Chapter 4 - Chapter 3

"Goodbye sex ang tawag dun, ano ka ba!" Hagalpak ang tawa ni Cheska ng ikwento ko sa kanya ang nangyari samin ni Janus, a few days ago. Matapos ko ring ikalat at basagin ang ilang gamit ko, nilinis ko din yun at itinapon na ang mga hindi na mapapakinabangan.

"Natatawa ka pa dyan!" Umiiyak akong nagcoconfess sa kanya habang sya ay busy sa pagdutdot sa cellphone nya. Ipinagmamalaki nya pa sakin yung bago nyang download na 'lesbian dating app'. Relax na relax lang syang nakaupo sa single sofa habang nakataas pa ang paa. Buhay reyna pa dahil may bowl of fruits pa syang kinakain. Habang ako, halos maubos na yung tissue sa maghapong kakaiyak.

"Okay na yun, kaysa naman matigang ka habang nag momove on diba?" Ibinato ko sa kanya yung box ng tissue. Kung alam ko lang na hindi sya makakatulong sa problema ko, sana ay hindi ko nalang pala sya ininvite. Kung alam nya lang din kung gaano pa kasakit yung 'down there' ko dahil sa sobrang hataw ng performance ni Janus. Inaamin ko naman na nasarapan ako, pero kung alam ko lang na yun na pala yung last sex namin sana nagpabuntis na ako. Hindi naman kasi ako aware!

"Girl!" Nagulantang ako ng tumalon papunta sakin si Cheska at proud na proud na itinapat sakin yung cellphone nya. "Let's go to this party!"

Isang electronic invitation iyon para sa isang Lesbian Party. Ano namang gagawin ko dun? E never naman akong na attract sa lesbians. It's a big NO!

"Ayoko, wala ako sa mood!" Tanggi ko kay Cheska. Hindi naman kasi ako katulad nya na naghahanap ng fling o kaya ng jowa. Saka kailan pa sya lumiko ng daan? Baka kaya siguro di nya sinagot yung mga nanligaw sa kanya noon kasi hindi naman talaga lalaki ang bet nya?

"Well, wala akong pakialam kung wala ka sa mood. Sasama ka pa rin!" Nakataas pa ang kilay nya ng sabihin nya 'yun. Nagulat pa ako nang hilain nya ako papuntang closet ko at isa isa nyang tinignan ang mga sexy dress ko.

"Cheska, ayoko nga sabi!" Nang makapili na sya ng damit ay pinilit nya akong suotin yun. Maging sya ay namili na rin ng susuotin nya sa isa sa mga dress ko. Good thing is, magka size lang kami. Dahil kung hindi ay hindi ko rin naman sya hahayaang hiramin yung damit ko.

"Ano ka ba naman! Makakatulong 'to sa pag momove on mo!" Sya na rin ang nag make up sakin. Nakasimangot tuloy akong nakaharap sa salamin dahil alam kong mahirap tanggihan si Cheska. Magtatampo lang naman sya at hindi ako kakausapin ng isang buwan. Kagaya noong tampuhan namin dahil hindi ako nakasama sa Boracay. Well si Janus lang naman palagi ang dahilan. I rather choose him rather than anyone else. Kaso hindi nya ako pinili. Mas pinili nyang lumayo sakin at iwan ako.

"Sino ba nagsabing gusto kong mag move on?" Sinabunutan nya ako dahil sa inis. Kung masokista siguro si Cheska ay baka nabagok na ang ulo ko sa kanya dahil sa katigasan ng ulo ko. Hindi naman kasi ganun kadali ang makalimutan ang isang taong naging parte na ng buhay ko. Sabi ko nga kay Cheska, 9 years yun. Hindi madaling bitawan.

"Samantha, kung si Janus ay isang cancer, at ikaw naman ay cancer survivor, gugustuhin mo pa bang magkaroon ng cancer ulit?" Mataman ko syang tinignan sa salamin tila hinihintay akong sumagot. Pakiramdam ko ay isang maling sagot lang ay mapapatay na ako nito.

"Cheska, wag na maraming salita. Oo na sasama na nga ako." Natawa sya sa sinagot ko. Alam ko naman kasing hindi matatapos ang diskusyon namin kapag pinagtanggol ko lang ng paulit ulit si Janus. Saka isa pa baka kailangan ko rin lumabas labas kahit papaano, tuyot na tuyot na yung balat ko at hindi na nadadampian ng preskong hangin.

