"Tita, baka naman pwedeng ilabas mo na po si Janus." Pagmamakaawa ko sa nanay ni Ja. Ilang araw ko na ring hindi macontact si Janus magmula nung umalis sya sa condo.
"Sam, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala dito si Janus!" Galit na pahayag nito. Halatang inis na inis sa paulit ulit kong pag mamakaawa.
"Bakit kayo nagagalit? E gusto ko lang naman makita at makausap ang anak ninyo." Makailang beses na rin nya akong inirapan.
"Hindi ba't kayo ang nagsasama? Bakit dito mo sya hinahanap?" Ang matandang 'to! Maang maangan pa!
"Umalis na po sya sa condo." Malungkot kong pahayag. Mahigit isang linggo na magmula noong umalis si Janus sa puder ko, hindi na sya bumalik o kaya nagparamdam man lang. At mahigit isang linggo na rin akong lango sa alak.
"Alam mo ang mabuti pa, umuwi ka na. Tignan mo ang itsura mo, ang aga aga lasing na lasing ka!" Sermon nito na parang nanay ko na rin. Sa siyam na taon ba naman na pagsasama namin ni Janus ay sanay na sanay na ko sa pagbubunganga ng ina nya.
"Baka pwedeng dyan muna po ako sa loob mag pahinga?" Pangungulit ko sa matanda. Baka lang naman makalusot. Umiling iling sya at aktong pagsasarhan ako ng gate. "Tita, wait!"
"Ano na naman ba Sam?" Salubong na ang mga kilay nito na halatang inis na inis na sa akin. Kung hindi naman kasi nila itinatago sa akin ang anak nila ay hindi ko naman sila paulit ulit na kukulitin.
"P-Pakisabi po kay Janus na mahal na mahal ko sya." Natigilan ang matanda sa pagsara ng gate nang makita nyang umiiyak na ako. Umiiyak na naman ako. Kailan ba titigil ang pagluhang 'to? Parang sa tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Janus, ay automatic nalang na tutulo ang luha ko.
"Mag ingat ka sa pag uwi Sam." At tuluyan na nyang isinara ang kanilang gate. Ang matandang 'yon! Hindi man lang naawa sa akin. Kung sa bagay, ay ako nga e, hindi naaawa sa sarili ko.
"Janus!! Mahal na mahal kita!!" Paulit ulit kong sigaw habang pinapalo ang gate nila, hinihintay na muling buksan at muling makita ang pinakamamahal ko.
"Miss!!" Sita sa akin ng isang tanod na may hawak pang batuta. "Pasensya na at dadalhin muna kita sa barangay, inirereklamo ka kasi ng nakatira dyan." Naningkit naman ang mata ko sa narinig.
"Ano?" Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa pag eeskandalo ko dito sa harap ng bahay nila Janus. Wala naman akong maramdamang hiya, marahil ay dahil sa alak na nananalaytay sa buong pagkatao ko. Araw araw ba naman ang pag inom ko ng alak, baka imbis na dugo ang dumadaloy sa katawan ko, ay napalitan na ng alak. "Paano kung ayaw kong sumama?"
"Mapipilitan kaming damputin ka at dalhin sa barangay, Miss." Sana lahat kayang damputin matapos itapon nalang ng basta basta.
"Wait!" Pigil ko sa kanila at kinuha mula sa bulsa ko ang cellphone. Mukhang kailangan ko ng back up. Hindi ko naman hahayaan na dalhin nalang ako sa baranggay at iblotter. Wala naman kasi akong ginagawang masama, ang gusto ko lang naman ay makita at makausap si Janus.
"Hello?" Sagot ni Cheska mula sa kabilang linya. Cheska is my manager at the coffee shop that I own, I also considered her as a friend and a sister. My one and only friend na hindi ako iniwan sa lahat ng katigasan ng ulo ko.
"Cheska!" Maluha luha kong tawag sa pangalan nya. Marahas kong pinunasan ang luha ko habang patuloy na ikinukwento sa kanya ang sitwasyon ko at kung nasaan ako. Tahimik lang syang nakikinig at alam kong mamaya nya ako sesermunan kapag nagkita na kami.
"Okay, I'll pick you up!" Maswerte na rin ako dahil may isang Cheska na one call away lang. She is working at my coffee shop for 5 years now, since nag open ang business ko. Sya na ang naging katuwang ko sa pagpapatakbo ng 'Mugs Coffee'. I also consider her as my sister because of her tireless preaching. Ngayon pa nga lang ay inihahanda ko na ang tainga ko sa parating nyang sermon. Maraming beses na rin nyang sinabi na iwanan ko na si Janus dahil sa mga panlolokong ginawa sa akin. Pero hindi ako nakinig, I always see myself still going home to Janus. At ito ako ngayon mukha ng tanga na umaasa pa rin na isang araw ay umuwi na ang pinakamamahal ko.
