(Hiraya)
Apat na oras na ang lumipas mula nang malaman ko kung ano ang kalagayan dito sa building nato. Si Ma-ay ang nag-organisa sa mga gagawin nila, hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang mga iyon because this bitches right here caught my eyes.
Iniinspeksyon ko ngayon ang mga labi ng mga monsters na nagawa nilang patayin. What really picked my interest though is this thing right here.
Inangat ko ang isang bangkay at tinitigan ito. Ang itsura ng mukha nito ay parang isang paniki, putol ang isa nitong kamay pero kita ko sa kanan nito ang matutulis na kuko, may isang pakpak ito sa likod na gaya rin sa isang paniki and the lower part is missing. Ang sabi nila ay ganito na raw ang itsura nito nang kalabanin nila.
Isang Manananggal.
According to that guy, what is his name again? Baroro? This thing, lumalabas daw sila kapag gabi and they only target men. Hindi ko pa alam kung bakit pero ayon kay Barolo ay isa itong monster na mabilis lumipad at ang pangunahing ginagamit na attack ay ang mga kuko nitong matutulis and nangangagat din ito.
Hindi raw nila alam kung saan nanggaling ang mga to, and so far... tatlo na raw ang nakalaban nila. My initial assumption was wrong, namataan lang ng mga alaga ko ang isang manananggal sa silid nayon pero hindi pala doon ang spawn point.
Pinatay ni scarface ang isang ito, ah that girl a while ago, yung tumatawag ng master kay Ma-ay. Hindi ko pa alam kung anong gagawin don ni Ma-ay at bahala na siya, but I am still thinking, kung pwede ko bang magamit ang isang yon.
Binunot ko ang isa sa mga short sword sa likod ko at ginamit iyon para hiwain ang manananggal. I first severed the only remaining wing. Matigas ang balat ng pakpak, yung pwedeng gawin leather na sapatos or bag. Kulay itim ito and..
Ding!
[Discovered a magical item]
-Mananggal Wing, can be used to create light armor and can also be used as a alchemy ingredient.
WHAT?
Alchemy ingredient?
So may ganito rin sa RPG world nato? Makes sense to me. Pero paano ko ito magagamit na ingredient? Tsaka alchemy... hmm, papaano ko kaya matitrigger ang system. Later, now that's one hell of a surprise.
Ipinagpatuloy ko ang pag-inspeksyon and like the other bitchass monsters in this hellhole.. pati ang isang ito ay halos kaparehas din ang anatomy sa isang normal na tao. Well, this one is just half though.
Hiniwa ko rin ang dalawa pang natitirang manananggal, kinuha ko ang dalawang pares ng pakpak gaining 5 pieces of wings. Sinubukan ko kung may iba pang parte ng monster nato ang magical item pero wala na akong iba pang natuklasan.
Hindi ko na pinansin ang iba pang bangkay dahil mga pinalaking version lang sila ng mga ligaw na hayop.. hmm, what's that?
Pinulot ko ang isang botelya na may lamang asul na likido. Is this what I think it is?
'Identify'
[Mana potion]
-restores 30 mana upon consumption
*Double the fun effect x2
Oh my! It really is! Anong katangahan ang nangyari at bakit naiwan ang napakahalagang item na to sa mga bangkay dito? That Awrere girl knows RPG bakit hindi nila ito napansin? Ahm, isa sa mga survivors ang babaeng yon and she told us na isa siya sa mga source nila ng info. I could use that girl too.
Now, now, now. Should I use this thing? NO, wait! Baka may title or achievement na ibigay ang bagay nato, gagamitin ko ba o ibibigay. I think mas mabuti siguro kung ibigay ko nalang kay Ganit, wala pa siyang title at skills na magagamit sa totoong labanan. I'll talk to Ma-ay about this first.
Ibinulsa ko ang mana potion at kumunot bigla ang noo ko. Tumayo ako at napatingin sa paparating.
"Hindi ba malinaw ang sinabi ko na ayoko ng istorbo?" This guy really pisses me off. Bigla-bigla niyang inatake si Ma-ay, I should've killed him. Or maybe I can do it now... or not. Wtf is that girl doing here too?
