Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 46 - Kabanata 44: God Tier

Chapter 46 - Kabanata 44: God Tier

(Hiraya)

Bumalik na kami sa club rooms building, andirito kami sa dati naming tinutuluyang silid.

Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan, the usual meat festival na may kasamang stat points at stamina points. I've prepared enough para sa isang buwang pagkonsumo pero wala sa intenyon kong patagalin pa nang isang buwan ang pamamalagi sa dungeon na ito. If ever na makahanap ako ng mas masarap na monster meat ay itatapon ko lahat ng naipon kong pagkain.

The double exp ended a while ago kaya naman kailangan naming maghanap ng panibagong dungeon, in RPGs maraming klase ng dungeon and they are scattered all around the world map.

"Make your preparations, bukas ay pupunta tayo sa Grade 12 building." Matapos kong lunukin ang kinakain kong barbeque ay pinaalalahanan ko sila sa susunod naming gagawin for tommorow. Napatingin sila lahat sa akin, tumango ang magkapatid tsaka si Amgeli, and as for the two, yumuko sila at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain. Shiz...

"Hindi pa tapos ang dungeon, stop sulking because marami pa tayong kailangang tapusin." Damn, nagiging nagger na ang dating ko. I should stop being over excited about everything.

Lalong lumalim ang pagkakayuko nina Makaryo at Magdalya. Shiz, whatever. Maybe we could take a break? I mean this two, hindi sila makakapag perform ng maayos kung hindi pa sila nakaka-move on sa mga naganap, shiz.. I forgot, hindi nga pala ako sila, well.. masasanay din naman sila sooner or later.

Nang matapos ko ang pagkain, nilapitan ko si Ma-ay at niyakap siya, agad naman niyang inilapit ang tainga niya sa bibig ko, "I need to sort things out." bulong ko, tumango naman siya kaya binitawan ko ang pagyakap. Tumayo ako at naglakad papalabas ng silid.

"Tagapagligtas, saan ka pupunta?" Napatigil ako saglit nang marinig ang boses ni Makaryo. I gestured na kailangan kong mag-bawas. Tumaas ang dalawang kilay niya at tumayo siya pero pinigilan siya ni Magdalya. Umiling si Magdalya kaya nagtaka si Makaryo.

Naningkit ang mata ko pero agad ko iyong binawi, ngumiti ako sa kanilang dalawa at kumaway, "See you later."

'Ma-ay, keep track of their movements.' Binuksan ko ang telepathy at nagsalita sa linya.

'Yes babyboy. Alam ko na ang dapat gawin sa oras na may gawin silang kakaiba. Tayo? Wala pa rin ba tayong gagawin? Hihihi.'

Nakaramdam ako ng pag-init ng pisnge at sinabi kay Ma-ay na sumunod nalang siya mamaya sa akin.

Now, now, now. Naglakad ako sa madilim na pasilyo ng building, napakamot ako ng ulo nang maramdaman kong namimiss ko ang katahimikang ganito, wala akong marinig kundi ang pagtibok ng puso ko at ngayon ay kaya ko nang marinig ng tainga ko ang pagdaloy ng dugo ko. Ang tunog na ginagawa ng bituka ko kapag nagsasara ang sphincter[1], ang paggalaw ng mga kinain ko sa loob ng aking tyan.

Ang kumplikado na ng pandinig ko pero I find it interesting and at the same time amazing, maybe because my stats are higher, o baka dahil sa mga skills ko. Point is, my senses hightened so much na pakiramdam ko ay baka marinig ko na rin ang pagpapalitan ng information ng mga neurons ko. Crazy, right?

Ding!

[Congratulations]

-acquired the basic passive skill: Enhance Hearing

Tinitinigan ko ang malamlam na liwanag na pumapasok sa mga bukas na bintana papunta sa silid. Dumako ang paningin ko sa mga pader at nakita ang ilang patong ng lumang pinturang ginamit doon, malamang ay tinipid nila ang pintura at hinaluan ito ng maraming tubig. I looked at the decripit and old furnitures inside the room too, gusto kong malaman kung ilang taon na ang puno bago ito pinutol at kung ilang taon na ang lumipas simula ng mabuo ang muwebles. Kung maaari ko lamang na makita kung papaano ito ginawa at kung ano ang mga pinagdaanan nito sa kamay ng mga lumipas na oras.

