-----
"Babyboy, may magagawa ba kami para makatulong?" Tanong ni Ma-ay kay Hiraya. Nang mapatay nila ang dalawang duwende shaman ay pinanood nila ang nagaganap na labanan sa pagitan ni Hiraya at ng Duwende King. Masikip ang CR para maging battle stage para sa apat na nilalang. Gusto mang tumulong ni Ma-ay ay naisip niyang baka maging sagabal lamang siya. Alam niyang malayo ang agwat ng stats niya at ng stats ng duwende king. Sumingit pa ang nakakaproud na pakiramdam sa puso niya dahil natatapatan ni Hiraya ang duwende king.
"Toss me that staff and use the other one!" Sumenyas si Hiraya kay Ma-ay at napatingin ito sa mahabang kahoy, pabilog ang dulo nito at may maliit na pulang bato sa gitna. Pinulot ni Ma-ay ang isa at itinapon iyon kay Hiraya nang pulutin niya ang isa pa at higpitan ang pagkakahawak doon ay may naramdaman siyang kapangyarihan na pumasok sa katawan niya.
'Added stats? So pag nag-equip ng sandata ng mga halimaw ay may ganitong epekto? Teka, anong gagawin ko dito?' Takang tinitigan ni Ma-ay ang kahoy.
Ding!
[You equipped a Duwende Shaman's Magic Staff]
-A magical staff used by a Duwende Tribe Shaman, it holds the power of fire.
Damage: 8-12
Magic Damage: 18-29
+9 Intelligence
+6 Fire Damage
Active Skill: Fire Ball (15 Mp | Cd: 120 Seconds)
Durability: 15/20
"Bigkasin mo ang pangalan ng skill at itutok kung saan mo iyon patatamain. Sisigaw ako kapag kailangan mo nang gamitin!" Nakita ni Ma-ay ang halimbawa nito nang matapos magsalita ni Hiraya ay may bolang apoy na tumilapon papunta sa duwende king, nakailag ang duwende king at nakita ni Ma-ay na sumugod papalapit si Hiraya at nag-umpisang makipagtunggali sa duwende king.
--
(Hiraya)
Nag-level 3 na ang equip ko kaya tatlong items na ang pwede kong magamit sabay-sabay. Ang sapatos ko, ang Trident at ang ibinatong Staff ni Ma-ay.
Pagkatapos kong mag-cast ng fire ball na alam kong maiilagan ng duwende king ay sumugod ako para makipag-melee. Hawak ko ang Trident malapit sa dulo nito at ginagamit ko itong javelin pantusok sa duwende king. Ginagamit ko naman ang Staff para subukang patamaan ang duwende king pero ang awkward sa pakiramdam na dalawa ang ginagamit kong armas. Tinigil ko ang paghampas at nagfocus sa pagtusok.
This bitch really is fast! Patawa-tawa pa ito habang patuloy na umiilag at gumaganti nang saksak o hiwa sa akin.
Whoosh!
It's that skill again! 180 second cooldown! I intinctively raised the Trident papunta sa kamay kong may sugat.
Ting!
Muli kong nakita ang duwende king sa kanina nitong pwesto, nanlalaki ang mata nito at hindi siguro makapaniwala na nasangga ko ang skill niya.
Shit! Kamuntikan nanaman akong mahiwa! Oh my... maybe I should just try to trust my danger sense, kapag hahanapin ko kung saan ako patatamaan ng bitchass nato ay hindi ko iyon mailagan salamantalang kanina ay parang natural response ng katawan ko ang nangyari. I should try!
Dahan-dahan akong lumapit sa duwende king at muling itinutok na parang javelin ang Trident, yeah I know, hindi ganito ang tamang paggamit sa armas nato pero... whatever, this will do for now.
Swish!
Hindi ko tiningnan kung saan papunta ang atake ng duwende king, umatras ang katawan ko at iniangat ko ang baba ko. The blade nicked the tip of my chin. Success. Now, now, let's do more testing.
Ilang beses kaming nagpalitan ng atake... lima... sampu... dalawampu. Nailagan ko ang karamihan at nadaplisan ako ng iba, I'm getting the hang of it.
Muling nag-cooldown ang fire ball at ginamit ko muli iyon pang-distract, umilag ang duwende king papunta sa kanan kaya sumigaw ako agad, "Ma-ay now!"
Nang marinig ko ang lagablab ng apoy ay ini-atras ko ang kamay ko sa abot ng aking makakaya, hinigpitan ko ang hawak sa Trident at buong pwersa iyong ibinato sa direksyon kung saan umiwas ang duwende king mula sa fire ball ni Ma-ay.
Whoosh!
"Gruaaak!" Mabilis na muling umilag ang duwende king pero natamaan ko ito sa braso, tumusok ang Trident sa itaas na parte ng braso (deltoid) nito at kasama itong bumaon sa pader. Nakita ko ang [-273 Hp] na nabawas ko, shit that's a ton of damage! Hindi ko pinalagpas ang pagkakataon at sumugod, tumalon at pumorma ng flying kick.
