(Hiraya)
Narinig ko ang pag-iyak ni Ganit at ang pagtawag niya kay Ma-ay ng ate. Sigh.. it really is better to be the bad guy. Hindi naman ako galit kay Ganit, hindi ko kasi siya pwedeng sisihin, I know... I know it was my fault bursting and suddenly threatening her like that. What could I do? When I saw Ma-ay's face like that, I experienced the most pain, more than I ever experienced in this bullshit story.
It was a lot more painful than the pain I felt when Sinag vanished.
Mas makirot ang naramdaman kong sakit kaysa sa pagkamatay ni Totoy.
Mas mahapdi pa ang naramdaman kong paghiwa sa puso ko when I saw Ma-ay's devastated face kaysa sa pagtorture sa akin ni Takleda.
I was in so much pain, I felt... everything is just shitty... why do I even exist? Just to suffer?
My life is a mess, naiintindihan ko naman iyon.
I was created to be some... over-the-top nobody sa kwentong ginawa ni Sumulat. Mas maganda sana kung hindi na lang ako nagkaroon ng sariling 'malay', I mean, come on now.. Maybe my character was happy, sitting in his own corner, doing what he ought to do, being a nobody.
Bakit kailangan ko pang magising, malaman ang katotohanan, maging renegade at ipaglaban ang sarili ko? Para saan ba ang lahat ng ito? I thought about myself.
I was a sissy, yeah... kaya naman itinodo ko lahat ng naipon kong points sa vitality. I was so happy na may passive skill akong nareceive dahil umabot na sa 100 mark ang stat nayun, bakit at para saan? Dahil takot akong masaktan!
Takot din akong makisalamuha sa iba dahil kahit na anong gawin ko ay makakalimutan at makakalimutan din nila ako.
Takot akong walang gagawin at tumanga maghapon kaya naman bawat interisanteng bagay ay hindi ko pinapalagpas.
Nagsikap ako yes, pinaghirapan ko kung ano ako ngayon yes, but still... If I have to suffer for this plot. Then I'll just gladly accept everything, pero hindi ko papayagan na masaktan ang mga characters na pinahalagahan ko.
If I could turn back time.
If I could start all over again.
I would rather not have my own 'malay'.
[Napakahipokrito mo parin.]
Woa woa woa! WTF? Nagdadrama ang tao dito eh! Napalingon ako sa paligid at kinakabahang hinigpitan ang paghawak sa armas ko.
'Who the fuck are you! Magpakita kang hayop ka!'
SHIT! It's you!
["Hindi ako isang lampara. Hindi rin ako ang gamo-gamo at lalong hindi ako ang bata o ang ina. Ako ang apoy! Ang apoy na tutupok at magbubura!"]
Narinig ni Hiraya ang sarili niyang boses.
[Iyan ang sagot mo noon, hindi ba?]
SHIT!
He's not dead! Mother fucker he is not DEAD!
[Ehem]
Mother fucker! Akala ko huling ubo mo na ang huli kong narinig, buhay ka pa palang putangina ka!
Sesuj tsirhc!
'NO... NO... no.. nooo!'
Flash!
-----
Pumasok si Hiraya sa loob ng isang silid, isinira ang pintuan at doon nagmental-breakdown. Napasalampak si Hiraya sa sahig at sumandal sa pintuan, hawak-hawak niya ang sinasabunutan niyang ulo at ang armas sa isa pa.
Paulit-ulit niyang sanasabi ang 'I'll kill you, mother fucker at sumulat'.
Dilat ang mga mata niyang pumuputok ang mga ugat at tumutulo ang dugo pababa sakanyang magkabilang pisnge, para siyang isang baliw na nakatitig sa kalawakan. Umaagos ang dugo sa ilong niya at dahil mabilis siyang humihinga ay nasisinghot niya ang sarili niyang dugo.
Tila hindi lang sa katawan ni Hiraya nangyayari ang pagkasira, para bang nasa-overdrive ang utak niya at nagdedeteriorate na ito.
Sa isang punto ay itinutok niya ang armas na hawak niya sa kanyang ibinukang bunganga. Ilang saglit pa ay wala sa sariling kinagat niya iyon, dumudugo na ang gilagid at ngipin niya sa tindi ng pwersang ginagamit niya, pero tila hindi niya parin nararamdaman ang sakit.
