Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 38 - Kabanata 37: Ligtas na Ako

Chapter 38 - Kabanata 37: Ligtas na Ako

-----

"Oh my, sorry.. Ako nga pala si Manoy at ito namang kasama ko ay si Ma-ay at ang alaga ko na nasa likod namin ay isang tikbalang."

'Ano daw? Alaga? Hmm, mukha namang hindi sila naghahanap ng away. Pero bakit nila kami ginamitan ng ilusyon kung hindi naman pala sila mga kaaway? Pasok sa banga? Isang pagsusulit?' Napangiti si Angeli dahil napagtanto niyang nalagpasan niya ang pagsusulit.

'Hindi gaya sa mga grupo sa cafeteria na kung sino-sino lang ang tinatanggap ay may ginagawang pagsusulit ang dalawang ito, idagdag pa na may alaga silang halimaw, at kung hindi ako nagkakamali ay ang mga nakitang halimaw ni Esing ay alaga nung babaeng nakikipaghabulan sakanya.' Nabuhayan ang loob ni Angeli.

"Gusto kong sumali sa grupo niyo. Kung maaari sana ay payagan niyo ako! Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa grupo!"

Nakarinig ng pagtawa si Angeli, napanganga siya dahil nakahawak sa magkabilang pader ng pasilyo ang dalawa habang tinatapik ang mga tiyan nila.

Parehas na natawa si Hiraya at Ma-ay, hindi nila inaasahan ang sinabi ng ni Angeli. Ang pakay nila ay takutin ang dalawa pero nabulilyaso ang plano dahil natigil ang ilusyon, para kontrahin ang ilusyon ay kailangan mong mapagtanto na nasa loob ka nito at doon mo lamang mahahanap ang daan palabas.

Ang dahilan kung bakit sila tumawang dalawa ay dahil sa ipinaking ekspresyon sa mukha ni Angeli, para siyang barakong dalagang pilipina na nahihiya habang isinisiwalat ang kanyang pag-ibig.

Kilos lalaki at pormang lalaki, pero mabini ang boses at nahihiyang nagproklama ng kagustuhan.

'May nakakatawa ba sa sinabi ko?'

Huminto si Ma-ay sa pagtawa, tumingin siya kay Angeli at sinabi, "Okay sige tanggap kana. Paano mo pala nalaman na ilusyon lang ang mga nakita mo kanina? Naranasan mo na? May skill ka ring ilusyon?"

"Ah, oo may skill akong ilusyon. Mababa lang ang level pero alam ko kung papaano gamitin at kung papaano tumatakbo ang mga nangyayari sa isang ilusyon." Sumagot si Angeli, ito na ata ang pinakaunang katotohanang sinabi niya simula nang magsimula ang apokalipto.

Hinuha lamang niya pero nakikita niyang tagusan ang tingin ng dalawa sakanya na para bang isa siyang bukas na libro at binabasa nila ang bawat galaw at sinasabi niya. Kaya naman walang patutunguhan kung magsisinungaling lamang siya, mas mabuti na na magsabi siya ng totoo.

"You heard that tikbalang princess? Go train some more, kapag kaya mo nang lokohin lahat ng tao sa amphitheater ay tsaka na natin pag-usapan ang pagbalik mo sa mga kauri mo. Now go."

Napanganga si Angeli dahil pinagsisipa ng lalaki ang alaga niya raw na tikbalang. Idagdag pa na tinawag niya itong prinsesa. Napuno ng katanungan ang isipan ni Angeli at napatingin siya ng mariin sa lalaki.

"Oow, isang naughty girl, gusto ko yang tingin sa mga mata mo pero uunahan na kita, ako ang first priority. Tandaan mo yan hihi."

Napalunok si Hiraya sa kanyang narinig at napakamot siya ng ulo.

