Chapter 7 - Chapter 6

Sam's POV

"Enjoy your coffee." Nakangiti akong iniabot sa customer ang isang tray kasama ang orders niya.

Hindi ko akalain na magiging ganito karami ang customers namin sa nagdaang isang linggo, mula nung maipost ni Ali ang Mugs Coffee at ang mga produkto namin sa page niya.

Kaya naman aligaga kami sa pag aasikaso sa mga customers namin na para bang nagkaroon kami ng isang grand opening.

I should thank Allison later. Na ngayon ay abala sa pagkuha ng mga litrato sa buong coffee shop. By just looking at her, hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi kapag naiisip ko na magkatabi kaming natulog noong nagkasakit siya. Halos buong gabi siyang nakayakap sa akin at ayaw niyang makawala ako sa mga bisig niya. Hiyang hiya nga ako dahil iyon ang unang pagkakataon na may nakatabi akong lesbian sa pagtulog.

"Ang guwapo ngayon ni Allison no?" Hindi ko namalayan ang pagtabi sa akin ni Cheska na nakangiti ng nakakaloko.

"Oo nga e." Natutop ko ang bibig nang masabi iyon sa kanya kaya mas lalo tuloy lumaki ang ngiti ni Cheska. Hindi ko naman maitatanggi iyon kasi talaga namang eye catcher si Allison na ngayon ay pinagkakaguluhan na ng mga kababaihan. Hindi ko tuloy alam kung itong coffee shop ba ang dahilan kung bakit madami kaming customers. O baka naman dahil sa alindog na taglay niya.

"Hindi ito ang order ko!" Mula sa dining area ay narinig ko na lang isang malakas na sigaw ng isang babaeng customer na umalingawngaw sa kabuuan ng coffee shop. Nakatayo ito habang galit na nakatingin sa isa sa mga staff ko.

"P-pasensya na ma'am papalitan ko nalang po." Kukuhanin na sana ng aking staff ang order nito ngunit naunahan siya ng babaeng customer at hindi nag dalawang isip na itapon iyon sa mukha ni Arlene.

Naglakihan ang mga mata namin at tila nagkaroon ng maliit na kumosyon nang maglapitan sa puwesto nila ang iba pa naming customer. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila.

"Hindi na kailangan!" Bakas sa boses nito ang galit "Hindi naman masarap!" Dugtong pa niya.

Nahihiyang napayuko na lang si Arlene habang kagat kagat nito ang kanyang labi na tila pinipigilan na tumulo ang kanyang luha.

"Excuse me?" Mahina ang boses kong inagaw ang atensyon niya mula sa nang gagalaiti niyang mukha. Tinaasan niya ako ng kilay na nagtataka kung sino ba ang kaharap niya.

"Who are you then?"

"By the way I'm Samantha. The owner of this coffee shop." Inilahad ko ang kamay ko bilang pagpapakilala sa kanya, pero tinitigan niya lang ang kamay ko at ako sinuri pa ako mula ulo hanggang paa.

"Since you're here, I want to tell you something." Awtorisadong wika niya. Padabog niyang hinila ang upuan at muling umupo. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin ngunit hindi ako nagpatinag sa kanya. Nakangiti lang ako sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"You know what? Sa picture lang mukhang masarap yung mga products niyo, my taste buds doesn't seem to like your coffee." Kalmanteng pahayag niya. Kusang kumunot ang noo ko sa feedback na nang galing mula sa kanya. "Kung hindi lang 'to ni-recommend ng mga friends ko ay hindi naman ako pupunta rito!"

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang kumulo ang dugo ko sa kumento niya. Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil I know na customer pa rin naman siya. I need to be professional.

Sinipat ko ang order na itinapon niya sa mukha ni Arlene kanina, isa lang naman iyon sa pinakamura naming iced coffee. Kung makaarte naman siya ay para bang binili niya ang lahat ng produkto namin. Natatawa akong binalingan siya.

"I'm sorry if you didn't enjoy what you ordered, I think you will enjoy it more if you ordered our most expensive iced coffee." Simpleng sambit ko at napasinghap ang mga customers na nakapaligid sa amin, sa sinabi kong iyon. Bakas sa mukha nya ang lalong pang gigigil.

"Wanna try it?" I smirked while asking her at nilingon si Cheska. Agad namang nakuha ni Cheska ang ibig kong sabihin at mabilis na nag utos sa isang staff na gawin ang iced coffee na binabanggit ko.

