Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 37 - Kabanata 36: Angeli

Chapter 37 - Kabanata 36: Angeli

-----

Sa loob ng isang silid ay makikita ang tatlong nag-uusap-usap na mga tao. Dalawa sakanila ay lalaki at ang isa ay babae. Suot nila ang mga uniporme na pang Grade 10 na lalaki, maski na ang babae ay iyon din ang suot.

Maiksi ang buhok niya at nakaporma itong panglalaki, nakaupo siya sa isang mesa habang nakataas ang isang paa at ang isa naman ay dumuduyan. Tinititigan niya ang dalawa niyang kasama dahil dalawang kainan na ang nalagpasan nila, kumakalam na ang sikmura niya dahil wala pang nahahanap na pagkain ang mga kasama niya.

"Ah.. Angeli, sinasabi ko na sayo wala na talaga kaming mahanap na pagkain. Naghanap na kami sa lahat ng pwedeng paghanap sa gusaling ito, ahmm.. maliban doon sa ikatlong palapag dahil punong-puno ng mga halimaw ang palapag nayon. Wala na talaga kaming magagawa pa." Nagpaliwanag ang isang lalaki, may panlulumo sa boses niya at bumubuntong hininga siya habang nagsasalaysay.

"Sabi ko naman kasi sainyo na dapat hindi tayo umalis sa cafeteria. Marami pang tao doon kaya mas mapoprotektahan nila tayo, bakit ba kasi ninyo pinilit na umalis doon ha? Tignan niyo tuloy, gutom at nanghihina na tayo pero wala tayong magawa." May bahid ng inis at paninising sabi ng isang lalaki, hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa dalawa dahil nagpumilit silang umalis sa cafeteria. Kung maari lamang siyang bumalik mag-isa ay ginawa na niya.

Tatlong araw na sila sa Grade 7 building, noong una ay may mga tira-tirang pagkain pa silang nahahanap pero matapos ang ilang araw nilang pagkonsumo ay naubos na nila lahat ng pwede nilang mahanap.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na hindi tayo umalis, pinaalis nila tayo, bakit ba hindi mo maintindihan yon ha Daris? Ilang ulit pa ba naming sasabihin na kung gusto mong umalis pupwede kang umalis kung kailan mo gusto. Wala namang namimilit sayong manatili sa grupong ito eh, isa pa hindi na namin kailangan ang skill mo, meron na kami pareho ni Angeli ng basic skill na Find Food, level 2 na rin parehas ang skill level namin."

Hindi nanaman napigilan ni Esing ang sarili na bulyawan si Daris, pikon na siya sa paulit-ulit na litanya nito. Kung hindi lamang sa pag-ayaw ni Angeli na iwan na si Daris ay matagal na niyang sinipa ito paalis.

"Huminahon kayong dalawa, pare-pareho lang tayong gutom okay? Sabihin mo na sa akin ang nakita mo Esing. Ikwento mo na at baka pwede nating magamit." Kakatwang napakabini pero mabrusko ang boses ni Angeli, kung hindi lamang siya kilos lalaki at pormang lalaki ay siguradong mapapa-ibig niya ang kahit na sinong lalaki.

Porma at kilos man ay iginagaya niya sa isang lalaki, hindi mapipigilan na tingnan ang kanyang hinaharap, iyon lamang ang tanging bagay na magbibigay ng kaliwanagan sa kanyang pagka babae dahil kung wala siya noon ay sa isang tingin hindi talaga aakalaing babae si Angeli.

"Ah, oo. Kanina habang.. habang naghahanap ako doon sa pinakadulong parte ng building nato, may nakita akong apat na... ano, pano bato.., tatlo sa kanila ay mga halimaw at ang isa ay tao. Mahirap paniwalaan pero base sa nakita ko ay naglalaro sila ng habulan, isinisigaw nila ang taya kapag mahahawakan nila ang isat-isa." Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin si Esing sa mga nasaksihan niya kaya hindi siya sigurado kung papaniwalaan ba siya ng mga kasama niya, nabanggit niya ito kanina pero hindi niya itinuloy dahil nga parang isang malaking kalokohan ang nakita niya.

"Tao at halimaw nagma-mataya-taya?" Napakamot ng pisnge si Angeli at naningkit ang mga mata niya sa kwento ni Esing.

"A.. ako din hindi ako makapaniwala pero nakita ko ang nakita ko kaya sigurado akong yun talaga ang nangyari. Tsaka nakita ko ring nagpakawala ang babae na iyon ng skill, kapareho ng skill ng lider doon sa cafeteria. Elemento ng apoy." Sinundan agad ni Esing ang mga sinabi niya matapos makitang hindi agad agad naniwala si Angeli.

"Elemento ng apoy? Hibang kalang ata Esing, baka dahil sa gutom mo kaya ka nananaginip ng gising. Tao at halimaw na naghahabulan, naglalaro sila? Sinong makikipaglaro sa mga halimaw sa lugar na ito, nasa loob tayo ng dungeon Esing, kalaban natin ang mga halimaw." Punong-puno ng pang-uuyam ang mga sinabi ni Daris, hindi niya pinalagpas na bawian si Esing dahil pikon na rin siya sa pagpapasikat nito kay Angeli.

