-----
-Sa loob ng isang club room-
Pinapanood ni Ma-ay ang kanyang kapatid habang nakikipaglaban ito sa duwende king. Umalis ang tatlong duwende warriors upang maghanap ng kakainin nila para sa mga susunod na araw, nakakapanibago pa rin sa pananaw niya na puwede nilang utos-utusan ang mga halimaw pero napakalaking tulong na mayroong ibang gumagawa ng bagay na dapat ay sila ang namomroblema.
Dahil hindi pa nila alam kung ano ang mga panganib na makakasalubong nila sa iba't ibang parte ng skwelahan, hindi sila basta-basta pupwedeng maglibot-libot.
Mabuti nalang at maaasahan nila ang mga duwende warrior, yun nga lang, nakakapanghinayang sa pakiramdam ni Ma-ay na hanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuang paliguan ang mga ito.
Ilang araw na niyang gamit ang mga damit niya. Malagkit, pinaghalong amoy pawis at dugo, tapos kailangan pa niyang tiisin ang patuloy na pagdagdag ng mga dumi sa katawan niya. Itinigil na rin muna nila ni Hiraya ang pagtatalik at nagkasundong kailangan muna nilang humanap ng paraan para makaligo.
"Hiyaa." Patuloy na pinipilit pataaman ni Ganit ang duwende king pero masyadong malayo ang agwat ng bilis nila kaya naman hanggang ngayon ay isang beses palang nitong natatamaan ang kalaban.
"Kragul? Grulugal larulagag."
"Tsansa!" Tinamaan ni Ganit ang mukha ng duwende king, umilag ito sa susunod niyang atake pero natamaan niya ulit ang braso at hita nito nang muli itong magsalita.
'Huh? Nakikipag-usap ba ang duwende king sa akin?' Tanong ni Ganit sa kanyang sarili. "Hindi kita maintindihan, bakit di ka magtagalog?"
Natawa si Ma-ay sa narinig niya. Paanong magtatagalog ang isang halimaw? Napangiti siya at napansin, nang napatigil ang duwende king ay nalukot ang mukha nito atsaka ngumiti at para bang nagpapa-amo ang mukha.
'Hiraya?' Sumagi sa isipan ni Ma-ay ang pangalan ng babyboy niya.
Simula nang maging alagad ni Hiraya ang duwende king ay ginawa nila itong sparring partner. Noong una ay lumalaban pabalik ang duwende king, natamaan nito ang kaliwang hita ni Ma-ay dahilan para mabalian ito ng buto.
Nagningas ang apoy sa mata ni Hiraya nang makita ang sinapit ni Ma-ay at nakatanggap ng isang oras na eksperimento ang duwende king. Kung ano man ang naganap ay hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Ma-ay o ni Ganit.
Ang tanging alam lamang nila ay ang naging resulta. Hindi na lumalaban ang duwende king pero seryoso itong umiiwas sa mga atakeng ginagawa ng dalawa.
"Ayos! Ate, nakatanggap ako ng isang puntos para sa agility!" Nakangiting tumalon-talon si Ganit papunta sa kina-uupuan ni Ma-ay. Nag-thumbs up si Ma-ay sa kapatid at napatigil ito nang marinig niya ang boses ni Hiraya sa kanyang isipan.
'Wow, hihi, naririnig ko na pati sa isipan ko si babyboy, ganoon ba ako ka-patay-na-patay sakanya? Ah, namimiss ko na ang katawan ni babyboy. Mag-iisang araw na kaming hindi nagtatalik. Ang tagal naman niyang bumalik, baka kumakain nanaman siya ng halimaw, pupunta ba ako? Puntahan ko na kaya siya?'
Napagtanto ni Ma-ay na si Hiraya nga ang dahilan kung bakit napatigil kanina ang duwende king. Hindi niya napigilang asarin si Hiraya.
"Ah, Ganit, pabalik na si babyboy. Tapos na siguro yon na alamin kung paano lumaban ang mga tikbalang. Ilan na pala ang nadagdag sa agility mo simula kahapon? Pagod kana ba?" Nakangiti si Ma-ay na kinakausap ang kapatid habang hinahagod ang buhok nito, gamit ang isang medyo malinis na tela ay pinunasan niya ang pawis ni Ganit.