"Hah! Anong tingin mo sa akin? Hindi ko kayang iafford yun?" Pag iinarte niya at tumayo sa harap ko. Maganda sana siya kaya lang ay wala siyang respeto sa ibang tao.

"I know you can afford everything and anything that you want. Pero hindi namin ipinagbibili ang pagkatao ng aking mga staffs para lang apakan mo." Nilapitan na ako ni Allison at Cheska na tila balak pa yatang pigilan ako.

"Kung hindi lang tatanga tanga yang mga staffs mo, hindi ako magrereklamo!" Ako talaga nang gigigil na sa babaeng ito e! Pakiramdam ko ay nag akyatan ang lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko. Kaunti nalang ay sasabog na ako.

Iniabot na sa akin ni Cheska sa akin ang nirequest kong iced coffee para sa intrimitidang babaeng ito.

"Here, this is free." Muli na namang umarko ang kilay niya habang iniaabot ko sa kanya ang libre niyang kape. Aarte pa ba siya? Nilibre ko na nga siya!

"I don't need that!" Inirapan niya ako at marahas na kinuha niya ang bag niya. Aalis na sana siya kasama ang dalawa niyang kaibigan, pero hindi naman ako makapapayag na hindi niya iyon matikman. Kaya hinawakan ko sya sa siko niya bago pa man siya umalis ng shop.

"Have a taste first. Pinaka ayoko ay yung tinatanggihan ako." Hindi na ako nagdalawang isip pa na itapon iyon sa mukha niya at tumulo ang likido papunta sa puti pa naman niyang dress.

"Ow my gosh!" Sabay na reaksyon ng mga kaibigan niya. Napasinghap siya at matagal pa bago nag sink in sa utak niya ang ginawa ko.

"How dare you!!" Napatili siya. Isang histerikal na tili. Habang walang pakialam na pinag bubulungan na siya ng iba pa naming customers. Ang pinaka ayoko ay tinatapakan ang pagkatao ng mga staffs ko, dahil hindi naman ako naniniwala sa kasabihan na 'Customer is always right'. May karapatan silang magreklamo pero wala silang karapatan mamaliit ng tao. Hindi naman nabibili ang dignidad ng mga staffs ko.

Naiiyak siyang kinuha ang cellphone niya sa bag at tila may tinawagan roon.

"Babe!! I need your help!" Tinitigan niya ako na para bang sinasabing 'you'll pay for this' look.

"Let's get out of here!" Hinawakan siya ng isang kaibigan niya ngunit itinaboy niya iyon. Galit na galit siyang nagmartsa palabas ng shop kasunod ang mga kaibigan nito.

Isang pagkalalim lalim na paghinga ang pinakawalan ko nang mawala na siya sa paningin ko. Nakakagigil naman kasi talaga ang isang iyon!

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Allison. Tanging tango lang ang naisagot ko at bumalik na ako sa office para makapag relax.

"Ang intense ha!" Pumapalakpak pang sinabayan ako sa paglalakad ni Cheska. Hindi ko nga rin alam kung saan ako nakahugot ng lakas para magawa iyon. Siguro ay sadyang mahal ko lang talaga ang mga staffs ko at ayokong nakakanti sila.

Hindi pa man ako nakakaupo ay nag ring naman ang telephone ng shop. Pinakalma ko muna ang sarili bago ko sinagot iyon.

"Is this Mugs Coffee?" Isang boses ng hindi pamilyar na lalaki ang narinig ko mula sa kabilang linya.

"Yes. Who's this?"

"This is Barangay Captain Joseph, pwede po ba namin kayong anyayahan dito sa aming opisina?" I saw Cheska mouthing 'sino yan' marahil ay nakita niya ang reaksyon sa mukha ko.

"Para saan ho?"

"Narito po kasi sa opisina namin si Ms. Janica, inirereklamo po niya kayo sa ginawa raw po ninyong pagpapahiya sa--"

"Kap! Hindi mo ba nakikita? Binuhusan niya ako ng kape!" Sigaw ng isang babae sa kabilang linya. Hindi man lang pinatapos magsalita yung kapitan.

"Sige po, pupunta ako." Ibinaba ko na ang tawag. Ayaw ko mang i judge ang babaeng iyon, pero parang wala talaga siyang pinag aralan dahil sa inaasta niya.

"Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong sa akin ni Cheska nang harangin niya ako sa pintuan ng office.

