(Hiraya)
It has been three days simula nang matapos ang kubeta escapade namin. Nasa isang club room kami ngayon, naka-upo ako sa dulong gilid at tinitingnan ang status screen ko.
"Gruaaw!"
"Hiyaaa! Haa!"
Bago ko pansinin ang mga maingay ay chineck ko muna ulit ang status screen ko:
Apat na title.
Dalawa ang natanggap kong title mula sa.. well, pagkakabaliw ko. I mean yeah, paano ko man pagandahin ang pag-describe ay... bottom line, nabaliw ako. Nadiskubre ko pa na ang mga title na nakukuha ay natitrigger din, gaya ng title na Psycho.. nakuha ko ang title dahil... winalanghiya ko ang mga duwende, hindi gagawin ng isang normal na tao ang ginawa ko sa mga duwende, hence the title.
Ang pinakapunto ay isang branding ang title, marka ng mga aksyong ginawa ko sa bagong mundong ito.
Next ay ang 315 total stat points ko sa attributes. 52, 60, 153, 50 - Str, Agi, Vit at Int. Nagtaka rin ako nung una kung saan nanggaling ang mga nadagdag na stats at nadiskubre ko na dahil iyon sa rare skill na Consume.
Kapag kinain ko ang isang monster, hindi buong katawan, ay binibigyan ako ng skill ng 1-5 random stat points at sa random din na attribute. Ang angas diba? Noong una ay natiis kong hindi gamitin ang skill dahil nga.. I mean, wala ako sa sarili nung time nayon kaya pinaglalalapa ko ang mga monsters. Sinong normal na tao ang kakain ng isang monster, lalo na at hugis tao?
Syempre... ako, hindi ko rin natiis dahil... come on, sinong ayaw makakuha ng stats gamit lang ang simpleng... sesuj, kakainin lang naman diba?
So, patago akong kumuha ng isa sa mga alagad ng duwende king at tinikman.. konti lang naman ang kailangan para makuha ko ang effective input para ma-activate ang skill. So for the research purposes, surprisingly, the more I ate... the more those bitches tasted better. Of course, pinaslang ko muna bago ko tinikman, like... come on, sayang exp.
Yung iba naman sa attribute points ay nadagdag ko mula sa paglelevel-up. That bitchking over there is a gold mine! Nagkatinginan kami ng duwende king at ngumiti ito sakin, dahilan para tamaan ito ng suntok ni Ganit.
Sunod ay ang pitong active skills ko.
Isang unique, dalawang rare at apat na basic. Natanggap ko na sawakas ang Slash na active skill! May dagdag lang na damage ang effect ng skill pero ayos na rin. Ang basic skill naman na Bite ay nakuha ko nung kinain ko ang mga duwende. My teeth shines when I use the skill tapos my biting power na binibigay, the skill is kinda strong, kaya kong maputol ang buto ng isang duwende gamit lang ang isang pagkagat doon. Pretty awesome right? Maybe the skill would become handy someday.
Isa pang basic skill ay ang Harden Skin, nakuha ko naman iyon matapos ang pambubugbog na natanggap ko kay Ma-ay, for training daw... na kasalukuyang ginagawa na rin ni Ganit at nung duwende king.
Next is my passive skills.
Pito na rin ang passive skills ko, ayos ba? Kung nasa online game ako ay puwede akong mapasingit sa mga middle tier at kapag nagpatuloy pa ang growth speed ko ay baka mapasama ako sa kalingkingan ng mga ranker!
Consume, Pain Tolerance, Resilience, Battle Sense at Blade Mastery ang mga nadagdag na passive skills ko. Consume gives me stats as I said, Pain Tolerance lived up to its name, I feel less pain na gustong-gusto kong epekto ng skill, Resilience makes my recovery faster. Ang Battle Sense ay ginagawang combat ready ang katawan ko at any given time and Blade Mastery gives me bonus attack damage kapag gumagamit ako ng well... as you guessed, bladed weapon.
Now then, kung nagtataka ka bakit nagsasanay ang duwende king kasama namin ay dahil ginamitan ko iyon ng skill na Subordination.
