-----
Madilim ang kalangitan dahil natatakpan ng makapal na ulap ang buwan ngayong gabi. Malakas ang pagbuhos ng ulan, maririnig ang dagundong ng kulog at kapag-kuwan ay lumiliwanag ang paligid gawa ng kidlat na gumagapang sa himpapawid. Malakas ang ihip ng hangin at niyuyugyug nito ang mga sanga ng puno, dahilan para malaglag ang mga dahon.
Isang babae ang tumatakbo sa gitna ng di mabilang na mga puno, hinahabol siya ng mga kinalaban niyang halimaw at iilang metro na lamang ang layo ng mga ito sakanya.
Tinalon niya ang isang punong natumba at muli niyang ipinagpatuloy ang pagtakas, narinig niya ang mga hiyaw ng halimaw sa likod niya pero hindi na niya iyon nilingon pa.
-
Matapos ang countdown at ang notipikasyong natanggap niya ay hindi niya inaasahan na maabutan na lamang niya ang mga halimaw sa kanilang baryo. Ang bahay na tinitirahan nila ay nasa isataas ng isang talampas, doon ay may simpleng baryo na may ilang dosenang kabahayan. Kakaunti rin lang ang populasyon nila at sa ngayon ay hindi na niya alam kung ilan nalamang ang natitirang bilang.
Nagsimula ang sakuna walong araw na ang nakakalipas, may mga grupo ng anyong taong nilalang ang sumugod at umatake sa kanilang baryo. Ang buong akala ng mga magulang niya ay mga naligaw lamang itong manlalakbay, kaya naman hindi nila sila tinaboy. Hindi lamang nila sukat akalain na matapos ang pagpapatuloy nila sa mga inakala nilang manlalakbay ay nagsimula silang pagpapatayin ng mga ito.
Nagpapalit anyo ang mga halimaw, ang ilan ay kagaya ng itsura ng isang kalabaw, ang ilan naman ay kambing at ang iba panga ay itsurang tao. Gamit ang mga sungay, kamay, paa at ang kakaibang anking lakas ng mga ito ay nagawa nilang kalahatiin ang populasyon sa loob lamang ng ilang minuto. Ang mga nakatakas naman ay nagsitakbuhan sa iba't ibang direksyon.
Ang babaeng kasalukuyang tumatakas ay tumakbo papunta sa direksyon ng kanyang skwelahan para humingi ng tulong. Hindi siya pumasok noong araw na iyon dahil ang nasa isipan niya ay patapos naman na ang pasukan, ano lamang kung hindi na siya pumasok sa takdang araw nito, naglaro na lamang siya sa kanyang selpon. Kung sana lamang ay pumasok siya noong araw na iyon ay hindi niya sana naranasan ang malagim na sinapit niya.
-
"Huff huff, wala na sila. Huff, mabuti na lamang at nagawa kong makatakas." Tumigil siya sa ilalim ng puno ng saging. Sinilip niya ang mga hinog na prutas at tuwang tuwa niya itong pinitas.
"Haay, tatlong araw na simula nang magkahiwahiwalay kami nila Hulito at Karla, kamusta na kaya sila? Sana ay nagawa rin nilang makatakas." Ilang saging pa ang pinitas niya, pinili niya ang mga hinog at iniwan ang mga hindi pa. Ilang puno ng saging ang pinuntahan niya para mangolekta ng mga prutas nito.
"Hindi naman siguro magagalit si Aling Maring, konti lang naman ang kinuha ko sa taniman nila." Inilibot niya ang paningin niya at naghanap ng pupwedeng masilungan. Nakita niya sa di kalayuan ang mas maraming kumpol ng mga dahon ng saging, tinakbo niya ang maputik na lupa at umupo siya sa ilalim nito.
