Chereads / DISENCHANTED LOVE / Chapter 1 - CHAPTER 1

DISENCHANTED LOVE

🇵🇭cLxg_drgn
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 66.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1

"Ano ba talaga tayo? Sino pa ba ako sa buhay mo? Ganito nalang ba tayo palagi? Ayusin naman muna natin to, pagusapan oh." Puno ng hinanakit kong tanong sa kanya, pinipigil siya sa kanyang gagawin.

Pinapahid ang luhang kanina pa masaganang tumutulo sa mata ko, ang sakit sobra. Simula noong biglaan niyang pagdating sa loob ng bahay namin hanggang ngayon na nandito kami sa loob ng kwarto.

Gusto ko nang maghysterical at magmakaawa sa kanya.

Tigilan niya lang tong binabalak niya, hindi ko kaya. Hindi ako handa, kahit kailan hinding- hindi.

He stood up infront of me. Balewalang binitawan ang mga katagang masasakit na ito para sa akin.

"Let's end this Chain. Hindi kita mahal. Pagod na pagod na akong magkunwari." He directly said it all aloud.

Gumuho yata ang buong pagkatao ko, ang tapang na inipon ko sa loob ng ilang taong kasama ko siya.

Parang mas piniga pa lalo ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon, ang sakit-sakit na, tagos yong hindi kita mahal sa loob ng katawan ko. Sinasapol ang puso kong biyak na biyak na.

Pira-piraso na sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Ang sakit na.... Ano bang mali ko at pinapahirapan niya ako ng ganito? Tila ako'y inumpog sa katotohanang napakahirap tanggapin.

Namamanhid ang katawan ko noong marinig ko ang mga salitang yan, galing na mismo sa kanya, sinabi ng bibig niya. Ganto pala kasakit na harapan niya ng inamin sa iyo na wala na siyang pagibig sa akin o kung meron ba talaga sa umpisa palang.

Alam mong wala, hindi ka niya kailan man minahal, hindi ikaw, Chain.

Ang tanga mo Chain, cumlaude ka pero ang bobo mo! Ang tanga tanga mo sa lalaking iyan.

Bawat katagang lumalabas sa bibig niya ay tila punyal na tinatarak niya sa puso at binabaon niya sa utak ko, paulit-ulit.

Masakit sobrang sakit!

"You can do what you want now Chain. Let's give each other space. Masasakal lang lalo ako sayo pag nagpatuloy tayong magkasama. Mas masasaktan kita ng sobra and I know you don't deserve this Chain. Wala kang mali, ako ang may pagkukulang sa iyo. Ako ang nawalan ng gana sa relasyong to."

Nakikinig lang ako sa kanya hindi ko na kasi kaya pang magbitaw ng salita ng pagtutol. Ganoon lang kadali sa kanyang bitawan ako?

Na parang wala lang? Na ilang taon kaming nagsamang dalawa.

He took a long deep breath, staring at me blankly. "Tama na ang larong ito, we both need to live life. Yes— Chain inaamin ko may babae ako. Siya yong totoong mahal ko I'm sorry if we made it this far pero ayaw ko na Chain, suko na ako."

P-please.. n-no...! Don't.... don't l-leave me please, please?!.

"Iiwan na kita. Ayaw kong mas pasakitan ko pa lalo ang loob mo. You deserve someones love, yong mamahalin ka talaga. Hindi ako yon, hindi ako ang lalaking para sayo Chain. Sana matanggap mo ang desisyon ko. Para din to sa atin, hindi kita mahal. Magsa- sayang lang tayo ng taon kung ipipilit natin ang relasyong to. Pareho nating sisirain ang bawat isa." He added my agony.

Napahimas siya sa batok niya, pinipigil ang inis habang nakatitig sa akin. "Nagsisisi ako sa mga bara- barang desisyon natin. Mali pero pinagsisihan ko talaga ang gamitin ka para lang sa kapakanan ko. Sa kapusukang hindi ko pala kayang panindigan. Patawarin mo ako pero hanggang dito nalang tayo Chain. Tatapusin na natin ang walang patutunguhang buhay na to. Pagod na rin akong magpanggap at umuwi sa piling mo."

