Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 36 - Kabanata 35: Elemental Magician

Chapter 36 - Kabanata 35: Elemental Magician

(Hiraya)

Nakaupo ako sa sahig habang pinapanood ang mga players. Right now, they're fighting one versus one. Malaki na ang improvement ng fighting skill at fighting will power nila. They could even maintain eye contact habang ganagamit ko ang intermidiate level 2 na Strike Fear. I don't know, baka immune na sila sa akin or talagang tumaas ang kanilang will power.

Napatingin ako sa mga vampire knights sa palibot ko. Inayos ni Ma-ay sa hugis na heart ang mga katawan nila habang nasa gitna ako. Pinapataas ko pa ang level ng Strike Fear kaya isa ito sa mga naisip kong paraan para mabilis mag-level up ang skill. Everytime they wake up, mararamdaman nila ang skill at muli silang mawawalan ng malay and I get 1 - 2% exp everytime. Syempre dahil na rin sa taas ng level ng skill kaya kakaunti nalang ang experience points na nakukuha ko, then may double the fun skill takes it up a little higher.

It's currently night time, best practice ever nila dahil apat sa mga pinulot kong vampire knights ay nakikipaglaban sa mga players. Si Ganit at Ma-ay ay nagte-training kasama ng duwende king at tikbalang princess. They can now stand toe to toe sa dalawang monster nayon, and what's more.. Ma-ay could fight two vs one with them.

How?

Hindi pa namin alam kung ano talaga ang effects ng pagiging demi-human niya pero natuklasan namin na mas mabilis siyang makakuha ng stat points sa pagte-training kaysa sa mga ibang players. Sadly, si Ganit ay hindi niya totoong kapatid kaya mas mabagal ang progress niya. Ganoon pa man ay kaya nang gamitin ni Ganit ang tatlo sa mga spells niya sa labanan.

Remember the mana potion I got? Success ang experiment dahil nakakuha siya ng title at skills. She's a fully pledge RPG mage right now. Gaya ng health potion, kapag ibinigay sa ibang tao ang potion or ipinainom ito ay magkakaroon ng achievement. First sinugatan ko ang braso ko, then Ma-ay healed it at pagkatapos noon ay ipinainom ni Ganit ang mana potion kay Ma-ay; that's how she got the title and skills.

Ang title na natanggap niya ay Elemental Magician, himalang pangatlo siya sa mga gumawa ng algorithm. Well, sino naman ang may gustong magbigay ng mailap na mana potion sa iba? Malamang ay ako, so I gave it to Ganit and because I need her to get stronger, for multiple purposes useless for now.

Level 7 pa rin si Ma-ay at Level 6 si Ganit. The lower their level the higher exps they'll get when the time comes, kaya naman hindi muna sila nagpapataas ng level at puro training lang ang ginagawa nila. Si Ma-ay ay mayroon ng 110+ na stat points combined samantalang si Ganit naman ay may 60+ na.

Ang Elemental Magician na title ni Ganit ay nagbibigay sakanya ng apat na elemental spell and those elements are; apoy, tubig, hangin at lupa. Ngayon ay kaya na niyang kontrolin ang tatlo maliban sa lupa, mostly because mas gusto niya ang tatlong element nayon.

I know you are wondering why my bitchass duwende warriors are protecting Ganit from someone.. I don't know who.. ay dahil habang pinag-e-eksperimentohan ko sila para sa skill na Fireball; na nakuha ko na ngayon, one time ay pinatay ni Ganit ang apoy bago ko pa sunugin ng buhay ang mga duwende warriors. Feeling siguro nila ay tagapagligtas nila si Ganit kaya hanggang ngayon ay masama pa ang loob nila sa akin at si Ganit na ang master nila. I don't really care though, ibinigay ko na rin kay Ganit ang tinik na korona.

Oh my, speaking of RPG items. We have discovered a ring called Jufuzkulanz Wedding Ring na nagbibigay ng plus stats at ang special effect nito ay kapag kasama mo ang taong mahal mo ay mas mabilis ang regeneration ng health points, mana points at stamina points. Guess who's using the ring..

Nope, not me. Si Bona, tutal si Selyo ang nakapulot, sila ang may karapatan para magdesisyon kung kanino iyon mapupunta. Rang a bell? Magkababata sila at ngayon ay madalas na silang tinutukso ng sampung players.

Next item ay isang gauntlet called Salzihor, I don't know.. okay, the naming sense of items is kinda weird. Maybe because mga bampira sila at galing sila sa ibang mundo or wala nang maisip na ipapangalan ang gumawa sa item kaya kung ano-ano nalang. So, back to the topic.. si Biloy ang gumagamit ng item dahil siya naman ang mahilig manuntok at basing on his primary skill, mabuting siya na nga ang gumamit non. Though Barolyo said that if ever si Biloy naman ang makahanap ng item ay first priority si Barolyo.