"Ali!!" Tili ni Cheska nang makitang palabas rin ng unit si Allison. Nahihiya akong tumungo ng magtama ang mga mata namin. Hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa pagiging rude ko sa kanya last time.

"Hey Cheska!" Bati nya sa kaibigan kong umangkla na sa braso ni Allison. "Hi suicidal girl." Napaarko ang kilay ko sa sinabi nya. Sinasabi ko na nga ba at may pagkamayabang 'tong tomboy na 'to! Nung unang kita ko palang sa kanya sa hospital parang hahanginin na ko sa kayabangan nya dahil may pa english english pa sya e, hindi naman sya Amerikana! Hindi ko sya pinansin at hinila na si Cheska palayo sa kanya.

"Aray ko naman!" Dire diretsyo lang kaming naglakad papuntang elevator at sunod sunod kong pinindot yung button para hindi na kami maabutan ng mayabang na 'yun!

"Bakit ka ba nagmamadali?" Bumitaw sya sa pagkakahawak ko sa kanya. "Kasama natin si Ali, sya yung nag invite satin." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Sa lahat pa nga ng pagkakataon, ngayong gabi pa namin makakasama ang Allison na 'yun! Ni wala nga syang karapatan na tawagin akong suicidal girl dahil hindi naman nya naman alam yung nararamdaman ko. Parang gusto ko ng mag back out!

"Don't be so rush. Hindi naman tayo nagmamadali." Napatalon ang puso ko ng akbayan nya nalang ako bigla habang papasok sa loob ng elevator. At feeling close pa nga. Hindi porket iniligtas nya ako sa tangka kong pagpapakamatay ay ganito nalang sya umakto.

"Ah!" Siniko ko nga yung tagiliran nya para maalis yung kamay nya. Napangisi lang sya na lalong nagpainis sa akin. Mukhang hindi ko maeenjoy yung party na 'yun kung makakasama ko ang Allison na 'to.

"Let's use my car." Inanyayahan nya kaming sumakay sa kotse nya at sya na rin ang nag drive. Pinilit pa nila akong dalawa na sa passenger's side maupo kahit na ayoko. Ayokong nalalapit sa kanya dahil baka kapag hindi ako makapag pigil, ay agawin ko nalang bigla ang manubela at ibangga ang sasakyan nya kung saan.

"Sorry for calling you that way, I don't even know your name." Ayan na naman sya sa pag eenglish nya. Well, bagay naman sa kanya pero sana naman bawas bawasan nya! Baka hindi ko mamalayan na dinudugo na pala ako!

"Samantha." Her lips formed an O when she finally found out my name. Parang bilib na bilib pa syang malaman ang pangalan ko.

"Allison." Simpleng pagpapakilala nya habang nakatigil kami sa gitna ng traffic. Inismiran ko lang ang kamay nyang naghihintay na kamayan ko. As if naman na hahawakan ko yun no!

"Well, I'm glad you met!" Singit ni Cheska mula sa likuran. Kung hindi lang sya nagsalita ay malamang nakalimutan ko ng kasama pala namin sya. Paano ay sobrang busy kasi sa pakikipag chat sa mga nakilala nyang lesbians sa dating app.

Sa labas pa lamang ng exclusive bar for lesbians, ay dinig na ang malalakas na tunog mula sa speakers. Nagkalat rin ang mga nag gagandahang babae at nagugwapuhang mga lesbians. Ito ang unang pagkakataon na makikisalamuha ako sa mga gaya ni Allison.

"Ali!" Binati sya ng isang lesbian na sa tingin ko ay kaibigan nya. Ito na naman ang nagpapacute na si Cheska sa tabi ko.

"I want you to meet my best friend, Kim" Nanguna pang makipag kamay si Cheska doon kay Kim. Mukha naman syang mabait, hindi katulad ng kaibigan nyang si Allison na pinaglihi yata sa aircon. Inanyayahan nya na kaming pumasok sa loob ng bar.

Pagpasok namin sa exclusive bar ay sinalubong kami ng iba't ibang babae. Karamihan ay kay Ali nagsisilapitan, bukod pala sa pagiging mayabang ay may pagkababaero rin pala ang isang ito. Maging ang kaibigan nyang si Kim ay pinalilibutan na rin ng mga babae.