"Nako ka Klawdya, ayusin mo nga ang sarili mo, laging sinasabi sayo ng nanay mo na huwag kang iyakin." Pinunasan ni Klawdya ang tumutulo niyang mga luha, hindi ito pansin dahil basang basa ang buhok niya at tumutulo doon ang tubig ulan. Ilang minuto na siyang humihikbi pero hindi pa siya tumatahan.
Ang malakas na pagbuhos ng tubig ulan ay sinasabayan ng mga mata niya habang inaalala ang mga naranasan nitong mga nakaraang araw. Lumipas ang oras at huminto na ang ulan, pero hindi natapos ang kalungkutang nararamdaman niya. Gaya ng paglubog ng mga paa niya sa maputik na lupa, lumulubog na rin sa kawalan ang nagdurugo niyang puso.
Humawi ang madilim na ulap at lumapag sa kalupaan ang liwanag ng buwan. Napatingin si Klawdya sa kalangitan at pinagmasdan ang bilog na buwan. Pakiramdam niya ay tinatawag siya nito, "Nagdedelehiryo kana ata Klawdya, tinatawag ka ng buwan? Hibang lang ang mga nakakaisip ng ganoon."
Muling pinunasan ni Klawdya ang kanyang luha, ilang patak ang nalaglag sa kanyang pisnge. Nasilaw siya bigla sa lumitaw na kumikinang na ilaw sa kanyang uluhan. Tinitigan niya ang buwan dahil para bang may nagsasabi sa kanya na hawiin ang mga dahon ng saging at tingnan ang pinagmumulan ng liwanag.
"Baka dahil sa mga iniisip ko kaya ako nahihibang." Iniling iling ni Klawdya ang ulo niya pero hindi pa rin nawala ang pakiramdam at ang mahiwagang liwanag sa kanyang uluhan. Hindi na niya natiis ang mga nangyayari kaya sinunod na niya ang kakaiba niyang nararamdaman.
Matapos niyang hawiin ang mga dahon ng saging ay nasaksihan niya ang isang kakatwang bagay, kumikinang na puso ng saging, "May lason kaya ang mga kinain kong saging? O kaya ay isa itong sikretong malupit ni Aling Maring? Baka isang kayamanan ang puso ng saging na ito?" Imbes na mamangha ay kinausap ni Klawdya ang sarili niya at hindi pa rin kumbinsido sa mga nangyayari, iniisip niya paring nagdedelehiryo lamang siya dahil sa gutom at nakalimutan ang mga skill niya.
Pinikit niya ang mga mata niya at kinuskos iyon, muli niyang tinitigan ang puso ng saging, nanlaki ang mga mata niya dahil para bang naiipon ang liwanag sa dulong patusok na bahagi ng puso ng saging. Inulit niya ang pagkuskos sa mata niya at nang dumilat siyang muli ay napagtanto niyang hindi nga siya nagdedelehiryo. Pinanood niya ang mga sumunod na nangyari gamit ang nanlalaki niyang mga mata, matapos ang ilang minuto ay nawala ang naiipong liwanag pero hindi ang bagay na nabuo gamit iyon.
Nalaglag ito at sinalo iyon ni Klawdya.
Ding!
[Congratulations]
-You obtained a mythical item - Mutya.
-Consumable
'Ha? Ano to? Wow mythical ang isang ito!'
Napanganga si Klawdya sa kanyang natuklasan. Narinig na niya ang tunog na iyon ilang araw na ang nakalipas. Kasabay ng nakita nilang napakalaking kamay sa kalangitan ay noong araw na rin na iyon ang pag-atakeng nangyari sa kanilang nayon. Natanggap niya rin ang notipikasyon ng countdown.
Tinitigan ni Klawdya ang mythical item na Mutya, muling nakaramdam si Klawdya ng pagtawag sakanya. Nilingon niya ang kalangitan at nasilip ang bilog na buwan. Isang kakaibang bagay ang nangyari, para bang pina-iilawan siya ng buwan at nang ilibot niya ang kanyang paningin sa paligid ay tama nga ang hinala niya. Bukod sa puwesto niya ay wala nang iba pang liwanag ng buwan sa paligid.
