Chapter 5 - Chapter 4

"Sigurado ka na ba?" Makailang tanong sakin ni Allison bago nya ilagay sa kahon ang huling gamit na nagpapaalala kay Janus. Laman nun ang mga couple shirts namin, stuff toys, pictures, pati mga simpleng bagay na inireregalo nya sakin noon.

Allison told me a few days ago na tutulungan niya ako na makalimutan ko si Janus. But I'm not expecting na ganito pala kahirap kalimutan yung taong pinakamamahal mo. Kailangan ko pang dumaan sa marami pang sakit para kalimutan siya. Janus was my first boyfriend, at ito rin ang unang pagkakataon na mag momove on ako. Kaya wala akong ka ide-ideya kung paano ko ba kakalimutang mahalin siya.

Nagpakawala ako ng hangin sa kawalan bago tuluyang isarado ang mga kahon at i-sealed iyon gamit ang packaging tape. Yung mga bagay na mapapakinabangan pa ay idodonate namin sa mga nangangailangan. Samantalang yung mga pictures, ay susunugin na namin para wala na daw talagang memories mula kay Janus. Binuhusan ko na ng gasul ang mga litrato at saka sinindihan iyon gamit ang lighter.

"This is your first step in moving on." Inakbayan ako ni Allison habang sabay naming pinapanuod ang unti unting paglamon ng apoy sa mga luma naming litrato ni Janus. Agad naman nya akong inabutan ng panyo dahil nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. I felt pain as I watched our photos slowly turned into ashes.

Napakahirap palang isipin na tuluyan ko ng bibitawan si Janus. I have tried many times to talk to him, pero he keeps on rejecting my calls. I also tried to wait for him outside their house all night, pero pinagtabuyan lang ako ng mga magulang niya. Maraming beses kong hinintay na ako naman ang habulin niya, pero hindi siya nag paramdam. At maraming beses ko ring pinag isipan kung dapat ko na ba siyang kalimutan, and now, I already found the answer.

"Give me your phone." Nakalahad ang kanang kamay ni Ali sa harapan ko habang hinihintay nyang ibigay ko ang hinihingi nyang cellphone.

"At para saan?" Itinulak ko siya ng mahina para mailayo ang sarili ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang bango pa rin niya kahit pawis na pawis siya nang tulungan niya ako sa pag aayos ng mga lumang gamit namin ni Janus. Para bang pati yung pawis nya e, kaybango.

"Alam ko naman na marami pa kayong pictures dyan e!" Patalon akong umupo sa couch at umupong naka indian sit.

"What if I don't want to?" Binigyan ko sya ng ngising nakakaasar. Pabagsak rin siyang naupo sa tabi ko at pilit na nakikipag agawan sa hawak kong cellphone. Sinabayan naman iyon ng masasaya naming tawanan habang kinukuha nya ang cellphone kong itinago ko sa likuran ko na mahigpit kong hawak.

"Wala kang ibang choice!" Napahiyaw ako nang sundutin niya ang tagiliran ko kung saan ang malakas kong kiliti. Hindi naman ako makapapayag na hindi gumanti sa kanya kaya nauwi na kami sa pagkikilitian.

I don't know why and how we became this close, basta ang natatandaan ko lang ay, pagtapos naming magkape sa Tagaytay ay mas naging kumportable na akong magkwento kay Ali ng kung anu-anong pangyayari at kwento tungkol sa buhay ko. And maybe because, ito naman talaga ang personality ko, ang pagiging friendly at jolly na ganun din naman siya kaya hindi na kami nahirapan pang kaibiganin ang isa't isa. Kahit pa asar na asar ako sa kanya noong una.

Natigilan na lang kami pareho nang malaglag kami sa couch. Ang malalakas na tawanan ay unti unting humina nang makita ko ang sarili ko sa ibabaw ni Allison. We are just like an inches apart, dinig ko ang mabibigat niyang paghinga. Tila may pinipigilan, parang may gustong sabihin o gawin. Inihaplos ni Ali ang kanyang kamay sa aking likuran habang parehas kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Para bang magnet ang mga mata nya na humihigop sa akin para unti unting magdikit ang aming mga mukha.

Hindi ko naman napigilan ang sunod sunod kong paglunok nang iiwas ko ang tingin ko sa kanyang mata at napatingin sa kanyang mapupulang labi. Wrong move! Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, nang hindi ko na mapigilang hindi mamangha sa hugis ng kanyang labi, para bang ang sarap lantakan.