Ding!

[Congratulations]

-acquired the basic passive skill: Enhance Sight

Itinigil ko ang pagtingin sa mga gamit na nasa loob ng silid, naglakad ako at napatigil nang maamoy sa hindi kalayuan ang isang kakatwang halimuyak, I don't know what it is, pero base sa pang-amoy ko ay maasim ito, may bawang at sibuyas, hmm... atsara?

Binuksan ko ang pinto at pinasok ko ang silid, sinundan ko ang halimuyak at dinala ako nito sa isang kabinet. May mga larawan doon at nakita ko ang ilang group pictures ng mga studyante, iba't iba ang year levels nila. Inabot ko ang isang larawan at tinitigan iyon panandalian habang inaabot ko ang handle ng bukasan, oh.. it is slightly opened.

Tuluyan kong binuksan iyon at nakita ang ilang plastic na garapon, yung parang lagayan ng peanut butter na tinda ni aling Nena. Inilapag ko ang larawan at inabot ang plastic container kung saan ko naaamoy ang halimuyak. Binuksan ko ang may bitak na container then the smell wafted and my olfactory sense went to another level of happiness matapos pumasok ang halimuyak sa ilong ko.

I think I could smell how they made this, ang amoy ng ginisang bawang, sibuyas at luya, ang amoy ng bagong pitas na papaya... I felt I could smell every last piece of ingredient na bumubuo sa master piece na ito.

Ding!

[Congratulations]

-acquired the basic passive skill: Enhance Smell

Matapos kong amuyin ang langhap sarap ng atsara, I dipped my fingers inside at kumurot ako ng kaunting laman nito. I relished the the sweet and sour taste na natikman ko nang lumapag ang bits and juices ng atsara sa dila ko. Damn this is hella tasty! Filipino dishes are the best!

Inubos ko ang laman at ipinagpatuloy na usisain ang bawat lasa ng mga ingredients na meron ang atsara nato, nang hindi ako makontento ay inabot ko ang isa pang plastic container at tinikman muli iyon, shiz! Tiningnan ko ang container at nakita ang pangalang nakalagay doon, ikinumpara ko ang pangalan sa naunang garapon ng atsara. Makes sense, magkaiba ang lasa nila dahil magkaiba ang gumawa.

Ding!

[Congratulations]

-aquired the basic passive skill: Enhance Taste

Inalis ko ang sarili ko sa aking trance-like state. Ang hirap kapag sarili mo mismo ang hinihipnotize mo. But I pulled through, now that I collected all of the 6 senses, baka naman puwede na akong mabigyan ng seventh sense? Oh my, by the way.. nakuha ko na ang Enhance Touch matapos kong pag-experimentohan ang katawan ni Angeli.

Hindi ko magawa ang mga algorithm ng skill kapag wala ako sa trance-like state, I figured out na kailangan subconsciouly kong gagawin ang mga iyon matapos kong makuha ang skill habang hinihimas ang bawat parte ng katawan ni Angeli, I don't know okay.. ang nasa isip ko noon ay para bang nasa harapan ko ang isang painting, it was so mesmerizing I couldn't help but to touch every nook and cranny of it. Nang magising ako sa trance-like state ay nakuha ko na ang skill na Enhance Touch.

Awesome right? Minsan nga nababadtrip na ako sa paghahanap ng mga algorithms ng system but it interests my curiosity at tuwing ma-a-accomplish ko ang isang algorithm ay natutuwa ang puso ko, come on now.. don't believe that guy, mainit at tumitibok pa ang puso ko, I'd be dead kapag malamig na ito.

Ding!

[Congratulations]

-Due to the acquiriement of all the basic Enhance Senses skill series, all six senses are combined into a unique active skill.

-Unique active skill: Sensory Convolution[2]

-Collect four more senses to upgrade from unique tier skill to god tier skill.

Mother fucker!

