-----
Sa loob ng amphitheater.
Makikita ang mga studyanteng may sari-saring kulay ng uniporme, nakapalibot sila sa hilera ng mga pagkain at tubig. Nakatingin sila sa mga mahalimuyak na piraso ng karne, umuusok pa ang mga ito dahilan para mapalunok silang lahat.
Ito ang unang beses nilang makakatikim muli ng karne matapos ang nangyaring apokalipto. Ilang araw na silang gutom dahil hindi sila makahanap ng matinong pagkain; mga tsokolate, kendi, chitchirya, bawas na tinapay, etc.. lamang ang nagsisilbing pampakalma sa kumakalam nilang mga sikmura.
Nakalagay sa iskedyul nila ang pagkain pagsapit ng alas sais ng umaga, kahapon ay mga chitchirya at tubig lamang ang kanilang kinain at ininom kaya naman isang napakalaking surpresa sa kanila nang makita na mabangong karne ang kanilang kakainin ngayon umaga.
"Oooof, look at those lovely meat. Ahhh, tinititigan ko palang ay parang nabubusog na ako papaano pa kaya kapag dumampi ang mantika ng karne sa dila ko, mmmm, tapos ngunguyain ko ang malambot na karne na parang nakasasalay ang kaligtasan ng buhay ko. Ahhh sarap. Parehas ba tayo ng iniisip?" Nakatayo si Hiraya sa harapan nila at pakiramdam nila ay ibinubugaw nito ang karne sa isang sundalong kakatapos lang ang serbisyo at itoy nangangailangan ng bigay-aliw.
Napalunok si Makaryo sa kanyang mga narinig, hindi niya na ata kayang pigilan ang kanyang sarili ngunit nang maalala niya ang ginawa sa kanya ni Hiraya ay nanginig ang kanyang katawan, kaya naman parang nabuhusan ang kanyang utak. Napahawak siya sa kanyang balikat at nag play-back ang ala-ala nang pagkagat ng isang dyablo doon.
Nakaupo ng tuwid, nakapikit at humihinga ng malumanay. Kinokontrol ni Magdalya ang sarili upang hindi siya tumalon papunta sa pagkaing mula sa kalangitan. Para bang may mga anghel na kumakaway sa kanya at ang iba pa rito ay may tinitipang harpa, pinaaanyayahan siya na lumapit at tikman ang kanyang pabuya kaya naman ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata.
Tama, isang pabuya ang almusal nilang lahat ngayong araw. Matapos ang nangyari kagabing pagsasanay kung saan nagawa nilang bawasan ng tatlong daan ang buhay ni Hiraya ay nagprisinta si Ma-ay na magkakaroon sila ng konting salo-salo upang ipagbunyi ang nagawa nilang kahusayan.
Itinaas ni Kuntapya ang kanyang kamay at sinabi, "Ah, Manoy.. puwede ba akong mag... mag-tanong?" Hindi malaman kung nahihiya ba siya o natatakot pero dahil si Hiraya ang kaharap niya alam natin kung ano ang talagang nararamdaman niya.
"Ano! Anong tanong-tanong, diba ang usapan natin susundin niyo lahat ng utos ko? What... gusto mo din ng eksperimento? Well, if thats the case.. marami akong mga tanong na kailangan ng kasagutan, so... it is your honor to be my test subject." Pagalit, nahihiya hanggang sa napunta sa paglabas ng mga ngipin ni Hiraya, ang mga nakitang ekspresyon ni Kuntapya sa mukha ng nauna. Sinampal-sampal niya ang kanyang bibig at pinagalitan ang kanyang sarili.
"Ako rin may tanong pero ayokong maging daga mo..." Ani Biloy pero biglang may sumingit na isa pang tinig kaya hindi na niya natapos ang sasabihin niya.
