Chapter 8 - Chapter 7

Sam's POV

"S-Sam. ." Pagdilat ko ng mga mata ko ay ang mukha ni mommy ang una kong nakita. Pagkatapos ay iba ibang mukha na ang dumungaw sa akin. Allison's face. Cheska's face. Kim's face. At ang mukha ng mga staffs ko na malungkot na nakatitig sa akin.

Shet! Patay na ba ako?

May narinig kasi akong kwento na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan ay makikita mo ang mga mahal mo sa buhay bago maputol ang huling hininga mo.

"Sam, my baby! I'm glad you're awake!" Mahigpit akong niyakap ni mommy na basag ang boses. Parang galing sa isang mahabang pag iyak. Sinampal sampal ko pa ang sarili kong pisngi para magising sa katotohanan.

Panaginip lang ba ito?

Mommy doesn't visit me often. Actually never niya pa nga akong binisita dito sa condo e. Dahil iniiwasan rin niyang makita si Janus.

Ano bang nangyari?

"Sam! Please open the door!" Allison keeps knocking on my door. Gustuhin ko mang buksan ang pinto ay hindi ko magawang harapin siya dahil gusto ko lang mapag isa.

Hawak ko ang isang bote ng alak at mag isang nilalaklak iyon habang nakatitig sa pintuan ko. Nakaka tatlong bote na pala ako pero hindi pa rin ako tinatamaan.

Hindi ba nila maintindihan na hindi ko kailangan ng kausap? Hindi ko sila kailangan!

Ano bang mali sa akin? Binigay ko na nga kay Janus ang lahat ng meron ako e. Oras, atensyon, at pagmamahal. Pati na rin ang respeto ko na para sa sarili ko ay inialay ko na sa kanya. Ano pa bang kulang?

Feeling ko tuloy ako si Liza Soberano na nagtatanong sa sarili ko.

Pangit ba ako?

Kapalit palit ba ako?

Hindi ko maisip kung paano ba niya ako nagawang lokohin gayung araw araw naman kaming magkasama tapos magkasama pa sa iisang bubong sa loob ng siyam na taon.

Wala ng iba pang pumapasok sa isip ko kundi si Janus! At ang kasintahan niyang si Janica!

"Samanth--"

"S-sabi ko diba hindi kita kailangan! Bakit ba ang kulit kulit mo!" Pagewang gewang akong naglakad papunta sa pinto habang patuloy na tinutungga ang alak na hawak ko.

Impit akong napaiyak habang padausdos na naupo sa likod ng pinto. I'm freakin' wasted! Ang sakit sakit ng puso ko!

Isang taon na pala silang engage, habang nagpapakatanga ako sa lalaking 'yon!  Wala man lang akong kaalam alam.

Kaya pala ayaw niyang magplano ng kasal para sa amin, kasi may iba na pala siyang papakasalan. He stayed with me for almost one year para lang huthutan ako ng pera.

Saan naman kasi niya kukunin ang pambili ng mamahalin na singsing na iyon kung wala naman siyang trabaho? Palamunin ko lang naman siya at umaasa pa rin siya sa pamilya niya. Kung hindi ko nga lang siya kinupkop ay baka wala siyang ibang mapupuntahan.

Natutop ko ang bibig upang pigilan ang paghikbi ko. Ngunit hindi iyon nakatulong. Mas lalo lang lumakas ang pag iyak ko at hindi ko na mapigilan pa ang mala gripo kong luha.

Tangina! Kaya pala naubos ang savings namin dahil doon niya kinuha ang pambili niya ng engagement ring. Kapag tatanungin ko kasi siya, bigla nalang siyang magagalit tapos aalis siya nang hindi man lang siya makikipag ayos sa akin. Pagkatapos ay uuwi siyang lasing na lasing. Yayakap sa akin sa pagtulog, at pag gising kinabukasan ay parang wala lang nangyari.

Ang tanga ko!