Napangiti si Angeli kay Ma-ay, "No prob. Ang tipo kong lalaki ay yung may ibubuga, nakita kong kahit pinagsisipa niya ang tikbalang kanina ay walang pagrereklamo sa mga mata nito bagkus ay puno ito ng kagustuhang ipagmalaki siya ng kanyang amo. Isang magiting na ginoo ang kayang pasunurin ang isang halimaw."

Magkasunod na dalawang beses ang ginawang paglunok ni Hiraya. Lalong namula ang mukha niya at ikinatuwa iyon ni Angeli. Lumapit ang nahuli at idinikit nito ang katawan niya sa braso ni Hiraya, hindi naman nagpatalo si Ma-ay at dinuplika ang ginawa ni Angeli.

Hotdog sandwich!

--

Nagbukas ang pinto ng faculty at lumabas doon ang isang lalaki, may hawak itong biscuit at nagmamadali siyang lumingon pakaliwa at pakanan, namataan niya ang tatlong tao, nasa gitna nila ang isang lalaki. Nagningas ang mga mata ni Esing nang makitang si Angeli ang isa sa mga babaeng suma-sandwich sa lalaki.

"Bitawan mo si Angeli hayop ka!" Pagalit na sigaw ni Esing sa lalaki.

"Ooof, level 6, 35 str, 11 agi, 10 vit at 11 int. Walang title at dalawang skill - basic active skill na Find Food at Straight Punch. Mas malakas pa ang mga aso ko kumpara sayo, mas mababa kapa sa hayop." Inisa-isa ni Hiraya ang mga nasa status screen ni Esing na siyang ikinagulat ng nahuli. Napa-atras siya pero inhihanda niya ang sarili para lumaban.

"Wow, may Identify ka ding skill?" Manghang tanong ni Angeli, lumundag ang mga malalambot niyang dibdib sa braso ni Hiraya.

"Oh yeah, why?" Nagkatinginan si Hiraya at Ma-ay, parehas nilang naisip na maraming alam na mga skill ang bago nilang recruit. Nakakapagtaka at hindi nila inaasahan pero alam nila parehas na hindi lang sila ang matalino at resourceful sa loob ng skwelahang ito.

Kung tama ang hinala ni Ma-ay na marami silang kasamang players at naghahanap nga ng pagkain ang dalawang ito, ibig sabihin ay mga tauhan sila. Pero bakit agad na gustong sumali ni Angeli sa grupo nila?

Napatingin ang dalawa sa nagsisisigaw na lalaki. Napatango silang sabay dahil napagtanto nilang umalis ang mga ito o pupwedeng sabihin na umalis ang babae at sinundan siya ng lalaki para magpasikat.

"Isa sa mga dati kong kasama sa cafeteria ay may ganyan ding skill, pero hindi lahat ng stats ay nakikita niya. Pangalan, level, buhay, mana at stamina lang ang kaya niyang makita. Pero ikaw, pati mga attributes, skills at title ay nakikita mo. WOW!" Nagningning ang mga mata ni Angeli habang pinupuri si Hiraya.

"Angeli, pumunta ka dito at aalis na tayo sa lugar na ito. May nahanap na akong pagkain natin, tapos na ang pakay natin sa lugar na ito." Nagngingitngit sa galit ang mga ngipin ni Esing, sobrang higpit na ng pagkuyom niya sa kanyang kamao. Hindi pa niya kahit kailan nakita ang ekspresyon sa mukha ni Angeli habang kasama niya ito, at idagdag pa ang sobrang pagkakadikit ng mga katawan nila ay pakiramdam ni Esing ay puputok na siya sa galit.

"Hindi mo ako pagmamay-ari Esing para utusan mo ako ng ganyan at isa pa ang sabi nilang dalawa sa akin ay marami silang pagkain at sabi nila ay sasama na ako sakanila." Sabi ni Angeli habang nakahawak sa kamay ni Hiraya.

Muling nagkatinginan sina Ma-ay at Hiraya. Naiilang silang tumawa ng mahina, wala naman silang sinabing marami silang pagkain at siya rin ang nagpumulit na isama ang sarili niya sa grupo nila Hiraya.

