Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 43 - Kabanata 42: Execution (Huli)

Chapter 43 - Kabanata 42: Execution (Huli)

-----

"Tasyo.."

Sa isang madilim na ispasyo, wala siyang matanaw kundi ang walang katapusang kadiliman. Nakarinig siya ng isang tinig at para bang may pumasok sa loob ng kanyang isipan, isang ala-ala na nakabaon sa pinaka-ilalim ng kanyang utak.

"Tasyo..."

Nagpalingon-lingon siya kung saan pero wala talaga siyang makita, bumibilis na ang tibok ng kanyang puso at para na itong isang tambol na pinapalo gamit ang baston ng kaba. Napa-upo siya sa lapag nang madulas ang isa niyang paa, basa ng itim na tubig ang sahig at naramdaman niya ang lamig nito sa kanyang puwetan at sa isinandal niyang kamay.

Inangat niya ang kaliwa niyang kamay at tinitigan ito. Nanlaki ang mukha niya nang makitang may mukha sa kanyang palad, napapikit siya at iwinagayway ang kamay niya.

"Tasyo..."

Nagpupumilit siyang sumigaw pero walang boses na tumatakas sa kanyang lalamunan, umangat ng isa pang lebel ang kaba niya nang dumiin sa utak niya ang kanyang paglingap sa mga nangyayari. Tumayo siya at nagsimulang tumakbo kung saan. Gusto niyang umalis sa lugar na ito pero nahintakutan siya nang mapagtantong hindi siya umaabante kahit na ano pa ang pagtakbong gawin niya.

Napatigil siya nang makita ang isang nitso. Nakalutang ito sa ere, kulay pula at papunta sa direksyon niya. Hindi niya iyon napansin dahil nasa iisang parte lamang ng nitso ang kanyang tinititigan. Binasa niya ang pangalan na nakaukit doon.

"Ina..." Nanlulumo niyang bigkas.

"Ako nga Tasyo..."

"Ina! ang aking ina! Gustong gusto na kitang makita ina.. bakit mo ba ako iniwan. Hik, matagal na kitang hinahanap ina ko..." Niyakap niya ang nitso at inumpisahang alisin ang mga halamang ligaw na tumutubo sa gilid nito.

Binilisan niya pa ang paghalukay matapos niya muling marinig ang tinig.

Crack!

Nabitak ang nitso, isang tuyo at parang kahoy na kamay ang lumabas doon. Hinawakan nito ang kamay niya at napatigil siya sa paghahalukay.

"Tasyo, anak ko.."

Imbes na matakot ay napuno ng pag-asa ang kaibuturan niya, hinawakan niya nang mahigpit ang kamay at inilagay niya iyon sa kanyang mukha, tumulo ang kanyang inipong luha at para bang kasama nitong lumalabas lahat ng sama ng loob, pagka-inis, galit at ang samo't saring pakiramdam na naranasan niya dahil sa pagkawala ng kanyang ina.

"Samahan mo ako.. rito.. anak ko.. gusto kitang makapiling.."

Napangiti siya at tinitigan ang puntod. Purong kagalakan ang lumusaw sa unti-unti niyang pagtataka sa mga nangyayari.

Ang mga kaibigan ko paano na sila?

"Mag-isa lang ako rito anak.. gusto kitang makapiling.."

Sumumpa akong dadalawin ko ang puntod ni ina, pero kailangan ko munang protektahan ang mga kaibigan ko.

"Iiwan mo ba si ina para sa kanila.. gusto kitang makapili.."

Tumayo siya, tinitigan ang nitso at ang kamay ng kanyang ina. Matagal na niyang gustong madalaw ito, ngunit mas maigting ang kagustuhan niyang protektahan ang kanyang mga kaibigan. Sila ang mga taong nagbigay ng ilaw sa malamlam niyang buhay. Ang mga tawanan, biruan at ang mga pagsasanay nilang ginawa, lahat ng iyon ay bumuhos at pumuno sa kanyang sawing pagkatao.

"Anak ko.. iiwan mo ba talaga si ina?"

Umiling-iling siya at ngumiti, tinitigan niya ang kanyang palad, naroroon pa rin ang isang mukha. Inilagay niya iyon sa kaliwa niyang dibdib at taimtim na ipinangakong kahit na anong mangyari ay hindi niya iiwan ang mga kaibigan niya, hindi aalis ang patay na pero kahit na anong oras ay maaring mawala ang buhay ng kanyang mga kaibigan.

Hindi ako mawawala ina.

-

Nang dumilat ang mga mata ni Tasyo ay isang tinidor ang kanyang nasaksihang bumubulusok papunta sa mukha niya. Nakita niya rin ang luhaang mukha ng isang babae. Kagat nito ang dumudugo niyang labi at pansin na unat na unat ang bibig niya at mga mata.

Splat!

"Sunod."

Una palang si Tasyo sa mga papatayin ni Ma-ay at may siyam pa. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa sandatang gamit niya at nababawasan na ang durability non.

Ding!