Bakit ba hindi ko 'yon naisip noon! Nasaan na ang utak mo Samantha?

"Ano? Binuksan na ba niya?" Narinig ko mula sa labas ang nag aalalang boses ni Cheska. Ano bang ginagawa nila? Naririndi na ako sa paulit ulit nilang pagkatok. Ano bang hindi nila maintindihan sa salitang gusto kong mapag isa. 

"Sam, please open the door." Basag ang boses ni Cheska kaya mas lalo akong napaluha. Ayoko silang makita dahil alam kong nasasaktan sila nang dahil sa akin. At ayoko naman na makita silang nasasaktan dahil mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko.

Muli akong lumagok sa alak na iniinom ko. Hindi ko na maramdaman ang pait nito na gumuhit sa lalamunan ko, dahil mas mapait pa yung buhay na pinaranas sa akin ni Janus.

"Sam, bigyan mo naman kami ng pagkakataon na kami naman ang mahalin mo. Papasukin mo kami diyan sa puso mo. Huwag palaging si Janus." Nasaktan ako sa pahayag na iyon ni Cheska. Ganun na ba ako kaselfish para masabi niya ang mga bagay na iyon? Ang buong akala ko kasi noon ay si Janus lang ang pwedeng mag mahal sa akin at si Janus lang ang pwede kong mahalin.

Pero nabulag ako ng pagmamahal ko sa lakaking iyon. Hindi ko nakita ang mga taong handang mahalin ako bilang kaibigan, bilang kapamilya. Maging ang sarili ko ay hindi ko natutunang mahalin.

Pinilit kong mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Cheska. Alam kong kahit puro kalokohan lang ang alam niya ay mahal niya ako. Kagaya nalang ng pagtatanggol niya sa akin mula kay Janica sa barangay at sa pagiging one call away niya. Isang tawag ko lang ay daig niya pa si Darna sa bilis niyang makarating. I am so blessed that I have a friend like her.

Allison was a great friend too. Makailang beses niya na akong sinagip mula sa maladagat na sakit na nararamdaman ko. Kaunting araw ko palang siyang nakikilala ay sanay na siyang pagaanin ang pakiramdam ko. She always makes me smile on her own simple and sweet ways.

Bakit ba hindi ko napapansin yung mga taong nandiyan para sa akin? Bakit si Janus pa rin yung pilit kong hinahanap kahit pag aari na siya ng iba? Bakit ba ang tanga ko?

Sa wakas ay natigil na rin ang pagkatok nila mula sa labas. Ubos na rin ang alak na iniinom ko kaya tumayo ako para muling kumuha ng maiinom sa ref.

"S-Sam. . A-Anak. ." Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Mabilis kong tinakbo ang pinto at pinakinggan kung totoo bang si mommy ang nasa labas.

"S-Sam, n-nandito na si mommy." Napahikbi ako nang makumpirang siya nga iyon! Ang mommy ko! Hindi ko yata kakayanin na makita niya akong nasasaktan at umiiyak nang dahil lang sa isang gagong lalaki.

Nagsisisi na ako kung bakit mas pinili ko si Janus kaysa sa kanila. Nagsisisi na ako na ilang beses kong ipinagtanggol ang gagong iyon at iwan ang pamilya ko.

"M-mommy?" Sa pagmamadali kong mabuksan ang pinto ay tumama sa door knob ang katawan ng boteng hawak ko at madaling nabasag iyon.

Ramdam ko na rin ang pagkahilo ko sa sobrang dami kong nainom na alak kaya nahirapan akong buksan ang pinto. Dalawa na kasi ang paningin ko kaya hindi ko na alam kung aling door knob ba ang hahawakan ko. Yung kanan ba o yung kaliwa? Ah Bahala na!

Good choice! Dalawang door knob ang hinawakan ko kaya tuluyan ko na iyong nabuksan. Tipid akong ngumiti kay mommy at hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari dahil unti unti nang nagdilim ang paningin ko.