"Sir, pasensya na kayo. Ako na ang bahala sa kanya." Maayos na nakiusap si Cheska sa mga tanod para hindi na ako damputin ng mga ito. Masama naman ang tingin ni Cheska nang madako ang mga mata nya sa kinatatayuan ko. Ang kaninang mala anghel na nakangiti sa harap ng mga tanod ay tila naging halimaw na papalapit sa akin. Mabilis kong tinakpan ang tenga ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Ano na naman bang ginagawa mo? Hindi ka pa ba natatauhan? At tignan mo nga yang itsura mo, lasing ka ba ha?" Ito na nga ba ang sinasabi ko, punong puno ng bala ang armalite. Inamoy nya ako at nakumpirmang amoy alak nga ako. "Sumagot ka!"
"Paano ako sasagot? Ang dami mong tanong!" Inis akong sumakay sa kotse ko at naupo sa passenger seat. Si Cheska nalang ang magdadrive dahil baka madamay pa sya sa pagkamatay ko kapag ako ang nagmaneho.
"Alam mo ikaw, kababae mong tao ikaw pa talaga ang nagmamakaawang bumalik sayo yung lalaking 'yon!" Inis na pahayag ni Cheska. Kung hindi lang sya ibang tao sa akin ay baka nabatukan ko na sya sa pagiging intrimitida nya.
"Nine years yun Cheska, nine years! Hindi ko naman hahayaang masayang lang yun!" Patuloy pa rin ako sa pag iyak dahil sa pagkamiss ko kay Janus. Ilang gabi na akong hindi makatulog dahil nasanay na akong katabi ko sya tuwing gabi. Hindi ko kakayaning mawala na lang bigla si Janus sa akin.
"Nine years." Tumango tango si Cheska "Nine years kayo, tapos nine years ka na rin nyang niloloko." Hinampas ko sya sa braso matapos nyang sabihin iyon. Alam na alam nya ang lahat ng panloloko sa akin ni Janus, sya pa nga ang minsan na kumukompronta rito kapag nalalaman nyang niloko na naman nya ako. Cheska became my closest friend simula noong madalas nya akong makitang umiiyak sa office ng coffee shop. Hindi ko naman kinalilimutan yung mga pangaral nya sakin noon, pero kasi isang sorry lang ni Janus marupok na naman ako.
"Wow! Wala kang time mag linis no?" Naabutan nyang nagkalat ang mga gamit ko sa unit. Kalat kalat rin ang mga basyo ng bote ng alak na naging karamay ko sa mga araw na nagdaang walang umuuwing Janus. Pasalampak akong nahiga sa sofa habang nakasapo sa masakit kong ulo. Isa isa namang pinulot ni Cheska ang mga gamit kong nagkalat.
"Wag ka na mag abala dyan, lilinisin ko rin yan! Kunin mo nalang yung alak na nasa ref, mag inom nalang tayo." Seryoso kong aya sa kanya kahit na mag aalas diyes pa lang ng umaga. Alak na ang ginawa kong almusal, tanghalian at hapunan, tapos samahan pa ng magdamag na iyakan. Mula sa kusina ay naupo sa tabi ko si Cheska.
"Oh inumin mo 'to!" Inabot nya sa akin ang baso at hindi ko na ito tinapunan ng tingin dahil alam ko namang susundin nya ang utos ko.
"Ouch!" Tila nagising ako sa katotohanan na hindi na nga sya babalik nang dumampi ang mainit na kape sa labi ko. Manhid na ata ako, ni hindi ko man lang naramdaman ang mainit na tasa.
"Kailangan mo yan para kabahan ka naman sa pinag gagagawa mo sa sarili mo." Inusisa nya ako mula ulo hanggang paa. "Tignan mo nga yang itsura mo, para kang nilaspag ng anim na tao!"
"Hoy!!" Muli ko syang hinampas sa braso nya. "Si Janus lang ang nakasex ko sa buong buhay ko!"
"Alam mo ikaw!" Idinuro nya ang sintido ko "Bitawan mo na nga yung lakaking yun, harap harapan ka na ngang ginagago, gustong gusto mo pa rin!"
"Alam mo naman na mahal na mahal ko si Janus e." Malungkot kong saad habang hinihigop ang mainit na kape.
"Mahal mo?" Tumango tango ako bilang sagot "Mahal ka ba?" Itong babaeng to, nakakarami na 'to sakin ah!