Nanlaki ang mata ko nang ibato sa akin ng duwende king ang isang armas nito gamit ang kamay niyang malaya, iniharang ko ang dalawa kong kamay sa aking harapan at tumagos ang armas sa kaliwa kong kamay, na siyang nasa pinakaharap, natusok din ang kanang kamay ko at gusto ko sanang sumigaw pero napigilan ko ang sarili ko.
Lumanding ang sipa ko sa katawan ng duwende king. Bumulwak ang dugo sa bunganga nito at nakita ko ang [-219 Hp] na bawas sa buhay nito. A little more than half more.
Nagngalit ang mga ngipin ng duwende king at sinipa ako sa kaliwang pisnge matapos kong maglanding. Napa-atras ako at napaluhod dahil sa pwersang dala ng sipa nito, tiningnan ko ang natitirang Hp ko.. 218/2342.
Nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi ko alam kung bakit patuloy na tumataas ang max Hp ko pero naisip kong dala siguro iyon ng mga skill o title na natanggap ko nang mawala ang ako sa sariling malay.
That cruel bitch and this ugly bitch, they both pisses me off. Ginamit ko ang galit na nararamdaman ko para makatayo at sinugod kong muli ang duwende king na nakatusok pa rin sa pader, pinipilit nitong alisin ang Trident pero nakabaon iyon sa pader at lubog hanggang dulo ang tatlong tusok nito.
Nagmintis ang suntok ko dahil bago iyon tumama at pinunit ng duwende king ang sarili nitong kamay paalis sa pagkakabaon. Ah shit, naramdaman ko ang sakit na dala ng pagsuntok ko sa pader at dumagdag pa doon ang paggalaw ng nakabaong armas sa kamay ko. Pinulot ng duwende king ang nahulog nitong kamay at binawi ang isa nitong armas mula doon.
Tumalon ako papalayo sa duwende king upang gumawa ng distansya at nag-abang sa susunod nitong gagawin habang tsinek ko ang natitira nitong Hp.
[Duwende King]
-385/1000 Hp
Now what? Nagkatitigan kami ng duwende king.
Wala na ang Trident sa kamay ko at cd pa ang fire ball, marami na akong sugat na natamo na siyang dahilan para patuloy na bumaba ang health points ko at nakakaramdam na rin ako ng tumitinding kapaguran.
Habang ang duwende king naman ay isa nalang ang kamay at armas na gamit, patuloy ding umaagos ang dugo nito sa putol nitong kamay at tumutulo din ang dugo sa bibig nito, it probably took internal damage and it is suffering from the inside too right now.
"Krugalla gurulagla karu." Anang duwende king, hindi ko iyon naitindihan pero parang sinasabi nito na isa akong mahirap na kalaban, kung papaano ko iyon nasabi ay dahil nakatingin ito sa kamay nito sa lapag at bakas sa mukha nito ang pagkamangha. Nang tumingin ito sa mga mata ko ay tumango-tango ito.
"Hindi ko alam sinasabi mo, pero putangina mo wala akong pakialam sa nararamdaman mo. Ang sakit ng mga sugat ko gago ka!" Hindi ko napigilang pagmumurahin ang animal nato. Ang kirot ng mga sugat ko!
Now, I got to rest for a minute or two.
Itinutok ko ang staff na hawak ko at proud na proud kong sinabi, "Ngayon! Harapin mo na ang iyong katapusan!" Let's do it! My skill book!
Tumakbo ako palabas ng CR at dali-dali ko iyong isinara, hinawakan ko ang handle nito at hinigpitan iyon. Nagkatinginan kaming tatlo nila Ma-ay at Ganit. Nanlalaki ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
"Wow, so much for that heroic speech babyboy!" Napapalakpak si Ma-ay at tiningnan nito ang mga sugat ko. May inilagay siyang botelya sa bibig ko at agad ko namang nilagok ang laman non. Sunod-sunod niyang ipinainom sa akin ang walong botelya ng health potion habang ginagamitan ako ng healing spell.
Habang tumataas ang health points ko ay nagsasara ang ilang mga sugat sa katawan ko, ang pinaka kapansin-pansing naghihilom ay ang mga sugat ko sa braso, kamay at dibdib.
Pinapakinggan namin ang gumagalabog na pintuan pero hindi iyon kayang buksan ng duwende king or rather, hindi nito alam kung papaano iyon buksan. Naririnig ko ang mabilis na paghinga ng duwende king sa loob at ang patuloy na pagpatak ng dugo nito sa sahig.
Nakarinig ako ng whooshing na tunog sa loob at lumabas sa pinto ang isang matalim na bagay. "Pahingi nga ng isang short sword dyan sa lapag." Utos ko kay Ganit, nanlaki ang mata niya at ilang segundo kaming nagkatinginan, isinenyas ko paturo ang bibig ko doon sa lapag at saka lang pinulot ni Ganit ang sinasabi ko.