Sapo ko ang masakit na ulo habang tinititigan si Mommy. Buhay pa pala ako! Hindi lang ako makapaniwala na nandito siya sa condo habang bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Halos isang taon rin kasi kaming hindi nagkita. Kasalanan ko naman kung bakit unti unting lumalayo ang loob nila sa akin e. Dahil ako mismo, nilalayo ko ang sarili ko sa kanila. Kasalanan ito ng maling pag ibig ko kay Janus.

Muli kong niyakap ng mahigpit si mommy. I am longing for a mother's love. Ngayon ko lang napagtanto na walang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina. I missed her.

"Mabuti nalang tinawagan ako ni Cheska." Malungkot nitong tugon. Cheska was sitting on the single sofa, nakamasid lang siya sa aming dalawang mag ina habang namumugto pa ang mga mata. Gusto ko sanang matawa sa itsura niya kaya lang ayoko naman sirain ang pagdadrama niya.

Mula sa kusina ay iniluwa naman si Allison na may hawak na mangkok at isang basong tubig. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil napapalibutan pala ako ng mga taong totoong nagmamahal sa akin.

"Here, higupin mo muna 'tong mainit na sabaw." Nang ilapag niya sa mesa ang mangkok na hawak niya ay napasinghap ako. Bakit hinayaan ko ang sarili ko na pag salitaan siya ng masasakit, gayung heto siya at pinili pa rin akong alagaan.

Kung wala siguro sila ay baka matagal ko ng isinuko ang buhay ko.

"Ang mabuti pa, umuwi ka muna sa bahay." Natigilan ako sa sinabing iyon ni mommy.

"Pero paano si daddy?" Malungkot kong tugon habang humihigop ng mainit na sabaw. Ano nalang ang ihaharap kong mukha sa daddy ko? Malamang ay pagagalitan niya lang ako at itataboy dahil ito ang napala ko sa pagpili ng ibang tao kaysa sa kanila. Napapaisip tuloy ako kung matatanggap pa ba ako ng sarili kong ama.

"I'm sure miss na miss ka na rin ng daddy mo!" Masayang sambit ni mommy habang nasa passenger's seat. Matapos ang mahaba niyang pangungumbinsi, sa wakas ay napilit nya rin ako ako. Tutal naman ay marupok akong tao, pumayag na ako na sumama sa kaniya.

Mahigpit ang hawak ko sa manubela habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay nila mommy. I could almost hear the pounding of my chest. Para bang anumang oras ay makakawala nalang ang puso ko sa sobrang kaba.

"Mommy, uuwi nalang ako" Kabadong sambit ko habang parehas kaming natigilan sa harap ng gate.

Hinawakan lang ni mommy ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Nangingiti siyang hinila ako papasok na nagpabawas sa kabang nararamdaman ko.

"Welcome home my baby." Bulong sa akin ni mommy. Lihim akong napangiti habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng malaking bahay.

Nakita ko si daddy na taas noong bumababa ng maganda nilang hagdanan. Ito na naman ang puso kong parang kabayong mabilis na tumatakbo.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni daddy habang bilang ang paghakbang niya pababa ng hagdan.

"Dad naman! Ganyan mo ba iwelcome ang anak natin?" Pagtatanggol sa akin ni mommy. Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Sa halip ay lumapit ako sa kanya at magaang humalik sa kanyang pisngi bilang pag galang.

"Hindi tayo tumatanggap ng taong kinalimutan na tayo." Mariin nitong sabi.

Hindi ko naman masisisi si daddy kung ganito niya ako tratuhin. Alam kong tila naging bato na ang puso niya para sa akin.

"Uuwi . . Uuwi nalang ho ako." Pinipigilan ko ang mga luhang malapit ng tumulo.

"Hindi ka uuwi." Awtorisadong utos ni mommy. Para bang nagkaroon ng tensyon sa tinginan nilang dalawa ni daddy. Ako pa yata ang magiging dahilan ng pag aaway nila.