"Ikaw na muna ang bahala dito, I need to talk to that girl!" Mabilis na akong lumabas ng coffee shop. Hindi talaga tumigil ang Janica na 'yun! Sino ba siya sa palagay niya!

"I'll go with you." Hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa akin si Allison. Hindi naman na ako nakatanggi sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may magawa na naman akong ikapapahiya ng babaeng yon.

"There you are!" Prenteng nakaupo si Janica sa upuan katapat ni Kapitan Joseph. Suot pa rin niya ang white dress niyang natuyuan na ng kape. Tignan lang natin kung hindi sya mamatay kakakusot ng damit niyang iyon.

"Ikaw po ba si Ms. Sa--"

"Siya nga yon!" Pinutol niyang muli ang pagsasalita ni Kap. Naiiling nalang tuloy si Kapitan Joseph dahil sa pagiging bastos ng babaeng ito. Iginiya niya ako sa upuan na katapat ni Janica at naupo naman ako habang hindi inaalis ang tingin namin ng babaeng ito sa isa't isa. Syempre hindi ako papatalo no!

"Ano po bang nangyari at humantong kayo sa gulong i--" Muli'y hindi niya pinatapos si Kap.

"Like what I said, binuhusan niya ako ng kape!" Sarkastikong sambit niya. Nababanaag ko naman sa mukha ni Kap ang pagkainis dahil hindi na siya natapos sa sinasabi niya. Kung sa kanya ko kaya gamitin ang karayom at sinulid para matahimik pasmadong bibig ng babaeng ito.

"Babe!!" Mabilis na tumayo ang babaeng nasa harap ko at tinakbo ang lalaking tinawag niyang babe.

Hindi ko na narinig ang sumbong niya sa lalaking sa bagong dating nang maramdaman ko nalang ang pagtigil ng nasa paligid ko at makita kung sino ba ang tinawag niyang 'babe'.

Para bang nasa isang music video kami habang may kumakanta sa lugar na iyon.

🎧 Ikaw na pala,

Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko 🎧

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang lalaking yakap niya ng mahigpit. Ang mundo niya.

Na naging mundo ko rin. . .

"Ja. . Janus. ." Bulong ko sa sarili. Klarong klaro ang mukha niyang nakita ng dalawang mata ko.

🎧 Pakisabi na lang,

Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako 🎧

Natigilan rin si Janus nang magtama ang paningin naming dalawa. Para bang hindi ako makapaniwala na niyayakap na siya ng ibang tao.

🎧 Sabi nga ng iba,

Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo 🎧

Bakit? Bakit parang pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko sa nakikita ko?

Gusto kong pumikit para hindi ko makita ang taong mahal ko na hawak na ng iba. Pero mas lalo akong napatitig sa kanilang dalawa. Pinili kong masaktan sa nakikita ko.

🎧 Hahayaan mo na mamaalam.

Hahayaan mo na lumisan, hmm 🎧

"SAMANT-- JANUS?" Nagising ako mula sa pagkakatulala nang dumating si Cheska na habol habol pa ang hininga. Ilang beses ko ng kinusot ang mata ko at hindi nga ako nananaginip, totoo ngang si Janus ang nasa harap ko habang nakahawak sa beywang ni Janica. Gusto kong manlumo sa nakikita.

Janica still looks sexy with her dirty dress. She's gorgeous and I mean it. Hindi katulad ko na parang tingting na dahil sa payat.

Hindi ko mapigilan ang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Ito marahil ang dahilan kaya niya ako iniwan.

Mas gusto niya yung sexy, maganda, at wild. Unlike me.

🎧 Kaya't humiling ako kay Bathala,

Na sana ay hindi na siya luluha pa 🎧

Itinungo ko ang ulo ko upang hindi ko na sila tuluyang makita pa. Hindi ko kaya! Hindi ko sila kayang tignan!

Ganito pala ang pakiramdam na yung dati mong mundo, ay hawak na ng iba. I can't endure the pain!

"Kuya, tama na nga yang pa music mo! Masyado ng masakit!" Baling ni Cheska sa isang barangay staff na nag sasoundtrip pala. Hayun pala ang dahilan kung bakit pakiramdam ko ay nasa isang music video ako. Nang damay pa talaga si Kuya!

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Janica habang hindi ko pa rin sila tinatapunan ng tingin. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko na anumang oras ay hindi ko mapipigilan ang pagtulo.

"No." Mariing sagot ni Janus. Maigsi lang ang salitang iyon, ngunit tila tinusok naman ng paulit ulit ang puso ko.