I closed my eyes tightly when I felt Allison's hand rise to the back of my head. I feel like I'm waiting for something else to happen. Halos maamoy ko na ang mala-methol na hininga niya at ramdam ko na din ang init sa kabuuan ng lugar kahit pa nakabukas ang aircon. And she is now teasing me, para bang gusto ko na syang sunggaban sa ginagawa niya. Bakit pa kasi niya pinatatagal kung gusto rin naman niya akong halikan?

"Ow my gosh!" My heart beats fast nang makita ko si Cheska sa pintuan at gulat na gulat na nakatingin sa pwesto namin. Nagawa rin niyang takpan ang mga mata niya upang hindi makita ang posisyon naming dalawa ni Allison as if naman na may ginagawa kaming masama.

"It's not what you think!" Depensa ko, habang mabilis pa sa alas kwatrong bumangon ako mula sa pagkakadapa sa ibabaw ni Ali. Tanging tawa lang ang naging reaksyon ni Allison na animo'y walang nangyari. Nag iwas nalang ako sa kaniya ng tingin.

"Wala naman akong sinasabi ah!" Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa parehas nilang pagtawa, para bang pinagtutulungan pa akong asarin. Sasabog na yata ako sa sobrang kahihiyan! Sa dami ba naman ng maaabutan ni Cheska ay sa ganoong posisyon pa talaga niya kami nakita. Hindi ko tuloy alam kung wrong timing ba ang pagdating niya e.

She handed me a new set of bed sheet, new curtains, and new pillows mula sa Divisoria. Makakatulong daw 'yun para mas makalimutan ko si Janus, kasi the more daw na nakikita or naaamoy ko ang mga bagay na nag papaalala sa kanya, the more na masasaktan lang ako at mas lalong hindi ko kakayaning kalimutan siya.

They spend their whole day helping me to organize my condo unit, hindi nga yata nila kinaya ang pag aayos dahil tumawag pa sila ng isa pang back up, si Kim. Kailangan din kasing pinturahan ng ibang kulay ang mga dingding para umaliwalas ang paligid, at ilipat sa ibang puwesto ang mga appliances ko para naman mawala ang negative energy na bumabalot sa condo.

I smiled when I see the results, para bang walang isang taong nag ngangalang Janus ang tumira dito sa condo. Nawala ang lahat ng bakas ng malungkot at masasayang alaala namin noon. As if this was the beginning of my new life without him.

Kinuha ko ang cellphone ko at isa isa ng binura ang mga pictures namin ni Janus. Napaniwala ko na rin ang sarili ko na hindi na siya babalik dahil sa lahat ng pinaramdam nyang pambabalewala sa akin. And I think he's happy now with his friends, kitang kita naman sa mga posts niya na hindi na nya ako kailangan at hindi na ako ang kaligayahan niya.

"Good girl!" Allison tapped my head, habang pinanunuod niya akong burahin ang mga pictures namin ni Janus. Masakit man sa akin na burahin ko ang lahat ng masasayang alaala namin ni Janus, ay para rin naman ito sa ikabubuti 'ko. Maybe I've met a wrong guy in a wrong time.

"May over time pay ako dito girl ha!" Singit ni Cheska habang winawalisan na lang ang mga kalat at kaunti nalang ay matatawag ko na itong 'new home'.

"Parang deserve natin ngayon ng malamig na malamig na beer tapos samahan pa ng buffalo wings!" Umuunat pang sambit ni Kim na akala mo talaga ay napagod sa maghapon namin paglilinis at pag aayos, samantalang dumating siya nung halos patapos na kami. Natawa nalang ako sa pangangantyaw nila sa akin.

"Okay, okay! My treat!" Naghiyawan silang tatlo na para bang makakakuha sila ng award mula sa akin. Wala naman kasi silang ibang kaligayahan kundi ang mag inom e! Deserve rin nila marahil 'yun dahil sa pagtulong nila sa akin.

Nag padeliver nalang kami ng buffalo wings, habang si Kim at Ali naman ang bumili ng beer sa malapit na convenience store.

"I feel comfortable now!" Pagod na nahiga si Cheska sa couch. "Hindi katulad nung nakaraang pagpunta ko dito, parang nandito pa yung itim na kaluluwa at presensya ng ex mo!" Giit niya. I should thank them later, kung hindi naman dahil sa kanila ay hindi ko makakayang ayusin ang kabuuan ng condo ko. Especially Allison na nagsuggest sa lahat ng ito.