"Sigurado kaba talaga sa nakita mo?" Tanong ni Angeli.

"Sigurado talaga ako! Peksman mamatay man, yun talaga ang nakita ko." Sagot ni Esing kay Angeli, ayaw niya na isipin ni Angeli na sinungaling siya kaya naman buong puso niyang ipinangako na totoo ang mga sinabi niya.

"Saan mo naman nakita ang babaeng iyon? Bukod sa mga halimaw, may kasama pa ba siyang iba?" Tumayo si Angeli at naupo sa tabi ni Esing, inakbayan niya ito at malapitang tinanong sa mukha.

Nalukot ang mukha ni Daris, gusto na niyang atakihin si Esing dahil sa selos na nararamdaman niya. Kaya lang naman siya sumama sa grupo na ito ay dahil may gusto siya kay Angeli. Habang nakikita niyang naglalandian ang dalawa ay hindi niya napigilang tumayo at maglakad papaalis ng silid. Galit na galit ang mukha niya at nakakuyom ng sobrang higpit ang kanyang mga kamao.

Namula ang mukha ni Esing dahil sa mga inaksyon ni Angeli, "Wala, wa.. wala na akong iba pang nakita na kasama niya bukod sa tatlong halimaw. Doon sa may pinagsamang faculty ng Grade 7 at Grade 11 ko siya nakita. Hindi masyadong malayo dito kaya puwede nating puntahan."

"Sige puntahan natin ang sinasabi mong lugar, hayaan mo na si Daris dahil hindi na naman natin siya kailangan. Tara." Hinawakan ni Angeli ang kamay ni Esing, napakislot ang buong katawan ni Esing nang maramdaman ang mainit na palad ni Angeli. Hindi siya makapaniwalang magkahawak sila ng kamay habang naglalakd, pakiramdam niya ay papunta na siya sa langit.

Makikita sa mga mata ni Angeli ang pag-katuso, nilingon niya ang lalaking hawak niya sa kamay at nginitian niya ito at matapos iyon ay muling bumalik ang ekspresyon sa mukha niyang manggagamit.

---

Rinig ang mga sigawan sa loob ng amphitheater, kasalukuyang nagsasanay ang mga players habang pinapanood sila ni Hiraya.

Nilapitan ni Ma-ay si Hiraya at kumandong siya sa hita nito, "Babyboy, we got company. Sabi ni Ganit ay nagreport ang mga duwende warriors na may mga players na papunta sa faculty. Batiin nati sila?"

Tumango si Hiraya at binuhat niya patayo si Ma-ay, nang maibaba ni Hiraya si Ma-ay ay naglakad sila patungo sa faculty, "Where did they come from?" Mahinang tanong ni Hiraya.

"Hindi ko pa alam babyboy, pero may hinala akong naghahanap ng pagkain ang mga yon. Baka galing sila sa gym, grade 7 building o kaya sa cafeteria A. Iyon lamang ang mga nasa direksyon na hilaga sa kinaroroonan natin." Umakbay si Ma-ay kay Hiraya at inumpisahan nilang mag-asaran gamit ang mga katawan nila.

"Want to do some role playing?" Nakangiting tanong ni Hiraya.

"Ooow, ano namang klaseng role playing yan babyboy? Gagawin ba natin ulit yung... hihihi" Pinisil ni Ma-ay ang pisnge ni Hiraya dahil nakita niyang namula iyon. Bukod sa pagbabantay niya sa mga kilos ng mga survivors ay ito lamang ang nagbibigay aliw kay Ma-ay; ang asarin si Hiraya, pupuwede ring sabihin na nilalambing niya ito.

"Oh, no.. I'd like to, pero wag na muna. If they're strong I'll try to keep them here kasama ng mga survivors ng amphitheater, the more the merrier. And if they're not, ikaw na bahala kung ano ang gagawin natin sakanila. Isama natin ang tikbalang princess." Nakangiti ng sobrang luwang ang mga bibig ni Hiraya. Ngumiti rin si Ma-ay at pinanood nila ang mga players na nagsasanay.

Isa-isang kinilabutan ang mga nagsasanay at napatigil sila sa kanilang mga ginagawa, napalingon silang lahat sa direksyon nina Ma-ay at Hiraya. Naglalakad ang mga ito papalabas, nagkibit balikat silang lahat at muling itinuloy ang pagsasanay.

Lingid sa paningin ng iba ay nalukot ang mukha ni Dilan.

---

Tanaw ni Angeli ang gusali ng faculty sa di kalayuan. Sinenyasan niya si Esing na mauna maglakad, na siyang namang malugod na sinunod ng nahuli. Buo ang loob at puno ng determinasyong tinahak ni Esing ang daan, iniisip niyang ito na ang tagpo kung saan mapapaibig niya si Angeli, ang kailangan niya lamang gawin ay talunin ang mga halimaw na nasa faculty.

