CHAIN ALEZEIR
Pagkauwi ko galing photoshoot, dumiretso na agad ako sa boarding house para iedit at madevelop ko na ang mga pictures na kuha ko sa loob ng halos tatlong lingo.
Those are the prenup photos of Ryogen and Hima.
It takes more than weeks, it was taken from different places, setting and theme. Ang pinakamalayo ay ang sa Batanes na sabi ng dalawa ay ang pinakaspecial kasi don sila unang nagkakilala.
Bigtime ang client ko thanks to Aimie na nag recommend sakin sa magfiancee.
They are from rich family, known for their businesses here and abroad. Kaya naman omo-o agad ako nong sinabi sakin ni Aimie na ako ang gusto nilang photographer.
Big break ko to. Worth it ang pagod ko dito, malaki ang datung.
Ang sarap lang nilang kunan ng pictures dahil ang sweet at alam mong inlove na inlove sa isat-isa. Mapa- stolen shot or naka pose pang mowdel, pasok sa banga.
After ilang oras nakasalampak sa sahig at tutok na tutok ang atensyon sa ginawa ko, napatayo nalang ako bigla ng may kumatok sa pinto ko.
Huh? Im not expecting anyone. Sino kaya to? My forehead knotted.
Pagbukas ko isang lalaki ang nakatayo sa may pinto, may bitbit na pagkain. Luh namali yata ang address nito.
"Good good evening Maam." Nakangiting bati nito sakin sabay abot ng pizza and drink. Emperneess gwapo si kuya ha.
Nangunot naman ang noo ko at umiling. "Sorry pero hindi ako nagpadeliver nito. Baka sa kabila. Doon oh." Turo ko pa sa katabi kung door.
Wala nga kasi akong pinadeliver, or inorder online.
Hindi ako tumawag sa kahit anong establishment para mag order ng food. Wala na kong time. Napakamot ng ulo naman siya sabay ngiwi niya sa akin.
"You're Chain Alezeir De Montreal right po? At sakto naman po ang address na nakalagay dito. Kaya para po talaga to sa inyo. Paki permahan nalang po, maam, ng makaalis na po ako."
Napatanga na lang ako at napipilitang permahan ang papel. Inabot ko na din yung foods and coffee drink. Syalan ha? May padelivery, sino kaya ang walang magawa sa pera ang nagbigay nito?
"Thank you and enjoy eating Maam." At umalis na ang delivery boy. Ngumiti lang ako sabay sara ng door ko.
Tsk. Kanino to galing? Oh may note I open it up.
"Just eat, dont ask." pagbasa ko pa. Nangunot na naman ang noo ko.
Wow ha! Demanding. Maka sugo pre, wagas.
Kinain ko nga baka sa kambal to galing. Life saver talaga sila. Kanina pa ako gutom pero hindi ko lang maiwan ang ginagawa ko. Habang abala ako sa kakanguya ng pizza bigla nalang nag vibrate ang phone ko.
Mama calling...
Sinagot ko agad. "Hello Chain." Pambungad niya sa akin.
Napangiti nalang ako agad. "Yes Ma? Napatawag po kayo?"
"Nangangamusta lang anak. Ilang buwan ka ng hindi umuuwi o kaya tumatawag. Miss na miss ka na namin. Okay ka pa diyan?"
Tumango pa ako. "Medyo busy lang po Ma. May raket po kasi ako at ilang lingo din bago natapos. Bigtime to Ma. Hahaha. Kamusta na po kayo? Si Papa? May maintainance pa po? Sapat ba ang perang pinapadala ko? O dadagdagan ko pa?" Sunod sunod kong tanong kay Mama.
Baka kasi kulang ang pinadala ko kasi kailangan ni Papa ng kompletong gamot para sa sakit nya. Hindi pwedeng maubusan at isa ring dapat tustusan ay ang pampaaral ko sa kapatid kong nasa kolehiyo.
"Abay oo anak sapat ang pera dito, huwag ka nang magpadala. Ok lang ang papa mo ang matigas parin ang ulo sabing wag nang pumunta sa palayan pero ayon sige parin. Eh ang init init pa naman. Hay mga matatanda talaga, tigas ng ulo. Tapos magrereklamo na masakit ang tuhod. Ako tuloy ang nalolosyang kakaalaga sa tatay mong sira ulo, anak."
Feeling ko naka ngiwi pa siya ngayon.