"Sorry girls, I'm with my date tonight." Nagulat na lamang ako ng hilain nya ako mula sa tabi ni Cheska at muli na namang akbayan. This time ay hindi ko na maigalaw ang katawan ko para sikuhin sya dahil masyado nya akong idinikit sa katawan niya. Naamoy ko tuloy ang pabangong kumakapit sa damit nya.

"Aww!" Bakas ang lungkot sa mga mukha ng babaeng iyon at isa isa na silang nag alisan. I finally get the opportunity to distance myself from her. Pero iba itong si Cheska dahil kulang nalang ay yakapin nya si Kim at ipaglandakan na sila ang magka date ngayong gabi.

"You're lucky!" Bulong nya sa tainga ko. "Yung ibang babae dyan nagmamakaawang hawakan ko sila samantalang ikaw, ayaw mo pa?" Muli nyang pagyayabang. Inirapan ko sya saka hinampas ang kamay nyang nagbabalak na namang umakbay sa akin.

"Hindi ako katulad ng mga babae mo!" Naglakad na ako at sinundan si Cheska at Kim na tinungo ang kumpulan ng mga lesbians and their girlfriends. Isa isa silang bumati kay Kim and Ali. Maging ako ay binati rin nila.

"Bakit nakasimangot ka?" Mabuti nalang at si Cheska ang tumabi sakin nang maupo kami. Ayokong madikit ang kahit na dulo ng daliri ko sa Allison na 'yon. Nagsimula na ring uminom si Cheska ng alak.

"You know what, maeenjoy ko pa siguro 'tong party na 'to kung wala ang Allison na yan!" Saad ko saka ininom ang alak na iniabot sakin ni Cheska.

"You should enjoy!" Sigaw nya dahil na rin sa lakas ng sounds na bumabalot sa loob ng bar. This is my first time seeing both girls are kissing. Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa ganitong bar. Usually kasi kapag nag babar ako ay si Janus palagi ang kasama ko together with our friends.

"Are you still thinking about him?" Napatalon ako sa gulat nang may bumulong sa tainga ko, muntik pang matapon ang iniinom ko. I saw Allison behind me, nakasalumbaba sya sa sandalan ng sofa na kinauupuan ko, at kaunting kilos lang nya ay magdidikit na ang mga mukha namin. Mabilis kong inilayo ang sarili sa kanya.

"Can you just leave me alone?" Pagtataray ko, pero hindi sya nagpatinag. Umupo sya sa tabi ko habang isinisiksik ang sarili nya kahit alam nyang wala ng space. Wala tuloy akong nagawa kundi umusog para makaupo sya. Mula sa kanyang bote ay sinalinan nya ng alak ang basong iniinuman ko. She just smiled as the liquor poured into my glass. Hindi ko naman mapigilang mapahanga sa angking kagandahan nya habang nakatingin ako sa kanya. Or should I say kagwapuhan?

Napailing ako sa naisip at diretsyong inilagok ang alak na isinalin ni Ali. Distracted na rin ako sa amoy ng pabango nya. Ito siguro ang sikreto nya kaya halos lahat ng kababaihan dito sa bar ay nakadikit sa kanya. Muli nyang sinalinan ang baso ko, but this time mabagal nyang sinalinan iyon habang nakatitig sa mga mata ko. Is she trying to seduce me? Kung ganun man ang naiisip ko, pwes hindi ako naaakit.

"P-Puno na." Teka bakit nauutal ako? Pakiramdam ko ay umurong ang dila ko dahil sa malalim na pagtitig nya sa akin. Hindi pa rin sya tumigil sa pagsalin kahit na umaapaw na ang alak sa baso ko. Itinigil nya lang ang pagsalin nang matuluan na ang legs kong naka de-kwatro.

"Sorry. I will clean up my mess." Nangingislap ang singkit nyang mga mata dahil sa ilaw na nagmula sa party lights. Dahan dahan nyang ibinaba ang ulo nya at napaigtad na lamang ako ng maramdamanan ang mainit nyang dila na dumampi sa mga hita ko. Nanigas ako sa kinuupuan ko ng sipsipin nya ang parteng natuluan ng alak na tila ba nag bobody shot lang.