Bakit ba ayaw niyong ibigay sa akin ang seventh sense? At ano tong Sensory Convolution nato? Tangina naman! Wait what? God Tier skill? Damn.. shiz.. may god tier skill? Welp, makes sense dahil noong kailan lang ay nakakuha ako ng title mula sa isang Goddess. I just didn't expect to discover it gamit ang mga experiments ko sa senses. Talk about convenience.

'Sensory Convolution'

Tinitigan ko ang description ng skill at hindi napilang mapalunok dahil nawala agad ang interes ko sa skill at napunta iyon sa mother fucker na isinasayaw ang puwet niya sa mukha ko. In-activate ko ang Mayari's Blessing, Haste, Empower, Mind Control at lahat ng iba pang skill na kailangan ko.

Iniatras ko ang isa kong paa at inihanda ang gagamitin kong kamao, I stepped forward then twisted my waist at nagpakawala ako ng max output ng power sabay sinuntok ko ang walang hiyang animal na nagdidikit ng puwet sa mukha ko.

Nakita ko siyang lumingon sa akin pero huli na ang lahat, this is what happens when someone messes with my face.

BOOM!

Pinanood ko siyang mabura sa kawalan kasama na ang kalahati ng isang silid sa ikalawang palapag. Mother fucker, that's what you get!

[Fatal Blow]

Ding!

[You Killed A Galang Kaluluwa Lvl.12...]

Shit! Galang Kaluluwa? Oh my, nakalimutan kong gamitan ng skill na Identify sa sobrang inis ko. Shiz.. I felt fury again pagkatapos kong maalala kung gaano kaitim ang butas ng kuyokot niya. Tangina lang. I swear pagkatapos ng mga Tikbalang sila ang isusunod ko.

And what the fuck is wrong with this skill anyway, wala akong nakitang monster kanina, not even the passive skill Battle Sense, isang intermidiate na passive skill on top of that, it did't give me any signals at all. Isang level 12 lang na monster ang isang iyon pero hindi ko man lang siya naramdaman?

Binalikan ko ang unique skill na Sensory Convolution.

[Unique active skill: Sensory Convolution | Beg.Lvl.1 Exp: 05.77%]

[Effects]

Moderately further enhance the senses: x00.75

-Sight

-Hearing

-Smell

-Taste

-Touch

-Danger

-????

-????

-????

-????

[Misc]

-Can convolute senses(2)

-Level up the skill to convolute more senses

-Level up the skill to upgrade multiplier

Oh my!

Fucking god!

What a treasure! Hindi ko napigilan ang sarili ko na gamitin ulit ang skill. Kanina habang chini-check ko ang skill ay Danger at Sight sigruo ang na-activate, damn that mother fucker. Pinili ko ang sense of sight at hearing.

Nakita ko sa palibot ng katawan ko ang mga letrang lumututang.. What the fuck is going on?

'Anong kaputahan ang nangyayari?'

Putangina ano to?

'Putangina ano to?'

Arg shit! In-off ko ang skill at nawala ang mga lumulutang na letra sa harapan ko, nakakahilo ang mga lumututang na letra na umiikot sa paligid ko.

Wait.. Woa, woa, woa! Is that really what I think it is? Damn OP! Nababasa ko ang sarili kong iniisip, literal na binabasa! May lumilitaw na mga letrang representasyon ng kung ano ang iniisip ko.

Susej, anong klase ng skill ito?

Nakarinig ako ng mga takbuhan papunta sa silid nato. Nice, sakto paniguradong magugustuhan nila ang mga atsara.

----------

[1] Sphincter (Tagalog ay Spinkter)- ring shaped muscle na makikita sa mga parte ng lamang loob, nagsisilbi itong entrance or exit ng mga bagay, likido etc.. example ay sa puwet pag pinupulot mo tae mo.

[2] Convolution (Tagalog ay Kahukutan) - ayoko ng diksyonaryong definition, gets mo naman na siguro ang meaning ng convolution base sa skill ni Hiraya. Kung hindi ay ito nalang, tini-twist ng skill ang senses ni Hiraya at pinagsasama or ini-integrate niya ang magkaibang senses forming another sense.

Bait yung title, walang god tier skill si Hiraya.