Natawa naman ako sa lintaya ng nanay ko. "Ma wala ng bago dyan. Matigas talaga ang ulo ni Papa. Si Quin? Kamusta po? Ok po ba ang pag aaral?" Pangangamusta ko din sa bunso kong kapatid.
Nabwebwesit itong nagsumbong sa akin. "Hay nako, anak yang kapatid mo ang dagdag sakit ulo ko ngayon. Walang sanang problema sa pag aaral nya, napapasa niya naman at matataas ang marka. Ang ikinakabwesit ko lang sa punyetang yon, ang harot harot na niyang kapatid mo. Sobra ang kalandian." Nagpause pa ito saglit.
Tila ba hindi pa nito maprocess ang sunod na salita sa utak niya. "Lahat yata ng babae ditong maganda naging babae niya na. Ang punyeta ng kapatid mo sobra. Ang sarap niya ng isako pag may naligaw ditong babae at umiiyak dahil iniwan daw niya. Ay diyos ko, pati mga kapitbahay natin nakaka-away ko na kasi naman niloloko daw ng kapatid mo ang anak nila. Wala na akong mukhang maiiharap sa kanila kasi totoo naman." Nag pause ulit ito at gigil na napamura.
Kunsumisyon talaga ang kapatid ko. Nasobrahan kasi sa kagwapuhan sa sarili kaya akala magpalit ng babae nagbibihis lang siya.
"Hay anak Halos araw-araw ba namang ibaiba ang pumupunta dito. Nakakahiya at pagkinakausap o pinapangaralan ko naman yang kapatid mo, ang sinagot niya, sila daw ang naghahabol, sila ang lumalapit, sobrang yabang ng kapatid mo. Bubutasin ko na talaga ang bungo niyan para mabawas-bawasan ang pagkagago! Lumalaking paurong." Nanggigil nitong lintaya sabay pukpok niya ng kong ano.
Sasagot sana ako pero nagsalita na naman si Mama.
Okay shatap muna ako. "A letche yang si Traxyz, kumulo ang dugo ko diyan. Kinukunsinte din ng tatay mong babaero din. Pagyan talaga may nabuntis, ibabalik ko talaga siya sa matris ng tatay mo. Ha! Magsama talaga silang mag ama, ang gagago."
Nangagalaiti nito pahayag habang nagkukwento sa katarantaduhan ng kapatid ko at doon nako humalagpak ng tawa.
"Hahaha. Ma ipapa alala ko lang, walang matris si papa." Benta ang joke ni mama. Grabee.
I heard her grunt. "Ahhhh basta, Magsama silang dalawa. Hueag niya talagang ipapahiya ang apeylido ng pamilya natin. Ililibing ko talaga siya ng buhay kasama ang Papa mong kunsintedor!" Inis na pakli ni Mama Chryx.
Andami kong tawa kay Mama. Baliw na yata to sa konsumisyon sa dalawang siraulo sa bahay, Si Trax at Papa Trexlon.
Tawang tawa akong sumagot sa kanya, di ko mapigilan. "Hahaha baliw ka Ma. Sige po tatawagan ko yan at pagsasabihan. Masyado niya ng sinasaktan ang kabaro ko. Humanda talaga sakin ang Quin na yan Ma! Ang lantod." Pangkakalma ko sa kanya.
Nakahinga naman si Mama ng maluwag. "Sige anak. Baka sayo makinig, ang tarandato na kasi ng kapatid mo. Pinapahiya ang apeylido natin sa madla."
Nagusap pa kami ng Mama at nakisali nadin ang Papa sa kamustahan at kulitan namin sa phone. Hindi pa kasi ako makauwi kaya susulitin daw nila na makausap ako.
Ang kapatid ko naman wala pa daw sa bahay. Eh maghahating gabi na. Lakwatsyero talaga. Natatawa nalang ako sa bangayan nila Mama at Papa sa phone. Hanggang sa inantok na sila at pinutol na ang tawag.
Tinawagan ko naman agad ang kapatid ko.
Ilang beses nire-reject ang call. ABAT! Anong pinag gagawa nito?
Naka-11 missed call na yata ako. Gago to ah, ako pa talaga ang hindi sinasagot. Dinial ko ulit, nagbabasakali.
Hirap bang pindutin ang answer button ng punyetang cp neto?
Last na to, pag hindi sya sumagot ay ewan ko nalang.
Tawag, reject. Ok. Kalma lang Chain.
Last na talaga to hanggang nakailang last na to na ako at wala pa rin. Humanda talaga sakin ang babaerong yon.