Ipapaliwanag ko muna. Sinubukan ko matapos kong basahin ang nakalagay sa description ng title na Leading Man, meron doong 'lead anyone' at napatunayan kong hindi limited ang skill para sa mga aboriginals lang, damay pati ang mga otherworlders. Subordinate ko na rin si Ma-ay, si Ganit naman ay naghihintay pa dahil kasalukuyan pa itong nasa cooldown at malapit na ito. Plus five per subordinate ang ibinibigay na stats.
So ayun, habang pinagluluksa ko ang skill book na inaasam-asam ko ay nagkaroon ako ng alagad, a king class at that! Nagtaka ako kung bakit tumalab iyon kahit level 1 palang ang skill, naalala ko na may nilaro ako dating game, babawasan mo ang life ng kalaban at babatuhin mo ng bola tapos kakainin ng bola yung kalaban, then poof, ikaw na ang may-ari sa kalaban mo. The lower the health the lesser resistance, siguro ay dahil na rin sa walang malay ang duwende king nang gamitan ko ng skill.
So, after 2 days of effort things happened.
Bumukas ang pinto ng club room. Pumasok ang tatlong duwende warriors at may dala-dala ang mga ito, lumapit sila sakin at inilatag sa harapan ko ang telang dala nila at tumambad sa akin ang sari-saring kung ano-ano.
Piatos, nice... di nakakabusog pero pwede na.
Mik-mik? Tangina may kumakain pa ng mik-mik sa panahon nato?
Iba pang mga junk foods.
Apat na bote ng tubig, good boys!
Panis na pandecoco, burger, kamatis, tatlong pakete ng kape, marlboro, stapler, ball point pen, panty... tangina saan niyo nakuha ang mga to.
"Garaul guraad gararalug." Sabi ng isang duwende warrior at tumuro sa isang direksyon.
Naiintindihan ko ang sinabi ng duwende warrior sa pinaka-kanan ko at dahil iyon sa suot kong tinik na korona. May summoning skill ang item na nasa ulo ko. Ginagamit ko ang mga summon para maghanap ng mga bagay-bagay.
Noong una ay nahirapan ako dahil hindi nila alam ang mga bagay-bagay dito sa school dungeon kaya inutusan ko muna silang maghanap ng kahit na anong bagay, may nakapagdala ng pagkain at inutos ko na iyon ang mga kailangan nila at may nakapagdala ng school materials kaya sinabihan ko na wag nang pulutin ang mga iyon pero kailangan pa nila ng mahabang training.
One of this bitches even collected a human limb, sinampal ko iyon sakanya kaya alam na nila na hindi ko kailangan ng mga ganoong bagay. Actually, it is amazing na madali silang matuto. They even know simple commands now, like sit, jump, roll and play dead. Syempre para sa mga katuwaan ko lang iyon pero natuto na rin sila kung paano lumaban ng mas maayos, thanks to their king ay may oras sila para magsanay ng sarili nila.
By the way, hindi ko kayang magsummon ng lagpas sa tatlong duwende warrior, I wanted to summon the shamans pero naka-set ang tatlong duwende warrior sa default na summon, I don't know what skill that king has pero paniguradong mataas na lebel ng skill iyon dahil siya ang pinaka-lider ng isang tribo.
If you're asking, bakit hindi nalang ipagamit ko sa duwende king ang tinik na korona tapos kontrolin ang mga summon, well... I did, ginamit ko ang mga summon niya para mag-grind ng level sila Ganit at Ma-ay.
Ma-ay, being the athlete that she is, gulpe sarado ang mga duwende sakanya at mabilis siyang nakapag level 7. Si Ganit naman, pwe.. sabihin ko nalang na wala akong masabi, parehas magaling.
The problem is, I can't control the bitches kapag suot ng duwende king ang korona kaya naman sinuot ko na sa sarili ko ang tinik na korona. Well, alagad ko ang hari nila so dapat lang na alagad ko rin ang alagad ng hari, right?
Dagdag pa ay kapag namatay ang isang duwende warrior ay hindi iyon napapalitan, nagku-cooldown lang ang buhay nila, they retain their level, skills, and most importantly their learning experience. So hindi ko kailangang mag-train ng paulit-ulit sa ibat-ibang duwende warrior. Napaka-convinient ng skill sa item nato.