"Have you ever been broken hearted?" I seriously asked Ali. Halos nakaka limang bote na ako ng beer nang magsimula na akong matamaan ng kalasingan. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang hinihintay ko ang pagsagot niya. Hindi naman kasi sya mag ooffer na tulungan akong makalimot kung hindi pa niya pinagdaanan yung sakit na nararamdaman ko.

"Sort of!" Tipid nyang sagot at mahinang tumawa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang natutuwang marinig ang tawa niya. It's like music to my ears! Nagka last song syndrome yata ako sa tawa niya.

"Ang yabang!" Mahinang sampal ko sa pisngi niya. I've been clingy to her, kulang na nga lang ay kumandong na ako sa kanya para mas lalong mailapit ang katawan ko sa katawan niya. Alam ko naman na iba ang epekto ko sa kaniya tuwing nagdidikit kami.

"But I overcame all that kahit ako lang mag isa." Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin, simbolo na kakayanin ko ring malagpasan ang lahat ng sakit na pinagdadaanan ko.

"Thank you." I leaned my head on her shoulder. Muli nya namang ginawa ang hobby niyang pag akbay sa akin. Mas lalo ko tuloy naamoy ang nakakaadik niyang pabango sa muling pagdidikit naming dalawa.

"Yosi?" Inabutan nya ako ng isang stick ng sigarilyo niya at lumabas kami parehas sa terrace upang iwasan ang awkwardness nang dahil kay Cheska at Kim na nagsisimula ng mag lampungan sa harapan namin. Maybe I should be happy for them, lalo na kay Cheska na inugat na sa pagiging single.

"How are you feeling?" Hindi talaga mawawala kay Ali ang pag ngiti sa tuwing nagsasalita siya.

"Still in pain." Pagtatapat ko. Tipid lang akong ngumiti sa kanya at tumango naman siya. Naiintindihan din naman siguro niya na hindi naman talaga madali ang lahat.

"Just endure the pain. Umiyak ka lang ng umiyak hanggat gusto mo, hindi kita pipigilan." Naramdaman ko ang muling pagpatak ng mga luha ko habang nakatulala sa mga ilaw na nagmumula sa mga buildings.

"Kasi balang araw, mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo." Humithit sya sa yosi niya at hinila ako papalapit sa kaniya upang yakapin ng mahigpit. Hindi ko na napigilan na gantihan sya ng yakap at nagawa ko pang humagulgol sa dibdib niya, parang ngayon ko lang naramdaman na magkaroon ng isang sandalan. Dahil yung mga taong inaasahan kong makakaramay ko, ay tuluyan na akong tinalikuran. Tulad nalang ni Janus, his family and also my own family, tila kinalimutan na nila ako. Pasalamat nalang ako dahil may nag iisang Cheska na nag stay para sa akin.

She silently caressed my back, habang pilit na pinapatahan. Hindi ko maintindihan yung bigat ng nararamdaman ko. Kung hinayaan lang siguro ako ni Allison sa balak kong pag suicide ay baka hindi ko na nararamdaman ito. Pero naisip kong baka may dahilan pa kung bakit hindi ko iyon naituloy, at bigla nalang sumulpot si Ali noong araw na yun.

"Balik na tayo sa loob? Baka makabuo na yung dalawa dun!" In her simple way of telling jokes, nahuhuli nya na kaagad ang mga ngiti ko. How I missed smiling like this, akala ko ay nakalimutan ko na kung paano ang ngumiti pagkatapos umiyak.

Hindi nga kami nagkamali ng iniisip, naabutan nalang namin si Cheska na nakakandong kay Kim. Natatawa nalang kaming nagkatinginan habang pabalik sa couch na kinauupuan namin kanina. Muli kaming kumuha ng tig isang bote ng beer at pinag cheers iyon.

"So what's your business?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya. Hindi kasi sya madalas na nagkukwento ng tungkol sa buhay niya. Napaka misteryoso niya pa masyado. Lumagok siya ng alak saka sumagot sa tanong ko.

"I own a photography studio. And me, as the photographer." Proud niyang pakilala sa sarili. Naalala ko ang calling card na naiwan niya sa kotse ko noon.

"How about you?" Para bang ito ang una naming pagpapakilala sa mga sarili namin.

"I own a coffee shop." Sambit ko. How I miss the aroma of our signature coffee. Parang kailangan ko ng bisitahin ang Mugs Coffee, matagal ko ng namimiss ang amoy ng aking shop.

"Meron ka naman palang coffee shop, sa Tagaytay pa tayo nagkape!" Parehas kaming natawa sa sinabi niyang iyon. Tagaytay was never a bad choice.

