(Hiraya)
"Leave no one alive." Matapos kong magsalita ay agad akong sumugod papunta kay Corazon. I've been wondering if this bitchass can take one of my punches.
Nang makalapit ang mga vampire knights sa akin ay pinagsasampal ko ang mukha nila paalis, I controlled my strength because I don't want to kill them. Kailangan nilang ubusin ang stamina ng mga players kaya naman pinatalsik ko sila papunta sa direksyon nina Makaryo.
Nag-umpisa ang labanan sa pagitan ng mga players at vampire knight pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Narinig ko ang mga boses nina Ma-ay at Ganit, kasama na ang mga alaga namin habang nakipaglaban, ang usapan namin ni Ma-ay ay i-eentertain nila ang mga Dukes habang kinakalaban ko ang Queen. I know they can do well on their own.
Nagkatitigan kami ng vampire queen matapos kong huminto isang metro mula sa kinatatayuan niya. I checked her out again, gaya nang unang beses ko siyang makita ay ganoon pa rin ang ayos niya.
[Vampire Queen Corazon Lvl.30(Max)]
Health points: 3000/3000
Mana: 2250/2250
Stamina: 1250/1250
Strength: 57
Agility: 61
Vitality: 68
Intelligence: 93
Night Cloud: Release a dark fog covering a radius of 30m around the caster.
Summon Familiar: Create a ???? ??? ????? ???
Health Steal: ????
????
????
(Stats is higher during the night. Stat increase: 50%)
-
Oh my, noong unang beses ko siyang gamitan ng Identify ay Night Cloud lang ang nakita kong skill niya at ang iba ay puro question marks na.
"Gamitin niyo ang mga health potions niyo, huwag kayong magtipid habang nagku-cooldown ang healing spells ng mga healer!"
Narinig kong sumigaw si Magdalya, I gave them two each at tig-isa naman nilang mana potion. I hoarded every potion they looted, hindi naman nila kailangan dahil sa nakaraang laban nila ay labing dalawa laban sa apat, and I also specifically told them not to rely on potions during fights.
"Kssss!"
Nagliwanag ang lapag at may nakita akong naka-ukit na mga simbolo at letra sa loob ng isang Magic Circle. Well, hindi ko alam kung ano ang tawag doon, I just named what I saw basing it sa mga nilaro kong RPG. Dalawang Vampire Dukes ang dahan-dahang lumitaw palabas sa magic circle. Hindi ko napigilang batuhin ng short sword ang isa, I was curious if madidisconnect siya sa magic circle kung makareceive siya ng damage.
And it's gone.
Tama ang hinala ko, nakareceive ako ng notification at binigyan ako ng 12k exp. Of course kasama na sa computation ang double exp ng dungeon at double exp ng skill ko. Sinunod kong batuhin ang isa pa pero tuluyan na itong nakalabas sa magic circle, sinubukan nitong sampalin palayo ang itinapon kong short sword pero hindi niya kinaya ang 104 na strength sa pagbato ko. Sumabog ang kamay niya at kasama siyang tumalsik paatras.
Itinigil ko ang pagsubok sa lakas nila, I was too strong for them. The time is not yet ripe, sinugod ko ang natitirang familiar. The vampire queen dodge away matapos kong mag-fake ng pagtapon sa short sword, umatake ang vampire duke gamit ang natitirang niyang buong kamay; nakita kong humaba ang kuko niya at papunta sa leeg ko ang pinakawalan nitong pagtusok.
I jabbed five times matapos kong i-activate ang Haste na skill, tumama ang suntok na pinakawalan ko sa matutulis na kuko ng vampire duke atsaka ako umilag pakanan, sakto lamang para magmintis ang atake nito sa akin.
I've learn a lot of simple techniques habang pinapanood ang pagte-training ng mga survivors ng amphitheater, I can't use them well yet pero para sa mabagal na vampire duke na ito ay pupuwede nang gamiting pantapat.
Umilag ako nang may marinig akong bumubulusok na hangin papunta sa direksyon ko, yumuko ako and a vampire duke went wheezing above my head. Napatingin ako sa likod ko at nakitang tumatakbo si Ma-ay para sundan ng atake ang pagtalsik ng isang vampire duke.
Nagsalita ako sa linya ng telepathy papunta kay Ma-ay, 'Don't kill it. Ibigay mo na yan sa mga duwende, we need the lowest level possible remember? Bugbugin mo lang ha, nararamdaman ko ang over excitement mo sa pakikipaglaban.'