Binuksan ni Hiraya ang telepathy at doon sila nag-usap ni Ma-ay.

-

"Ano? Bakit ka sasama sa mga yan? Kabago-bagong kilala mo palang sakanila, anong malay natin baka mga masasamang tao sila? Halika na at bumalik na tayo sa Grade 7 building, mas ligtas tayo doon dahil may nagbabantay doong multo. Ligtas ang buong palapa... Akkk, gahkk.!"

Naputol ang sinasabi ni Esing nang mawalan siya ng balanse, umikot ang paningin niya at matumba sa lapag, napapikit siya dahil nauntog ang kanyang ulo. Nang idilat niya ang mga mata niya ay sobrang lapit na ng mukha ng lalaki sakanya.

Nagulat si Angeli nang masaksihan ang mga nangyari. Isang segundo ay hawak niya pa ang lalaki at isang segundo muli ay hawak na nito si Esing sa kwelyo. Blink skill? Tanong ni Angeli sa sarili.

Maski si Ma-ay ay nagulat sa inaksyon ng kanyang babyboy, naramdaman niya ang pag-aalala sa isipan ni Hiraya dahil konektado sila ng telepathy. Narinig niya ang isang pangalan na sinabi ni Hiraya at napuno rin ng pag-aalala ang damdamin ni Ma-ay.

-

'Ano ang nangyari, kanina ay malayo pa siya sa akin ah. Ugg, inaagaw niya sa akin si Angeli! Magbabayad ka!'

Wala pa ata sa isipan ni Esing na nasa panganib siya, kinain na ng selos ang damdamin at utak niya. Inundayan ni Esing si Hiraya ng suntok at napatulala ito nang hindi na niya maramdaman ang kanyang kamay.

"Shit! Babyboy, stop!" Mabilis na tumakbo si Ma-ay para awatin si Hiraya, alam na niya kung saan papunta ang mga mangyayari sa puntong makita niya na umatake si Esing.

"Oh my god! Esing.. ang kamay mo!" Nahintakutang sigaw ni Angeli.

"Ahh! Ahhhhhh! Ang kamay ko, putol na ang kamay ko! Ahhhh!" Nang marinig ni Esing ang sigaw ni Angeli ay tsaka lang dumiin sa utak niya ang nangyari, pinanood niyang sumirit ang dugo niya sa mukha ng lalaki pero nang mapatingin siya roon ay para bang hindi nito ramdam ang mainit na dugong tumitilamsik sa mukha niya.

"Saan mo nakita si Totoy! Eksakto kung saan. Sabihin mo sakin at bubuuin ko ulit ang katawan mo." Kalmado ang mukha ni Hiraya pero napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Hinihintay pa rin siya ni Totoy, andodoon pa rin ang malungkot na batang iyon. Hindi napigilan ni Hiraya na putulin ang isa pang kamay ni Esing dahil ayaw nitong magsalita.

"Gaaaaah! Ahhhh! Tulong, please tulungan nito ako! Parang awa niyo na! Ahhh ang mga kamay ko!"

Hindi na nagawang lumapit pa ni Angeli at pinanood na lamang niya ang mga nangyayari, napasinok siya nang makita ang mga mata ni Hiraya, takot man ay agad siyang sumagot, "Sa unang palapag, dulong silid ng gusali. Maraming mga buto ng mga bata sa loob ng kwarto, doon namin siya nakita. Paminsan minsan ay umaalis siya doon at isang beses ay nakita ko siyang tumatanaw sa direksyon nato."

Nawala ang makapanindig balahibong titig ni Hiraya kay Angeli, tumayo siya, lumapit at sinabi, "Salamat sa information, You have the qualifications to join us. Malapit na kaming magtanghalian at tapos na rin siguro sila Magdalya sa kanilang hunting parade. Sumama ka na sa amin mamaya at makisalo."

Napatanga si Angeli saglit pero agad na nagningning ang mga mata niya nang mapagtanto ang mga narinig. Nawala na sa isipan niya ang pag-aalala kay Esing, nagulat siya nang mapatingin dahil buo na ulit ang mga kamay nito. Anong nangyari? Healing spell?