"Pabalik na siya?" Biglang nanginig ang mga labi ni Ganit, may takot pa siyang nararamdaman tuwing naaalala ang mga ginawa ni Hiraya. "Apat na ate, nararamdaman ko na mas bumibilis ang katawan ko, ate nga pala, pakiramdam ko ay bumibilis din ang reaksyon at pag-iisip ko kapag nakikipaglaban. Kasama ba yon sa agility?"
Suhestyon ni Hiraya na magsanay sila para madagdagan ang kanilang mga stats, nadiskubre iyon ni Hiraya sa isa sa kanyang mga eksperimento kaya sinimulan ni Ganit at Ma-ay ang pakikipag-sparring.
"Bakit di mo tanungin ang kuya Manoy mo patungkol dyan? Para naman makapag-usap na kayo, hehe, pag may mga tanong ka ay lapitan mo lang siya. Masasagot niya ang mga ganyang bagay." Nagagalak na bida ni Ma-ay kay Ganit.
Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin nag-uusap si Ganit at Hiraya, para bang may isang pader sa pagitan ng dalawa. Sinusubukan naman ni Hiraya ang makipag-usap pero kapag naririnig ni Ganit ang boses ni Hiraya ay hindi pa rin nito mapigilang manginig.
Manoy ang naisipang gamiting pangalan ni Ma-ay, galing iyon sa apelyido ni Hiraya na Manoyo.
"Sa may bahay, ang aming bati."
Napatingin ang tatlo sa pintuan. Dali-daling tumakbo ang duwende king at pinagbuksan ang dumating. Nanlaki bigla ang mga mata nito at binunot ang dalawang sandata nito sa likod, akma itong susugod nang bigla itong batukan ni Hiraya.
"Yow... May dala akong pasalubong, hehe." Tumatawang pumasok si Hiraya sa loob at kasunod niyang pumasok ang isang bato-bato at malaking nilalang. Nakasabit sa balikat nito ang isa pang malaking bato-bato pero walang buhay iyon at maraming hiwa sa katawan, laylay pa ang mga lamang-loob nito.
"Wow babyboy, napakalaking pasalubong naman ata niyan?" Nagningning ang mga mata ni Ma-ay. Sawang-sawa na siya sa mukha ng duwende king at sa nakikita niya ay may panibago nanamang aalagaan si Hiraya.
"Hiiiik!" Napatakbo si Ganit sa likod ni Ma-ay, hinatak at pinigilan niyang makalapit ang kapatid niya sa tatlong halimaw dahilan para dumausdos ang paa niya sa lapag.
"Babyboy, pokemon trainer kaba? Una duwende tapos ngayon tikbalang anong susunod? Ang boss ng dungeon nato? Ano namang silbe nito, don't tell me..."
Nagkamot ng ulo si Hiraya, "Ah no, whatever your thinking.. stop. Shiz, yeah this one, babae siya but come on now.. I didn't do anything." Maang-maangang napayuko si Hiraya at tinago ang isang kamay niya sa likod.
Napansin ni Ma-ay ang titig ng kabayo kay Hiraya. Malaking palaisipan sa utak ni Ma-ay kung ano ang ginawa ni Hiraya sa kabayong to pero may tiwala siya sa mga sinabi ng babyboy niya. Malamang ay hindi nito sinasadya ang ginawa o hindi niya alam ang ginawa niya.
"Nyiheng pluhuhu!"
"Karala lugarulag akrul!"
Napatanga naman ang tatlong tao sa loob ng silid. Patuloy na nagpalitan ng mga tunog ang dalawang halimaw, kung minsan ay napapatingin sila kay Hiraya at sabay na tatango. Biglang nag-iba ang kulay ng mukha ng tikbalang at nahihiyang hinawakan ang pwetan nito atsaka tumingin kay Hiraya. Tumawa ng malakas ang duwende king at itinuro ang magkapatid.
"Ah, babyboy? Care to explain?" Takang tanong ni Ma-ay, panibagong karanasan nanaman ang nasasaksihan niya. May naputol na hibla sa kanyang isipan matapos niyang makita ang mabining kilos ng kabayo.
Napaluhod si Hiraya sa sahig at niyakap ang paa ni Ma-ay, "Shit! Ah ano, sinampal ko siya sa pwet. I don't know why, pero pagtapos non ay naging kakaiba ang kinikilos niya. Then I used Subordination kasi interisado akong malaman kung bakit, then that happened. This bitch now looks at me disgustingly." Malagim na nginitian ni Hiraya ang tikbalang pero nalaglag ang panga niya ng mag-beautiful eyes ito sakanya.