"Hey let's dance!" Parehas kaming napaayos ng upo nang biglang lumapit sa amin si Cheska na bakas na sa kanyang namumulang mukha ang kalasingan. Kinuha nya ang kamay namin ni Ali at sabay na hinila sa dance floor. Pero pagdating namin sa dance floor ay slow music na ang ipinatugtog ng banda. And it sounds familiar dahil theme song namin iyon ni Janus. Literal na napatigil ako sa gitna ng dance floor, reminiscing our happy memories. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa tumutugtog na banda. Parang ang sarap sumigaw na itigil na nila ang pagkanta, but I'm not in the right place.

"Sam?" Nilingon ko ang nag aalalang si Ali. Marahil ay nagtataka kung bakit ako natigilan sa gitna habang ang mga nakapalibot sa amin ay nagsisimula ng magsayaw ng slow dance. Nakatitig lang sya sa mga mata kong puno ng sakit. As if she also feels the pain that I was feeling. Hinapit nya papalapit sa kanya ang beywang ko at marahan nyang inilagay ang mga kamay ko sa balikat nya. Hindi pa rin nya pinuputol ang tingin nya sa mga mata ko, sinusubukan nya sigurong pagaanin ang nararamdaman ko. Mas lalo akong naiyak nang isayaw nya ako sa saliw ng musika. Bakit kasi itong kanta pa na 'to ang ipinatugtog? Hindi ba't narito ako para magsaya? Para makalimutan panandalian ang lungkot at sakit?

Gamit ang kanyang hinlalaki ay marahan nyang pinunasan ang luha ko. Kung kanina ay inis na inis ako sa kanya, ngayon ay nabura na lahat ng iyon dahil sa ikinikilos nya. Pakiramdam ko ay nakaramdam muli ako ng pag aalaga.

Matapos ang pagkanta ng banda ay nagbago ang tugtog at biglang dumilim sa dance floor. The DJ was playing a fast beat song, and everybody around us started to dance. Maging si Ali ay nakisayaw na rin sa tugtog habang ang mga ilaw ay nagpapatay sindi.

Napangiti na lamang ako sa pagsayaw ni Allison. She's really good in dancing, halatang laman sya gabi gabi ng mga bars. Naalala ko ang ginawang pang seseduce niya kanina, kaya naman it's my turn for a revenge.

Isinabit ko ang kamay ko sa batok nya at iginiling ang beywang ko. Her mouth formed an O nang idikit ko sa kanya ang katawan ko. This was my first time to seduce a lesbian, napakadali naman pala. I smirked while caressing her neck. Napapapikit sya sa ginagawa ko, I think nahanap ko na agad ang kiliti nya.

"Dance with me." Bulong ko kay Ali at marahang kinagat ang tainga nya. Sinunod naman nya ang utos ko, at nakisabay sa pag giling na ginagawa ko. Wala sa wisyong ipinatong ko ang kamay ko sa isang balikat nya habang iniikutan ko sya, while dancing slowly. Hindi naman sya mapanatag na sinusundan ako ng tingin. Nagulat na lamang ako ng hawakan nya ang tyan ko at hilain palapit muli sa kanya, sabay na kaming gumigiling sa saliw ng tugtugin habang nakayakap sya mula sa likuran ko.

How come I turn into this, samantalang may paiyak iyak pa ako kanina? Marahil sa dami na rin ng nainom ko ay ito na ang kinahinatnan ko. I'm getting wild.

Itinaas ko ang aking kamay papunta sa ulo ni Ali, and she got a chance na maidikit ang labi nya sa leeg ko habang nakahilig ang ulo ko pakanan. Nagsimula ng magtayuan ang mga balahibo ko ng dumampi ang dila nya sa leeg ko. I feel like something is going to explode.

Ang kamay nyang nasa tyan ko ay unti unting humihimas kung saan. Bakit tila nagugustuhan ko ang mga haplos nya? Parang may iba pa akong gusto na mahawakan nya? Sa pagpikit ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Janus, ang mukhang hindi ko kayang kalimutan.

Napatigil ako sa pag giling at marahas na itinulak si Allison saka ako tumakbo paalis ng dance floor. Diretsyo akong lumabas ng bar. Kailangan ko ng hangin! Kinapos ata ako ng hininga sa ginawa namin ni Ali.

Nagsindi ako ng sigarilyo at tahimik na napasandal sa posteng naroon. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at nagawa ko yun after ko marinig yung theme song namin ni Janus!