Klinose open ko muna ang kamay ko bago ko inabot ang ibinibigay ni Ganit, pinakiramdaman ko iyon kung hindi na masyadong masakit. Inabot ko ang short sword dahil narinig ko nanaman ang whooshing na tunog sa loob. Nang lumabas ang talim sa pinto ay buong pwersa kong pinatamaan iyon gamit ang short sword.
Ting!
Hindi naputol ang lumabas na patalim sa pinto pero alam kong nabawasan ang durability noon, naisip ko na ilang beses pang maulit iyon ay masisira ang armas na gamit ng duwende king. Bigla akong may naisip na mas magandang ideya.
Binigay ko ang short sword at sumenyas ako kay Ganit na umatras siya. Sinuntok ko ang pinto at gumawa iyon ng butas kasing laki ng kamao ko.
"Anong ginagawa mo babyboy baka makalabas ang green kid nayon!" Napahawak ng mahigpit si Ma-ay sa staff niya pero umiling ako at binawi muli ang short sword mula sa kamay ni Ganit.
Nang makita kong sumilip ang duwende king sa butas ay agad kong intinusok iyon sa mata niya, umatras ito pero naabutan ko pa rin siya at bumaon ang short sword sa mata nito. Nadagdagan ang sira ng pinto pero worth it ang ginawa ko dahil nabawasan nanaman ang duwende king.
"Saan mo natutunan ang mga ginagawa mo babyboy? Marami ka na talaga tinatago sa akin ha!" Ani Ma-ay.
Ngumiti nalang ako at pinagtuunan muna ng pansin ang kasalukuyan naming kalaban. Tumigil na sa paggalabog ang pinto, marahil ay lumayo ang duwende king sa pintuan. Yan, tama yan, ubusin mo ang dugo mo at mamaya-maya lang ay mapapasakin na ang skill na ilalaglag mo.
Lumipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng pagbagsak ng isang katawan sa loob . It took earlier than I estimated. Dinagdagan ko ang sira ng pinto sa pamamagitan ng pagsipa sa dati ko nang ginawang butas. Napatingin kaming tatlo sa loob at nakita namin ang nakahandusay na katawan ng duwende king. Hindi pa ako nakakatanggap ng notification na patay na ito pero malamang ay nawalan na ito ng malay.
Napaupo ako sa lapag.
"It's okay babyboy, you won. sesuj, you really should stop being a cry baby.."
May yumakap sa ulo ko at hinagod-hagod iyon. Lalong tumindi ang pagtagas ng luha ko at pasinghot-singhot na rin akong humihikbi.
"I was awesome back there right?" Bigkas ko habang umaagos ang luha sa mga mata kong nakatingin kay Ma-ay, "Yo, sister, diba ang angas ko kanina diba? Come, on say your brother-in-law is amazing. Come on god damn it!" Napatigil ako ng batukan ako ni Ma-ay. Shiz, napa-tsk ako sa direksyon ni Ganit at yumakap ako kay Ma-ay.
"Ate, ate.. hindi na ba siya nangangagat?" Nag-aalangang lumapit si Ganit sa akin.
"Yeah, yes bulilit hindi na siya mangangagat. Come on greet your brother-in-law. Hiraya." Ani Ma-ay na siyang nagpataba sa puso ko. Oh no, SHIT!
"Hiraya? Hi-ra-ya... Hiraya!"
"Knock her out! Shit, shit, shit... knock her out now!" Hindi agad naintindihan ni Ma-ay ang dahilan kung bakit ko sinabi iyon pero ginawa niya pa din ang sinabi ko.
Pinalad ni Ma-ay ang batok ni Ganit at gaya ng inaasahan ko ay nawalan ito ng malay. Sinalo ito ni Ma-ay bago bumagsak sa lapag, dinala sa pader at isinandal niya ang kapatid niya.
"Bakit, anong meron sa pangalan mo babyboy, bakit nang marinig ni Ganit ang pangalan mo ay naging pulang-pula ang mga mata niya? Anong nangyayari babyboy? Anong mangyayari sa kapatid ko?" Nag-aalalang niyugyog ako ni Ma-ay. Come on now, yung mga sugat ko!
"He's not dead! Don't ever tell her my name. May sumpa ata ang pangalan ko, gaya ng nangyari sayo, may natrigger sa existence mo nang marinig mo ang pangalan ko. I'm so sorry Ma-ay, I should've told you sooner. Isa sa mga protagonist ng love story ang kapatid mo."
"SHIT! Hindi pa siya patay? Shit! Would I... ayoko nang mawala sa tabi mo babyboy.."
"Shhhh, it's okay. Nag-usap kami kanina then I blacked out pero naalala ko lahat ng mga sinabi niya. So I guess, after this dungeon.. forget it for now. So, huwag mo nalang muna banggitin ang pangalan ko kay Ganit, make another name or whatever, just don't tell her. Okay?" Tumango-tango si Ma-ay, pinunasan niya ang tumulo niyang luha at tumingin sa akin, nagtatanong ang mga mata niya kung ayos lang ba ako at tumango ako sakanya.
"I'll go see that ugly bitchass for now. Nakapagpahinga na ako."