nakarinig sila ng pagsigaw, parang mabangis na hayop ang sigaw kaya't naisip ni Ma-ay na may kinakalabang halimaw si Hiraya.
Nang marating nilang magkapatid ang kanto papunta sa CR at paakyat sa hadganan ay nasaksihan nila ang kasalukuyang eksena.
"A.. ate natatakot ako! Ba.. baka.. kainin din ta.. tayo ng boyfriend mmm.. mo!" Napakapit si Ganit sa blusa ng kanyang kapatid dahil aabante ito papalapit sa nagwawalang halimaw. Kinakalmot nito ang katawan ng isang kulay green na halimaw hanggang sa magkandapunit-punit ang bawat parte nito.
"He would wake-up, I... kailangan ko lang siyang lapitan at sigurado akong magigising ang malay niya." Kinuyom ni Ma-ay ang nanginginig niyang kamao, kinumbinsi ang sarili at determinadong inihakbang ang paa niya papalapit sa taong minamahal niya.
'I would love you no matter what!' Niyakap ni Ma-ay ang katawan ni Hiraya.
Nagulat si Hiraya at balak niyang itulak ang nilalang na yumakap sakanya, narinig ni Ma-ay ang patuloy na lumalabas na salita sa bibig ni Hiraya -'paslangin'. Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Ma-ay kay hiraya at pinilit niyang huwag sumigaw nang kagatin siya nito.
"Ate!" Sigaw ni Ganit, nag-aalalang nilapitan niya ang kanyang ate. Takot na takot si Ganit dahil punong-puno ng dugo at nagkalat na mga lamang-loob ang daanan niya pero nagawa niyang lumapit at maupo sa tabi ng kanyang ate, hinawakan niya ang ate niya sa kamay at napatingin sa halimaw.
"Grrrrr! Nnnnn... NO, Shhhh.. shit! Sssss.. STOP!"
Tila bumabalik na ang kalamayan ni Hiraya. Habang pinipigilan niya ang sarili ay may bigla siyang naramdaman sa likuran niya, patakbo iyong sumusugod sakanila at nang lumingon si Hiraya ay nakita niya ang isang duwende, mas malaki ito kumpara sa duwende commander at may korona itong gawa sa tinik. Hawak nito sa kamay ang isang armas na parang tinidor at nakatutuok iyon sa direksyon nila.
"Ate may isa pang halimaw!" Sigaw ni Ganit. Napadilat ang mga mata ni Ma-ay, napapikit siya kanina dahil sa sakit ng pagkakakagat sakanya ni Hiraya. Nakita niya ang tumatakbong halimaw, balak niyang tumayo pero bago mangyari iyon ay may malakas na pwersang bumuhat sakanya at bigla siyang tumilapon. Nakita niya rin sa ere ang pagtilapon ni Ganit kaya inabot niya ang kamay nito at hinatak payakap bago sila tuluyang bumagsak sa sahig.
"God damn it! Sumulat! Anong ginawa mo sa katawan ko! Huff, huff... kyaaak!" Nagsimulang tumulo ang luha ni Hiraya dahil sa sakit na nararamdaman niya sa buo niyang katawan. Nagsisigaw siya ng matinis na parang kinatatay na baboy. Itinapon niya sina Ganit at Ma-ay dahil nagtatalo pa rin ang isipan niyang kainin ang dalawa, itinuon niya ang pansin sa nilalang na ngayon niya lamang nakita.
[Duwende King Lvl.20]
-1000/1000 Hp
MOTHER FUCKER!
Inihanda ni Hiraya ang sarili dahil malapit na ng duwende king sakanya at nakatutok ang armas nitong parang tinidor sa direksyon niya.
Kahit na kumikirot ang buong katawan ay nailagan pa rin ni Hiraya ang dalawang tusok ng tinidor ngunit hindi ang pangatlo. Tumama iyon sa tagiliran niya, tumagos ang tusok, lumaylay ang laman na tinamaan at bumulwak ang dugo niya.
[-57 Hp]
"Kiiiiiiik!"
