Chereads / DISENCHANTED LOVE / Chapter 6 - CHAPTER 6

Chapter 6 - CHAPTER 6

CHAIN ALEZEIR

Ilang buwan nadin ang lumipas noong kinasal sila Ryogen at Hima at ilang linggo ding trending ang grand wedding ng dalawang yon, here and abroad. Eh ang rangya kaya ng wedding nila at galing pa sa pinakamayaman at pinakakilalang tao sa mundo, pag pipyestahan talaga sila ng madla.

Unti unti narin akong nakikilala sa larangan ng photography. Diba ang ko cool lang?

Ipagyabang daw ba ako ni Hima sa national tv. Thanks to her, andami ko tuloy raket, andami ko pera. Kailangan ko pang hindi pumasok sa restaurant na pinag tratrabahuhan ko bilang waiter dahil wala na akong extra time.

Ganun kahectic ang sched ko. Hindi naman ako natatakot matanggal, si Aimie naman ang mayari malakas ang kapit ko.

Kaya ngayon sinasamantala ko ang oras para makapag relax, kakatapos ko lang kasi sa lahat ng photoshoots naka booked sakin. Hindi muna ako tumanggap ng bookings sa ngayon. Ilang buwan din akong puyat at ngarag no?

Nakakamiss din pala ang tatlong baliw nayon. Hindi kasi ako connected sa kanila this past few months. Busy na masyado para gumala kaya gusto kong tawagan ang bruhang si Aimie pero bago pa ako maka tawag.

Nandito na siya. Speaking of one devil the devil is here. "What brought you here?" I've asked bitchily.

Kasi tuloy tuloy siyang pumasok sa bahay ko. Mukha pa siyang bagong gising. Ang aga pa kasi, wala pa yatang ligo to eh.

"Im bored!" She sighed deeply sabay salampak niya sa sofa ko.

Napa buntunghinga naman ako. May bago pa ba diyan? "Lagi ka namang bored. Ano pang bago don?"

She rolled her eyes sabay salampak ulit sa sahig. Mukha siyang haggard at stress. "Whatever. Gusto kong gumala. Out of town tayo Chain." she suggested eagerly.

But before I could answer, she complained.

"Oh Ano ba to? apat lang ang channel mo?" Inis siya ha? Impyernes. Anitong kinakalikot ulit ang remote staka walang tigil sa paglipat ng channel sa tv. Eh paulit ulit lang naman.

Ako naman ang napairap. Sabay agaw ng remote ko sa kanya. "Gaga ka! Wag mong pinapakialaman yang nanahimik kong tv. Apat lang talaga ang libreng channel para saming mga dukha." I sarcastically informed her.

"Edi mag cable ka. Duh." As if hindi yon big deal.

Sinapok ko siya. "Duh ka rin. Dagdag gastos lang yon staka wala na akong time para magrelax at maransak ang mga channel na yan."

"Ah ewan. Ang kuripot mo talaga!"

"I know." Naupo na ako sa sofa na malapit sa kinakaupuan ni Aimie na busy ulit sa kaka surf ng channel. Mukhang tanga tong paki-alamira to!

"Gaga. Itigil mo na yan. Hindi yan maghihimala at madadagdagan. Apat lang talaga ang channel na meron ako." Hindi ko mapigilang punain si Aimie dahil patuloy parin nitong pinaglalaruan ang pobreng tv.

Na-bwebwesit nitong binaba ang remote sabay lean sa sofang kina uupuan ko.

"Kainis naman eh. Gala na lang tayo I mean pumayag ka ng mag out of town. Sige na. Mamamatay na yata ako dahil ilang buwan akong hindi nagbabakasyon at naburo kasama ang mga papel sa opisina. Bat kasi andaming kailangang permahan? Nakakainis tuloy."

Sinapok ko sya ng unan para magising "Mabuti nga perma lang ang iyo. Pano naman ang nagpakahirap gumawa sa mga presentation and reports? Nagrereklamo ba sayo? May angala ba sila? Tadyakan kita eh."