"Ha, wala ang mga alaga mo ngayon dito at wala rin ang babaeng pumoprotekta sayo pero nagagawa mo pa ring magyabang?" Sabi ng lalaki habang nakatingin sa akin na may pang-uuyam.
Oh my. Ang akala siguro nila ay isa akong summoner, well.. technically yes. Haha, this will be interesting. Simula nang mag-umpisa ang RPG ay hindi pa ako nakakaranas ng pambubully. Ano to show off?
"Makaryo, huwag mong maliitin ang lalaking yan, kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lider ng grupo nila." Sabi ni scarface. Oh my! May talinong taglay ang isang ito, puwede ko talaga siyang gawing tutor ng mga alaga ko.
"Hey you, yes you scarface. Gusto mo bang maging tutor ng mga alaga ko?" Tanong ko, nakita kong napakunot ang noo niya pero kalmado pa rin niya akong tinitigan. Good reaction.
"Ano namang mapapala ko kapag naging tutor ako ng mga alaga mo?" Ganting tanong ni scarface.
"Teka lang Magdalya. Hindi pa ako kumbinsido sa isang ito, hindi natuloy ang labanan namin kanina kaya gusto kong siyang subukan." Umabante ang kumag at pumorma. Oh, good form. Malamang ay marunong ang isang ito makipaglaban. Maybe I could use this guy too.
"Take one more step, I'll rip your head off." In-activate ko ang Malignant at Psycho. Nakita kong napadapa silang dalawa, ilang segundo lang ay pinagpawisan na sila. Ha, most of the bullies are weak. Pinapakita lang nila na matapang sila pero ang totoo ay mahina ang puso't isipan nila.
Oh my.
"Graaa!" Unti-unting tumayo ang kumag at ilang saglit pa ay nagharap na muli ang mga mata namin.
"Ha, ano. Yan lang ba ang kaya mo?" Napaface-palm ako sa isip ko. This guy is nuts. Should I really kill him? Binabawi ko na ang sinabi kong puwede kong gamitin ang isang to. Hindi niya alam kung hanggang saan lang ang kaya niya. This is just blind confidence. Hindi ko alam kung ano ang naranasan nila pero hindi ako ganoon katanga para isiping kaya kong talunin ang 100 meter high na gusali.
In-off ko na ang mga title. Umiling nalang ako at nagsimulang maglakad papunta sa main entrance ng amphitheater, ow.. nasa likod pala kami ng building dahil dito nila inipon ang mga bangkay, hindi ko nga alam kung bakit hindi rin nila ilagay dito ang mga bangkay sa loob. I could've checked them too.
"Saan ka pupunta, hindi pa tapos ang labanan natin!" Nakarinig ako ng pagsigaw sa likod ko pero hindi ko na pinansin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya humahakbang paabante. What a pussy. Patuloy siyang nagsisigaw.
"Tama na Makaryo. Wala tayong laban sakanya! Hindi mo ba nakikita ang katotohanan? Tinitigan niya lang tayo pero akala ko mamamatay na ako! At ikaw, alam kong may title at skill ka pero dumapa ka parin at isa pa, kung pinagpatuloy niya ang pagtingin sa atin ay baka nawalan na tayo ng malay. Alam mo naman ang mangyayari kapag nawalan ka ng malay sa isang labanan hindi ba? Tumigil kana sa mga ilusyon mo."
Yeah, scarface is right. Just stop already.
"Paano ako lalakas kung hindi ko haharapin ang mga halimaw? Paano ako lalakas kung sa simpleng pagtingin niya lang ay susuko na ako? Papaano ko ipaghihinganti ang kamatayan ng mga kaibigan ko? Hindi ako papayag nang ganun-ganon nalang!"
Ah that's not the problem here. Tao ako kumag, isa akong tao right? Napatigil ako sa paglalakad. Muli akong tumingin sa kanilang dalawa. "You're slightly brave, I give you that. Pero hindi lang tapang ang kailangan mo, ni hindi mo nga nagawang humakbang pang muli dahil alam mo sa sarili mo na sa oras na gawin mo yon, you'd be dead. At ikaw scarface. The offer is still open... and."