Nang marating nila ang pasilyo papasok sa faculty ay nagkatinginan silang dalawa. Tumango si Angeli kaya inumpisahan na ni Esing na buksan ang pintuan, napatigil siya bigla nang makita ang duguang bakat ng kamay sa handle ng pintuan. Napaatras siya at dumako ang tingin niya kay Angeli.

"May.. may dugo sa handle ng pinto." Kinakabahang itinuro niya ang nadiskubre.

"O, eh ano kung may dugo ang handle ng pinto?" Naningkit ang mga mata ni Angeli dahilan para mapayuko si Esing, muli ay akma niyang bubuksan ang pinto ngunit pumihit ito sa sarili nito at dahan-dahang bumukas ang pinto. Napalunok si Esing, nanginig ang tuhod niya pero may tumulak sa likod niya at tuluyang nabuksan ang pinto.

"Ah.. Angeli, bakit mo ako tinulak.. iiik?" Bago pa man matapos ni Esing ang sasabihin niya ay nagsara na ang pinto. Ginalabog niya iyon at pinilit na buksan ang pinto, nagsisisigaw siya at biglang nahintakutan nang may umihip sa batok niya.

"Mama.. iiiik!" Napasandal si Esing sa pinto at bumagsak ang puwet niya sa lapag dahil hindi na kinaya ng tuhod niya ang takot. Ayaw na ayaw ni Esing ang horror na genre at ni minsan ay hindi niya sinubukang pumasok sa loob ng horror house sa mga amusement parks. Agad na bumigay ang katawan niya dahil sobrang kilabot ang naramdaman niya nang maramdaman niyang may umihip sa kanyang batok.

"Mama...! Angeli! Angeli! Tulungan mo ako! Angeli!" Natupi ang katawan niya, niyakap niya ang ulo atsaka nagsimulang mangatog ang buong katawan.

Ilang minuto ang lumipas ay medyo kumalma ang katawan ni Esing dahil wala na siyang iba pang naramdaman. Ini-angat niya ang kanyang ulo, bumungad sa kanya ang mga nakakalat na kagamitan ng mga guro. Dumako ang tingin niya sa isang bagay. Bagay na ilang oras na nilang hinahanap; pagkain. Dali-daling kumalam ang sikmura ni Esing, napalunok siya at dahan-dahang gumapang papalapit sa pakete ng mga biscuits.

Lumingon siya sa paligid at nang walang nakitang ibang tao ay inumpisahan niyang kainin ang biscuit.

--

Naningkit ang mga mata ni Angeli nang makita ang dalawang tao sa harapan niya. Isang lalaki na may magulong buhok at natatakpan nito ang mga kilay at kalahati ng mata niya, ang isa naman ay babaeng may makinis na mukha at mapupulang labi. Parehas silang nakangiti sakanya kaya pakiramdam niya ay may binabalak na gawin sakanya ang dalawa.

"Sino kayo at anong kailangan niyo?" Tanong ni Angeli.

"Hindi na importante kung sino kami Angeli, ang importante ay malamanan natin ang kumakalam mong sikmura. Hindi ba ay iyon ang ipinunta mo rito?" Sinagot siya ng lalaki, napaatras siya dahil tinawag nito ang pangalan niya at binanggit din nito ang pakay nila.

Nila? Asan ang kasama niya? Asaan na si Esing?

"Anong ginawa niyo kay Esing?" Muling nagtanong si Angeli.

Nakita niyang nagtinginan ang dalawa kaya humakbang pa siya muli paatras. Nagbulungan ang babae at lalaki atsaka muling nagsalita ang lalaki, "Si Esing? Nasa loob siya ng faculty at kumakain na siya."

"Ang walang hiyang iyon! Teka, paanong nasa loob siya ng faculty eh magkasama lang kami kaninang naglalakad papunta dito. Hindi ko siya nakitang pumasok sa pintuan, nang mapalingon ako ay kayo ang nakita ko." Naguguluhan man ay alam pa rin ni Angeli ang mga nangyayari, ilusyon? Isang ilusyon ang ginamit nila! ILUSYON!

Nyiheng Pluhuhu!

Nakarinig si Angeli ng tunog na pinapakawalan ng isang kabayo, natunaw ang paligid at nakita niya ang isang halimaw sa likod ng dalawang tao.

"Ooow, I didn't expect that. Nadiskubre mo na isang illusion ang nararanasan mo? Wow, this gal is something. Anong masasabi mo Ma-ay, pasok ba siya sa banga?"

'Ano? Anong banga? Ma-ay? Anong pinagsasasabi ng lalaking to? Atsaka bakit nila kami ginamitan ng ilusyon?' Inihanda ni Angeli ang sarili at pumorma upang lumaban, level 9 na siya kaya may kumpyansa siyang kaya niyang talunin ang tatlong nilalang sa harap niya.