"Hindi ka naman kasi nagtanong!" Halos inabot na kami ng umaga sa pagkukwentuhan namin. Walang katapusang kwentuhan at tawanan lang ang ginawa namin habang inuubos ang mga natirang alak. I can never imagine having a lesbian friend. And now, this is Allison we are gradually getting to know each other.

Nakaramdam na lang ako ng pagbigat ng mga mata ko, at inihiga ko na ang sarili ko sa couch habang nakaunan sa hita ni Allison. Nagawa niya pang haplusin ang mahaba kong buhok para mapadali ang pagtulog ko.

"Goodnight Sam." Narinig ko pa ang huli niyang sinabi na nagpangiti sa akin, bago ako nagpalamon sa antok.

***

"Argh!" Nasapo ko ang kamay sa aking ulo, nang maramdaman ko ang pagsakit nito. Inatake na naman ako ng hang over ko dahil sa dami ng nainom namin kagabi. Ni hindi ko na nga alam kung anong oras na kami natapos e. Inilibot ko ang paningin ko at natagpuan ko ang sarili ko sa malaki kong kama.

"Paanong?" Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama. Parang hindi ko yata kakayanin ang bumangon dahil sa sakit ng ulo ko. Napansin ko ang isang basong tubig at isang capsule ng gamot sa ibabaw ng bedside table kalakip ang isang pink na papel.

"Please drink your medicine once you woke up! :)." -Ali

I felt a flying butterfly in my stomach, na ngayon ko lang naramdaman. Ano ba ito? Baka gutom lang 'to.

Sinunod ko naman ang iniwang note ni Ali, para naman maibsan ang sakit ng ulo ko. Muntik ko pang maibuga ang tubig na iniinom, nang pumasok sa isip kong baka binuhat na naman ako ni Allison papunta sa kama ko!

Janus never do that to me. Minsan, kung saan ako abutan ng kalasingan ko duon na ako nakakatulog at pag gising ko, ay nandoon pa rin ako sa lugar na pinagtulugan ko. At ako pa nga ang gagawa ng paraan para mawala ang hang over niya. Kaso ginusto ko naman kasi 'yun e, yung araw araw siyang pagsilbihan.

He will only take care of me when he needs something, para bang isa akong human ATM sa paningin niya. Kung wala sigurong Mugs Coffee ay baka nag hirap na ako nang dahil sa kanya.

"Ang sarap mo baby!" Sambit ni Kim habang tinitikman ang luto ni Cheska, masaya silang nagtatawanan habang hindi nila alam na naaasar akong pinapanuod sila. Walang pakundangan kasi kung maglandian sa harapan ko.

"Ay este ng luto mo!" Naabutan ko kasi silang dalawa na nagluluto sa kusina ko. Nagkalat yata ang mga langgam dahil sa kasweetan nila habang nagsusubuan pa ang dalawa. Ay aba feeling bahay! Inilibot ko pa ang paningin ko na para bang may ibang tao pang hinahanap. Nang hindi ko matagpuan kung sino ang hinahanap ko ay ibinaling ko nalang sa kanila ang tingin ko.

I fake a cough behind them which caused them to stop flirting. Parehas pa silang nagulat nang makita ako. Masaya akong nakikitang ganito kasaya si Cheska, unlike before na sa trabaho lang siya nagiging masaya. I know she deserves all of this.

"Charan!" Proud na inihain ni Cheska ang niluto niyang hotdog at itlog sa harapan ko. Pucha! Ito lang pala ang niluto ng gaga! Kung makapag react naman si Kim na masarap daw, e halos masunog na nga ang niluto niya.

"Yan na yun?" Kumento ko. Parang hindi yata ako mabubusog dito, gutom na gutom pa naman ako.

"Hoy babae! Wag ka ng magreklamo dahil yan lang ang laman ng ref mo!" Inirapan ko nalang si Cheska saka tinusok ng tinidor ang hotdog na sunog at pilit itong kinain.

Kung sabagay, hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling nag grocery, saka hindi naman na siguro kailangan pa kasi wala naman na dito si Janus na palagi kong pinaglulutuan. I scratched the back of my head, ang gaga ko pa rin talaga! Mas iniisip ko pa rin si Janus kaysa sa sarili ko. Halos nagmukha na nga akong may tatlong anak, dahil nalosyang na ako sa pag aalaga at pag aasikaso sa tamad na yon!

Maybe I was a fool to think of Janus knowing that he was happy even though I was no longer by his side. But as the day goes by, unti unti ko na ring natatanggap na hindi na ako.

Hindi na ako magiging parte pa ng buhay niya.