Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Seduced By A Lesbian (Filipino/Tagalog)

🇵🇭EmilySuperb
--
chs / week
--
NOT RATINGS
184.3k
Views
Synopsis
Samantha was in a nine year relationship with her boyfriend, Janus. She gave up everything just for him. Her life, her family, her finances, and even her virginity. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Janus left him with no idea. Ibinigay naman niya ang lahat ng meron siya, ngunit iniwan pa rin siya. At sa huli ay nalaman niya pang sa iba na pala ito ikakasal at engage na pala si Janus for almost a year! Pakiramdam niya tuloy ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya iyong masamang balita. Until she met Allison, a dominant lesbian. And also her neighbor who was secretly obsessed with Samantha for five fucking years! When Samantha offers herself to be a submissive of Allison, She didn't waste her time to claimed Samantha's body. Ginawa iyon ni Samantha dahil feeling niya, ay iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan ang ex-boyfriend niyang nang gago at nanloko sa kanya. But what if Samantha finds out who's the reason of their broke up? Will she continue to be a submissive for Allison whom she gradually loves? *** Note: BDSM MATURED CONTENT GxG
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

"Saan ka pupunta?" Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si Janus na isa isang inilalagay ang kanyang mga damit sa maleta. For pete's sake! Alas singko pa lang ng umaga. Hindi naman ito ang oras ng gising namin. Hindi nya ako pinapansin at patuloy lang sa pag iimpake. Wala naman kaming napag usapan na may out of town kami.

Minabuti kong tignan ang kalendaryo sa cellphone ko, ngunit wala namang naka set na date. May nakalimutan ba ako? Nagtatampo na naman ba sya?

Janus was my first boyfriend. Kapag first, dapat ibinibigay lahat diba? Fist kiss, first hug, first sex at first love.

"Ja, ano ba? May lakad ba tayo na nakalimutan ko?" Idinaan ko na sya sa biro dahil alam kong maya maya ay hahagalpak na naman sya sa tawa. Baka naman prank lang itong ginagawa niya.

"Sam, ayoko na." Naniningkit ang mata kong tinitigan sya. Ano bang sinasabi nyang ayaw nya na? Is this one of his jokes again? Well, hindi ako natutuwa kung ganun.

"Hahaha! Ano bang sinasabi mo dyan Ja?" Idinaan ko sya sa biro, masyado na kasi syang seryoso. Hindi ako sanay na hindi sya tumatawa. Palagi lang kaming masaya, na parang walang problema.

"Let's break up." Seryoso nyang sabi na patuloy pa rin sya sa pag iimpake, ni hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Ja, may problema ba? May problema ba tayo?" Hindi pa rin nag sink in sa utak ko yung sinabi nya. Wala naman kasi kaming napag aawayan lately e. Nakapag date pa nga kami last month for our 9th year anniversary tapos biglang ganito? Kasal na nga lang ang kulang sa amin, kaya lang hindi pa sya nag popropose.

"Wala." Tahimik syang naupo sa kama habang nakatalikod sa akin. "Nagising na lang akong biglang ayoko na. Na hindi na ako masaya." Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Pero paano? Paano kami umabot sa puntong ito?

"Ja, matulog ka pa baka naalimpungatan ka lang." Nagagawa ko pa talagang magbiro kahit na alam kong seryoso si Janus. Hindi na sya sumagot at isinara na ang zipper ng maleta nya. Sa loob ng siyam na taon naming pagsasama, ngayon lang nya naisipan ang pag iimpake ng mga damit nya.

"I'm serious. Wag mo idaan sa biro ang lahat."

"Ja, are you leaving me?" Mabilis akong yumakap mula sa likuran nya nang hindi ko man lang sya nakikitaan ng ngiti sa kanyang mga labi. Tumawa ka na Janus! Sabihin mong joke lang 'to!

"I'm sorry." Dahan dahan nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. At tumayo na sya sa pagkakaupo sa kama. Tinitigan nya ang mga mata ko at nakita ko doon ang lungkot. Hindi ko na napigilan pang maluha sa mga titig nya.

"Bakit Janus? Bakit?" Hindi ko alam ang itatanong ko sa kanya. Wala akong maisip. Ngayon, alam kong seryoso na sya. Wala ng halong jokes. Yumuko lang sya sa tanong ko. It's fucking 9 years! Buong buhay ko at buong pagkatao ko ibinigay ko sa kanya sa loob ng siyam na taon. Ultimo oras at panahon ko na para dapat sa pamilya at kaibigan ko ay ipinagkait ko sa sarili ko, kasi mas pinili ko sya! Mas pinili ko syang makasama sa loob ng siyam na taon.

