(Hiraya)
Sinenyasan ko ang dalawa kong kasama at sila naman ang magkasunod na sumilip sa loob ng silid. Matapos nilang gawin iyon ay tiningnan ko ang mga mukha nila, nanlumo ang mukha ni Magdalya at kuminang ang mga mata ni Makaryo. Yeah, that's the spirit!
"Ito na ata ang huling araw ko sa mundong ito, mabuti nalang at nakatikim ulit ako ng masarap na pagkain. Alam ko namang mapanganib na sumama sa lalaking ito pero hindi ko inaasahan na sobra sobra sobrang mapanganib naman ata kapag ganito." Nawalan ng energy ang katawan ni Magdalya, napasandal siya sa pader at nag-walling.
This girl needs more training, hindi gaya ni Makaryo na kumikinang ang buong mukha ay kabaliktaran ang nangyayari kay Magdalya. Shiz, there is so much exps waiting inside and the first thing she do is wallow in misery.
"Magdalya." Inilagay ko ang kanang kamay ko sa balikat niya, napatingin siya sakin at tinanong kung ano ang kailangan ko, ngumiti ako sakanya at natumba ang katawan niya sa sahig.
What did I do? Tinawag ko lang ang pangalan niya, kinomfort at ngumiti, tapos natumba na siya sa sahig? Anong kagaguhan to?
"Makaryo." Sinunod kong ilagay ang kaliwang kamay ko sa balikat ni Makaryo.
"Anong gagawin ko tagapagligtas?" Napalunok siya at ngumiti. Nice.. binitawan ko si Magdalya, inilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabilang dulo ng bibig ni Makaryo at hinatak ang mga iyon.
"That.. ganyan dapat kaluwang ang ngiti mo, now make your eyes a little bigger, perfect! Say.. bitches are my exps!"
"BITCHES ARE MY EXPS!"
"Very good, now.. take this." In-equip ko ang may kalakihang bag sa likod ko at lumitaw sa kamay ko ang isang lighter, mga piraso ng papel at isang ball point pen na gawa sa plastic. Pinanood kong magpalit-palit ang ekspresyon ni Makaryo.
"Tagapagligtas anong gagawin ko dito?" Nalilito niyang sabi.
Mother fucker!
"Light it up, tingnan natin kung maamoy nila ang sunog na papel, kapag hindi naman, you do the pen next. But before that, let's go to the other room, there. Hey, Magdalya iwan ka na namin dito ha." Tumango sa akin si Makaryo at dali-dali namang tumayo si Magdalya.
Naglakad kami papasok sa loob ng isang silid, right next to the spawn point.
Ginawa ni Makaryo ang ini-utos ko, sinenyasan ko siya na itapon iyon sa harapan ng kabilang pintuan, sarado ang pinto ng spawnpoint dahil siguro ayaw nilang pumasok ang araw sa loob.
Kung matalas ang pandinig nila ay kanina pa dapat sila nagising dahil ang ingay ng dalawa kong kasama, kung matalas naman ang pang-amoy nila ay magigising sila kapag naamoy nila ang usok.
Initsa ni Makaryo ang papel sa labas, I waited for a minute but there wasn't any big movements inside. Mga konting paggalaw lang ng paa o kamay. Ah shit, this will be tricky as I've tought a while ago.
Sinenyasan ko si Makaryo na isunod na sunugin ang palstic na ball point pen. He threw it out again, after a minute I heard some big movements. May kumalmot sa pader at huminga ito ng mabilis tatlong beses. Right!
"Hey get ready." I told them, lumitaw sa kamay ko ang dalawang short swords. Napatingin ang dalawa sa ginawa ko but I don't have the time to explain right now. Narinig kong bumukas ang pinto, may dalawang pares ng paa ang magkaiba ang bigat sa paglakad kaya I concluded that two of them woke up. Siguro ay yung mga nasa pintuan.
Sumilip ako sa labas at nakita ang dalawang vampire underlings. Inantay kong isara nila ang pintuan.
Now!
Ibinato ko ang isang short sword at tumama iyon sa gitnang parte ng katawan ng isang bampira. I bolted right after that and crushed the bitch's neck gamit ang kamay ko.. Dead.
Ding!
[You killed a Vampire Underling Lvl.10
-You gained 1000 exp points
-Dungeon effect exp X2
-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2
-a total of 4000 exp points earned.]
Hindi ko na muna binasa ang notification, I jumped backwards at tinapunan ko ng back kick ang dibdib ng isa pang vampire underling, lumubog ang paa ko sa katawan nito, ooof I think I used too much power. Tumalsik ito sa direksyon ni Magdalya, nakita kong iwinasiwas niya ang kanyang palakol at tinaga niya ang vampire underling sa ulo nito.