Calling Quin, answer, atlast!
"Y-yes?" Narinig kong sagot ni Quin na tila hinihingal.
Bago pa ako makapagsalita nakarinig ako ng ungol ng-
"Uhhhm. Quin. Harder...ahhh." Babae malamang.
Punyeta, nanlaki yata ang mata ko. Mukhang maka- kasaksi pa ako ng kalaswaan nila sa kabilang linya.
Nakarinig ulit ako ng ungol. Ah letche.
Umiinit ang ulo ko, mga mahaharot, malalantod.
I angrily said. "HOY PUNYETA KA! QUINN TRAXYZ DE MONTREAL! Anong kababuyan to?" Sigaw ko sa kapatid kong maharot sa kabilang linya. Nakakahiya tong tangina to.
Hindi niya ako sinagot, nakarinig lang akong kalabog at parang may nahulog. Tapos mahabang katahimikan ulit. Okay? Buhay pa kayo?
"Ouch babe!" Insert Malanding tinig here. Woah. Babe?
Kung malapit tong kapatid ko kanina ko pato nasipa eh.
Ang nabababoy.
"Ah Fuck. Sorry. Just get up." Naiiritang sabi ni Quin sa kabilang linya.
Woah siya pa ang galit? Gagong lalaki to ah!
Tila tinutulungan ang babaeng sigurado akong nahulog sa kama sa gulat ni Quin ng marinig yong boses ko.
Oh sana nahulog nalang silang dalawa sa bangin at magpagulong gulong. Para magtanda tong mga tangina to, ang lalaswa.
At Hindi na po nagsasalita ang magaling kong kapatid. Naririnig ko lang ang mga nagmamadaling yapak at parang pagkasara ng pinto.
Ok anong nangyayari?
Hindi naman naka end call kaya alam kong nandon pa ang malandi kong kapatid.
"Wazup sissy?" Tila hingal parin nitong sabi after ilang minutes na pananahimik nito
"Gago ka! Anong kababalaghan yon? Sino ang malandi na kinakabayo mo?" Halos labas litid na pagsigaw ko sa kapatid ko.
Ang lakas naman ng tawa niya, ay happy ka? Happy?
"Hahaha. Ate Chain Chill, wala lang yon. We're just having fun." Natatawa pa rin nitong sagot sakin habang ako dito na aaltapresyon na.
Punyeta, FUN?
Umusok yata ang bumbunan ko sa sinabi niya. "Fun? Eh nag aano kayo, tapos fun lang yon? Pano kung mabuntis yon? Ha? Edi tatay kana? May pang taguyod ka ba sa kanila? Ang lakas ng loob mong magfun! Fuck you ka kamo! " Napahawak nalang ako sa noo ko, na istress ako bigla.
He chuckles. "Ate hindi yon no? Wala namang nangyari samin. Hahaha thanks talaga sa istorbo mo, hindi ako nakaraos. Bad timing ka naman Chain eh kung san malapit na, nandon na eh."
Puta! "Heh! Manahimik ka! Hindi ako interesado sa detalye ng kaputanginahan mo."
Pinutol ko ang pinagsasabi ng kapatid kong malandi. Hindi ako intresadong malaman ang kalaswaan nila.
Tumawa na naman eto. Masaya ka? Masaya talaga?
Tama nga si Mama konsumisyon ang Quin nato, ang talandi.
Tangang Malandi. Maharot.
Ano ba naman ang pinakain dito nila Mama noong sanghol ro at ganto to lumaki?
Sira ulo na nga kunsumisyon pa!
"Hahaha. Hoy Chain. Magsalita ka naman, ay napipi ka? Hahaha sorry kung narinig mo ang ungol ni Mari? Nami? Arki? Sino na nga yon?"Tila mas kinakausap pa nito ang sarili kaysa sakin.
Hindi nya alam ang pangalan ng babae nito. Pero nag aano sila? Amazing!
He tsked. "Ah basta si Madi ah, huwag kang mag welga dyan. Isa lang siyang babae na gustong gusto ang katawan ko. Hindi ko lang sila talaga matanggihan at wala akong mabubuntis. Trust me and my thrust condom wala talaga akong mabubuo. Protektado, sigurado to, hindi kapa magiging Tita okay? Hey, Chain? Chain? Hey Nandyan kapa? Hello? Ate?"
Narinig ko ang salita ni Quin pero naspe-speechless ako sa idiotang to. Nangingilo ang bagang ko ang hambog niya, sobra!