"Ano! Anong daga-daga ang pinagsasasabi mo..? Wait, oh! Hindi kayo mga daga mga unggoy kayo, tihehe, kayong dalawa.. you come with me later, understood?" Matapos magsalita ni Hiraya ay nakita niyang nagsitaasan ang mga kamay ng iba pang players. Napangiti siya sa mga inaaksyon nila.
"Manoy, kailan kami pwedeng maligo? Ang sabi ni Ganit ay wala na ang halimaw sa faculty." Naunang nagsalita si Awey bago pa man bumuka ang bibig ng iba.
"Ligo you say, well.. ako na ang tagabantay sa faculty kaya ako na ang kakalabanin niyo kung gusto niyong maligo.. wait a minute. Sinong maysabi na nali..." Dumako ang tingin ni Hiraya kay Ganit, napatago naman ito sa likod ni Ma-ay at nagulat si Hiraya nang makita ang mga duwende warriors na pumaligid kay Ganit, bakas sa mukha nila na handa nilang kalabanin ang kahit na sino man maprotektahan lang ang kanilang prinsesa.
Kumunot ang noo at sumimangot si Hiraya pero agad din itong nabawi at napalitan ng ngiti.
"Oo nga Manoy, ilang araw na kaming hindi naliligo at naamoy ko na ang anghit ni Selyo, alam mo bang parang sinigang na bang... ackk araw ku! Tigil, ayoko na..." Napatigil si Bona sa mga sasabihin niya dahil sinakal siya ni Selyo gamit ang braso nito, nagpagulong-gulong sila sa lapag hanggang sa pulutin sila ni Hiraya at paupuin muli. Nakatanggap silang dalawa ng kilabot matapos makitang abot langit ang ngiti ni Hiraya sakanila.
Si Selyo at Bona ay magkababata kaya halos minu-minuto silang magtalo.
"Oh my, naalala ko, why can't you beat that little shit anyway?" Nakapogi pose si Hiraya matapos niyang magtanong.
Napatingin ang labing-isa sa direksyon ni Magdalya at nang maramdaman ito ni Magdalya ay napabuntong hininga siya, "Masyadong malakas para sa amin ang taong lupa nayon, wala kaming maibawas sa buhay niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakatapak sa loob ng faculty." Maiksi pero direkta sa puntong sagot ni Magdalya.
"Oh.. Pinaputok ko na parang lobo ang ulo non sa isang atake lang." Nakapogi pose pa ring litanya ni Hiraya.
Napahigop ng hangin ang labing dalawang players, napatango si Ma-ay, lalong humigpit ang pagkapit ni Ganit sa blusa ng kanyang kapatid at lumapit pa ang mga duwende warriors kay Ganit.
Nagkatinginan ang duwende king at prinsesang tikbalang at sabay silang nagkibit-balikat, ang naintindihan lamang nila ay ulo at atake kaya naisip nilang may pinatay nanaman ang kanilang poon / panginoon.
"Enough questions, take your foods now and eat! Pagkatapos nito ay muli kayong babalik sa pag-eensayo." Naupo si Hiraya, matapos niyang magsalita ay agad niyang nilantakan ang karneng niluto ni Ma-ay, may nakuhang skill at title si Ma-ay matapos niyang lutuin ang karne na ito, Food Preparation at Monster Cook.
Napalunok ang mga natitirang survivors ng amphitheater at muling tinitigan ang karne, malaki ang duda nila kung saan galing ang karneng ito kaya pinipilit alamin ni Biloy at Kuntapya ang pinagmulan ng karne.
Nagulat sila nang makitang sunggaban nina Makaryo at Magdalaya ang pagkain. Napa-iling ang iba dahil napagtanto nilang hawak na ni Hiraya ang mga utak ng dalawang ito.
Ngumuya sila at lumunok, may luhang pumatak sa mata ni Makaryo at nakita nilang nagtiim-bagang si Magdalya.
"Ang sarap!" Sabay nilang sabi at mabilisang kinain ang natitirang karne.