Muling hinawakan ni mommy ang kamay ko at hinila paakyat sa hagdan nang hindi pinapansin ang aking ama.

"Kahit na ano pang mangyari ay hindi natin dapat ipagkait sa ating anak ang pagmamahal natin sa kanya. Nakagawa man siya ng kasalanan ay wala tayong karapatan na hindi natin siya mapatawad. Tao lang tayo Carlito, hindi tayo diyos." Garalgal ang boses ni mommy habang sinasambit iyon. At tuluyan na kaming umakyat papunta sa dati kong kwarto.

I know that one day, daddy will also forgive me for my sins against them. Hindi ako susuko sa pag hingi ng tawad sa kanya.

***

Allison's POV

"You look. ." Hindi ko alam ang sasabihin ko nang makitang muli si Samantha. Her former long hair reaching to her waist has become short, at may kulay pa itong pula.

"Hot. ." Walang pagdadalawang isip na sambit ko.

Para bang inaakit niya ako sa itsura niya ngayon na nakasuot ng kulay nude na dress at hubog ang maganda niyang katawan. Ang dibdib niyang parang ang sarap masahin dahil sa lusog nito, ang balakang niyang parang hinihila akong hapitin iyon, at ang pang upo niyang gusto kong paluin na alam kong magdudulot ng sarap sa kaniya. Hmm. .

Thanks to Janus because he left Samantha.

"Can you stop staring at me?" Nagising ako sa isang malalim na pagnanasa nang sabihin iyon ni Samantha. Ano ba 'tong nasa isip ko? Para bang gusto ko siyang angkinin at huwag ng pakawalan pa.

Nakita ko ang pag iwas niya sa mga tingin ko at diretsyong ininom ang ladies drink na inorder niya mula sa bartender. Hindi na ako magtataka sa tibay ng atay ng babaeng ito, ginagawa nalang niyang tubig ang alak. Naiiling akong inagaw ang basong iyon sa kanya bago pa niya maubos ang iniinom.

"Give it back to me!" Pilit niyang inaabot ang basong hawak ko na itinaas ko sa ere. Mabuti nalang at mas matangkad ako kaysa sa kanya kaya hirap na hirap siyang abutin iyon.

My body stiffened nang dumikit ang malambot niyang dibdib sa akin. Nagtama ang tingin namin and I looked at her straight in the eye. Halata ang pagka ilang niya sa tingin ko.

Sa dami ng nakasalamuha kong babae ay siya lang ang tanging nagbibigay sa akin ng ganitong init ng pakiramdam. Dibdib palang niya ang dumidikit sa akin ay para bang kukumbolsyunin na ako, paano pa kaya kapag nasakop na iyon ng mga kamay ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya nang walang pag aalinlangan at hinaplos ng marahan ang kanyang pisngi.

I believe that my touch gives her shiver.

"Are you trying to seduce me?" Bulong niya sa pagitan namin. Napasinghap ako at hindi mapigilan ang makagat ang labi ko nang maamoy ko ang mabango niyang hininga. Her signature strawberry scent.

Napalunok ako nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi ito pupwede! Hindi pwedeng ako ang maakit sa kanya. Dahil ang isang Allison na nasa harapan niya ay ang katangi tanging kayang magpabaliw sa mga babae.

"Then seduce me all you want." Napaatras ako nang sabihin niya iyon at saka ako kinindatan. Tuluyan na niyang kinuha ang basong hawak ko at ibinaba iyon sa counter bar.

"Come on baby, let's get out of here." Bulong niya sa tainga ko at ako naman ngayon ang kinilabutan. Hindi ako makapaniwalang si Samantha ang nagsabi nun! But why do I seem to like it?

Hinayaan ko siyang hilain ako palabas ng lesbian exclusive bar. Sino pa ba ang tatanggi sa offer na ito!

I will make sure she does not forget what can happen to us tonight.

I smirked.