'Huff, hufff.. Shit! Anong nangayri bakit 495/2270 na ang health points ko?' Inusisa ni Hiraya ang status screen niya at nakitang tumaas ang mga attributes niya, pati ang Hp, Mana at Stamina niya. Nakita niya rin ang ilang panibagong titles at mga skills. Matutuwa sana ang kaibuturan ni Hiraya kung hindi lamang siya nakakaramdam ng kirot at hapdi sa buong katawan niya.
'Pain is My Friend? Psycho? Bite? Pain Tolerance? Consume? Shit ang daming hindi ko alam!' Hawak ang tagiliran ay umilag si Hiraya nang makita niyang muli siyang tutusukin ng duwende king. Napasandal siya sa pader at yumuko siya. Gumulong siya paharap nang hahampasin siya ng duwende king at muli niya iyong nailagan.
'10 points to vitality!' Sigaw ni Hiraya sa sarili. Nakita niyang naging 615/2485 ang Hp niya. Napamura siyang muli dahil hindi niya naintindihan ang calculation ng system para sa stats niya. Iniling-iling niya ang ulo para mawala ang intires niya doon at tinitigan ang duwende king. Naisip niyang may malakas siyang kalaban at mas importanteng ito muna ang unahin niya.
"Babyboy!"
Napalingon si Hiraya sa pinanggalingan ng tinig. Nakita niya si Ma-ay at Ganit, duguan ang balagat(clavicle) ni Ma-ay at hawak-hawak niya iyon.
"Shit! Patayin niyo ang mga duwende sa lapag at tingnan niyo kung may ilalaglag silang mga Hp potion dali!" Tumayo si Hiraya at sumugod sa duwende king.
Singangga niya ang pagtusok sakanya gamit ang kaliwa niyang kamay at in-upper-cut niya ang baba ng duwende king, nakailag iyon pero dumaplis pa din ang suntok niya. Umatras ang duwende king atsaka inobserbahan ni Hiraya ang itsura nito.
Ito na siguro ang pinakamatangkad na duwendeng nakita niya. Parehas ang itsura nito sa mga normal na duwende at gaya ng duwende commander ay may buhok din ito ang kaibahan lang ay naka-ayos at hati sa gitna kumpara sa duwende commander na gulo-gulo. Wala itong bigote at balbas kaya kitang-kitang ang paarkong patulis nitong ibabang pangil na nakalabas sa bibig nito. May suot itong tinik na korona, nakasampay sa likod nito ang isang kapa, gawa iyon sa balat ng hayop at ang salawal nito ay gawa sa ulo ng isang lobo.
'Atleast ito may salawal. Shit!' Naputol ang iniisip ni Hiraya nang makita niyang nagliwanag ang korona nitong tinik, bushung, ilang mga duwende warrior ang nagsilitawan at may dalawa sa dulong likod na ngayon lamang nakita ni Hiraya.
[Duwende Shaman Lvl.12]
-150/150 Hp
Walang abog-abog, nang lumitaw ang mga duwende warriors ay sumugod ang mga iyon kay Hiraya, pero agad ding nadapa matapos makalapit ng ilang metro, kumikislot ang mga katawan nila.
'Woa woa wow? Shit! Level 5 na ang Strike Fear at kalahati na rin ang skill exp nito!' Napatingin si Hiraya sa paligid at nakita niya ang mga pinapatay na duwende suveillor at duwende warrior nina Ma-ay at Ganit. Bakas ang takot sa mukha ni Ganit pero pinipilit pa rin nitong saksakin ang mga duwende. Napansin ni Hiraya na ang iba sa mga duwende ay pira-piraso at gusto niyang sumuka dahil napagtanto niyang kinakin niya ang mga ito.
'Mother fucker sumulat, hindi ko palalagpasin ang kagaguhang ito!' Napafocus ang tingin ni Hiraya nang makitang may umiilaw na bagay na papunta sakanya.
"SHIT!" Napamura si Hiraya nang ilagan ang bilugang apoy na inihagis sakanya ng isang duwende shaman. Nawala rin iyon matapos ang ilang metro nitong nilipad sa ere. Napatingin si Hiraya sa mga duwende shaman at nagmental note na kailangan niyang unahin ang mga iyon.