--
"Babyboy, ano, may maayos ba silang dinala?" Naputol ang tinatakbo ng utak ko nang marinig ko ang tinig ni Ma-ay, lumapit siya sa akin at tiningnan din ang mga dinala ng mga alaga ko.
"Tubig ang pinakamaayos nilang nakuha, yung iba junk foods, yung iba itutuktok ko nanaman sa ulo nila." Nakangiti akong tumingin sa mga alaga ko at nagyakapan sila.
"Come on now bayboy, tignan mo o tinatakot mo sila." Tumakbo ang mga alaga ko sa likod ni Ma-ay at tumingin sa akin na may pang-aasar. Really now bitches? Mamaya kayo sa akin! Nginitian ko sila at nakaramdam sila ng panginginig. I can feel what they feel too, though hindi ganoon kalinaw ay ramdam ko pa rin.
"Garulag garalala rarug." Anang isang duwende warrior. Nagreport ito tungkol sa mga monsters na nakita nila. Lumapit ito sa akin, nagsasalita habang sumesenyas at tumatango-tango naman ang mga kasama nito. Kapag tila may nakalimutan ito ay titingin ito sa mga kasama niya at sila naman ang magtutuloy.
Nang matapos sila ay tumango ako at inutusan ko sila gamit ang isip ko na magsanay.
Kung sino ang mamamatay sakanila ay hindi kakain ng hapunan, ow right, dalawang beses lang kami kumain dahil hindi namin afford ang normal human consumption, three times a day. Syempre hiwalay sa pagkain namin ang pagkain ng mga duwende dahil ibang nilalang ang kinakain nila, so I let them find their own whenever I tell them to go out.
Nang maka-alis ang mga alaga ko ay tinawag ko si Ganit at kinausap ko silang dalawa ni Ma-ay, "Tatlo na ang uri ng monster na nakita ng mga alaga ko. Una ay isang uri ng lumilipad na monster at ayon sa report nila ay kalahati lang ang katawan nito. Second is that human like horses, mga tikbalang. And lastly ay isang uri din ng human-like pero ang pagkakadescribe nila ay pula ang mata, mahaba daw ang pangil at mga kuko, and last night lang nila nakita, I'm guessing na isa iyong monster na active lang sa gabi."
"Oow, 3 huh, nasa Club Rooms building tayo at may kahabaan ang building nato. Malayo daw ba sa atin ang mga hamilaw?" Tanong ni Ma-ay sa akin matapos marinig ang mga sinabi ko. Adjacent sa Senior's Building ang Club Rooms at nasa gitna ito ng dalawang SB. Ang una ay kung saan kami galing at ang pangalawa ay ang SB para sa mga Grade 11.
-
I was planning to conquer another spawn point, dahil kung gusto kong mabilis na lumakas ay iyon ang nakikita kong pinakamagandang solusyon.
Isa pa at ang pinakadahilan kung bakit gusto kong lumakas agad or tumaas agad ang level ko ay dahil sa nakakamatay na skill nato!
[Unique skill: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:5 Exp: 20.17%]
[Effects]
Doubles the effects of everything including:
Positive
-Stats
-Exp gained from killing monsters
-Skill Exp gain
-Points gained from leveling up
-Weapon Stats
Negative
-Mana consumption
-Stamina consumption
-Total exp pool per level
-Life span usage
[Misc]
-The more the merrier!
-Be warned this skill will consume the user's life span by x2 (Current remaining life span: 8 months 26 days 11 hours 45 seconds)
-Every two level ups will add a month of life span
--
Dalawang patong ang nagagamit kong Mana at Stamina, ayos lang sa akin ang ganoong set up, I mean... come on, double stats at double exp, maliit na bagay na kapalit diba?
Pero ang nakaka-alarma ay ang double the total exp pool per level!
Tinanong ko si Ma-ay kasi level 7 na siya, mas mataas ng dalawa kay Ganit, kung gaano kataas ang exp pool niya at ang sinagot niya sa akin ay 2800! Noong level 7 ako ay 12800 ang exp pool ko para mag level 8, sobrang shitty!
Para mag Lvl.2 ay 100 exp ang kailangan, para mag Lvl.3 ay 300 exp ang kailangan, para mag Lvl.4 ay 700, so on and so forth! Ganoon ang arithmetic kila Ma-ay samantalang sa akin ay X2!