Wala pa kaming napupulot na armor, siguro kapag pinatay ko ang duwende king ay malalaglag ang kapa niya at damit, maybe that could be an armor. Pag-iisipan ko pa kung itutuloy ko.

"Gaah!"

Oh my. That mother fucker is finally awake.

Tumigil ang lahat sa pag-eensayo, hindi nakalimutan ni Magdalya na patalsikin ang mga vampire knights na kinakalaban nila papunta sa direksyon ko, nang mapunta sila sa radius ng skill ay bumula ang mga bibig nila at nawalan ng malay.

Lumapit sila sa kinahihigaan ni Dilan. Nagkatinginan kami ni Ma-ay, nginitian ko siya at kinindatan, ngumiti naman siya at tumango sa akin.

Napatingin ako sa direksyon ng tikbalang princess. Her skills are really handy.

"Ahhh, haaaa.. Manoy.. si Manoy! Asan si Manoy?" Sigaw ni Dilan habang hapong-hapo at nanginginig ang katawan.

"Bakit anong nangyayari sayo Dilan? May masakit ba sayo?" Tanong ni Paloma at inumpisahang mag-cast ng healing spell.

Ha, that wont help him at all.

Tumingin sa direksyon ko si Magdalya at Makaryo, lumabi ako at nagkibit balikat sa kanilang dalawa.

Naupo si Dilan at lumingon sa paligid, nang magtama ang mga mata namin ay umiyak siya at masayang-masayang gumapang papunta sa direksyon ko. It is more effective that I thought.

"Anong nangyari kay Dilan? Hindi ba't kasama natin siyang bumamba kanina?"

"Ayos naman siya bago tayo umalis sa second floor diba?"

"Oo kasama natin siya, pero naiwan siya eh. Inatake kaya siya ng mga halimaw?"

Nagtataka ang mga mukha ng mga players sa kinikilos ni Dilan. Pinanood namin siyang gumapang at nang makarating siya sa harapan ko ay agad niyang sinunggaban ang kamay ko, "Salamat Manoy, salamat.. utang ko sayo ang buhay ko Manoy."

"Ha? Bakit, ano ba kasing nangyari kay Dilan? Bakit siya nagkakaganyan?"

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko? Sino sainyo ang hinawakan na ni Dilan sa kamay?"

"Ewan, hindi ako."

"Wala pa ata. Ey, baka bading si Dilan. Makaryo, bro.. ingat tayo."

Napatingin ako sa mga nag-uusap tungkol sa amin, gumawa ako ng nagtatakang ekspresyon at tinitigan ang ilan sa kanila, hinatak ko si Dilan sa mga bisig ko at sinabi, "Hoy, sino nang-away kay Dilan ha? Napakasama ng ugali niyo. Tingnan niyo oh, he's crying a river of tears. Come on man, stop crying already, para kang bata eh. Oh, shhh.. shhh it's okay.."

"Inaway? Wala akong alam.. inosente ako!"

"Napadaan lang po ako nung mangyari ang sakuna."

This idiots. Ano ba ang mga pinagsasasabi nila, ilang mga linya pa ng pang-aasar ang narinig ko kaya nagsalita ako, "Nawalan ng malay si Dilan kanina at nakita ko siyang nakahandusay sa lapag. May nakita akong matabang transparent na monster at nakadagan iyon sa katawan ni Dilan. Bangungot ang pangalan ng halimaw at pinatay ko iyon."

Napanganga sila kaya bigla akong natawa at ngumiti. Muli kaming nagkatinginan ni Ma-ay at umiling-iling nalang siya. Come on now.. help me here already. Nagkaintindihan naman kami ng wave lengths at nilapitan niya si Dilan at inakay papalayo sa akin.

Problem solved.

"Pwede bang kainin ang Bangungot?" Tanong ni Makaryo.

"Puro ka pagkain, utak mo patabain mo wag puro tyan at stats." Singhal ni Magdalya kay Makaryo.

"Ang mga Bangungot ay isang uri ng evil spirit. Dinadaganan nila ang mga biktima nila hanggang sa mamatay ito. Ang alam ko ay kapag natutulog ang biktima nila tsaka sila umaatake." Salaysay ni Barolyo.

Yeah, yun din ang sabi sa akin ng tikbalang princess.

"Dahil RPG na ang mundo natin, maaring may skill na pampatulog ang halimaw na napatay ni Manoy. Mabuti nalang at nailigtas mo si Dilan, Manoy." Tinanguan ko ang mga sinabi ni Barolyo at tumingin kay Dilan. Nakahiga na ulit siya sa mga tinupi naming kurtina na ginawang higaan.