"Babyboy, pwede nating magamit ang isang ito. Ano sa palagay mo?" Matapos i-heal ni Ma-ay si Esing ay kinausap niya si Hiraya.

"Yeah, idagdag natin siya sa mga vampire knights." Sagot naman ni Hiraya at nagpogi pose siya para umisip pa ng mga paraan na pupuwedeng magkaroon ng silbi si Esing.

"Let's go."

"Yeah, sounds good to me. Let's go. You too come with us."

Masayang sumunod si Angeli sa dalawa.

--

"Kamusta magandang binibini, ang pangalan ko pala ay Biloy." Iniabot ni Biloy ang kamay niya sa babae, nagulat sila nang makita na may dalawang panibagong studyanteng kasama si Manoy at Ma-ay. Nagtaka rin sila kung bakit puno ng dugo ang uniporme ng lalaking walang malay.

"Ha, Angeli ang pangalan ko, nice to meet you bro." Bruskong sabi ni Angeli at nakipagkamayan kay Biloy.

"Ooops. Bro zoned."

"Bro. Ginagawa mo?"

Humarap si Angeli sa mga studyante ng amphitheater at ipinakilala niya ang sarili niya. Isa-isa namang nagpakilala ang mga studyante at nginitian niya rin ang mga ito. Doon sa cafeteria ay walang makikitang nagngingitian at nababatiang mga tao, puro pag-papalakas at pagkikipagtalo lamang ang mga ginawa nila. Pakiramdam ni Angeli ay hindi siya nasa loob ng isang impyernong dungeon kundi ay nasa camping site siya at masayang ini-enjoy ng mga tao rito ang dungeon.

Ang mga tao sa cafeteria ay walang inatupag kundi ang pumatay ng mga monsters, mag-isip ng paraan kung papaano nila papatayin ang mga kasama nila na walang makakadiskubre at maghanap ng pagkain para lamang sa sarili nila, samantalang dito ay naabutan niya silang nag-eensayo, ang iba ay nagluluto at ang iba naman ay nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Ibang-iba ang atmospera sa loob ng silid na ito. Hindi napigilan ni Angeli na mamasa ang kanyang mga mata. Matapos siyang pansamantalahan ng isang lalaki noong nasa gym pa siya ay pinutol niya ang kanyang mahabang buhok, itinapon niya ang uniporme niyang pambabae at pinalitan iyon ng panlalaki, kumilos at nagsasalita na rin siya na parang lalaki at ang lahat ng iyon ay para itago ang takot na nararamdaman niya kapag napapaligiran siya ng mga lalaki.

Dalawa sa sampu ay mga babae, iyon ang ratio ng mga survivors na nasa gym. Kaya naman hindi maiwasan ng mga binatilyong kabataan na pag-agawan ang mga babaeng survivors. Wala nang batas na pumipigil sa mga masasamang loob na gawin kung ano ang gusto nilang gawin. Iyon ang dahilan kung bakit tumakas si Angeli matapos niyang pataasin ng ilang beses ang kanyang level.

Nang mapunta siya sa cafeteria kung nasaan ang karamihan sa mga pagkain sa skwelahang ito ay mas malala ang lagay doon. Nasaksihan niya ang isang babae na gahasain ng mga kalalakihan, mabuti na lamang ay may sapat siyang lakas para protektahan ang sarili na. Gamit ang skill na Illusion ay inaakit at pinapaasa niya ang kanyang mga biktima at ginagamit sila bilang proteksyon.

Pero rito, hindi na niya kailangang mag-alala, hindi na niya kailangang matulog na may takot na siya naman ang isusunod ng mga hayok sa laman. Nakikita niya na puro at may kabaitan ang mga mata ng mga tao rito sa amphitheater at idagdag pa na andito ang isang magiting na ginoo. Si manoy.

Sawakas ay ligtas na siya.