Tumagilid ang ulo niya at nawawalan na siya ng tiwala sa hawak niyang mutya.
"Identify!"
[Mutya - Mythical Tier]
-Receive a blessing upon consumption
-Receive a title upon consumption
-Receive a unique skill upon consumption
-Receive a permanent boost in attributes upon consumption
*A mythical essense from the Moon Goddess
Gusto nang itapon ni Klawdya ang item matapos niyang mabasa ang mga bibigay nito sakanya kapag kinain niya ito pero nagtalo ang isipan niya sa ilang mga bagay, galing sa nakaraan at galing sa kasalukuyan. Nanalo ang kasalukuyan at muli niyang tinitigan ang mutya.
-
Lumaki si Klawdya sa isang pamilya ng mga mangangaso, kilala ang pamilya nila dahil sa matulungin niyang mga magulang. Naalala niya ang pinakabilin sakanya ng kanyang ama at ina; 'Huwag na huwag kang tatanggap ng mga bagay mula sa hindi mo kilalang tao'.
Sinanay siya ng kanyang mga magulang na maghanap ng sarili niyang pagkain, sinanay din siya na alagaan ang sarili niya, sinanay siyang tumulong sa kapwa at ibalik ang tulong na natanggap kahit na ano man ang mangyari. Sinanay din siya na dapat niyang paghirapan ang lahat ng mga gusto niyang bagay. Maraming aral ang natutunan ni Klawdya mula sa kanyang mga magulang habang tumatanda siya at lumalawak ang pag-iisip.
Ang kanyang ama ang nagsisilbing tagapamahala ng baryo nila at ang kanyang ina naman ay tumutulong sa mga residente. Sila ang nagpatuloy sa mga halimaw at alam ni Klawdya na hindi nila iyon kasalanan pero sinisi ng mga magulang niya ang mga sarili nila matapos mangyari ang sakuna. Kinalaban nila ang mga halimaw at napatay ang ilan, pero hindi nila kinaya ang lakas at dami ng mga halimaw kaya naman sa huli ay napatay ang kanyang mga magulang.
-
Dahil kadalasang ubos ang oras niya sa mga pagsasanay, gawaing bahay at sa skwelahan, ang tanging nagbibigay aliw sakanya ay ang paglalaro ng online games.
Bumababa siya ng talampas dahil mahina ang signal doon, tanghali ng araw na iyon ay pumunta siya kabilang baryo para maglaro ng paborito niyang online game, ang Terapinoyia[1]. Ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa siya ay dahil sa mga karunungang bigay ng online games, matapos niyang matanggap ang notipikasyon ay agad siyang bumalik sa baryo sa talampas ngunit huli na ang lahat ng siya ay makarating. Naabutan na lamang niyang nakikipaglaban ang kanyang mga magulang sa mga halimaw.
Gusto na ni Klawdya na tumakas sa mga oras na iyon dahil sa takot pero alam niyang kapag tumakas siya ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Habang nakikipaglaban ay pilit siyang kinumbinsi ng kanyang ama na tumakas pero nagmatigas siya at tumulong na kalabanin ang mga halimaw.
Dala ng mga binitawang salita ng kanyang mga magulang bago sila pumanaw, na sana ay ipagpatuloy niya ang mabuhay at humanap ng paraan para tulungan ang kanilang mga kabaryo ay tumakbo si Klawdya pabalik sa kabilang baryo pero gaya ng lugar nila ay may mga halimaw rin na umaatake roon. Wala siyang nagawa kundi ang pumili ng ibang direksyon at napili niya ang direksyon papunta sa skwelahan niya.
May dalawa pang baryo bago ang skwelahan at nakasalubong niya sa daan ang kanyang mga kababata, sina Hulito at Karla. Ilang araw din silang nagkipaglaban sa mga halimaw pero sa isa sa mga pakikipaglaban nila ay naaksidente siya at dumausdos sa isang may kataasang bangin, maswerteng tumama ang katawan niya sa mga punong kahoy, galos at gasgas lamang ang natamo niya.