Nagtatalo ang katawan at isipan ni Hiraya, gusto nang itarak ng katawan ni Hiraya ang armas simula sa bunganga papunta sa utak niya pero may isang boses ang pumipigil doon kaya't kagat-kagat niya ang armas para hindi iyon pumasok sa loob ng bunganga niya.
Lumipas ang sampung minuto. Basang-basa na ng dugo ang uniporme niya.
Ding!
[Congratulations]
-Earned the basic skill: Pain Tolerance
Kinain ng oras ang tatlumpu pang minuto. Tumutulo na sa lapag ang mapulang likido at naiipon na iyon sa sahig.
Ding!
[Basic passive skill: Pain Tolerance level up (Lvl.1 - Lvl.2 Exp: 01.18%)]
Ding!
[Basic passive skill: Resilience level up (Lvl.1 - Lvl.2 Exp: 00.82%)]
Bumilang ang panahon ng isang oras. Nakaupo na siya sa sarili niyang dugo.
Naubos pa ang ikalawang oras pero patuloy parin ang pagtatalo ng isip at katawan ni Hiraya.
Ding! Ding!
Isang oras pa ang lumipas bago nakaramdam si Hiraya ng panghihina pero parang hindi parin niya namamalayan ang panghihina ng kanyang katawan. Umaagos ang dugo niya sa sahig at tila isa na iyong lawa sa pwesto niya.
Ding!
[Congratulations]
-Earned the unique title: Pain is My Friend
[Title: Pain is My Friend (Immediate activation upon aquirement)]
-You are the first aboriginal to continuously lose health for 3 hours without pause and still survive.
[Effects]
-Whenever you feel pain, stats increases accordingly to how much Hp you lose.
[Misc]
-The more pain you feel, the more stat you gain.
-Stat to Hp ratio: 5% Hp lost = 10% Stat gain.
--
Nakarinig si Hiraya ng kalampag sa pintuang sinasandalan niya, doon lamang nagising ang kanyang kamalayan.
"Grua Gruruga!"
Tumawa si Hiraya nang pagkalakas-lakas, "Papatayin ko ang lahat ng nilikha mo! Papatayin ko sila! Papatayin! Patayin!"
Hindi ata ang kamalayan ni Hiraya ang nagising kundi ang kanyang primal instinct! At tila may demonyong nagsusulsol sa isipan ni Hiraya na paslangin ang lahat ng makikita niya.
Mabilis na tumayo sa sahig ang katawan ni Hiraya. Sinipa niya ang pinto at nabuwal iyon, bumagsak sa lapag kasama ang nilalang na kumalapagpag doon.
Ding!
Krrrrglugluglu!
Tumunog ang tyan ni Hiraya. Tiim-bagang siyang humahakbang at kapag-kuwan at maririnig ang pagtama ng ngipi sa ngipin.
Isang duwende warrior ang namataan niyang lumitaw mula sa kanto papuntang CR.
Noong una ay balak na sugurin ng duwende warrior ang nilalang na nakita nito pero nang tumakbo ito at makalapit ng ilang metro ay bigla itong nakaramdam ng panganib, nanginig ang buong katawan ng duwende warrior at napaluhod hanggang sa pinipigilan na nitong mapadapa gamit ang dalawang kamay nito sa sahig. May naramdaman itong mga kamay na humawak sa katawan nito at ini-angat siya niyon.
Nagsisigaw ang duwende warrior at napaihi ito sa sobrang takot nang masaksihan ang itsura ng mukha ng nilalang na nais niyang kainin. Punong-puno ng dugo ang mukha nito at kitang-kita ng duwende warrior ang kabaliwan sa mga mata nito.
Inilapit ni Hiraya ang nilalang na hawak-hawak niya sa kanyang mukha, inamoy-amoy niya iyon at bigla-bigla nalang niya itong kinagat. Napasigaw sa sakit ang nilalang na hawak niya kaya naman naingayan siya roon. Habang kagat-kagat niya sa leeg ang nilalang ay hinawakan niya gamit ang kanang kamay sa balikat at ang kaliwa naman sa kabilang braso nito atsaka siya humatak ng malakas.
Splash!