Muling dumako ang tingin ni Hiraya sa duwende king at nag-isip ng magandang paraan para talunin ang hari. Hindi siya maaring tumakbo dahil maiiwan sina Ganit at Ma-ay, pupwede niyang kargain ang dalawa pero hindi niya sigurado kung gaano kabilis tumakbo ang duwende king kaya't hindi niya isusugal ang buhay ng dalawa para sa hindi siguradong paraan. Napatingin si Hiraya sa mga duwendeng nakahandusay sa lapag, may bumbilyang lumiwanag sa utak niya.
"Ma-ay tulungan mo akong ibato lahat ng mga duwende papunta sa direksyon ng duwende king!" Pinulot ni Hiraya ang ilan sa mga duwende at sinimulang ihagis iyon sa direksyon ng duwende king. Ginamit ng duwende king ang armas nito para hampasin palayo ang mga lumilipad na alagad nito.
Ilang sigundo pa ay tatlo na ang bumabato sa duwende king, pati si Ganit ay sumali sa dodge ball na nagaganap sa pagitan nilang tatlo at ng tatlong mga duwende. Napa-atras ang duwende king hanggang sa nasa pintuan na ito ng CR, hindi magaling umilag ang dalawang shaman kaya naman gumamit ito ng mga fireball pero hindi sapat iyon dahil may cooldown time ang mga skill nila, hanggang sa matamaan ang dalawa at mapatumba sa lapag.
"Ma-ay ikaw na ang bahala sa dalawang shaman at ako na ang haharap sa bitchass nato!" Pinulot ni Hiraya ang isang armas sa lapag at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng duwende king, tumalon siya at ginaya ang style ng pakikipaglaban ng mga duwende. Hiwa sa kanan, hiwa sa kaliwa at hiwa pataas.
"Krahagaga!" Tumawa ang duwende king dahil para bang nakikipaglaro ito sa isang alagad niya at lalo itong natawa dahil mas malamya pa ang galaw nito kaysa sa isang duwende warrior.
Sa isa pang pagmintis ni Hiraya ay sumugod ang duwende king para ito naman ang umatake, itinaas nito ang armas gamit ang dalawang kamay at buong pwersang tumalon papalapit kay Hiraya.
Ting!
Tsak!
Nasangga ni Hiraya ang armas pero naputol ang short sword na gamit niya dahilan para tumumama sakanya ang tatlong tusok ng tinidor at bumaon sa kanan niyang dibdib banda sa taas na parte ng balagat. Napasigaw si Hiraya na parang baboy pero hinawakan niya ng mahigpit ang tinidor, sinipa niya ang duwende king at ginamit iyon para tumalon papalayo.
[-52 Hp]
"Huff, huff, mother fucker! Wala kanang armas! Akin nato!" Binunot ni Hiraya ang tinidor sa kanang dibdib niya at napapadyak siya ng ilang beses sa sahig dahil sa sakit. Ginamitan niya ng Identify ang armas.
[Duwende King's Trident (Orange Item)]
-A weapon used by a Duwende Tribe King believed to hold the power to control the duwende tribe.
Damage 145-159
+14 Strength
+7 Agility
+15 Intelligence
+30 Kg to weight
Piercing damage +7
Active skill: Ruler (200 Mp | Cd: 30 Minutes)
MOTHER FUCKER!
'Orange Item? Ah oo, may tier pala ang items sa online games.'
Hinigpitan ni Hiraya ang pagkakahawak sa armas at naramdaman niya ang pagpasok ng lakas at bilis sa kanyang katawan. Iwinasiwas niya ang armas at pinakiramdaman ang bigat nito, kaya niyang gamitin ang armas. Napatingin siya sa active skill ng armas at ipinaling ang tingin sa labas ng CR. Napa-sayang naman siya dahil patay na ang dalawang shaman. Napaisip tuloy si Hiraya kung may bago pa kayang mag-i-spawn na duwende kapag pinatay niya ang Duwende King.
Nagkatinginan sila ng duwende king at kitang-kita ni Hiraya ang galit at inis sa mga mata at mukha nito. Nagpunta sa likuran ng duwende king ang kamay nito at doon ay may hinugot, dalawang short sword iyon at pabaliktad nitong hinawakan ang armas.
"Assassin type?" Nagulat si Hiraya, dahil sa +30 Kg to weight ng Trident napagtanto ni Hirayang mataas ang strength ng duwende king pero gayun pa man ay may taglay pa rin itong bilis, kung aalisin ang +weight nito ay gaano kaya ito kabilis kapag...
