-----
Maririnig mga ingay ng pag-atake sa loob ng isang silid, ikalawang palapag ng Grade 11 building. Kasalukuyang naglalaban ang mga halimaw at ang mga players. Apat na halimaw laban sa labing dalawang studyante.
Ito na ang panglimang grupo ng mga bampira na kinakalaban nila, ang mga labi ng mga nauna ay nakatumpok sa isang sulok at makikita roon ang isang lalaki, nakangiti niyang pinuputol ang ilan sa mga parte ng katawan ng mga bangkay at ipinapasok niya iyon sa loob ng isang bag.
"Hey, I am done here. Akyat na ako ulit para kumuha ng mga exp." Tumayo si Hiraya at naglakad papalabas ng silid, nakita niyang tatamaan si Paloma ng kalmot ng isang vampire knight kaya naman hinagisan niya ito ng panulat sa kamay. Tumama iyon sa likod ng palad nito at tumalsik papalayo sa mukha ni Paloma.
"Don't let the healers die, protektahan niyo sila god damn it. Paloma, wag kang masyadong lumapit, bawas na ang buhay ng vampire knight and it is good to take the last hit but remember not to be rash." Tuluyang umalis si Hiraya sa silid at umakyat sa ikatlong palapag.
-
"Bitches are my exps!" Magkaparehong sigaw ni Makaryo at Magdalya, sabay na bumagsak ang dalawang vampire knights sa lapag pero hindi pa patay ang mga iyon.
"Bitches are my exps!" Sigaw ni Biloy at pinagsusuntok ang ulo ng vampire knight gamit ang nagliliwanag niyang kamao.
Ding!
Nakuha niya ang last hit at napangiti siya dahil doon.
'Pangalawang araw palamang naming pumapatay ng mga bampira ngunit malaki na ang itinaas ng mga levels namin. Mabuti nalang at naka-isip si Manoy ng paraan para palabasin ang mga bampira sa loob ng spawn point.' Tiningnan ni Magdalya ang mga kasamahan niya at hinintay na mapatay nila ang natitirang mga bampira. Naglakad siya papalapit sa isa sa mga nakahandusay na labi at nakipagsabayan siyang maki-agaw ng mga parte nito.
'Ampanget talaga ng lasa ng mga halimaw nato! Ackk, stat points, stat points... para sa stat points.' Habang nilulunok ni Selyo ang kinakain niyang parte ay kinakausap niya ang sarili na para sa stat points ang ginagawa niya.
Napatitig si Dilan sa mga kasamahan niya at hindi niya naiwasang maduwal. Kinumbinsi niya rin ang sarili niya pero hindi niya kayang lulunin ang mga ginagawa ng lima niyang kasamahan.
Sina Makaryo, Magdalya, Selyo, Bona at Barolyo palang ang mga na-brainwash ni Hiraya na pagkain ang mga halimaw. Ang mga natira ay hindi kayang sikmurain ang pagkain ng mga halimaw kaya naman pinagtutuunan nalang nila ng pansin ang pagpaslang sa mga ito.
Napalunok si Tasyo, tinawag niya ang atensyon ng kanyang mga kasamahan, "Ah ano. Baka gusto niyong lutuin natin muna ang mga stat points niyo. Hindi naman mawawala ang epekto non kapag niluto diba? Malay natin magkaroon pa ng epekto na dagdag stamina, gaya nung una nating kinain." Napalingon sa direksyon niya ang iba. Nang mapagtanto nila ang sinasabi ni Tasyo ay tumango sila.
Gamit ang isang Magic Staff na galing kay Hiraya ay nagpakawala si Tasyo ng apoy at itinutok iyon sa mga hiniwang parte ni Magdalya, ito ang pangalawa sa mga napatay nila. Nagliyab ang mga kamay at paa sa sahig, ilang saglit lamang ay maamoy na ang sunog na laman.
"Ahh ang mga stat points ko!" Magkasunod na nanghihinayang na sabi nina Selyo at Bona. Nilapitan nilang dalawa ang mga hiniwang parte at tiningnan kung pupwede pa ba itong kainin.
"Pasensya na." Paiyak na paumanhin ni Tasyo.
"Ayos lang Tasyo, ganito nalang.. kuhain niyo ang mga kahoy na parte ng mga upuan at mesa sa kabilang kwarto." Utos ni Magdalya sa mga kasama niya. Inalis nila lahat ng laman ng silid na ito para magamit nila bilang battle field kaya naman nasa kabilang silid ang mga upuan at mga mesa.
Ilang saglit lang ay narinig sa kabilang silid ang paglagatak ng mga kahoy at muling pumasok ang anim nilang kasamahan dala ang mga gagamitin nilang pangluto, inilapag nila iyon sa isang sulok. Nagkatinginan ang iba at nakita nilang may lumitaw na lighter at mga papel sa kamay ni Makaryo. Sinindihan niya ang mga iyon at nagsimulang sunugin ang mga kahoy, ilang sandali pa ay nagliyab ang mga tuyong piraso ng kahoy.