'Hey bitchking, what's the meaning of this?' Binuksan ni Hiraya ang Telepathy at kinausap ang duwende king.
'(Poon, pinaslang mo ang magiging katipan ng Prinsesa. Binabati kita!)'
"Prinsesa?" Napatayo si Hiraya at tinitigan ang tikbalang, tila nahiya ang tikbalang at nagpakawala ito ng nyiheng pluhuhu.
Nagsalubong ang mga kamay ni Ma-ay at narinig niya ang kapatid niya, "Ate, tinawag ni Manoy na prinsesa ang kabayong yon, may relasyon ata sila. Naalala ko minsan ay tinatawag ni Mina si Borhe ng prinsipe." Lalong nadagdagan ang takot ni Ganit kay Hiraya.
'You bitchking, ano bang sinasabi mo? Pinatay ko ang asawa ng prinsesa? Oo ginawa ko yon, pero bakit ganyan ang kinikilos ng tikbalang na yan, atsaka... yun muna sagutin mo.' Litong-lito na si Hiraya sa mga nangyayari.
'(Poon, niyaya mo siyang gumawa ng sanggol)'
'WTF? Shit! I should just kill this bitch! Shit, yung paghampas ko sa pwet niya? Ano yun mating ritual? WTF! Wait a minute.. prinsesa? hehehe hehe he.'
Nagtaka ang apat na nilalang sa mga kinilos ni Hiraya, pinagdaop nito at mga palad niya at kiniskis ang mga iyon habang tumatawa. Napatigil lamang si Hiraya nang batukan siya ni Ma-ay. Napaface-palm si Ma-ay, napatingin siya sa duwende king at tikbalang, prinsesa daw ang tikbalang. Napailing nalang si Ma-ay dahil alam na niya kung saan pumunta ang utak ni Hiraya.
"Basta babyboy, alalahanin mong sabihin ang mga pinaplano mo sa amin dahil, alam mo naman na diba? Isa na tayo ngayong team. At isama mo na yang prinsesa mo dahil siya ang susi para magtagumpay ang binabalak mo."
Tumagilid ang ulo ng isang tao at dalawang hamilaw, nagtataka sila kung ano ang pinag-uusapan nina Hiraya at Ma-ay.
Nagkamot si Ganit ng ulo at nagpunta sa kabinet ng mga pagkain.
Muling nag-usap ang duwende king at ang prinsesang tikbalang.
"Ey, babyboy, may nakita ka bang pwedeng gamiting paliguan?" Naupo si Ma-ay sa isang silya at nagtanong kay Hiraya.
"Nah, but I remember, may faculty room sa tabi ng Grade 11 building... and by that I mean, may sarili silang CR doon sa loob right? Tsaka baka may pwede tayong gamitin sa mga yon." Nakapogi-pose na salaysay ni Hiraya.
"Ibig mong sabihin gusto mong alamin kung may silbe ang mga survivors doon right?" Tinangoan ni Hiraya ang tanong-sagot ni Ma-ay. Binunot ni Hiraya ang isang piraso ng papel sa kanyang likurang bulsa at tiningnan ang mapa.
"Want to go with me or we let my bitches do the exploring?" Nakita ni Ma-ay na napatingin si Hiraya sa duwende king at sa prinsesang tikbalang. Naisip niya din ang naisip ni Hiraya, napangiti siya pero umiling siya.
"Bat di nalang tayo pumunta lahat? Yah know, as a one big happy family? May butler na tayo, may maid tapos ako ang reyna, ikaw ang hari at si Ganit ang prinsesa natin. See? Sama mo na rin yung mga chikiting mo hahaha." Humaba at dumilim ang mukha ni Hiraya pero maamo pa rin siyang tumango kay Ma-ay.
"I just hope na welcome tayo doon dahil kung hindi, hehe... I could use my dogs and scare them a little, kapag umiihi na sila sa lapag we'll just tell them its a prank."
Nagtawanan ang dalawa at pinagplanuhan kung papaano nila tatarantaduhin ang mga studyante sa kabilang building. Napatingin ang tatlong nilalang sakanila at sabay-sabay na napalunok.