Lumingon siya sa akin at kumindat, tumalon siya at inapakan ang mukha ng vampire duke sa lapag, gorgeous!
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa vampire queen. Kalmado pa rin ang mukha nito na para bang wala lang sakanya na sinasakop namin ang kanyang teritoryo. Nagliwanag bigla ang mga hikaw niyang suot, nakita kong nagpakawala ito ng itim na awra.
"Mother fucker! Bro, nabuhay ulit ang mga vampire knights na pinatay ko!"
"Wag magpanic.. wag magpanic... wag kayong magpanic!"
"Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo..."
Oh my, I need to get that earing! Hmm, would I look like... gay if I use that? Damn it! Hindi papalagpasin ni Ma-ay ang hikaw nayan. I need to give it to her!
Hindi kayang i-ressurect ng earrings ni Corazon ang mga vampire dukes, tough luck. Mas marami sanang exp na makukuha ang mga alaga namin kung pati sila ay nabuhay muli. They need more time.. kailangan ko na ring bawasan ang buhay ng boss monster na ito, malapit nang matapos ang channeling spell ng Tikbalang Princess... Five more minutes and we will start the execution.
In-equip ko ang bag at lumitaw sa magkabilang kamay ko ang dalawang short swords, in-off ko agad ang inventory... this is the last two weapons that I have. Sinugod ko ang vampire queen, oh my... finally, nag-dilate ang pupils niya nang makita niyang ilang inches nalang ang layo nang mga mukha namin.
I wanted to back slap her face using my left hand pero mabilis siyang naka-ilag at hangin lang ang tinamaan ko. I followed the attack by throwing an upper cut gamit talim ng short sword, dumaplis ang atake ko sa pisnge niya at nagkaroon siya ng hiwa. Tsk.. I really hate this low chance na ma-dismember ang kalaban ko. It would have been done if I cut her head in half. Or maybe not, tatlong libo ang buhay niya kaya hindi basta basta na lamang mamamatay ang vampire bitch nato.
Tumalon ako papalayo at gumawa ng distansya. Muli kaming nagkatitigan at sa sumunod na segundo ay naunang umatake ang vampire queen, tinagilid ko ang ulo ko para iwasan ang pagkalmot niya.. sinalo ko ang atake sa katawan ko at dumanak ang dugo. Tumalsik ang mapulang likido sa katawan ng vampire queen, I saw her face turn ghastly. Dinilaan niya ang kuko niyang duguan at naghilom ang sugat niya sa pisnge.
Health steal? Using blood? Ang akala ko ay kailangang kainin at lunukin para gumana ang skill, no.. maybe we have some variation sa ginagamit naming skill. Hindi siya human, or again.. maybe she was a past human at naging monster.. maybe that's the reason why, iba ang paggamit namin sa skill.
Kung bakit ko sinalo ang atake ng vampire queen ay para malaman ko kung gaano kataas ang damage na marereceive ko, and she damaged me a hundred and fifty. Medyo malalim ang sugat kaya mataas ang nabawas sa akin, but with the help of Resilience and Pain Tolerance, nagreregen na ang buhay ko at hindi ko ramdam ang sakit. Idagdag pa na tumataas ang stat points ko habang nababawasan ang buhay ko dahil sa title na Pain is My Friend, this is great. I'll use her to level up my skills.
Ilang ulit pa kaming nagpalitan ng atake, sinalo ko lahat ng mga kaya kong saluhin na hindi ako napupuruhan. My remaining hp went down to 50%, habang siya naman ay 70% nalang. Don't get it wrong, sinasadya kong bawasa niya ang buhay ko at sadya rin na konti lang ang ibinabawas ko sakanya. Nabasa ko na ang paraan niya ng pag-atake at kung gaano kabilis ang reaction time niya.
I'd probably blow her head off gamit ang Empower at Haste, nakuha ko ang Empower after mag 100 ng str attribute ko, nababalutan ng pulang awra ang katawan ko at may 20% strength bonus ako. With the right timing at solid na atake, this vampire queen would be dead. Pero hindi iyon ang pakay namin dito. Inaantay kong gamitin niya ang skill na Night Cloud. Maybe below 60% ay papakawalan na niya ang skill.
30 more seconds at magiging ready na ang Grand Illusion. Kailangan ko pang bawasan ang buhay ng vampire queen.