Impressive, nagawa niya kaagad na sundan ang atakeng ginawa ko. Oh my Ma-ay, you really trained them well. But this isn't enough yet.
Nanlaki ang mga mata ni Magdalya, sinenyasan ko silang dalawa na huwag maingay at bumalik kami sa loob ng kabilang silid. Hinatak ko ang mga katawan ng vampire underling at dinala ito sa pinakadulong parte ng silid.
"Hey, tell me kung may lalabas na iba pang vampire underlings okay?" Bilin ko sa dalawa.
"Tangna nakakuha ako ng 2600 na exp. Nag-level up ako sa isang halimaw lang. Wow, hindi pala panganib ang dala ni Manoy. Manoy isa kang anghel.. ah, may mali ata sa sinabi ko pero hayaan mo na. Hindi ako makapaniwalang ganoon lang kadali pumatay ng halimaw!"
A very good dream you have there.
"Bitches are my exps! Sa akin dapat ang isang iyon.. huhu, tagapagligtas! Bigyan mo rin ako ng exp! Kailangan ko ng exp! Paano ko poprotektahan si Biloy? Shit! kailangan ko ng EXP!"
Sumenyas ako sakanila na huwag masyadong maingay. Agad naman nilang naalala na nasa loob kami ng isang territory ng monsters. Shiz, that gal right there. Kumikinang na rin ang mga mata niya. That's the spirit!
"Hey, who wants to go first? Oh my, getting excited are we. Sige halika dito at may ituturo ako sayo." Nagtaas agad ng kamay ay naglakad papalapit sa akin si Makaryo.
Iniabot ko sa kamay ni Makaryo ang isang armas, "Now, isa itong short sword na galing sa isang duwende warrior. Kausapin mo ang isip mo then try to describe this inside your head." Nagtaka si Makaryo pero agad niyang ginawa ang iniutos ko. Nanlaki ang mga mata niya.
"Tagapagligtas, may skill akong nakuha." Sinampal ko siya matapos niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Natauhan naman siya at umubo kunwari. Shiz, malaglag din sana ang baga mo.
"Now that you have it. Ikaw na ang magsusuot nitong bag nato from now on. Ilagay mo yang short sword sa loob ng bag." Iniabot ko ang bag kay Makaryo, sinunod niya ang sinabi ko at nagulat siya. Sinabihan ko siyang isuot niya iyon at sinabi kong isipin niya na ine-equip niya ang bag. Natumba sa lapag si Makaryo at nanlalaki ang mga mata niya. Ilang saglit ko siyang pinanood mahirapan tumayo, nanlaki muli ang mata niya at nakatayo na siya ng maayos.
"Pretty awesome right? Medyo mabilis din ang utak mo, passable. Now, maupo ka at i-equip mo ang bag, isipin mong kukuhain mo ang isang short sword sa loob ng bag." Muling ginawa ni Makaryo ang iniutos ko at lumitaw sa kamay niya ang short sword kanina.
-
Nadiskubre ko na kapag wala kang skill na Identify ay hinding hindi mo makukuha ang skill na Inventory dahil kung hindi mo na-identify ang bagay na nilagay mo sa loob ng bag ay hindi matitriger ang skill.
Si Ganit ang unang test subject nito, wala siyang skill na Identify nang ilagay niya isang gamit sa loob ng bag kaya naman hindi niya natrigger ang algorithm ng skill.
I further tested na hindi ko na matanggal ang isang item sa inventory dahil hindi ko iyon in-identify bago ko nilagay, now hindi kona iyon makukuha pa sa loob ng inventory, and of course I tested that on another bag, ayoko namang kulang ang puwede kong gamitin sa 8x8 na bag ko.
-
"Now, disect this bitch." Inituro ko ang isa sa mga vampire underlings. Nilapitan ko ang isa pa at inumpisahang hiwain ang mga laman ng vampire underling. Narinig kong lumunok si Makaryo then he also started doing the thing.
The vampires blood is almost jelly like, hindi gaya ng dugo ng tao na free flowing at kapag pumatak ay tumitilamsik, ang dugo ng isang vampire ay nag-i-splat sa sahig pero hindi naghihiwa-hiwalay, hindi rin ito maamoy.
I tasted the blood from my first inspection and it tasted like shit, oh my, I mean I don't know what shit taste like pero lasang di-maintindihan ang dugo nito. Kung bakit ko nilasahan ang dugo ay dahil gusto kong malaman kung may stat akong makukuha and yes, this bitchass' blood has effects on its own. I only gained one though, and anymore is useless.
