(Hiraya)
Matapos kong mag-explain kung bakit may butas ang silid sa itaas na palapag, of course I wont tell them na may mother fucker na nagpapakita ng puwet niya at inilalapit iyon sa mukha ko.. so I told them I was just trying some new skills I got. Binili naman nila ang benta kong palusot kaya sinabi kong kunin nila lahat ng mga atsara na nakatabi sa kabinet.
-
I am inside the amphitheater right now at nasa tabi ko ang isang lalaki, nasa loob pa din siya ng Earth Cage ni Ganit. I forgot this dude's name already and I wont waste my precious mana para lang i-identify siya kaya pinabayaan ko nalang ang bitchass nato habang magkasama naming tinititigan ang mga inilabas kong loots sa inventory, oh by the way, laging dala ni Makaryo ang bag / inventory ko kaya kinuha ko ito noong magkita-kita kami sa silid ng atsara.
Idagdag ko na rin pala na may mga cooking utensils na natagpuan sa loob ng silid nayon, sadly.. kinakalawang na at hindi na puwede pang magamit. Iniwan nila yung kalan at gasul dahil sira na at wala nang laman but I was happy because na-isip ko ang idea na baka puwede ko ring kontrolin ang output ng fire spell gaya ng pagkontrol sa lumalabas na apoy kapag nagluluto. Naiisip ko na ang isang fire swords sa magkabilang kamay ko. Interesting right?
Back to my treasure trove.
"Ah, kuya? Baka pwede namang pakawalan mo na ako? Ahh, ang pangalan ko pala ay Esing."
Napalingon ako sa nagsalita, hehehe hehe he... I couldn't control my laugther nang matuklasan ko ang test subject na naghihintay sa akin para magamit ko siya.
"Gusto mong maka-alis dyan?" Tanong ko habang pinupulot ko at ina-identify ang mga items sa lapag. Oh my, maganda ang effects ng isang ito.
"Oo, gustong gusto ko kaya baka sana pwede mo na akong pakawalan. Sayong sayo na si Angeli, tutal wala naman siyang gusto sa akin... bla bla bla.."
Ding!
[You have 5 pieces of mana potion, would you like to combine?]
Oh my? Matapos kong tingnan ang isang item na wala namang kwenta para sa akin, dumako ang tingin ko sa siyam na mana potions na napulot ko. Nagtaka ako kung bakit ngayon lang lumabas ang notification na ganito. Hmm.. bakit kaya? Damn... I can't think of any plausible reason but whatever, combine then.
Ding!
[Congratulations]
-You have unlocked the intermidiate rank Identify's sub-skill: Synthesize.
Oh my! Nadagdagan ng isa pa ang 21 active skills ko. Nice! Kaya pala.. dahil intermidiate na ang skill na identify.
Ding!
[System Warning]
-You don't have the materials to make a Medium Grade Potion, would you like to continue?
Continue my ass. No! Fucking bitch, pagkatapos ng lahat ng excitement na naramdaman ko ay hindi ko rin naman pala magagamit, tangina paasa. I really need to find a way para magawa ko ang algorithm ng alchemy. Oh my, wait a minute.. don't have the materials to make.. materials? Chem Laboratory! Kailangan kong pumunta sa chem lab! Bakit ngayon ko lang naisip ang chem lab, shit!
I'll go there later then.
"Oy, hoy.. HOY!"
"Mother fucker ano ba? Magkatabi lang tayo sigaw ka ng sigaw animal ka." Nilabas ko ang isang short sword at ibinaon ko iyon sa hita niya.
"Ahhh! Patawad, hindi napo master.. wag kana magalit master, patawad na."
Binunot ko ang short sword at ibinalik iyon sa inventory. After ng ilang salitang filler ay binalikan ko ang pag-identify sa mga loots.
Done.
May 32 na skill books at 57 na items.
Man, if this isn't a treasure trove then what is? Just kidding, I suddenly remembered that I've collected every single Item and Skills in an RPG game, gamit ang lahat ng playable characters of course and they're max leveled too. That is what you call a treasure trove for a gamer. Pay to win ang account ko, bakit ba? Afford ko kaya ginawa ko.
Having this kind of loot is not bad for someone na nag-uumpisa pa lamang, right? Come on now, sampung player at fifty na monsters para sa isang hapon ng bakbakan. Not bad right?
-
Ang mga skill books na nahulog ay ang Monster Book, Cure Wounds, Seer, Night Cloud, Crushing Fist, Pyromance, tatlong Evasion, tatlong Slash, dalawang Pierce, siyam na Vampire Transformations, limang Basic Martial Arts, at apat na Consume.
-
Ang Monster Book ay galing sa bangkay ni Barolyo, swerteng nahulog ito dahil kailangang kailangan ko ang skill na ito. I could use Identify yes, but that guy said na nakikita niya kung ano ang pinakamainam na pangontra sa mga monsters. Like that Vampire Underling, kung may item daw kami na pupuwedeng magprovide ng holy power.. then mas madali sana nilang mapapatay ang mga monsters, like hell I'll provide them with that kind of thing. In-activate ko ang skill book at nagliwanag ito, natunaw na parang yelo sa apoy ang skill book at pumasok iyon sa gitna ng mga kilay ko.
Nakareceive ako ng notification na natanggap ko na ang skill, EZAF.
