Chereads / Ascending To Madness [PINOY] / Chapter 24 - Kabanata 23: Malagkit Dumikit ang Tingin ng Mata

Chapter 24 - Kabanata 23: Malagkit Dumikit ang Tingin ng Mata

(Hiraya)

Nasa ikatlong palapag ako ngayon ng Senior's building sa isang silid malapit sa spawn point ng mga tikbalang. Nagtataka ako kung bakit dalawampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din akong namamataang tikbalang matapos ang huling tatlong nakita kong bumaba.

We... well, I did decide na ang kakalaban namin ay ang mga tikbalang, dahil unang-una ay pamilyar ako sa spawn pattern nila at alam ko kung saan sila nag-i-spawn. Pangalawa ay dahil hindi ko sigurado kung magiging hostile ang mga surviving players doon sa building ng Grade 11, not that I care but para sa kaligtasan nila Ma-ay, or probably more sa kaligtasan ni Ganit ay napagpasyahan kong hindi namin kailangang pakialaman ang mga buhay nila.

Well, pinagtalunan naming tatlo ang desisyon dahil baka raw andoon sila Borhe ayon kay Ganit pero I'd rather not entertain the idea of giving Ganit to that guy. I mean.. come on, he is the Hero alright. Maybe he is strong, maybe kaya na niyang solohin ang isang boss ng isang spawn point, pero kargo ko na si Ganit dahil kapatid siya ni Ma-ay, kaya naman sabi ko ay pag-usapan nilang magkapatid.

Noong una ay nagpupumilit si Ganit na subukan naming magpunta sa building ng Grade 11 pero nagkasundo sila ng ate niya na ako pa rin ang masusunod dahil ako ang tumatayong pundasyon ng grupo namin.

So in the end, here I' am, doing labor.. I mean, not like I don't like it.. pero kanina pa ako nakatanga dito at hindi ko na alam ang nangyayri!

Fuck it!

Tumayo na ako at dahan-dahang binuksan ang pinto, marahan akong naglakad papalapit sa isa pang silid bago ang spawn point, then I went inside the room. Pinakinggan ko kung may nangyayari sa loob ng spawn point pero blanko... as in wala talaga akong marinig. What happened there? Imposibleng may nag-conquer ng spawn point dahil once na mangyari yon ay wala nang lalabas pang mga tikbalang sa dungeon na ito.

Yes, that's what happened nung ma-conquer ko ang spawn point ng mga duwende. Nakareceive ako ng notification na wala na ang mga duwende sa dungeon na ito, or they wont spawn anymore pero ang mga natitirang duwende na dati nang nag-spawn ay gumagala pa siguro kung saan.

May nakita pa akong tatlong tikabalang na lumabas kanina so ekis ang idea na na-conquer na ang spawn point. Ano kayang problema? Hmm, spawn limit? May nalaro ako dating online game na may ganoong mechanics, kapag nag-spawn na ang 100 na monsters ay hindi na muna mag-i-spawn ulit ang portal, then kapag namatay ang ilan ay mag-i-spawn ulit ang mga monsters hanggang sa mapuno ulit ang limit.

Maybe, but where did the tikbalangs go? Ah shiz, my curiosity is killing me. Torture na ang dalawamput limang minutong hindi ko alam ang nangyayari, I'll go!

Muli akong lumabas ng silid at pumunta sa likod na pinto ng spawn point. Bukas iyon kaya dahan-dahan akong sumilip sa loob at wala nga ang mga tikbalang. Spawn limit kaya talaga ang dahilan? Pmasok ako sa loob at nakita ang distortion na dala ng portal. Parehas pa rin ang ayos ng silid simula nang tumakas ako rito, andoon pa rin ang gutay-gutay na katawan ng teacher, napabuntong hininga ako at pumulot ng mga upuan, inayos ko ang mga iyon hanggang sa matakpan na nang tuluyan ang katawan.

One weird thing in this dungeon is that, hindi nabubulok ang mga patay na katawan, hindi din sila mabaho, ganoon pa rin ang itsura nila noong una ko silang makita. That's not the weirdest though, lumulubog ang katawan nila at parang kinakain iyon ng semento, it's like something is consuming them from below. Ang konklusyon ko tungkol doon ay kinakain sila ng dungeon. Ang dungeon mismo ang nag-aabsorb sa mga patay na katawang nakakalat sa kung saan-saan.

Bushung!

MOTHER FUCKER!

Agad akong sumugod sa bagong labas na tikbalang, reflexive response na itinanim sa utak ko ni Ma-ay matapos akong mabugbog ng ilang araw. Malapit lang ang distansya ko at ng tikbalang kaya't mabilis akong nakarating sa harapan nito. Bumunot ako ng isang short sword sa likod ko at inihagis iyon sa mukha ng nagulat na tikbalang.