Tapos ang ikakamatay ko ay ang life span usage! The skill is so OP I have to use twice the time too, kinakalahati ng skill ang life span ko!
Damn it! And ang pinakamatindi ay natuklasan kong simula nang mag-umpisa ang RPG, I only have a month to live, kung hindi ako maglelevel ay kamatayan ang naghihintay sa oras na maubos yon!
Kaya naman kailangang-kailangan ko ang ibinibigay na pabuya kapag naka-conquer ng isang spawn point!
--
"Ayos ka lang ba babyboy?" Tanong sa akin ni Ma-ay atsaka hinawakan ang kamay ko.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko namalayang kinukuyom ko na ng sobrang higpit ang kamao ko, umiling-iling ako at sinabi, "Ah yeah, gaya ng alam niyo na, ay nasa 3rd floor ng Senior's Building ang spawn point ng mga tikbalang." Turo ko sa isang piraso ng papel. Gumawa ako ng incomplete pa na mapa ng school pero this would do for now, ang mga kulang ay pupunan ko nalang habang nag-eexplore.
"Andito ang mga monster na kalahati ang katawan." Turo ko sa pinakagitnang bahagi ng Club Rooms building.
"Hindi ba nila namamataan ang mga chikiting mo?" Tanong na biro sa akin ni Ma-ay.
"Ate ano ang chikiting?" Takang tanong ni Ganit, unang beses niya atang narinig ang salitang iyon.
"They're not my kids okay? They're my bitches, my dogs. Hehehe!" Napatingin ako sa mga duwendeng naglalaban kasama ang kanilang hari. 3 v 1 ang match-up.
"Fine, fine whatever, just give me one soon okay?" Kumindat si Ma-ay sa akin at napanganga ang kapatid niya. Narinig kong bumulong siya na tatandaan niya ang mga natututunan niya sa ate niya.
Ngumiti nalang ako at ipinagpatuloy ang pagtingin sa ginawa kong mapa, "This here.. Hmmm." Napakamot ako ng ulo.
"Just tell us, susuportahan ka naman namin kung ano ang magiging desisyon mo, andito lang ako remember?" Pinisil ni Ma-ay ang kamay ko.
"Okay, this building here, ang building ng mga Grade 11... my dogs told me na may nakita silang mga studyante sa building nayan at kinakalaban ang mga nilalang na may mahabang pangil at matulis na kuko. I remember I read something about that kind of creature, mga bampira." Nakapogi pose kong salaysay.
-------------------
[Status Screen]
Name: Hiraya Manoyo
Level: 15 (exp: 12200/409600)
Race: Human
Gender: Male
Title: Leading Man(Active) Malignant(Active) Pain is My Friend (Active) Psycho (Active)
Health points | regen: 1720/1720 | 0.094/s
Mana | regen: 420/650 | 0.033/s
stamina | regen: 620/620 | 0.124/s
Attributes:
Strength: 52
Agility: 60
Vitality: 153
Inteligence: 50
Active Skills:
Unique: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:5 Exp: 20.17%
Rare: Subordination (170 Mp | Cd: 24 hours) | Beg.Lvl:3 Exp: 19.42%
Rare: Health Steal (20 Mp | Cd: None) | Beg.Lvl:4 Exp: 16.31%
Basic: Identify (2 Mp | Cd: None) | Beg.Lvl:5 04.81%
Basic: Bite | Beg.Lvl:2 Exp: 87.06%
Basic: Harden Skin | Beg.Lvl:2 Exp: 71.92%
Basic: Slash (3 SP | Cd: None) | Beg.Lvl:4
Passive Skills:
Rare: Strike Fear | Beg.Lvl:5 Exp: 49.78%
Rare: Consume | Beg.Lvl:3 Exp: 55.37%
Rare: Battle Sense | Beg.Lvl:3 Exp: 17.52%
Basic: Equip | Beg.Lvl:2 Exp: 92.75%
Basic: Pain Tolereance | Beg.Lvl:4 Exp: 27.81%
Basic: Resilience | Beg.Lvl:5 Exp: 22.11%
Basic: Blade Mastery | Beg.Lvl:5 Exp: 53.99%
Current Status:
Healthy
Points to be distributed: 56