"Cheska, maghanap ka nga ng karayom at sinulid." Nagtataka naman syang tumingin sa akin.
"Saan ko naman hahanapin yun? At saka para saan?"
"Tatahiin ko yang bunganga mo, napaka pasmado na e!" Naiinis man ako sa babaeng 'to ay natutuwa naman akong kaya nyang pagtiisan ang pag uugali ko.
"E kung tahiin ko yang mata mo para hindi mo makitang may mahal na syang iba?" Napasinghap ako sa sinabi nya. Alam ko namang parte lang yun ng biruan namin pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan lalo na't maisip na magmamahal ng iba si Janus. Ganun na lang ba sya kaexcited lumandi at wala nalang sa kanya ang siyam na taon naming pinagsamahan?
"Well, I will just let you know that Janus is in Singapore." Pahayag ni Cheska habang iniaabot sa akin ang cellphone nya. Picture iyon ni Janus sa kanyang instagram account. Lalo akong nalungkot nang makita ang malaking ngiti sa kanyang mga labi. Parang dati sa akin nya lang pinapakita ang matamis nyang ngiti.
"Baka nagbabakasyon lang sya. Maybe he just needs space." Gusto ko nalang paniwalain ang sarili ko sa mga kasinungalingang sinasabi ko. Sana nga totoo nalang na bakasyon ang pinunta nya sa Singapore.
Janus blocked me on all his social media accounts. I also created dummy accounts to stalk him, but all his accounts are private. Miss na miss ko na sya. Miss na miss ko na ang mga yakap nya.
"Samantha, ito bang si Chloe e pinapakain mo pa?" Buhat nya mula sa kandungan nya si Chloe. Oo nga pala! Ngayon ko lang naalala si Chloe. Hindi ko man lang sya naisip nitong mga nagdaang araw samantalang si Chloe ang naging karamay ko sa nagdaang linggo kong patuloy na pag iyak. Malaki na ang pinayat nya, kagaya ko at bakas din ang lungkot sa kanyang mukha. Nakaramdam tuloy ako ng galit sa sarili ko. Kinuha ko sa kanya si Chloe at niyakap, I cried again while holding her. Baka hindi ko rin kayanin ang mawala sya.
"I'm leaving. Just call me when you need something. Kailangan ako ng Mugs Coffee habang wala ka." Niyakap nya ako bago sya tuluyang umalis ng condo. Nag iisa na naman ako, naramdaman ko na naman ang lungkot at sakit. Muli akong napaiyak habang inililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo unit.
Ang noong masaya at maingay na lugar na ito ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Paano ko sasanayin ang sarili ko na wala ng Janus sa tabi ko? Paano ako kakain kung wala na yung kasabay kong malakas kumain? Paano na yung nakaplano naming future?
Nayakap ko na lamang ang mga tuhod ko at hagulgol na napayuko. Wala na akong pakialam kung marinig man ng kapitbahay ko ang iyak ko, ang gusto ko lang naman ay mailabas yung sakit na nararamdaman ko. Subukan lang nilang kumatok, baka yayain ko pa silang makipag inuman sa akin.
"M-Mommy." Umiiyak akong tinawagan si Mommy. Alam ko naman na masama pa rin ang loob nila sa akin. Marami ba namang events ang hindi ko napuntahan katulad nalang ng birthdays ng parents ko, pasko, new year dahil mas pinili kong makasama si Janus. Parang ayaw ko syang mawala noon sa paningin ko at ayaw kong mawalay sa kanya.
"Samantha? Are you crying?" Tanging hikbi lamang ang naisagot ko sa kanya. Namiss ko ang nag aalalang boses ni mommy, matagal na panahon ko na rin syang hindi nakakausap.
"Who's that? Si Samantha?" Boses naman ni daddy ang narinig ko. Si daddy ang lubos na naapektuhan sa pag alis ko sa puder nila. "Sabihin mo wala tayong pera na ibibigay!" Lalo akong naiyak at nadurog sa narinig ko mula sa tatay ko. If they only knew, I don't need their money, because I also have it. All I need now is love and care from them.
"Can you please shut up! She is crying!" Galit na saad ni mommy sa kabilang linya. Kilala ko naman si mommy, hinding hindi nya ako matitiis. Hindi katulad ni daddy na naging matigas na ang puso sa akin. Makailang beses na nga akong humingi ng tawad mula sa kanya pero sadyang mataas ang pride nya.
"M-Mommy, I missed you. Please also tell daddy that I miss him." Matapos kong bigkasin iyon ay ibinaba ko na ang tawag.
Awang awa ako sa sarili ko. I feel like no one loves me.
Hanggang kailan ko ito mararamdaman?