Nakita ni Makaryo na dinilaan ko ang dugo sa short sword at ginaya niya ang ginawa ko. This idiot, nagulat ako bigla nang makita kong nanlaki ang mga mata niya. Did he.. ah nope. Idinura niya ang tinikman niya at tumingin sa akin na para bang isa akong baliw.
"What, I gained one stat point you idiot. Kung gusto mong makakuha ng skill na consume, you better eat that shit right now." Ngumiti ako sakanya at tinitigan ko siya, mata sa mata.
Lumunok siya, tumingin sa vampire underling at napuno ng determinasyon ang ning-ning ng kanyang mga mata.
Hehehe hehehe hehehe.
He ravaged the bitch like there is no tommorow.
Napatingin ako kay Magdalya, "Want some?" Napalunok siya at nagdalawang isip na lumapit, sinulyapan niya si Makaryo at lalong nagtalo ang ekspresyon sa mukha niya.
"Kailangan bang kainin ko lahat?" Tanong ni Magdalya. Good question, umiling-iling ako at ibinato ang inaalok kong laman sa direksyon niya. Hiniwa ko iyon mula sa braso ng vampire underling.
"Tagapagligtas, ugh... ack.. ubo - ubo - ubo.. Nakuha ko na ang skill." Nakangiting sabi ni Makaryo sa akin. That's a monster eating beast for you right there, shiz. What a mess.
"Good, hinding-hindi ka na makakaranas ng gutom, and what's more... magkakaroon kapa ng stat points. Pretty awesome right?" Bumalik ako sa ginagawa ko at nareceive ko ang notification na nag-level up ang isang skill ko.
[Rare active skill: Dissect - level up (Lvl.1 - Lvl.2 Exp: 02.19%)
Nice. Ang skill nato ay nakuha ko at natrigger sa kaka-inspeksyon sa mga katawan ng mga bikti.. I mean monster na napapatay ko. The skill is good, may percentage chance na mag-cause ng bleeding status, may chance din na mag-pop ang dismember na added effect, one single scratch ay pwedeng maputol ang isang kamay o paa... I don't know the extent yet kaya kailangan ko pa ng mga test subjects.
Napatingin ako kay Makaryo, "Hey, check everything. The bones, the muscles, the fascia, tingnan mo lahat ng makikita mo." Tinanguan niya ako at nakangiti niyang muling inumpisahan ang pag-inspeksyon. Good!
"Manoy, tingin ko ay kailangan ko pa ng.. aaam.. pagkain, hindi ko pa nakukuha ang skill." Napatingin ako kay Magdalya, sinenyasan ko siya na lumapit nalang dito, tumayo na ako at ako naman ang nagbantay sa pintuan.
The skill's algorithm is really more effective kapag raw or kakamatay lang ng kakainin mo. The side effects later will kick in kaya kailangan na naming umalis sa territory nato.
Mukhang maganda ang baiting effect ng pagsunog ng plastic. Lumapit ako kay Makaryo, kinuha ang bag at isinuot iyon, kumuha ako ng isa pang ball point pen at sinindihan iyon using the already used lighter, I threw the thing right at the door and waited.
Paubos na ang piraso ng binali kong plastic na ball point pen nang lumabas ang dalawa pang vampire underlings. They go by two? Pero bakit isa lang ang nakalaban nila Magdalaya, maybe naghihiwalay ang dalawa kapag nagmamanman, it would be less time consuming if they do that, so maybe I am right but whatever, need to disable this bitches.
"Hey, heads up. Get the last hit kapag itinapon ko sa direksyon niyo ang mga bitchasses nato alright?" Agad silang lumapit sa pintuan at nagready. Narinig kong sumara ang pinto sa kabila at dali-dali akong nag-activate ng skill at umatake.
Hindi gaya kanina ay hindi ko ibinato ang short sword, I used dissect on its waist, shit.. hindi natrigger ang dismember, well then... idiniretso ko ang paghiwa gamit ang active skill na Slash.
Bumulwak ang dugo nang mabuksan ang tyan ng vampire underling, agad kong inikot ang katawan ko tapos ay sinundan iyon ng pagsipa sa leeg ng vampire underling gamit ang dulo ng sapatos ko, krrk.. narinig kong nabali ang buto nito. Nadurog ko ang lalamunan ng vampire underling kaya hinawakan ko ang paakyat nitong kamay sa leeg at hinatak iyon, ibinato ko ang vampire underling sa loob ng silid na kinalalagyan ni Makaryo at ni Magdalya.
3 seconds! A 100+ agi and an active skill Haste really do the effort!
Next bitch.