"Wow, san mo nakuha ang lighter at mga papel Makaryo? Bigla nalang lumitaw sa kamay mo." Tanong ni Awey.
"Yan, patulog-tulog ka kasi habang nagle-lesson. Inventory ang skill na ginamit ni Makaryo." Pagbibida ni Biloy sa kanyang kaibigan at siya namang nginitian ni Makaryo.
'Bro'
'Bro'
Nilapitan ni Magdalya ang isa pang bangkay ng vampire knight at hiniwa ang mga paa at kamay nito. Inihagis niya iyon sa direksyon ni Selyo at itinuro nito ang kagagawa nilang apoy. Tumango ang nahuli at inumpisahang isalang ang isang kamay para lutuin ito.
"Sigurado ba kayong ayos lang ang ginagawa niyo? Hindi ba tayo pagagalitan ni Manoy? Wala sa mga sinabi niya ang pagluluto na ginagawa natin." Magkakasunod na nag-aalalang tanong ni Kuntapya.
"Ayos lang to, hindi mo naalala yung sinabi niya? Improvise - Adapt - Overcome. Isa pa, dahil ayaw niyong kainin na hilaw edi lutuin na natin. Siguro naman ay kaya na ng mga sikmura niyo ang lutong pagkain." Sagot ni Magdalya sa mga tanong ni Kuntapya.
"Oh my, I smell food!"
Napatayo ng tuwid ang labing dalawang studyante sa loob ng silid matapos marinig ang boses ng demonyo sa mga panaginip nila.
"Incoming, better get your asses ready." Pumasok si Hiraya sa loob ng silid at may narinig silang nagtatakbuhan sa pasilyo.
'Akin ang susunod na exp!' Inihanda ni Paloma ang sarili para sa paparating na labanan.
'Iiik, sana may mapatay ako.' Nanginginig man ang tuhod ni Awrelya ay hinawakan niya ng mahigpit ang punyal sa kanyang kamay. Ibinigay ito ni Hiraya at may tig-iisa silang lahat maliban kay Magdalya na may palakol, Makaryo at Biloy na ayaw nang gumamit ng armas at kay Tasyo na may Magic Staff.
--
"Okay time to go, antayin natin ulit na mapuno ang spawn point dahil maliban sa Queen, dalawang commander at ilang vampire knights na bagong spawn ay wala na tayong pwedeng makuhang exp for this day. Makaryo, get every last one of those good food okay? Let's go."
Matapos ang pang walong beses na pakikipaglaban sa mga vampire knights ay tinapos na ni Hiraya ang pag-lure sa mga ito. Ang bilang ng mga bampira sa loob ng spawn point ay limampu, isang vampire queen, dalawang vampire dukes, tatlumput dalawang vampire knights at labing limang vampire underlings.
Napatay na ng mga survivors ng amphitheater ang mga vampire knights at tumaas na ang kanilang mga levels.
Pababa na sila ng hagdanan nang huminto sila saglit at pinanood si Hiraya na maglakad pataas at ilang sandali lang ay may mga tumilapong halimaw sa direksyon nila. Hindi nila inatake ang mga iyon dahil napansin nilang walang mga malay ang mga halimaw, pumasok sa isipan nila na mga test subjects ni Hiraya ang mga ito kaya walang sino man ang nagtangkang paslangin ang mga halimaw.
Ito na ang pangalawang tanghali na nasaksihan nila ang mga ginawa ni Hiraya, hindi magkalebel ang lakas ng loob nila kumpara kina Makaryo at Magdalya na pasimpleng nagnakaw ng tig-isa nilang halimaw. Napatingin silang sampu sa dalawa at nakitang nakangiti ang dalawa, unat na unat ang mga bibig nila at mata pero ang mga katawan nila ay nakapusturang nahihiya.
"Help me carry this, mas marami akong bikti.. nakuhang isda ngayong tanghali, hehehe. Who knows, maybe I'll let you kill some of the... you two again! Susej..!"
Binitbit ni Hiraya ang anim, dalawa sa magkabilang balikat niya, dalawa ang nakaipit sa mga braso niya at dalawa sa magkabilang kamay niya. Binuhat ni Makaryo at Magdalya ang natira atsaka sila bumabang tatlo.
Nagkatinginan ang mga survivors at nagkibit balikat. Tila nasasanay na sila sa mga kakaibang kilos ni Hiraya at dumadamay na rin sina Magdalya at Makaryo.
'Jesus Christ! For the love of god! Hindi dapat kayo masanay sa mga ginagawa ni Manoy.' Tinapik ni Dilan ang kanyang noo nang makita ang mga ekspresyon sa mukha ng mga kasamahan niya. Naisip niyang dapat silang matakot at magduda sa mga kinikilos ni Manoy pero habang tumatagal nila siyang kasama ay para bang nagiging normal nalang din sa pananaw nila ang mga nangyayari. Napagtanto niyang hindi magtatagal ay labing isang Manoy na ang makakasama niya araw-araw, isipin pa lang niya iyon ay sumasakit na ang sentido niya.