Tumama iyon sa mata nito matapos ang pagtanga niya sa jump scare na ginawa ko at nabawasan ng 152 ang buhay nito, nagpakawala ito ng nyiheng na itatranslate ko nalang sa aray ko, napayuko ito at napahawak sa nakabaong armas pero hindi ko doon tinapos ang pag-atake ko.

I slightly lowered my body para bumuwelo, I jumped, turned around and swiped my feet upwards, natamaan ko ang nakabaong armas sa mata ng tikbalang. Nakatanggap ito ng fatal blow dahilan para mapa-atras ang katawan nito, tinapunan ko ulit ito ng isa pang short sword sa kaliwang dibdib at nakatanggap itong muli ng fatal blow dahilan para makareceive ako ng notification.

I started counting the time atsaka ko tiningnan ang notification.

Ding!

[You killed a Tikbalang ???? Lvl.20

-You gained 2000 exp points

-500 exp points due to level difference

-Dungeon effect exp X2

-Bound unique skill: Double the Fun effect: exp X2

-a total of 10000 exp points earned.]

Well, what can I say? EZAF? GGWP?

Wala pang labing limang segundo ay napatay ko na ang noong kinatatakutan kong tikbalang. Well, thanks to my higher stats at mostly doon sa jump scare na nangyari ay napaslang ko agad ang level 20 na monster nato. Wait, level 20? Anong nangyari, shit may question marks sa pangalan nito. Commander? Pero ang hina naman ng isang ito kung commander siya. What could it be?

Susej! That's 10k exp! Holy F. Am I too strong for this bitches? But something is wrong, antagal bago nag-spawn ng isang ito. Shiz, its killing me.

Since things turned out like this. Kailangan ko atang labanan mano to mano ang isang tikbalang para malaman ko kung paano sila magkipagtunggali. Yeah, I basically won dahil prepared ako at ako ang unang umatake, what more... mas mataas ata ang stats ko kumpara sa isang tikbanag, so.. I should try fighting it sa paraang ma-oobserbahan ko ang mga galaw nito. Okay then.

Hinatak ko sa dulong parte ng silid ang labi ng tikbalang.

Ininspeksyon ko ang katawan ng tikbalang. Binunot ko ang short sword sa mata nito at dibdib. Walang balahibo ang pang-itaas na parte ng tikbalang at ang natira naman ay mayroon, well, hindi kayang takpan ng balahibo nito ang kanyang mahabang... Hmm.

Inumpisahan kong paghihiwain ang mga muscle nito sa katawan, buong kamay, hita at paa. Hmmm, mas firm ang mga kalamnan nito kumpara sa isang normal na tao. Maybe because the level is high? O baka dahil likas sa species nila na ganito kabatak ang kalamnan nila? Inumpisahan kong inspeksyonin ang mga laman-loob nito. They also have the same organs. Maliban sa paa at ulong kabayo nito ay parehas ang anatomy nila sa isang normal na human being.

Are they past humans?

Galing ba sila sa mga tao at nag-evolve? Or the thing is entirely different? Shizz, napakarami kong tanong na wala namang kasagutan! Sesuj, wala ba akong pwedeng mahanap na detailed description kung saan galing ang mga to?

Bushung!

Hmm? 15 minutes this time. Something is really wrong.

'Identify'

[Tikbalang ???? Lvl.20 (982/2000)]

Health points: 350/350

Mana: 170/170

Stamina: 200/200

Strength: 27

Agility: 15

Vitality: 17

Intelligence: 21

--- ???? ?????

Wow, that's not the complete set of information? Okay, mataas talaga ang strength ng mga tikbalang. Gaano kaya kataas ang str ng isang commander o ng isang king? And this one is level 20 again with question marks.

Nagkatinginan kami ng tikbalang, tumayo ako at itinarak ang mga short sword na hawak ko sa katawan ng ini-inspeksyon kong bangkay. Nagpakawala ng galit na tunog ang tikbalang at sumugod ito sa akin. May clip clop na tunog akong narinig pero hindi ito ganoon kabilis, even Ma-ay has higher speed than this. Strength lang ata talaga ang mataas sakanila.

Even my dogs, kaya nilang talunin sa pabilisan ang tikbalang nato. No wait, its accelerating.. shit! May liwanag akong napansin sa mga paa nito, skill? Pumorma ang tikbalang at balak akong banggain nito.

Sinalubong ko ang balikat nito gamit ang kanang palad ko.

It stopped.

Nanlaki ang mga mata nito at napatingin sa akin bago tumalsik ang ulo nito pakaliwa, sinampal ko ang mukha niya. Hehe.