Ouch—! My tears keep on falling, as I felt my heart crumbled down.

"Hindi na ako masaya kasi, Chain. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay. Gusto ko lang na harapang mamaalam sayo. You deserve to know the truth about my change of heart. Ayaw ko man sanang saktan ko pero kailangan na Chain. Gusto ko nang makawala sayo, tama na. Let's end this and have our freedom. This is my final farewell, goodbye. I'm so sorry, Chain."

Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak sa harapan niya, ang ibuhos lahat ng sakit sa dibdib ko habang nakikinig sa kanya.

Sa pamamaalam niya, sa katotohanang matagal akong nagbulag- bulagan para sa kanya. Tinanggap ko ang pagiging gago niya, pero sa huli ako parin pala ang maiiwan.

Ako parin ang mag-isang luluha!

Wala akong ibang mali kundi ang mahalin lang siya ng buo, lahat para sa kanya ginawa ko. Nagtanga- tangahan para lang hindi kami magaway at magkagulo. Alam kung ginawa ko ang lahat para sa kanya.

Pero sa huli, heto pa din. Hiwalayan pa rin pala ang ending namin.

Yun yong masakit eh, ilang taon niya akong kasama pero iba ang pinili niya, iba ang babaeng mahal niya.

May kulang pa ba sa akin? May mali ba akong ginawa? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?

Magustuhan o kahit magstay lang siya kasi ako hindi-hindi ko siya iiwanan. Handa akong ipaglaban siya, pero wala eh ayaw niya. Ayaw niya sa piling ko.

Hah! Punyeta, ang laking dagok ang mawala siya sa buhay ko, nasanay akong kasama siya palagi, na sa kanya umiikot ang mundo ko, na siya ang dahilan kung bakit bumabangon ako, pero wala eh.

Olats talaga.

Heto ako, iiwan, hindi minahal, isang niya lang palang laruan. Nababalewalain kasi meron na siyang bago, meron na siyang ibang gusto.

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan? Pwede mo naman siyang makasama, hahayaan naman kita. Huwag mo lang akong iwan please? Kaya kong makihati sa atensiyon mo, kaya kung tanggaping hindi lang ako ang babae mo pero sana, sana huwag ka ng umalis oh. Hindi ko kaya, maawa ka." Pabulong kong pagsusumamo sa kanya.

Tanga naman na talaga ako, kaya susulutin ko na. Kaya kong makihati, pipilitin kong tanggapin na hindi lang ako basta nandito pa rin siya sa akin, uuwian niya pa rin ako.

Naasar siyang napahilamos sa mukha niya, halatang pinipigilan lang niyang bulyawan ako.

"Please, Chain. Don't make it more difficult for both of us, huwag kang magpakababa nang ganyan. Hindi mo deserve ang niloloko. Maniwala ka sa akin, hindi ako ang lalaking para sa iyo. Hindi ko kayang suklian ang pagibig mo."

Nakakaawa kana Chain, sobrang pathetic mo na, ubos na ba ang respeto sa sarili mo?

Ayaw niya na, huwag ka nang magpumilit, mas masakit ang isasagot niya sa iyo. Namamalimos kana sa kakarampot niyang atensiyon, desperada ka na ba talaga?

Mahiya ka naman oh.

Hindi ko na ulit sinubukang pigilan ang pag-alis niya, nakatingin lang ako habang pinapasok niya lahat ng damit niya sa malaking maleta, wala siyang itinira. Lahat ng gamit niya, nilimas at nilagay niya doon.

Nagmamadali, walang pagaalinlangang tuluyang iwan na ako.

Hanggang sa hinila niya na palabas lahat ng maleta niya at walang likod lingong iniwan ako sa lapag, sa loob ng kwartong dating para sa amin.

Likod niyang nagpapakita ng pagtalikod niya sa akin, sa pangako at sa panglisan niya sa buhay ko.

Malungkot akong napahikbi— Wala na talaga siya, inawan niya ako ng tuluyan.