Ginamot niya ang sarili gamit ang mga halamang gamot na nahanap niya, marami siyang natuklasan patungkol sa system at may iilan na rin siyang skills na naipon. Ipinagpatuloy niya ang paghahanap ng tulong at isang araw ay nakasalubong niya ang mga grupo ng halimaw na siyang humahabol sa kanya kanina, tumakbo siya at nakatakas.... ngayon ay tinititigan niya ang isang mythical item mula sa isang diyos.
-
Dahil pinili ni Klawdya ang kasalukuyan, determinado niyang ipinasok sa bunganga niya ang mutya na kasing laki ng itlog ng pugo, gusto niya sanang nguyain ang item pero natunaw iyon na kusa matapos itong lumapag sa kanyang dila.
Ding!
[Consumed the mythical item Mutya]
-Gained a blessing from the Moon Goddess: passive skill Prayer - boosts the user's regeneration rate during night.
-Gained the title: Babaylan
-Gained unique skill: Ritual
-Gained 30 stat points per attribute
*Find the Moon God's Lover to upgrade the skills.
"Hmm? Kailangan kong hanapin ang Moon God's Lover? Sino naman yon? Nako Klawdya ano tong pinasok mo? Sabi ko na nga ba at may kapalit ang bagay na ito eh, sabi ko na eh! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tutal kailangan kong maghanap ng tulong, baka sakaling mahanap ko rin ang lover ng diyos na yon, isa pa ay malaking tulong ang bagay nato kaya't maano man lamang na gawin ko ang pinapagawa sakin?"
Tinitigan ni Klawdya ang buwan sa kalangitan at nawala na ang pagtawag nito sakanya pero napasimangot siya nang makita ang para bang linya na ginagawa ng liwanag ng buwan.
"Wow Klawdya ang angas ng system mo, may tracking line sa mapa mo para mahanap ang sinasabing lover ni Moon God." Sinundan ni Klawdya ang linya at tinahak niya ang madilim na daan papunta sa kanyang quest. Ang nasa isipan niya ay baka isang NPC ang hinahanap niya at kailangan niya itong kausapin para ibigay nito ang upgrade sa kanyang skill.
Ilang oras ang lumipas, nakasalubong niya ang ilang mga halimaw at sa pagkakataong ito ay walang hirap niya silang natalo. Pinatay niya lahat ng halimaw na sumasagabal sa kanyang daan hanggang sa marating niya ang tarangkahan ng kanyang skwelahan.
"Andito siya? Baka isa siyang studyante o baka naman ay guro? Baka yung pogi naming principal? Ano pang hinihintay mo Klawdya pasukin mo na para mahanap mo na ang NPC." Nilakad ni Klawdya ang waiting shed at nagpunta sa maliit na gate sa tabi ng guard's station. Pinasok niya iyon at nakatanggap siya ng isang notipikasyon.
Ding!
[You have discovered a newly created dungeon, Ag-biyag-kuma Dungeon!]
*Ag-biyag-kuma Dungeon - a very old high school that is currently monster infested.
-All players inside this dungeon will be labeled as monsters temporarily (Remaining Time: 143 hours 17 minutes 56 seconds).
-Killing a player will give a random number of stat points ranging from 1-15 and a doubled amount of exp.
-Parties are temporarily banned.
[Welcome to the dungeon!]
-You are currently inside a newly discovered dungeon, [Ag-biyag-kuma Dungeon]
-Available Spawn Points: 14/20
-Dungeon Boss: (Remaining time before spawning: 527 hours 17 minutes 53 seconds).
WOW!
WOOOOOW!
---------------
[1] Terapinoyia - ito sana ang title ng book nato kung natuloy na virtual gaming at light lang ang story.