'Are you done?' Tanong ko sa linya ni Ma-ay.
'Yeah babyboy. Handa na ako.' Malungkot pero determinadong sagot ni Ma-ay.
This is now or never. Pinagpatuloy kong bawasan ang buhay ng kalaban ko, ilang sampung mga segundo pa ang lumipas ay nakita kong umitim ang mga mata niya. Is that it?
Parang umutot ang vampire queen at nagpakawala siya ng maitim na usok. Narinig ko ang mga daing at reklamo ng mga survivors ng amphitheater. Nasaksihan ko ang pagtaas real time ng stats ng vampire queen. Umatake ito papunta sa direksyon ko, ito na ang simula nang totoong labanan.
I promise to remember and never forget.
'NOW!' Utos ko sa linya ni Angeli at ng Tikbalang Princess.
In-activate ko ang unique skill na Mayari's Blessing. Mas luminaw ang paningin ko dahil sa effect ng night vision. Itinaas ko ang kamay ko at binitawan ang short sword. 'Moon God's Kampilan' Lumitaw sa kamay ko ang isang armas. Naramdaman kong tumaas ang lebel ng kakayahan ko, I felt the genuine feeling of being powerfull. Using all of my stat providing skills and titles, inilagay ko sa harapan ko ang Kampilan.
Tumigil ang Vampire Queen na si Corazon, nanginginig ang tuhod niya dahil sa intermidiate level 5 na Strike Fear. Oh my, I guess this monster feels fear too. Narinig ko ang pagbagsak ng mga katawan sa paligid. Kinausap ko si Ma-ay na gawin na ang kailangan niyang gawin.
Matapos ang ilang minuto ay narinig kong nagsalita si Ma-ay sa linya, 'Mahal na mahal kita Hiraya'
This is for the best.
There is no reason to escape hell.
I've embraced it for a long time now.
Hindi ako isang hipokrito. Ito ang totoong ako.
Ito ang pagkataong himulma ko simula nang ako ay magkaroon ng sariling malay.
Hindi mo na kailangang gamitin ang kapangyarihan mo sa akin Sumulat. Handa na ako para sa tunay kong purpose.
[Handa kanang maging apoy?]
Yes, and I swear. Sa pinakahuling hiraya na ito! Papatayin kita.
[Good, tihihi that's my good bitch right there.]
Fuck you and your sick games.
[Matagal na tayong naglalaro, pero kahit kailan ay hindi ako nagsawang gawin ito. Tihihihi, you will be my bitch forever at hinding hindi mo iyon matatakasan.]
Enough! I don't like your creepy old voice. Damn you.
[Maraming salamat sa maraming sakripisyo sa pagkakatong ito, bitch!]
--
Now, your time has come. Inihanda ko ang Kampilan, tumalon ako papunta sa direksyon ng kalaban at mabilis kong narating ang katawan ng Vampire Queen, humiwa ako ng dalawamput tatlong beses at dine-activate ang lahat ng skills na ginagamit ko. Dalawamput tatlong beses sa isang segundo, that's my limit? I need more power. Narinig kong lumapag sa sahig ang pira-pirasong katawan ni Corazon.
Ding!
[Congratulations]
-You have successfully killed Vampire Queen Corazon.
-Dungeon Spawn Point Conquered.
-S rating
Calculating rewards...
Ding!
[Basic Rewards]
-plus 5 levels
-plus 20 stat points
-basic passive skill: Sword Mastery
Ding!
[Special Rewards]
-Vampire Queen's Curse
-Rare active skill: Vampire King Transformation
-Title: The Betrayer
-Title: Mad Killer
--
Binasa ko ang mga notification at napanganga. Damn! Sobrang epic ng mga nakuha kong rewards! Shit, inasahan ko na ang +5 na levels dahil nakuha ko na yon matapos kong ma-conquer ang spawn point ni Duwende King Nuno. Ang hindi ko inaasahan ay ang mga nadagdag na rewards, lalong lalo na ang special rewards, though I kinda cringed matapos kong mabasa ang dalawang panibagong title ko.
Shit!
How am I suppose to make friends now? Lalong pinapalala ang kasamaan sa mga natatanggap kong titles. What a mess!
'Let's go. Tapos na ang pakay natin sa lugar na ito Ma-ay.'