"Masarap talaga yan! Gawa yan sa... oooh. never mind." Agad na sumagot si Hiraya pero hindi niya tinapos ang sasabihin, tumingin siya sa mga hindi pa kumakain, mahinang tumawa si Hiraya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Muling napalunok ang mga survivors at nagkatinginan, isa-isa silang tumango, ipinagdasal ang kanilang kaligtasan at tinikman ang karne.
Ding!
[Discovered cooked Tikbalang meat.]
+50 Stamina
Gusto sana nilang idura ang kinagat nilang karne ngunit nang malasahan nila ito ay agad din silang ngumuya at lumunok. Ilang saglit pa ay wala nang natira.
"Pinakain mo kami ng halimaw halimaw ka!" Singhal bigla ni Awrelya, napatayo siya at pinunasan ang mantikang naiwan sa kanyang bibig.
"Ooow, wala kayong natanggap na skill? O kahit na anong notification?" Takang tanong ni Hiraya at muli siyang napapogi pose.
"Walanghiya, sinasabi ko na nga ba at eksperimento nanaman ang kalohohang ito!" Kumunot ang noo ni Paloma at gaya ni Awrelya, napatayo siya at pinunasan ang mantikang naiwan sa kanyang bibig dagdag nga lang ang pagpunas niya rin sa kanyang basang pisnge.
"Sus, parang hindi naman kayo nasarapan. Yung isa pa nga napa-iyak pa, tumigil na kayo at ubusin na yang kinakain niyo. Maswerte tayo at may nagpapakain sa atin, isa pa may +stamina ang karne, malinis itong naluto at idagdag niyo na rin sa kokote niyo na si Ma-ay ang nagluto, magpasalamat nalang tayo." Ani Dilan at siya naman tinanguan ng iba pa.
"Ah, Manoy, ano.. ano ba dapat ang matatanggap naming skill?" Tanong ni Paloma, isang healer si Paloma kung itutumbas sa RPG kaya naman nang maalala niya na tanungin ni Hiraya kung may skill ba silang natanggap ay nabuhayan ang loob niya at naisip na baka puwedeng gamitin sa pakikipaglaban iyon.
Napatingin si Hiraya sa mga duwende warriors, "Oh, I got the skill from eating those bitches right there, nakikita niyo yan? Mga alagad ko yan pero iba ang pinoprotektahan... hindi ko pa nakukuha ang fire ball na skill kaya susunugin ko kayo ulit mamaya! Oh my, so as I was saying.. may skill akong Consume, binibigyan ako ng stats tuwing kakainin ko ang isang halimaw." Muling napapogi pose si Hiraya, naisip niya na dapat hilaw ang karneng kainin nila o kaya naman ay dapat kakamatay pa lamang ng halimaw ay dapat na itong kainin para makuha ang skill.
"Ibig mong sabihin pwede kaming lumakas habang kumakain ng mga halimaw?" Nagningning ang mga mata ni Makaryo at tumitig sa kanyang tagapagligtas.
"Ah, umiikot na siya sa palad ni Manoy."
"Kaya nga, nakikita ko na sa utak ko na ilang araw lang ay parehas na silang ngumiti ni Hiraya tulad ng mga duwende warriors niya."
Nagbulungan ang ibang survivors at muli silang napatingin kay Hiraya nang magsalita ito, "Yes, it is possible, I got.. hmm, 57 I guess, yep.. 57 na stat points na ang nakuha ko simula nang matanggap ko ang skill."
Napanganga ang mga survivors, sari-saring ekspresyon ang makikita sa mga mukha nila pero ang karamihan doon ay pandidiri, pero nang maalala nila na iba na ang mundong ginagalawan nila ay nagbago rin agad ang tingin nila.