Magkakasabay silang bumaba ng hagdanan at nag-usap-usap tungkol sa mga experience points na nakuha nila, kung saan nila ilalagay ang mga points to be distributed at ang mga improvement sa skills nila.
Naiwan si Dilan sa itaas ng hagdanan at malalim siyang nag-isip. 'May mali sa mga nangyayari, pakiramdam ko lang ito pero kahit na kailan ay hindi pa ako binigo ng pakiramdam ko.' Inumpisahang bumaba ni Dilan.
'Bakit ganon? Para bang pinapataba kami. Pakiramdam ko nasa isa akong kural at isa akong baboy na pinapakain ng marami at pinapataba. May mali, hindi ko ito mararamdaman kung talagang para sa mga sarili namin ang mga nangyayari.'
Marami pang mga bagay-bagay ang pumasok sa loob ng isipan ni Dilan. Hindi man siya tunay na sigurado ay malaki ang tiwala niya sa kanyang pakiramdam kaya naman maraming katanungan ang gusto niyang mabigyan ng sagot.
"Piso para sa iniisip mo?"
"Holy mama!" Nagulat si Dilan nang mabangga niya ang isang babae. Bigla na lamang itong lumitaw matapos niyang lumiko papunta sa direksyon ng amphitheater.
'Magiging malaking problema ang isang ito.' Nakangiti si Ma-ay at binati si Dilan, "Hindi ako ang mama mo dahil may baby na ako, hihi. Mukhang malalim ang iniisip mo Dilan?"
"Ah eh.. wala naman, medyo naninibago pa kasi ako dahil parang hindi ko pa rin matanggap na isa ng RPG ang mundo ko. Alam mo na, biglaan ang mga nangyari kaya nahihirapan akong humabol sa mga kasamahan ko." Napakamot si Dilan at dali-dali siyang nag-isip ng palusot.
"Ganon, ba.. wag kang mag-alala ika-anim na araw palang naman, hindi ako sigurado pero magtatagal tayo sa loob ng dungeon nato. Hindi naman kami nagmamadali para matanggap mo kami bilang kaibigan mo at hindi ka rin naman namin pwedeng pilitin kung ayaw mo, diba? May kanya-kanya naman tayo ng gustong kaibigan. Pero wag kang mag-alala, kaibigan na ang turing namin sayo."
Para bang nakonsensya ang utak ni Dilan. Heto siya't pinag-iisipan ng masama ang tumuturing sakanya bilang isang kaibigan. Napayuko siya at umiling-iling.
"Maraming salamat Ma-ay. Pasensya na dahil hindi ako masyadong nakikisalamuha sainyo ni Manoy. Pero huwag ka ring mag-alala, nakikita ko naman na malinis ang intensyon niyo para sa amin. Malaki nga ang pasasalamat ko dahil kahit hindi tayo matagal na magkakakilala ay tinutulungan niyo pa rin kami." Ibinalik ni Dilan ang ngiting ibinibigay sakanya ni Ma-ay.
"Wow, kung ganoon naman pala edi magkaibigan na tayo?" Masiglang tanong ni Ma-ay at iniabot niya ang kanyang kamay kay Dilan.
"Syempre naman, magkaibigan na tayo!" Inabot ni Dilan ang kamay ni Ma-ay at nagkamayan silang dalawa.
Muling ngumiti si Ma-ay, tumalikod na siya para bumalik sa loob ng amphitheater. Hindi nawala ang ngiti niya pero makikita ang talim ng kanyang pagtingin. Napansin niya ang biglang paglukot ng mukha ni Dilan, hindi niya alam kung anong skill o kapangyarihan ang meron si Dilan pero isa lang ang konklusyon niya. Kinakailangang mamatay ni Dilan.
Pinanood ni Dilan ang likod ni Ma-ay, napuno ng takot ang mga mata niya. Nanginig ang buong katawan niya dahil sa isang premonisyong nasaksihan niya. Kailan man ay hindi pa niya nahahawakan sina Ma-ay at Manoy, bukod sa medyo pag-iwas niya sa dalawa dahil nga pakiramdam niya ay may kakaibang motibo ang mga ito, maski tuwing nagsasanay sila ay ni minsan hindi nagdikit ang mga balat nilang tatlo. Pero ngayong nagkamayan sila ay pumasok ang isang bisyon sa kanyang utak.
Saglit lamang iyon pero hinding hindi niya malilimutan ang larawan sa kanyang isipan.
Madilim ang paligid pero makinang ang mga matang nakatingin sa direksyon niya, labas ang mga pangil at bukang-buka ang mga bibig nito, para siyang isang langgam dahil napakalaki ng halimaw sa harapan niya at para bang tumatawa ito.
Siya...
Siya ang halimaw.
Isa siyang halimaw.
Papatayin niya kaming lahat!
"Hey there bitch."
Umikot ang paningin ni Dilan at nawalan siya ng malay.