Why am I doing this? Bakit ako nakikipag-usap sa mga taong wala naman akong koneksyon? Sa mga taong ito na nasa-hukay na ang isang paa? May narealize ako at gusto kong baguhin iyon. Given the power I hold now, and the power I will get as I take the path ahead, sisiguraduhin kong tatapusin ko ang dungeon na ito... but, ayaw kong gawin iyon ng mag-isa. Gusto kong may kasama akong gagawa non, andyan si Ma-ay at Ganit oo, pero gusto kong palakihin ang bilang ng mga magiging kaibigan ko.
Gusto kong marami akong makakabiruan, makakatawanan at makakasama sa panibagong mundong ito. Kakalimutan ko na ang dating Hiraya, ang nasa isang sulok lang na Hiraya. Ang Hiraya na bored sa lahat ng bagay, iiwan ko na ang parte ng sarili ko na malayo sa lahat.
Magiging bago akong character, sariling character ko at ako lang ang may karapatang bumuo. Kaya naman...
"Once you take the offer, you can be one of my friends. Matalino ka at alam mo kung ano ang kaya mo at kung ano lang ang kaya mo, babaguhin natin yon. Join me, aalisin natin ang limitasyon sa kung ano lang ang kaya mo... iyon ang mapapala mo sa pagsama sa akin." Nakangiti kong tinitigan si scarface.
Clap clap clap!
Nakarinig ako ng palakpak at napatingin kung saan iyon galing, "Wow babyboy, magaling ka na talagang mangolekta ng mga babae ha. Alam mo kung saan pupuntiryahin ang kahinaan nila." Si Ma-ay, shiz.. napailing siya nang mapansin na tatakbo na ako at yayakapin ang paa niya. Tumango ako at napangiti.
"You two. Halina kayo sa loob dahil nakahanda na ang pagkain. Kailangan niyong kumain para handa kayo para sa mga magaganap mamayang gabi. Try to survive!" Hinawakan ako sa kamay ni Ma-ay at hinatak. Nagkatinginan kami at nakita ko sa mga mata niya ang galak. What? Am I too awesome?
"Ah Ma-ay.. may kailangan tayong pag-usapan mamaya, tungkol sa kapatid mo." Inakbayan ko siya at magkatabi na kaming naglalakad.
"Oh, what about my sister. Okay lang sakin kung maghati kami pero tandaan mo ako ang una kaya mas marami akong oras kaysa sa iba, okay?" Sinundot-sundot niya ang pisnge ko at hinampas ako sa puwet.
"No! WTF? Like hell I would like your sister, wala akong lolicon fetish no... atsaka.." Napatigil ako dahil nakaramdam ako ng galit na galit na awra.
"Hehehe, may mali ba sa kapatid ko ha babyboy? Hindi mo siya magugustuhan, kaya ba hanggang ngayon hindi mo pa siya kinakausap ng maayos ha?"
"What no! Hindi naman sa hindi siya kagusto-gusto or anything, pakiramdam ko kasi isang time bomb ang kapatid mo. I have this gut feeling na sooner or later, magiging magkalaban kami. So gagawin ko ang lahat, uhm, gawin natin ang lahat para palakasin ang kapatid mo." Nawala ang lovydovy atmosphere sa pagitan namin ni Ma-ay nang marinig niya ang sinabi ko.
"Time bomb ha. Wala namang mangyayari sakanya hanggat hindi niya naririnig ang pangalan mo hindi ba?" Lumungkot ang mukha ni Ma-ay.
"No, not yet. That's why I don't want that certain guy to meet her." Nakita kong sumeryoso ang mata ni Ma-ay at napaisip ito nang ilang saglit.
"Let's kill him. You get the loot and the body, ako na ang bahala sa kapatid ko. Deal?"
"DEAL!"
"What? Ano namang gagawin ko sa katawan non."
"Ow come on, para namang hindi ko alam na may fetish ka sa mga bangkay. Hehehe."
"WTH? I just... whatever!"
"Haha, ooow babyboy sino away ikaw? Hihi, sabihin mo sakin paluin natin ang pwet!"
SLAP!
"Oooh, now you're making me excited.. Tara dali dun, pwede dun. DALI!"
"Ey, wala pang ligo. You go, pakainin mo sila at i-ready. Pupuntahan ko ang faculty at titingnan kung ano ang meron doon. I'll be back before six. Okay, see you..." Naglakad na ako papunta sa direksyon ng faculty.
"Ingat ka babyboy!"
Tumango ako at muling kumaway.