Ang sakit na unti unti mong nakikitang humakbang palayo sa iyo ang mahal mo, at alam mong hinding hindi ka na niya babalikan, na hindi mo na siya ulit makakasama, mayayakap at madama.

Niyakap ko ang binti ko at sinubsob ang mukha ko doon, iniyak lahat ng sama ng loob ko, ang pagsisisi at panaghoy ko para sa kanya. Nangi- nginig na ang katawan ko sa lakas ng hagulgol ko, ang luhang tila ayaw ng maampat sa mata ko.

Nangangamba sa bukas na darating, Paano ko hahaharapin ang bukas kung wala na siya sa tabi ko? Paano ko malalampasan ang sakit at dalamhati ng puso ko.

Paano na ba ulit ang buhay na hindi siya ang kasama ko?

Napuno ng takot ang dibdib ko nong mapagtanto kong masyado ko palang denepende ang takbo ng buhay ko para lang sa kanya.

Kaya tila wala na sa aking natira kasi kusa ko palang isunuko yon sa kanya, ang buhay, puso at pagkatao ko.

Ubos na ubos na ako ngayon, tila nauupos akong napasandal sa kama namin, ang saksi sa pangyayari na namagitan sa amin paglipas ng taon. Sa alaala lang sabay naming binuo pero ako nalang ang natira ngayon.

Wala na ang lalaking akala ko sa akin, ang lalaking inakala kong pang habang-buhay ko. My home, my man and my better-half.

But this is our sad realistic ending I'm the loser, I was left alone and unloved.

******

But that was my 20 years old self, masyadong sensetive, masyadong marupok sa pagibig.

Akala noong iniwan yon na ang dulo ng mundo, ang katapusan ng lahat. Ang hangganan ng silbi ng buhay. Pero akala ko lang pala yon, nasurvive ko naman at hanggang ngayon buhay pa naman ako, humihinga pa din, nawalan na nga lang ng amor sa pagibig.

Wala eh, masyadong natrauma ang puso ko. Sobrang nasaktan sa lalaking una kong natutunan mahalin.

******

PRESENT LIFE

My life was messed up, really fucked up.

Bwesit talaga, ang aga aga pero nasira na ang buong araw ko. Kakabukang liwayway palang pero yung problema ko bukang buka din na nanampal sa pagmumukha ko.

'Ano ba tong nangyayari sa buhay ko lord?'

Muli kong binasa ang nakasulat sa dokumentong hawak ko. Ibang klase, ang kapal ng mukha. Pede ng pansemento.

Grabe, nakakashookt talaga.

Ang walanghiya, wala na yata talagang mananalo sa pakapalan ng pagmumukha sa pesteng lalaking to, bwesit, punyeta niya ng times two.

Ang sinag ng araw na dumadampi sa balat ko ay mas lalo yata pinapa init ang ulo ko. How dare him send me an freakin' annulment paper?

GAGO BA SIYA?

Wow ha, siya ang nangaliwa siya pa ang mauunang mag paannul? Ano to? Joke? Tangina pre!

Ano bang gagaguhan na ang nangyayari sa buhay ko?

I've been staying with him for almost a decade, endure all the sufferings and heartaches caused by him, crying silently for him to comeback and then now?

Annulment?

Ilang taon akong nagtiis sa kanya? Tinganggap ko na isa ako sa katotohanang itinatago niya, I'm the legal wife pero iba ang nilelegal. Iba yong inuuwian, iba ang priority. Pero okay lang.

Tapos now? Wow lang!

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ginamit lang naman niya ako, ang kahirapan ko, isa lang akong kasangkapang ginamit niya para maisakatuparan ang gusto niya.

Pero dahil ngayon wala na akong halaga, edi wala na din, hiwalay na agad.

Nakakatang ina lang kasi, sobrang lugi na ako, sobra na akong nasasaktan pero bakit hindi niya yon makita? Ano pa bang pagkukulang ko at hindi niya parin ako maipaglaban at mahalin ng lubos?

I've been waiting for him to choose me, na sana ako naman, ako lang. Mahirap ba yon? Bakit palagi nalang siya ang pinipili mo? I'm that unworthy for you, huh Craig?