"ANONG SINASABI MO DYAN JANUS!" Galit na pahayag ni Cheska. Gusto ko sana siyang pigilan pero wala akong lakas para iangat man lang ang mga kamay ko. "Girlfriend mo ba yang walang modo na yan ha? Yan ba yung pinagpalit mo kay Sam--"

"Cheska." Basag ang tinig kong tinawag ko siya. Kagat kagat ko ang labi ko habang iniaangat ang mukha ko.

"So that girl!" Itinuro ako ni Janica at hinampas naman ni Cheska ang kamay ng babaeng nakaduro sa akin. "Is she your ex, my future husband?" Nangingiting tanong ni Janica kay Janus habang hinahaplos ang dibdib nito. Muling binaling sa akin ng babae ang tingin niya. Oo na! Nakaganti ka na!

I was waiting for Janus answer. Iniiwasan niya ang mga tingin ko sa kanya. Kitang kita ko ang laki ng ipinayat niya, at ang malalim niyang mga mata. Ano na bang nangyayari sa kanya? Para siyang pinabayaan.

"I want you to know that we are already engage." Iniangat nito ang kamay at ipinakita ang singsing na nakasuot sa daliri niya at tila pinapainggit pa ito.

Engage? Kailan pa naisip ni Janus ang pagpapakasal? We're in a relationship for nine fucking years! Pero kahit kailan ay hindi nya naisipan na mag propose man lang sa akin. At ayaw na ayaw niyang pag uusapan namin ang kasal. Tapos ito, live ko pang nalaman na engage na pala siya!

"For almost one year!" Proud nitong sigaw.

Isang taon?

Isang taon na niya akong niloloko?

Ramdam ko ang sakit sa lalamunan ko habang pinipigilan ko ang pag iyak. Hindi naman na siya babalik kahit humagulgol pa ako sa harap nila. Sapat na ang dahilang ito para hindi ko na ituloy pa ang pagmamahal ko para sa kanya.

"Maybe, ako nalang ang mag aasikaso dito." Sambit ni Cheska habang hawak ang kamay ko. "Pinapunta ko na dito si Arlene para magbigay ng statements."

"Let's go?" Mahinang bulong ni Allison. Mukhang kailangan ko na rin talagang umalis palayo dito dahil unti unti ng nadudurog ang puso ko.

Sinubukan kong tumayo pero muli lang akong napaupo. Sobrang nanghihina ang tuhod ko sa kaganapang ito. Tila nilamon lahat ang energy ko.

Kung hindi pa siguro ako inalalayan ni Allison ay baka tuluyan na akong bumagsak.

Malungkot kong tinignan si Janus. Hinihintay na pigilan niya akong umalis. Waiting for him to touch me, to hug me at sabihing mahal pa rin niya ako.

Kaya lang, ito ang napapala ng umaasa, mas lalong nasasaktan. Hindi niya ako pinansin at itinuon ang tingin sa bago niyang nobya.

Hindi ko na napigilan pa ang luha kong mabilis na bumagsak mula sa mga mata ko.

Parang wala na atang katapusan itong sakit.

Mabilis akong tumakbo palabas ng barangay hall. Hindi ko na alam ang tumatakbo sa isip ko, gusto kong lumayo sa lugar na ito. Gusto kong matapos na ang sakit na ito.

"S-Sam. ." Isinandal ko ang likod ko sa pinto ng kotse ni Allison. Nakatitig siya sa mga mata ko at kinuha ang kamay ko saka pinisil. Para bang ipinaparamdam na hindi ako nag iisa.

"You should forget him. ." Pahayag ni Ali. Ano bang akala niya, ganun ba kadali ang lahat?

"You don't know my pain." Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko. Pekeng tawa, dahil kasabay nun ay ang muling pagbagsak ng mga luha ko.

"Akala mo ba ganun nalang sya kadaling kalimutan?" Itinulak ko siya palayo sa akin. Paano niya nasasabi iyon? E wala naman siya sa kalagayan ko!

Akma siyang lalapit sa akin nang umatras ako palayo sa kaniya.

"L-Leave me alone." Ipinahid ko ang likod ng kamay ko sa mata ko upang mawala ang luha na humaharang rito.

"S-Sam. ." Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.

"I said leave me alone." Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanha. "I don't need you! I don't fucking need you!" Malakas kong sigaw sa kanya na naging dahilan para pagtinginan kami ng mga tao.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at tumakbo palayo sa kanya.