Nanggagalaiting tumingin sa akin ang tikbalang, tumalikod ito at sumipa. Nagpakawala din ako ng tadyak at nagtama ang mga paa naming dalawa, na-cancel ko ang pwersa niya. Inabot ko at sinampal ang malaman nitong pwet.

PAK!

Nyiheng! Umatras ito at...

Yo, WTF? Nag-iba ang kulay ng mukha at namasa-masa ang gilid ng mata nito.

Umatras ang tikbahang at muling tumingin sa akin, sa pagkakataong ito ay para bang may mali akong natrigger dahil iba na ang tingin niya sa akin... how to describe this.. malagkit?

Sesuj what's the meaning of that look? Oh my, mother fucker, wala siyang tite! Walang mahabang nilalang sa pagitan ng mga hita niya, wait... that means!

This tikbalang is a woman? But.. she doesnt have boobs na dapat ay unang-una ko sanang napansin dahil wala silang balahibo sa dibdib! WTF is this?

Haha, what a surprise, so they also spawn the other gender. I should see what that looks like later. Dahil hindi na muling sumugod ang tikbalang ay ako na ang sumugod, nagulantang ako nang biglang nag-open arms ito at para bang inaabangan yakapin ko siya. Sesuj what is this? This tikbalang is peculiar. Nagdalawang isip na akong paslangin ang tikbalang nato, hindi dahil babae ang isang ito o dahil malagkit ang tingin nito sakin.

May nakita akong tikbalang noon na nagpakita ng interes sa ginawa kong hide-out, maybe this tikbalang too has a higher intelligence so that is why nagdadalawang isip akong gawing exp ang isang ito.

Tumigil ako sa pag-atake at itinutok ang hintuturo ko sa gitna ng mga kilay nito. Sorry Ganit, may nauna sa pwesto mo.

Ding!

[You successfully used Subordination]

-you gained a bonus +5 to all stats

Ding!

[Rare active skill: Subordination level up (Lvl.3 - Lvl.4 Exp: 09.52%)

-unlocked sub-skill: Telepathy

Oh my! Success!

Napatingin ako sa tikbalang na nakatitig pa rin sa akin ng malagkit. Damn! Nagbunyi ako sa +5 na bonus stats at tumalon sa langit ang puso ko dahil may bago nanaman akong skill... or sub-skill, telepathy? Oh my, that means magagawa ko na silang makausap at hindi na hulaan kung ano ang pinagsasasabi nila.

Naiintindihan ko naman, I mean... I get what they try to say but nakasalalay pa rin sa comprehension ko kung ano ang magiging resulta ng sinasabi nila. Now that I have telepathy, maybe I could talk to them now?

Agad kong sinubukan ang bagong skill. In-activate ko iyon at nagfocus sa tikbalang na nasa harapan ko, 'WTF are you?'

Nagpakita nang pagkalito ang tikbalang at sumagot. Nyihiheng plupu (Tikbalang panginoon.)

Oh my! Hahaha, haha. May sense of humor ang animal nato ah. Sumenyas ako sa tikbalang at sinabihan itong kargahin ang bangkay sa sahig. Tinigil ko ang connection namin at sinubukang kausapin ang duwende king.

'Oy putangina mo asan ka?'

(Huh, ikaw ba yan poon?)

'Sagot agad, animal nato!'

(Ahg, andirito kasama ang mga katipan mo poon. Agh, aray! Agh!)

Tinapos ko ang koneksyon, malamang ay nag-te-training sila. Katipan? What a word! Hahaha haha ha... this skill is awesome! Nakangiti akong tumingin sa tikbalang pero nagdalawang isip na gamitin ang skill. Buhat na nito ang patay na ka-uri, ganoon pa rin ang tingin nito sa akin. Ah shizz, I'll go back first. Kaya nila Ma-ay ang spawn point nato, with little help from me, makakapag-palevel sila agad ng mabilis.

Sinenyasan ko ang tikbalang na sumunod sa akin at tumango ito. Shiz, nakaka-alangang kausapin ang isang ito.

In-activate ko ang skill at kinausap si Ma-ay.

'Ma-ay, I'm heading back now.'

(Wow, hihi, naririnig ko na pati sa isipan ko si babyboy, ganoon ba ako ka-patay-na-patay sakanya? Ah, namimiss ko na ang katawan ni babyboy. Mag-iisang araw na kaming hindi nagtatalik. Ang tagal naman niyang bumalik, baka kumakain nanaman siya ng halimaw, pupunta ba ako? Puntahan ko na kaya siya?)

Naramdaman kong parang nasusunog ang mukha ko tapos napalitan iyon ng tuwa, 'No, I'm fine. Naglevel up ang isang skill ko kaya pwede na kitang maka-usap. I'm heading back now.'

Pinutol ko ang koneksyon at nakangiting naglakad paalis ng silid habang wala pang lumalabas na Tikbalang.

Let's go!