[You killed a Player: Tasyo Kabaling Lvl.23

-You gained 23000 exp points

-1500 exp points due to level difference

-Dungeon effect exp X2

-Player killing effect exp X2

-8 stat points gained randomly

-a total of 98000 exp points and 8 stat points earned.]

Ding!

[Gained 10 levels]

-Level 17 (Exp: 7000/17100)

'Babyboy.. tama nga ang sinabi mo. Isa itong gold mine! Para sayo ang lahat ng ito babyboy. Gagawin ko ang lahat sa ngalan ng pagmamahal ko sayo.' Ipinagpatuloy ni Ma-ay ang pagpatay sa mga players.

Gamit ang Trident ni Duwende King Nuno, inisa-isa niyang basagin na parang pakwan ang mga ulo ng mga survivors ng amphitheater, gamit ang bigat nito at ang lakas niya sa paghampas. Puro Fatal Blow ang nakikita niyang pulang damage sa itaas na parte ng mga pinapatay niya.

Inilagay ni Ma-ay ang lahat ng stat points na nakuha niya sa strength na attribute at habang nababawasan ang mga players ay lumalalim din ang pagtama ng kanyang sandata. Pinulot niya ang isang short sword na nasa lapag at hiniwa ang leeg nila para alisin ang mga ulo ng players, inilagay ni Ma-ay ang mga tropeya sa loob ng inventory niya.

"Ikaw na ang pinakahuli, Dilan."

"Bakit? Bakit niyo ginagawa ito?" Kalmadong tanong ni Dilan, pinanood niya lahat ang ginawa ni Ma-ay. Matapos ang pangatlong pagpatay ay namanhid na ang utak at puso niya sa kalupitang nasasaksihan niya.

--

"Dilan.."

Hindi na uubra sa akin ang ilusyong ito. Naranasan ko na ito at hindi nayan muling eepekto pa sa akin. Inilibot niya ang paningin niya sa walang katapusang kadiliman, inaantay na lamang niya kung ano ang mangyayari. Naupo siya sa lapag at naramdaman ang lamig.

'Wala nang mas lalamig pa sa puso ng dalawang dyablon iyon. Mainit ang ibinibigay nilang giliw sa mga taong nakapalibot sakanila pero sa loob nito ay ang mga patay at malamig nilang mga puso.'

'Matagal na sana akong namatay, bago pa man dumating ang dalawang iyon. Kung hindi lang dahil sa kabutihang ibinigay sa akin ni Magdalya ay nahimlay na sana ang takot at duwag na damdamin ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabing may pagtingin ako kay Magdalya. Pero hindi na mahalaga iyon.'

'Purong kabaliwan na lamang ang nakikita ko sa mga mata niya. Ang magpalakas, sundin ang ini-uutos ni Manoy, gawin ang kahit na ano mang ipinapagawa ni Ma-ay. Iyon na lamang ang nasa isipan ni Magdalya. Wala na ang babaeng galit sa lahat pero mabuti ang puso. Parati siyang nagagalit sa mga yumao naming kasamahan pero inililigtas pa rin niya sila sa oras ng aksidente.'

'Hawak na siya ni Ma-ay at Manoy. Hawak na rin nila ang lahat ng mga natitirang tao sa gusali ng grade 11. Asan na ba ang inaantay ko?'

"Dilan.."

Ikaw?

Nalukot ang mukha ni Dilan at nagdilim ang kanyang paningin.

'Bakit sa dinami-dami pa ng makikita ko ay ikaw pa? Isa ka talagang dyablo Manoy.'

Nilapitan siya ng isang hubo't hubad na babae, napakaganda ng pigura nito at hindi niya napigilang mapalunok. Isang mahabang peklat ang nasa mukha ng babae, isang peklat na siya ang may kasalanan kung bakit niya ito nakuha.

'Wala akong binanggit na kahit na ano, o ipinakitang kakaiba tuwing kasama ko si Magdalya, papaanong nalaman nila ang tungkol sa pagtingin ko sakanya?'

Ginantihan niya ang mainit na yakap ng babae. Naisip niya, ito naman na ang huling hantungan niya ay gagawin na lamang niya ang gusto niyang gawin. Inihiga niya ang nakahubong babae at hinalikan iyon, tumulo ang luha niya nang maramdaman ang paghigpit ng yakap ng babae.

"Dilan... mahal din kita.. gusto kitang makasama dito, habang buhay..."

Tumango si Dilan at sinimulang makipagtalik sa babae. Ito ang unang karanasan niya pero wala na siyang pake kung ano pa man ang iniisip ng babae sakanya, ang tanging tumatakbong damdamin nalang sa puso niya ay ang kakuntentohan.

Nang imulat niya ang kanyang mata ay nasa loob siya ng isang silid, makikitang naglalakad ang mga tao paroon at parito. Hawak nila ang mga telepono at tuloy tuloy na kinakausap ang nasa kabilang linya. Tiningnan niya ang suot niya at napagtantong nasa loob siya ng isang oposina.

'Ang pangarap kong trabaho?'