-
Ang Cure Wounds naman ay galing sa bangkay ni Paloma, pinag-iisipan ko pa kung i-a-active ko ang skill book dahil baka kainin lang ng Health Steal na skill ko. Screw it, kapag kinain ng Health Steal then mag-a-upgrade ang skill ko. In-activate ko ang skill book, the same thing happened and luckily, nomal na skill ang natanggap ko.
Ginamitan ko ng Cure Wounds ang tumahimik nang lalaki, mabagal ang paghilom ng sugat niya kaya inilapit ko ang nagliliwanag na palad ko sa hita niya. There.. mas effective kapag hawak ko mismo ang sugat. Oh my, hehehe hehe he, maghihilom kaya ang certain sugat kapag hinawakan ko yon? Of course not idiot, paano pa magagamit kung magsasara na ang sugat?
Next!
-
Ang Seer na skill book naman ay hinatak ko sa ilalim ng tyan ni Dilan, mother fucking guy. I heard from Ma-ay he woke up at pinanood niyang patayin ni Ma-ay ang mga kasamahan niya. Atleast pinanindigan niya ang pagiging duwag niya.
Napansin kong bumalik ang pagtingin sa akin ni Dilan na may pag-aalala, not the concern for someone else but yung uri ng concern na kinakabahan siya baka mahuli kong bumalik ang binura naming memory niya.
The guy was too much of a coward, binigyan ko siya ng pagkakataon para sabihin ang gusto niya pero ang ginawa niya ay magparinig lang. Like hell na papatulan ko ang mga sinabi niya. That mother fucker, I should have personally killed him. Ooops shiz, chill.. relax.. hingang malalim, buga.. Done.
The skill's effects are weird and kinda abstract. Bibigyan ang user ng forseeable future kung saan makakaranas ang user ng mortal danger. Yun lang at wala nang iba. What the hell is this skill? Damn that mother fucker, patay na nga konsimisyon pa...
-
Next is the Vampire Queen's special skill, Night Cloud. You know the effects already so that is done. Magiging magandang skill combo ito kasama ng Mayari's Blessing. Magkakaroon ako ng pang-debuff sa kalaban at buff naman para sa sarili ko. Ito rin ang ginamit ko para patayin siya within 1 second with 23 slashes from my Moon God's Kampilan. Binabalak ko nang pataas ang attribute ng AGI after marating ng VIT attribute ang 200th mark, by then.. mas maraming slashes na ang magagawa ko.
I activated the skill book, oh my! Nakita ko ang mukha ni Corazon at nagkatitigan kami, what the hell? Imbes na matunaw ang skill book at pumasok sa gitna ng mga kilay ko ay hinalikan ako ng lumulutang na mukha ni Corazon.
Ding!
[Congratulations]
-You have consumed a skill book from one of the Vampire Gods Linage.
-Find a vessel for the Vampire Queen Corazon and ressurect her, a special reward will be given upon completion.
Ding!
[Obtained Vampire Queen's soul]
Ding!
[Obtained the skill Night Cloud]
Oh my fucking bitch!
Another one from the Gods questionable series huh. This is the second time na mababasa ko sa isang system announcement ang salitang God, first was from the time na binigyan ko ng pag-asa si Makaryo, something about earth faction. At ngayon naman ay isang linage with a ressurection quest. Atleast my nag-aantay na special reward, hindi gaya ng iba dyan, mahal daw ako pero iniwan ako dito para magpakabaliw.
What kind of RPG story is this shit? Saan na patungo ang tinatakbo ng kwento. Ano to, after ng mga dungeon boss ay mga Gods and Goddesses naman ang sunod?
That old bitch...
-
Sunod ay ang Crushing Fist, hinatak ko naman ito sa tadyang ni Biloy. Ah shiz, remebering that guy and Makaryo.. magkayakap sila habang natutulog. Shiz, nakakapanindig balahibo tapos pag magtinginan sila at magtawagan ng bro. Whatever, the guy is dead anyway.. just let him rest in pieces oh I mean peace.
The skill is pretty awesome. Mayroong plus crushing damage kapag umatake gamit ang kamao, oh my! Nakalagay sa skill na puwedeng i-charge ang skill, every second will add 10% damage.. a ten seconds charge will give me a 100% boost in power. Woa... Kapag ichinarge ko ang skill gamit ang lahat ng stamina ko ay aabutin ito ng 106 seconds, a probable 1060% damage output! Of course I can't do that during battles.
Interesado ako kung papaano gumagana ang skill, nang mareceive ko ang notification na pwede ko nang magamit ang skill ay tumayo ako at binuhat ang Earth Cage kasama ang laman nito sa loob. Inilapag ko ito sa sulok at lumayo ako ng sampung metro.
'Crushing Fist'
I felt my stamina being consumed matapos kong i-activate ang skill, nagliwanag ang kamao ko, tinitigan ko ito and at napansin ko na naiipon ang enerhiya sa palibot nito. Naiipon.. sa palibot.. can I gather it in a one single point..?
Oh, it did.. oh shit, shit, shit.. Its gonna blow..
Pinakawalan ko ang suntok papunta sa direksyon ng Earth Cage at sa laman nitong player.
BOOOOOOM!
Tinitigan ko ang dust cloud at ang damage na nagawa ko sa paligid. Awesome! Himalang hindi ako nakareceive ng kill announcement kaya bumalik akong muli sa maliit na treasure trove ko. I casted Cure Wounds on my mangled right arm, durog ito hanggang siko.