Unti-unting naglaho ang Night Cloud matapos mamatay ni Corazon, wala na rin ang tunog na pinapakawalan ng portal. Pinulot ko ang mga items na ibinigay ng vampire queen.
Nice! Inilagay ko sa harap ng mukha ko ang pares ng hikaw at sinuri iyon. 'Identify'
[Corazon's Ruby Earrings - Orange Tier]
+500 Mana
+15 Charm
Item active skill: Soul Removal - can separate a part of the user's soul and plant it to another body.
Item passive skill: +1 level to all passive skills.
Mother fucker!
Talk about accessory item. This is one of those epic tiered item sa isang RPG, dalawa lang ang attribute enhancement pero malaking tulong ang +1 sa lahat ng passive skills. The item's active skill is kinda sick too. Ma-ay will love this earring for sure. Pinulot ko pa ang ibang mga items at maliban sa earrings ay inilagay ko lahat ang mga iyon sa loob ng inventory.
"Hey, may regalo ako sayo Ma-ay, paniguradong magugus.." Napatigil ako nang may biglang yumakap sa likod ko.
"Stop acting na wala lang sayo ang mga ginawa natin."
"Oh, okay.. Im sorry." Niyakap ko si Ma-ay at dumako ang tingin ko sa mga bangkay na nasa sahig.
Good, they're all dead.
Nakita kong lumapit sa amin si Angeli. Malamlam siyang ngumiti sa akin at ginantihan ko iyon. Tinangoan ko siya at sinenyasan na bilisan ang paglapit. Binitawan ko ang pagkakayap kay Ma-ay, "Take her and your sister. I'll do the rest. Magkita-kita tayo later."
Pinanood kong umalis sila Ma-ay, bitbit niya na parang prinsesa si Ganit. Mahimbing itong natutulog sa mga bisig niya. Si Angeli naman ay nakasunod sa dalawa.
Ginising ko sina Makaryo at Magdalya. Naunang nagising si Magdalya at nalukot ang mukha niya nang masaksihan ang pugot na katawan ng mga kasamahan niya.
"Anong nangyari! Anong nangyari sakanila Manoy? Ba.. bakit.. paano sila namatay?" Naghisterikal si Magdalya at nakita kong rumagasa ang luha sa mga mata niya. Tsk..
"Kasalanan ko! Patawad Biloy hindi kita naprotektahan. Argg. Wala akong kwenta, wala akong kwentang lider! Isa akong malaking kapalpakan. Tagapagligtas anong gagawin ko? Pinabayaan kong mamatay si Biloy sa harapan ko. Tagapagligtas, sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin..." Napakamot ako ng ulo. Ano bang malay ko sa mga nakita at naranasan niyo sa Grand Illusion ng tikbalang princess.
Niyakap ko silang dalawa, "Hindi pa huli ang lahat, buhay pa kayong dalawa. At andito pa ako. Dadalhin natin ang mga ala-alang iniwan nila sa mga isipan at puso natin. Ipagpapatuloy natin ang mga kahilingan nila. Para sa mga sakripisyo nila, kailangan nating magpakatatag at mabuhay."
Naramdaman mong humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Magdalya, I felt a burning sensation on my face. Hinagod ko ang buhok niya at pinunasan ang mga luha niya. "There, there, stop crying now okay."
"Ipaghihiganti ko si Biloy, tagapagligtas. Kailangan kong ipaghiganti sina Dumangin, Alun... ang mga kaibigan ko." Pinaghalong pag-iyak at galit ang ekspresyon sa mukha ni Makaryo.
"I will help you get your revenge." Suhestyon ko kay Makaryo.
"To.. totoo ba ang sinasabi mo?" Tumahan na si Magdalya, itong isa nalang ang umiiyak pa. I put my hands on his shoulders.
"Maasahan mo ako, para saan pang magkaibigan tayo kung hindi kita tutulungan?" Napayuko siya, pinunasan niya ang mga tumutulong luha sa mga mata niya at tumango siya sa akin.
Good!
"Mauna na kayo, inaantay na kayo nila Ma-ay sa baba. Ako na ang bahala dito, mas mabuti pang magpahinga na muna kayo." Wala sa sarili silang tumango sa akin, pinanood ko silang lumabas ng silid. Inakbayan ni Makaryo si Magdalya at pinatahan nila ang isa't-isa.
Dumako ang tingin ko sa mga bangkay sa sahig.
Now then. How many skill books did you drop?