"Ang landi mo! Times two. " yan lang ang nasabi ko sa haba ng sinabi ni Quin naikinatawa lang nito.
"I know." sagot ng kapatid kong proud na proud pa.
"Alam mo Quin? Ang sarap mong ikandado. Tigil tigilan mo na nga yan. Kunsumisyon ka kay Mama."
"Tsk. OA lang talaga yon." Angal naman nito.
"Gago! Ang sabihin Malandi ka talaga!"
"Hahaha. Aminado ako don at saka sila naman ang naghahabol. Ang Gwapo ko kaya, pipilahan talaga nila ang gandang lalaki ko."
Putangina! Ang lakas!
"Ang yabang mo, pag ikaw talaga naka buntis o magkasakit. Hindi talaga kita kilalalanin. Itatakwil kitang maharot ka. San kaba pinaglihi ni Mama? Sa sponge? Nangongolekta ka yata ng germs eh!" Nangigigil kong sermon sa kanya.
Napahalakhak muna siya. "Ouch naman. Ang harsh non. Hindi germs ang mga babae ko maganda sila. Hahaha. Ok walang connect. Hindi lang talaga nila maresist ang ka gwapuhan at kamachohan ko. Kaya pinipilahan ako. Pinagbibigyan ko lang naman sila ah."
"Ah ewan! Magdahan dahan ka sa pagkababaero mo. Baka maitak ka ng tatay ng babaeng pinaiyak mo. Tatawanan talaga kita."
Ilang sandali ang lumipas bago uto sumagot ulit. Anyari don? "Hoy! Anyare sayo?"
"Uh oh. Ate simulan mo na ngayon. Tatay yata to ni Kalia? May dalang pamalo. Sige babay na. Hinahabol na ako. Kailangan ko ng makatakbo at baka matudas ang ka gwapuhan ko." Tila nataranta ito sa kabilang linya.
Kinabahan naman ako. Ano bang nanyayari sa kanya?
"ANO? Gago kaba? Nagbibiro lang ako. Teka ok kalang? Nadyan talaga yung tatay? Inaano ka diyan? Sinong naghahabol sayo?" Natakot naman ako sa kaligtasan ng kapatid ko. Baka mapahamak siya.
Nakarinig naman ako ng tumatakbong yabag at may sumisigaw na hindi ko maintindihan. Totoo talagang may humahabol sa kanya?
"Hahaha Oo ate. Naghahabulan kami ngayon. Mali yata ang hinahabol ni Mang Ariel. Hindi naman ako ang syota ng anak nya kundi si Anrie, kabarkada ko. Hahaha. Gago talaga ang isang yon. Tinakbuhan si Carla." Tawa pa siya ng tawa.
Gago ba siya? Happy ka? Happy?
"Teka akala ko ba si Kalia?" Ang gulo naman nito sino sino ba ang babae nya at naghahalo halo na.
"Ha? Ah ewan hindi ko naman kilala yon eh." Hinihingal niya pang tugon.
Napakunot noo naman ako. "Eh bat ka tumatakbo? Hindi naman pala ikaw ang nobyo."
"Eh tatamaan ako ate ayokong pumangit ang mukha ko. Ang gwapo ko pa naman!"
Idiota! Ah letcheng batang to sa bingit na ng kamatayan kagwapuhan parin sa isip ang laman.
"Sige na Ate Chain. Babye na talaga. Okay lang ako. Dont ya worry. I'll be good. Hahaha. Nandito na si Anrie may back up na ako. Love you. Ingat ka dyan. Don't worry about me. Mabubuhay ako. Bye." At na end call na ang tawag.
Gagong yon. Di man lang iniisip ang kapakanan niya.
Bahala na sya sa buhay nya. Kakulto yata ni Quin sila Drean at Grae. Mga Babaero. Palikero. Manloloko. Malalandi. Kinakain ang babae mula umaga, tanghali at gabi.
Nakakadiri. Yuck!
Malaki naman na siya kaya niya na sigurong lusotan yon. Mukhang magiging Tita ako ng mas maaga sa kalandian ni Quin. Siya yata ang magpaparami ng lahi namin.
Mygosh, nakakaputangina ng times two.
Ihahanda ko nalang ang sarili ko kung anong unang mangyayari, ang makabuntis si Quin o mamatay dahil na itak ng mga babaeng niloko at iniwan nito.
Hayst sakit sa bangs tong si Quin na istress ako.
******