"Hey!" Tipid na nakangiting lumapit sakin si Allison. Parang nahihiya pa dahil sa nagawa nya kanina. "Sorry sa nangyari kanina." Kung kanina ay napakalapit namin sa isa't isa, ito sya ngayon at napakalayo ng distansya sa akin. Animo'y takot na takot dahil baka kainin ko sya.

"I should be the one to apologize." Nakita ko rin ang pagsindi nya ng stick ng sigarilyo. Marahil ay nastress ata sya sa eksena namin sa dance floor kaya hindi ko napigilan ang matawa.

"What's funny?" Hindi nya na rin mapigilan ang mahawa sa tawa ko. She's scratching the back of her head, hiyang hiya sya sa sarili nya.

"If only you can just see how you looked earlier, you will surely laugh too." Natatawa lang naman kasi ako dahil sa itsura nya nung makita nya ako sa pwesto ko habang nagyoyosi, para syang binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Hindi rin nya ako matitigan sa mga mata dahil sa hiya.

"Let's go somewhere else." Hindi na ako nakatanggi ng hawakan nya ang kamay ko at walang habas na kinaladkad papuntang parking lot. Wag nyang sabihing itutuloy nya yung ginawa naming pagkakalat sa dance floor? Hell no! Hindi ako makapapayag na may ibang gumalaw sakin! Naka reserve pa rin 'to kay Janus, I want him to be my first and last!

"Saan tayo pupunta? Saka si Cheska!" Oo nga pala, may kaibigan pala akong kasama! Paano ba naman kasi, wala na syang ibang ginawa kundi makipag lingkisan sa kaibigan ni Ali, na si Kim. They even kissed sa couch, habang katabi ako!

"Don't worry, she's in good hands. Mabait naman yun si Kim!" Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya, which Janus never did. Marahil ay dahil na rin sa tagal naming mag karelasyon kaya nawala na ang pagiging gentleman nya.

"Pero saan nga kasi tayo pupunta?" I checked the time and it's freakin' 4 a.m! Hindi man lang ako dinadapuan ng antok. Nang umikot si Ali para umupo sa driver's seat ay mataman ko syang tinitigan, napakakinis ng mukha, parang hindi na haggard sa magdamag na party! Parang hindi rin nagdaan sa puberty stage dahil wala man lang akong makitang pores sa mukha nya.

"I'll help you to forget him." Kinindatan nya ako, at iyon ang nagpagising sakin mula sa pagkatitig ko sa mukha nya. Nagsimula na syang magmaneho kahit hindi ko man lang alam kung saan kami papunta. Safe naman siguro ako sa kanya, dahil kung hindi ay tatalon ako sa kotse nya.

"You know what, ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos." Taas kilay ko syang tinignan habang busy ang paningin nya sa kalsada. Ako nga, hindi rin nakakatulog pero hindi ko naman ikinuwento sa kanya.

"Ano namang pakialam ko sa unhealthy sleeping routines mo?" Natawa sya sa pagsusungit ko.

"Yung kapitbahay ko kasi, ang ingay kung umiyak! Madalas 3 a.m na natatapos, tapos pag dating ng 9 a.m, umiiyak na naman." Natigilan ako. Ganun na ba talaga ako kaingay kung umiyak? Ganun nalang ba ako kalungkot para makaistorbo ng kapitbahay dahil sa pag iyak ko? Nasapo ko ang noo ko! I'm really wasted!

"I'm sorry." Panandalian nya akong nilingon at nginitian. "And I'm sorry for being rude last time." Sa wakas ay nakahingi na ako ng tawad sa kanya. Sa tingin ko naman ay hindi nya deserve ang kasungitan ko. Hindi naman porket broken hearted ako ay idadamay ko na ang nasa paligid ko. Hindi rin naman ako dating ganito. Napaka friendly at jolly ko nga noon, halos lahat kinakaibigan ko.

"Apology accepted!" Mataas pa sa sikat ng araw ang energy nya. Hindi yata sya nakaramdam ng pagod mula sa party. Naiiling na lang akong napangiti dahil sa pagiging masayahin nya. She even dance while driving habang sinasabayan ang tugtog sa stereo ng kanyang kotse. Sana katulad rin nya ako, parang walang iniisip na problema. Yung masaya lang.