Bago pa matapos ni Hiraya ang iniisip niya ay napatanga siya, nakarinig siya ng mabilis na hangin kaya ang una niyang naisip ay ang umatras, nagulat siya dahil nakaramdam siya ng sugat sa kanyang braso, umilag na siya pero tinamaan pa rin siya at malalim ang nagawa nitong sugat.
"Krahahagaga, gruuggaol krgarugagol?" Muling nakita ni Hiraya ang duwende king sa dati nitong pwesto, tumatawa ito at dinilaan ang dugong pumapatak mula sa armas nito.
Napahawak si Hiraya sa braso niya, 'Shit paanong?' Napansin ni Hiraya na may liwanag sa paa ang duwende king at unti-unti iyong nawala.
Skill!
Napagtanto ni Hiraya na gumamit ng isang skill ang duwende king. Hindi ang sugat ang prinoblema ni Hiraya kundi ay kung gaano katagal ang cooldown ng skill na ginamit ng duwende king. Hindi niya nakita ang pag-atake sakanya, ang tanging naramdaman niya lang ay ang mabilis na tunog ng hangin.
'Shit! Anong gagawin ko? Shit, shit, shit! Utak, mag-isip ka ng pupwedeng gawin! BILIS!'
Muling umatake ang duwende king, tumakbo papalapit kay Hiraya at pinagsalubong nito ang dalawa nitong sandata na parang letrang X.
"Graugol kruga!" Sigaw ng duwende king at may awrang lumitaw sa mga armas nito, humiwa pataas ang duwende king at bumulusok papunta sa direksyon ni Hiraya ang letrang X na awra.
Nanlaki ang mga mata ni Hiraya at buong pwersa siyang humampas gamit ang Trident. Nagliparan ang mga kislap sa pagitan ng Trident at ng awra na letrang X.
Naramdaman ni Hiraya na hindi basta-basta hangin ang awra, konkreto ito at imbes na kabahan o matakot ay napangiti siya, tumingin siya sa direksyon ng duwende king at nagsimulang magpalit ang itsura nito, napalitan ang maliit at panget na mukha ng duwende king at naging libro ito.
'Mother fucker, sisiguraduhin kong makukuha ko ang skill book na ilalaglag mo!' Biglang pumasok ang ideya ng skill book sa isipan ni Hiraya, RPG na ang mundo nila at kung susundin ang patutunguhan ng mga nangyayari ay maaaring may skill book na drop sa dungeon nato. Ngayon ay alam na ni Hiraya kung ano ang ibig sabihin ng bound sa isa niyang skill.
Napuno ng pagkasabik ang katawan, puso at isipan ni Hiraya at naging mitsa iyon ng kagustuhan niyang paslangin ang duwende king.
--------------------
[Status Screen]
Name: Hiraya Manoyo
Level: 10 (exp: 39140/102400)
Race: Human
Gender: Male
Title: Leading Man(Active) Malignant(Active) Pain is My Friend (Active) Psycho (Active)
Health points | regen: 403/2270 | 0.084/s
Mana | regen: 418/730 | 0.0285/s
Stamina | regen: 273/580 | 0.104/s
Attributes:
Strength: 58(+14)
Agility: 62(+7)
Vitality: 192
Inteligence: 37(+15)
Active Skills:
Unique: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:3 Exp: 13.86%
Rare: Subordination | Beg.Lvl:1 Exp: 00.00%
Rare: Health Steal | Beg.Lvl:4 Exp: 16.31%
Basic: Identify (2 Mp| Cd: None) | Beg.Lvl:5 04.81%
Basic: Bite | Beg.Lvl:2 Exp: 87.06%
Passive Skills:
Rare: Strike Fear | Beg.Lvl:5 Exp: 49.78%
Rare: Consume | Beg.Lvl:3 Exp: 55.37%
Basic: Equip | Beg.Lvl:2 Exp: 92.75%
Basic: Pain Tolereance | Beg.Lvl:4 Exp: 27.81%
Basic: Resilience | Beg.Lvl:5 Exp: 22.11%
Current Status:
Wounded (Health regen decreases.)
Tired (Your body needs to rest.)
Points to be distributed: 14