Gusto kong mapag isa.

I don't need anyone else.

***

Allison's POV

"Sam! Please open the door!" Paulit ulit kong katok sa pinto ng condo niya pero hindi niya pa rin binubuksan.

Halos tatlong oras na rin akong naghihintay sa labas ng condo niya. Pero hindi dapat ako mawalan ng pag asa sa kanya, kailangan niya ako. Kailangan niya ng masasandalan sa oras na ito.

"Samanth--"

"S-sabi ko diba hindi kita kailangan! Bakit ba ang kulit kulit mo!" Basag ang tinig niya nang magsalita siya at hindi pa rin binubuksan ang pinto. Dinig ko ang impit na pag iyak niya mula sa likod ng pinto hanggang sa maging hagulgol na ito.

Napaupo na rin ako sa harap ng pinto niya at patuloy na pinakikinggan ang pag iyak niya.

Nakakapagod man ang ginagawa ko ay hindi ako susuko.

I know her pain. Walang wala pa nga yun noong nahuli ko ang girlfriend ko noon habang nag memake out with my step brother. Sobrang nalugmok ako at pilit siyang kinalimutan nang mag isa. Walang kahit isang kaibigan ko ang dumamay sa akin dahil ang buong akala nila ay ako ang nagloko. Pinagtakpan ko ang dati kong nobya sa ginawa niyang panloloko sa akin.

At ngayon, ramdam ko ang sakit na bumabalot sa puso ni Samantha mula sa kanyang malakas na pag iyak.

Kung hahayaan niya lang sana ako na tulungan siyang maibsan ang sakit na nararamdaman niya.

"Ano? Binuksan na ba niya?" Humahangos na dumating si Cheska. Bakas rin sa kanyang mukha ang pag aalala. Hindi namin alam kung anong pwedeng magawa ni Samantha kaya hindi rin kami magkandaugagang kumatok sa pinto niya.

"Sam, please open the door." Basag ang boses ni Cheska na halatang pinipigilan ang pag iyak. Ngunit wala pa ring sumasagot mula sa loob.

"Sam, bigyan mo naman kami ng pagkakataon na kami naman ang mahalin mo." Pahayag muli ni Cheska. "Papasukin mo kami sa puso mo. Huwag palagi si Janus."

Nakarinig kami ng hagulgol mula sa loob. Alam ko naman na nakikinig siya, hindi palang niya matanggap ang nangyayari sa kanya sa ngayon. Lalo na ng malaman niyang halos isang taon na pala siyang niloloko ng dati niyang nobyo.

I told her that she needs to endure the pain. Pero alam kong hindi niya iyon kakayanin kung wala kaming mga kaibigan niya sa tabi niya.

"Tita." Sa ikalimang oras naming paghihintay ay dumating ang mommy ni Samantha. Cheska called her immediately nang hindi pa rin kami pinagbubuksan ni Sam ng pinto. Binalot na rin kami ng pag aalala nang hindi na namin siya naririnig na umiyak mula sa loob ng kanyang condo.

Hindi pa man niya nakikita ang anak ay umiiyak na ito.

"How is she?" Nag aalalang tanong nito.

"Hindi pa rin po niya binubuksan." Malungkot na tugon ni Cheska. I hope that her mom will be the reason for her to open the door dahil hindi na namin alam kung ano na bang ginagawa ni Samantha sa loob.

"S-Sam. . A-Anak. ." Idinikit niya ang kanyang mukha sa pinto at pilit na tinatawag ang kanyang ina. Kung nasasaktan si Samantha nang dahil kay Janus, alam kong mas nasasaktan ngayon ang mommy niya dahil sa sinapit niya. Walang humpay sa pag tulo ang kanyang mga luha habang patuloy na tinatawag ang kanyang anak.

"S-Sam, n-nandito na si mommy." Muli kaming nakarinig ng hikbi sa loob na nag pabuhay sa mga puso namin. Mabuti nalang at wala pa siyang ginagawa sa sarili niya na ikapapahamak niya.

"M-mommy?" Napapitlag kami nang gumalaw ang door knob at hinintay na bumukas iyon.

"SAMANTHA!" Umalingawngaw ang boses ng kanyang ina sa kabuuan ng lugar at nakarinig na lang kami ng malakas na kalabog pagkabukas ng pinto ni Samantha.

"SAM!" Nakita na lamang namin si Samantha na nakahandusay sa sahig habang hawak ang isang basag na bote.