Nagsabog ang dugo, laman at kasama na ang mga lamang-loob. Bumagsak sa sahig sariwang bangkay ng nilalang. Punit ang katawan nito sa dalawa. Nilunok ni Hiraya ang kinagat niyang parte at sinasabi habang naglalakad, "Paslangin! Paslangin! Gutom! Ako'y gutom! Pagkain! Kailangan ko ng pagkain! Paslangin, paslangin, paslangin!"
Nang lumiko sa kanto si Hiraya ay muling nagtagpo ang mga mata nila ng duwende commander, lumabas ito sa CR dahil sa mga komosyong narinig. Napaatras ang duwende commander at nagtataka sa nakikita nito.
Napakalagim ng awrang nararamdaman niya sa nilalang at hindi napigilan ng katawan niyang manginig. Napasinghal ito at pumorma para lumaban, nagpakawala ito ng mga tunog at nagsilabasan ang mga alagad niyang duwende sa loob ng CR. Sumenyas siya at agad itong sinunod ng mga alagad niya.
Hindi gaya nang una nilang pagtatagpo, naunang sumugod ang duwende commander. Lalong tumindi ang naramdaman niyang lagim at napatigil siya isang metrong distansiya mula sa nilalang dahil kapag humakbang pa siya ay hindi na niya mapipigilang mapaluhod, tila napakabigat ng pakiramdam nito at parang lumulubog siya sa kawalan. Tumalon ang duwende commander palayo at muling pumorma.
Nakita ng duwende commander na nagsidapaan ang mga alagad niya. Ilang saglit pa ay napanganga ito at nagtalo na ang isipan niya kung lalabanan pa ba niya ang nilalang. Ilang minuto nalang ay makakapasok na sa mundong ito ang kanilang hari, ilang minuto nalang ay magagampanan na niya ang kanyang tungkulin, ilang minuto nalang ay matatanggap na niya ang kanyang matamis na pabuya. Suminghal ang duwende commander at inobserbahan ang gagawin ng nilalang.
"WRAAAA!"
Sigaw ni Hiraya at sinugod niya ang nilalang na nakikitaan niya ng panganib. Tumalon si Hiraya papunta sa harapan ng duwende commander at sumuntok siya.
Umilag pagulong ang duwende commander sa kanan at tumama ito sa pader, agad din itong tumayo at pumorma. Bakas ang gulat at takot sa mga mata nito.
Blag!
Nagkalat sa sahig ang mga patak ng dugo.
Nagcrack ang simento sa pwersa ng pagsuntok ni Hiraya ngunit hindi niya natamaan ang nilalang na pakay niya kaya't dali-dali siya muling sumugod, umikot ang katawan ni Hiraya at nagpakawala siya ng sipa sa direksyon ng nilalang, muli siyang nagmintis.
"WRAAAAAA!"
Nahintakutan ang duwende commander, hangin lang ang dumaplis sa mukha niya pero nag-iwan iyon ng mahabang sugat sa pisnge niya. Muli siyang nakaiwas sa atake ng nilalang pero alam niyang sa mga susunod na atake ay hindi na niya magagawa pa iyon. Ang unang atake ng nilalang ay naiwasan niya dahil nakita nito ang gagawin ng nilalang, ang pangalawang atake ay kamuntikan na niyang hindi maiwasan, dahilan para magkasugat ito, ang pangatlo, pang-apat ay hindi na nito sigurado kung magagawa pa nitong iwasan iyon.
Napalunok ang duwende commander at tumalon pa-atras sa direksyon ng kanyang mga alagad. Pinulot niya ang isa at itinapon iyon sa nilalang. Sinalo iyon ng nilalang at nanlaki ang mata ng duwende commander matapos nito iyong kagatin at punitin. Ngumuya ang nilalang at nagliwanag ang kawatan nito, kulay dugo iyon. Muling tinapon ng duwende commander ang isa pang alagad niya.
Tumaas ang isang paa ni Hiraya at nang bumaba iyon ay napunit ang katawan ng isang duwende surveillor sa dalawa, sinalo niya ang pang-itaas na parte nito at kinagat. Pinunit niya ang laman nito at nginuya atsaka nilunok, "Pagkain! PAGKAIN! Paslangin! PASLANGIN!"
Parang asong ulol na sumisigaw si Hiraya, tumutulo ang laway at dugo sa bunganga niyang bukas-sara, lumuhod si Hiraya sa harapan ng pagkain niya at gaya ng isang hayop ay kinagat, nginatngat, pinunit gamit ang ngipin, nginuya at nilunok niya ang bawat parteng babagsakan ng mga ngipin niya. Sa bawat paglunok niya ay lumiliwanag ng kulay pula ang kanyang katawan.