"Tagaytay?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang welcome signage ng Tagaytay. Parang kanina lang ay nasa Manila lang kami at pumaparty pa! Ipinark nya mula sa labas ng isang sikat na coffee shop ang kotse nya.

"Just wait here." Umikot sya papuntang passenger's side para pagbuksan ako ng pinto. If I know, sa umpisa lang 'tong pagiging gentleman niya.

"Seriously? Nagpunta tayo dito para magkape?" Natatawa akong bumaba sa kotse nya. Why is it so easy for this lesbian to make me laugh and smile? Para bang alam na alam nya kung saan ang kiliti ko. Sya na ang umorder ng iinumin namin at pumwesto na ako sa roof top ng coffee shop kung saan tanaw ang magandang kabuuan ng Tagaytay. I hugged myself as the cold breeze caressed my skin, ang nipis rin kasi ng red dress na ipinasuot sa akin ni Cheska tapos labas pa ang cleavage ko, para daw maakit ko yung mga tao sa bar.

Prenteng umupo sa tapat ko si Allison dala ang inorder nyang hot coffee at may kasama pang blueberry cheesecake.

"Marami ka na sigurong nadalang babae dito no?" Ipinako nya ang tingin sa akin habang hinihigop nya ang mainit nyang inumin.

"Paano mo naman yan nasabi?" She laughed at my question. Tama nga ang hula ko, babaero nga sya!

"Kilalang kilala ka ng mga staffs. Nakatingin pa sila sakin, kasi hindi sila pamilyar sa mukha ko. Sa dami ba naman ng dinala mong babae rito." Humagalpak sya sa tawa nang sabihin ko 'yun. Para bang nag joke ako sa lakas ng tawa niya. Mabuti na lamang at kami lang ang narito sa rooftop, dahil nakakahiya sa mga tao ang tawa ni Allison.

"They look at you because you are beautiful." My face literally turned into red. Nag blushed ba ako? Parang napaka tagal na panahon na, na may nagsabing maganda ako. Maging si Janus ay hindi naman sinasabi iyon, binanggit nya lang yata yun nung nililigawan pa lang nya ako tapos isang beses lang. O baka naman isa lang ito sa mga pambobola nya para makapang hook ng babae.

Tumayo sya at hinubad ang denim jacket nya. Naiwan ang suot nyang black v-neck shirt na mas lalong nagpalabas sa mahaba at maganda nyang leeg. She's really amazing. Kung lalaki kasi sya, napaka guwapo nya at kung babae naman sya ay, napaka ganda niya. Ito siguro ang dahilan kung bakit nagkakandarapa sa kanya ang mga kababaihan sa bar.

Pumwesto sya sa likod ko at ipinatong ang denim jacket nya sa balikat ko. Napansin nya siguro na nanginginig na ako sa lamig, that's why she offers her jacket. Thanks to her because I felt warm now, hindi katulad kanina na parang maninigas na ako sa lamig. I mouthed 'thank you' to her and she returned me with a sweet smile.

"So, your boyfriend left you alone?" Tanong nya nang mapagkwentuhan namin ang tungkol kay Janus at tungkol sa naabutan nyang paglalaslas ko sana ng pulso. Nakakagaan pala ng pakiramdam kapag nai-burst out mo yung sakit na nararamdaman mo. She handed me her handkerchief as my tears starts to fall.

"Yes. And I don't even know his reasons." Malungkot kong tugon. Totoo naman kasi, hindi man lang nag iwan si Janus ng dahilan nya kung bakit nya ako iniwan. Mas matatanggap ko pang may babae sya kaysa naman he left me clueless.

Inakbayan nya ako habang parehas kaming nakatingin sa bundok ng Taal. Hobby nya ba talaga ang pag akbay? O sadyang naliliitan lang sya sakin at ginawa nyang patungan ng kamay ang balikat ko? Pero mas naging kumportable naman ako ngayon, hindi katulad ng pag akbay nya sa akin sa bar at sa elevator.

"Ito ah, kung gusto mo lang naman." Mataman ko syang tinignan. Tila may inooffer sya sakin. "I'll help you to forget him."

"How?" Maybe its time for me to really forget Janus. Not really to forget, kasi hindi naman kaagad makakalimutan ang isang tao lalo na kung naging parte na sya ng buhay mo. Maybe to unlove him. I need to unlove Janus.