"We're lucky I found him fast. Malapit na siyang mamatay noong paslangin ko ang bitchpig na monster na iyon. So now that we're done here. Magluto na kayo at tapusin na ang session niyo ng training. Sounds good?" Tumango sila sa akin at isa-isa silang nagpunta sa make-a-do kusina namin. Pinagtabi-tabing mga mesa iyon at nakapatong ang mga bag sa ibabaw ng mesa. In-equip nila ang mga bag at naglabas ng mga pagkain.

Tasyo started the fire, habang ang iba naman ay hiniwa at ginawang style barbeque ang mga karne. Sobrang bland ng lasa ng vampire meat, ubos na ang masarap na tikbalang meat at wala ring mga condiments sa faculty o sa mga class rooms.

Pinagpaplanuhan ko na na puntahan ang cafeteria para manguha ng kahit na anong pwedeng gamitin doon. Maybe there are still surviving players on that place. Puwedeng madagdagan pa ang bilang namin, the more the merrier right?

"Mahusay babyboy, hindi ko alam na magaling pala ang acting skills mo." Humagikgik si Ma-ay matapos akong asarin.

Tumayo ako, inakbayan ko siya at naglakad kami papunta sa isang parte ng amphitheater. Kumandong sa akin si Ma-ay at isinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Yeah sure thanks. That would have wrecked all the efforts we made. Hindi natin siya puwedeng unahin. Mababa pa ang level niya at I am sure maghihinala ang iba." I gently stroked her hair and slowly planted kisses sa mga pula niyang labi.

"Remind me what happened again?" Takang tanong ni Ma-ay habang ginagantihan ang paghalik ko.

"Hindi ko alam kung skill or natural power niya or title, napansin ko kasing mangilan-ngilan lamang siyang makipag-skin contact sa mga players. Simula noon ay iniwasan ko na ang pagdikit ng balat ko sakanya, even when we were training. Sinisipa ko siya lagi and I never punched him on the face or hands."

"Ah.. kaya naman pala. You can consider me ressurected, may abnormal sigurong nangyari nang makipagkamay ako sakanya. You guessed right my babyboy.. your plan was astounding. Kanino mo natutunan ang pagiging tuso, babyboy ha?" Pinisil-pisil ni Ma-ay ang ilong ko at isinunod niyang hagurin ang kilay ko.

"Just some random guy in school. Would you really like to keep the girl..."

"Oow, bago yan babyboy ano palang ginawa mo kay Dilan?" Singit na tanong ni Ma-ay bago ko matapos ang sinasabi ko. Ngumiti ako at tumingin sa direksyon ng tikbalang princess, sinundan ni Ma-ay iyon at biglang napalingon sa amin ang tikbalang. Nagtaka ito pero nauna niyang binitawan ang titig at muling nakipag-usap sa duwende king.

"She told me na may kapangyarihan siyang Illusion. Innate skill ng mga higher form of tikbalang ang bewilderment and the likes. Ginagamit daw nila iyon para iligaw ang mga unwelcomed na monsters sa territory nila from the other world, most of the time yon ang gamit ng skill pero marami na akong naisip na battle application, hehehe hehe he."

"So, kailan ang execution? At tungkol kay Magdalya? She's good. Pwede natin siya dalhin sa rurok. Matalino siya, may kakayahan, mabilis matuto at ang pinakahigit sa lahat ay madali siyang utuin." That's fine by me. More friends throughout the journey, the happier I can be.

"We have 9 days bago matapos ang double exp ng dungeon nato. Enough para tumaas pa ang mga levels nila. Pero plano ko sanang tapusin na ang escapade natin dito sa amphitheater at hanapin na ang mga main characters." Hindi ko mapigilang tumalim ang tingin ko dahil naalala ko nanaman ang sumulat. Oh my, hindi na siya umuubo? Baka nalaglag na ang baga niya. Whatever.

"Mmm, ako na ang bahala sa kapatid ko.. just do your thing okay babyboy? Isa pa pala kung maaari ay dalhin mo sa akin na buhay yung tinatawag ni Ganit na Pam. May mga pag-uusapan lang kami, hihihi." Tinanguan ko ang mga sinabi ni Ma-ay.

Narinig kong tinatawag na kami para kumain. Well, time to eat then. Simula nang makumbinsi sila na monster's meat is equal to stats ay iilan nalang ang kumakain ng mga chitchirya at biscuits. Ilang araw pa ay hindi na nila matitikman ang monsters meat kaya sila na ang bahala magdecide.

"Let's go eat with them. Let us atleast remember their faces and stories."

"Sige babyboy, pakinggan natin kung ano ang mga ikukwento nila."