Napatalon ako pababa ng kama nang nagdesisyon na syang lumabas ng kwarto. Muli ko syang niyakap at hinalik halikan ang buong mukha nya. Unti unti ko ng nararamdaman ang sakit sa puso ko na naging dahilan para tuluyan na akong maiyak. Pero hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at pilit na inilalayo sa kanya.

"Please, let me go." Kita ko sa mga mata nya ang pagpigil nya ng mga luha nya.

"Pero paano na ako? Paano na si Chloe?" Chloe is our dog, na itinuring na naming anak. For sure malulungkot ang furr baby namin kapag umalis sya. Hindi nya ako pinansin at dire diretsyong lumabas ng kwarto namin. Ang kwartong siyam na taon rin naming pinagsaluhan. Para akong bata na pinipigilan ang isang ama na umalis papuntang ibang bansa. Pero iba ito, ang taong pinakamamahal ko ay iiwan na ako ng tuluyan.

"Ja!!" Niyakap ko syang muli sa beywang. Unit unti na akong binabalot ng lungkot, ni hindi ko maimagine na maiiwan ako. Iiwan ako ng taong mahal ko.

"Samantha, please let me go! Sinabi kong ayoko na diba? Ayoko na sayo!" Naramdaman ko ang paglambot ng mga tuhod ko na naging dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Nagkaroon sya ng pagkakataon na tuluyang makalabas ng aming condo unit. Pero hindi ako nagpatinag, hinabol ko sya na halatang nagmamadali ring maglakad papunta sa elevator.

"Ja!" Hindi nya ako nilingon. "Janus!!" Muli kong sigaw habang habol habol ko sya. Sunod sunod nyang pinindot ang button ng elevator at bumukas na nga ang pinto nito. Mabilis akong tumakbo palapit sa elevator pero nakasakay na sya, hindi ko na sya naabutan.

"Ja!!" Patuloy ako sa pag iyak habang sunod sunod na pinapalo ang pinto ng elevator. Umaasang bubuksan nya ang pinto. Sunod sunod rin ang pag pindot ko sa button ng elevator para man lang mahabol sya.

"Janus!!" Mukha akong tanga na nagtatatakbo sa lobby para hanapin sya. Nakayapak lang ako at wala pang suot na tsinelas man lang. Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid pero hindi ko na sya nakita maging sa labas ng building ay wala na rin sya. Napahagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko. Ganun na lang ba kadali sa kanya ang lahat? Ganun nalang ba kadali akong iwan? Para akong pamintang paulit ulit na dinudurog.

Nakakahiya man na pagtinginan ako ng mga tao sa katabi naming unit ay wala na akong pakialam. Ramdam naman siguro nila ang sakit dahil sa lakas ng hagulgol ko habang naglalakad pabalik sa unit namin. Hmm, unit ko nalang pala dahil wala na sya. Paano na ako nito? How can I reduce the pain I feel? Wala naman na akong kaibigan na mapagsasabihan dahil lahat sila ay nilayuan na ako kasi mas pinili ko si Janus sa kanila, paulit ulit kong pinili si Janus. Maraming beses nya na akong niloko, but I chose to stay with him because I love him. I love him so much.

Even my parents have kicked me out for choosing Janus. Maraming beses ko na silang dinalaw pero dumarating sa point na pinagtatabuyan nila ako palabas ng bahay nila.

I have nowhere to go.

I feel sorry for myself now.

Ito ang unang pagkakataon na umalis si Janus sa tinitirhan namin sa kabila ng maraming beses na panloloko nya sa akin. Ni hindi ko nga sya pinapalayas noon sa tuwing nahuhuli kong may bago syang babae, ginusto ko pa rin na nasa tabi ko lang sya kahit paulit ulit nya na akong ginagago.

Umalis ba sya dahil may bago na syang kinakasama? Mas magaling ba yun sa sex? Mas wild ba yun? Mas sexy ba yun? Mas maganda?

Shit! Insecurities are swallowing me!

"Bumalik ka na Ja!" Paulit ulit kong sambit habang nilalagok ang bote ng alak. "Janus!!!! Please come back!!!!"