Ding!
Ding!
Ding!
Wala sa tamang katinuan si Hiraya para asikasuhin ang mga notification na natatanggap niya. Ang tanging tumatakbo lamang sa utak niya ay ang kumain at pumatay na parang isang mabangis na hayop.
Napalunok ang duwende commander sa nasasaksihan nitong kahayupan, gaya ng ginagawa ng nilalang ay kumakain din sila ng iba pang nilalang, naalala nito ang unang beses siyang makapasok sa mundong ito, nakita niya ang sarili niya sa kasalukuyang ginagawa ng nilalang. Alam na niya ang mga susunod na mangyayari, hindi niya aabutin ang pagdating ng kanilang hari, hindi niya kayang talunin ang halimaw. Napa-atras ito at biglang may nabangga ang kanyang likod.
"Hiraya?" Napakahinang bulong ni Ma-ay.
Nagulat ang duwende commander dahil may isa pang nilalang na biglang lumitaw sa likuran niya, wala itong kahit na anong naramdaman o narinig, bigla na lamang may lumitaw na nilalang sa likuran niya. Napatalon ito at pumorma, sa pagmamadali nito ay nadulas ang kaliwa nitong paa sa dugong nakakalat sa sahig. Napaluhod ito at bigla nalang may humatak sa kanyang suot na damit. Nang mapalingon ang duwende commander ay nasa harapan na niya ang duguang bunganga ng halimaw.
Crunch!
"Shit! Anong ginagawa mo?" Nakita ni Ma-ay na kinagat ni Hiraya sa leeg ng isang green kid. Napunit ang leeg nito at bumulwak doon ang sariwa at mainit pang dugo. Napatingin siya sa mga nagkalat na green kids sa sahig, karamihan sa mga iyon ay buo pa at walang malay pero ang ilan ay tila kinain ng isang ligaw na hayop.
"Glug, glug.. gulgulglug." Nagpakawala ang duwende commander ng matubig na tunog, ginamit nito ang maliit na armas ng kanyang alagad at sinaksak ang leeg ng nilalang na kumagat sakanya. Sinangga iyon ng isang kamay, tumagos ang armas ng duwende commander sa kamay ng nilalang, sumigaw ito at nabitawan siya ng nilalang.
Nang mahulog ang duwende commander sa lapag ay aapakan iyon ni Hiraya, naka-ilag ang duwende commander matapos itong gumulong palayo, gustong lumunok ng duwende commander ng makitang nagbitak-bitak ang matigas na sementong inapakan ng nilalang, pero napigilan niya ang sarili.
"A.. ate, a..anong nangyy.. y.. ayar... ri sss.. sa boyfriend mmmm.. mo?" Nangangatal ang mga ngipin ni Ganit at pinilit na tapusin ang sasabihin niya.
--------------------
[Status Screen]
Name: Hiraya Manoyo
Level: 10 (exp: 20800/102400)
Race: Human
Gender: Male
Title: Leading Man(Active) Malignant(Active) Pain is My Friend (Active) Psycho (Active)
Health points | regen: 552/2270 | 0.084/s
Mana | regen: 418/580 | 0.028/s
stamina | regen: 319/580 | 0.104/s
Attributes:
Strength: 58
Agility: 62
Vitality: 179
Inteligence: 33
Active Skills:
Unique: Double the Fun (Bound) | Beg.Lvl:2 Exp: 50.87%
Rare: Subordination | Beg.Lvl:1 Exp: 00.00%
Rare: Health Steal | Beg.Lvl:4 Exp: 16.31%
Basic: Identify (2 Mp| Cd: None) | Beg.Lvl:4 81.72%
Basic: Bite | Beg.Lvl:2 Exp: 87.06%
Passive Skills:
Rare: Strike Fear | Beg.Lvl:5 Exp: 49.78%
Basic: Equip | Beg.Lvl:2 Exp: 92.75%
Basic: Pain Tolereance | Beg.Lvl:4 Exp: 17.81%
Basic: Resilience | Beg.Lvl:4 Exp: 82.91%
Rare: Consume | Beg.Lvl:3 Exp: 55.37%
Current Status:
Unknown
Points to be distributed: 24