Sa puntong ito ay natanggap na ng ilan sa mga survivors ng amphitheater na hindi na normal ang mundo nila, ilang araw na silang nakikipaglaban para sa mga buhay nila at mahabang gutom at kapaguran na rin ang naranasan nila. Kung kayang ibigay ng pagkain ng isang halimaw ang kabusugan at ang pagkawala ng pagod nila ay idiniin nila sa mga kokote nila na magandang solusyon iyon sa kasalukuyan nilang kalagayan. Dagdag pa na may mga skill silang makukuha, nabuo sa loob nila na kung kinakain sila ng halimaw at bakit hindi rin nila kainin ang mga halimaw, patas lang naman iyon diba?
Nakangiting tinitigan ni Hiraya ang mga players. Ang buong akala ng mga ito ay si Makaryo at Magdalya lamang ang hawak ni Hiraya sa utak pero hindi nila napapansin na unti-unti na silang nahuhulog sa kumunoy na pag-iisip ni Hiraya, sa tuwing papalag o gagalaw ka ay lalo ka lamang lulubog.
Napa-iling si Dilan sa mga nangyayari. Siya lang yata ang bukod tanging nakakakita ng buong larawan sa mga pinaggagagawa nila. Napagtanto niyang pinapapasok sila ni Hiraya sa isang butas na walang katapusan at ang mga kasamahan naman niya ay ipiniprisinta ang mga sariling mag-unahan sa pagpasok ng butas.
Napangiti si Dilan sa direksyon ni Hiraya at nagsalubong ang mga mata nila. Naisip bigla ni Dilan na malamang ay alam ni Hiraya ang mga iniisip niya. Umiling-iling na lamang siya habang nakangiti at ipinagpatuloy ang pagkain. Maraming tumatakbong tanong sa isipan niya at tila naiintriga na siya sa mga tanong na iyon. Tinapik niya bigla ang kanyang noo at muling napatingin kay Hiraya, nakangiti ito sa kanya at tumatango, para bang sinasabi nito na huwag nang pigilan pa ang kanyang pagka-intriga.
"Ah Manoy, yung tungkol pala ulit sa pagligo. Pwede naman kaming maligo diba?" Muling tanong ni Awey. Hindi na kasi niya matiis ang pinaghalo-halong amoy sa kanyang katawan.
"Well, kung kaya niyong makapasok sa faculty bakit hindi."
Nakita nanaman ng labing dalawang survivors ang ekspresyon sa mukha ni Hiraya na pinaka-kinakatakutan nila. Napalunok sila at may isang tumayo, walang ideya ang iba sa mga nangyayari pero nang makitang tumayo si Magdalya ay tumayo rin sila.
"Sinong mauun... hoy ang daya niyo! Teka lang."
"Hey! Ladies first wala ba kayong galang sa mga babae?"
"Chivalry is really dead!"
Nagsimula ang habulan at takbuhan ng mga survivors. Ang ilan pa sakanila ay nagpakawala ng mga skills para lamang mauna. Kasabay ng pagsigaw nila ay ang mga pagtawa at paghalakhak, mga tunog na ngayon lamang nila muling nailabas.
Napangiti si Ma-ay sa mga nasasaksihan niya, ito ang unang beses niyang makita si Hiraya na makipagtalo sa ibang tao. Ito rin ang unang beses niya na makitang totoo ang pagngiti ni Hiraya sa harap ng ibang tao. Namasa ang mga mata niya at tumingin sa mga naghahabulang mga bata.
Hindi man aminin ng babyboy niya sa sarili nito na gustong-gusto niya na may nakakausap ay alam ni Ma-ay na isang malaking biyaya na maraming tao ang nagbibigay atensyon sa kanyang babyboy.
Lumapit siya at hinagod ang likod ni Hiraya, nakatalikod na ito sa direksyon ng mga naghahabulan at nakayuko ang kanyang ulo, "Kailangan mo na talagang alisin ang pagiging iyakin babyboy.. papaano nalang kapag nakita nilang umiiyak ka? Bawas pogi points yan bahala ka hindi ka makakabuo ng harem."
"I am just.. happy. Happy to experience this again."
Napangiti si Hiraya at pinunasan ang kanyang luha.