Matapos ang isang kisap mata ay iba nanaman ang kanyang nakita. Sa harapan niya ay hawak ng isang babae ang isang sanggol. Kinawayan siya nito ay ikinaway din ng babae ang kamay ng sanggol na kinakarga niya. Lumapit ang babae at humalik sa mga labi nya at ipinasa ang sanggol, kinuha niya iyon at siya naman ang kumarga. Matamis ang ngiting pumorma sa mga labi niya at isang luha ang pumatak sa pisnge niya.

'Isa na akong ama at may magandang asawa, Magdalaya...'

Lumipas ang ilang kisap mata at iba't ibang bahagi ng buhay niya ang kanyang nasaksihan, naranasan at natapos.

'Kung pupwede lang sanang manatili sa panaginip na ito. Gusto ko man ay hindi maaari. Kinakailangan kong malaman kung bakit nila ginagawa sa amin ito, kung bakit at ano ang kasalanan namin...'

Natunaw ang paligid at dumilat ang mga mata ni Dilan.

--

"Ano ang dahilan at bakit ninyo kami gustong patayin?" Tanong ni Dilan sa babaeng dyablo. Nakita niya ang mga luhang pumapatak sa mukha nito, bukod sa mga luhang iyon ay ito ang nakita niyang bisyon sa kanyang isipan noong maglapat ang mga kamay nila.

"Dahil mahal ko si Hiraya."

"Hiraya? Hi-ra-ya? Hiraya!" Nakaramdam ng mainit na likido si Dilan sa kanyang lalamunan, tinakpan niya ang kanyang bunganga pero hindi niya napigilan ang pagbulwak nito, nagsuka nang dugo si Dilan.

May narinig si Dilan na tumatawa sa isipan niya, boses iyon ng isang matandang lalaki. Malagim at napakalalim ng tinig, patuloy itong tumatawa na para bang hindi ito magsasawa sa pinapanood nitong komedya. Mali, hindi si Ma-ay ang nakita niya sa kanyang bisyon, kundi ang may-ari ng makatindig balahibong tawa.

"Sino si Hiraya..?" Pinilit na tanungin ni Dilan ang gumugulong pangalan sa isipan niya, ilang saglit pa ay napagtanto niya kung sino ang tinutukoy ni Ma-ay.

"Bakit? Ano ang kasalanan namin sainyong dalawa?"

"Wala kayong kasalanan, ang mundong ito ang makasalanan at kami ang magsisilbing hustisya para sa mga nilikha niya." Ini-angat ni Ma-ay ang sandata niya at buong pwersang pinalo iyon sa ulo ni Dilan.

Ding!

[You killed a Player: Dilan Manabat Lvl.18

-You gained 18000 exp points

-Dungeon effect exp X2

-Player killing effect exp X2

-8 stat points gained randomly

-a total of 72000 exp points and 8 stat points earned.]

Ding!

[Level up]

-Level 36 (Exp: 57600/66600)

--

Sa loob ng amphitheater. Ang masaya at maingay na atmospera sa silid ay napalitan ng nakakasakal na katahimikan.

Tatlumput dalawa sila nang unang magkaroon ng mga tao ang amphitheater, ang unang beses na makipaglaban sila sa mga halimaw ay namatay ang ilan sa kanila, matapos ang ilan pang gabi ay naging labing dalawa nalang ang bilang nila.

Ilang araw ang lumipas ay nadagdagan sila ng tatlong tao at limang mga halimaw, nagsanay sila at nagpalakas kasama ang mga bagong dumating. Isang maligaya at kapanapanabik na karanasan ang natagpuan nila sa piling ng mga bagong dating. Hinatak nila ang mga kamay ng natitirang labing dalawa patayo sa puwang ng kanilang mga kabaong.

Labing anim sila noon pero ngayon ay lima na lamang sila. Nakaupo at nakasandal sa pader ang tatlong players at dalawa sa mga ito ay nakahiga sa hita ng isang babae.

Walang gustong magsalita. Ayaw nilang basagin ang katahimikan dahil oras na mangyari iyon ay hindi nila mapipigilang bumugso ang kalungkutan at kasawiang nararamdaman nila.

Bumukas ang pinto ng amphitheater at pumasok ang isang lalaki doon. Pumasok ang liwanag sa loob ng silid at nakita nila ang mahabang anino ni Hiraya.

"Tommorow we will leave... pero bago yon, may isang gabi tayo para ipagluksa ang kamatay nila."

Tumakbo sina Makaryo, Magdalya at Angeli para salubungin si Hiraya. Niyakap nilang tatlo si Hiraya dahil nakita nilang rumaragasa ang luha sa mga mata niya. Lalong humigpit ang pagkakayakap nilang tatlo sa kanilang idolo nang marinig nila ang hikbi ng isat-isa.

'Fucking shit! I struck it rich! Ang daming skill books at loots na nalaglag sa mga katawan nila. Shiz, killing players really gives you treasures. I better do this again.'

Nagkatinginan si Hiraya at Ma-ay. Tinangoan nila ang isa't isa atsaka ngumiti.