"OO NA. Wag ka nang magwelga. Hindi ako nagrereklamo. Nakakahiya kasi sayo, baka magsumbong ka sa DOLE sa katamaran ko." Hinihimas pa nito ang nasaktang ulo.

"Yeah yeah. Whatever." I rolled my eyes.

Tumayo naman si Aimie at nagiikot na para syng nasa park sabay buting ting nya sa mga gamit kong nakadisplay.

"Chain wala ka bang story na ala Christian Grey? Hindi ka nagsusulat ng ganong theme? Though maganda ang mga story mo dont get me wrong." She said while shes busy scanning my books.

Napailing naman ako. "Tsk. Wala akong balak. Madadagdagan lang ang pollution sa polluted mong utak. Marami akong reader kahit wala akong super erotic na scenes."

"Hoy wag mag strong. Nag susuggest lang naman. Para marami kang ma arouse I mean mahook na readers. Ganto uso ngayon." Nakangising pang suwestyon nito.

Nangiwi naman ako. "Puro talaga kamanyakan ang utak mo no? Book of Kahalayaan yata ang pinabasa sayo ng magulang mo nong maliit ka pa. Kaya ang nasa bokabularyo mo puro kabastusan!"

Natawa naman ito, happy ka girl? "Actually, sabi ni Mommy nong bata daw ako, ang bedtime story ko ay fifty shades of grey na libro. Hahahaha. Hindi talaga ako nakakatulog pag hindi ni daddy nababasa yon. Nagwawala talaga ako at natatahimik lang pag narinig ko na ang boses ni Dad when he started reading that familiar book. Kaya hindi na nagulat sila Mommy na lumaki akong ganto. Hahaha. You know. Mahalay." Tawa ito ng tawa habang nagkukuwento.

Napailing nalang ako. Wala na talaga syang pag asa. Corrupted na talaga ang utak ni Aimie sa 'Mahalay Virus' na ininstall nila Tito sa kanya mula pag kabata. Hahaha.

"Change topic na nga. Ano bang agahan mo? Nakapagluto ka na ba? Masarap ba? Pakain nga ako. Hindi ako naka pag-almusal." Sabay punta nito sa kusina at iniwan nakong mag isa sa sala.

Talk about friends na wala ng hiya sa loob ng pamamahay mo at inuutusan kapa talaga. Abusado. Ganoon sila kakapal!

"Wow! Sarap naman nito! Wala ka bang Ketchup Chain? Hanapin mo nga. Nang makakain nako." Sigaw pa ni Aimie na halatang kumakain na don kaya napipilitan akong puntahan ang mahalay na yon.

Apurado eh!

Naabutan ko syang ginugulo ang laman ng ref ko. "Dito po oh mahal na reyna. Nakakahiya naman sayo." Sabay bukas ko ng cabinet.

Kinuha naman nito ang ketchup at bumalik na ulit sa pagkain. Hindi talaga ako inaya. Napabunyong hininga nalang ako. Sabay upo sa chair sa harap ni Aimie na sarap na sarap sa pritong itlog.

"So kailan nyo balak magbakasyon?" Hindi ko mapigilang tanungin.

Tumingin naman sakin si Aimie at tinigil muna ang pagkain "Bakit payag ka na ba?" Balik tanong niya sakin.

Nakapagdesisyon na ako. Wala naman akong gagawin. Free time ko naman. "Sure. Wala naman akong raket this week. San ba?"

"Good." Nakangisi nitong tugon at bumalik na naman sa pagkain. Hindi nako pinansin.

Hayop!

After ilang minutes nagtanong ulit ako. "So kailan aalis?" Baka bigla bigla namang aalis to.

She shrugged her shoulder " Tamang tama tapos na ako."

At niligpit na nito ang pinagkainan at nag hugas. Tinuruan ko silang maghugas. Wala silang yaya dito. Dapat matuto sila. Wala akong paki alam kung ang yayaman nila. Bahay ko to!

My life Mah rules!

Pagbalik nito "So kailan nga?" I asked again.

She grinned widely "Now. Halika kana" she blurted

Nanlaki naman ang mata ko. Gago ba to? "ANO? Ngayon na? As in now?" I said in shocked.

Tumango-tango pa ito. "Oo kaya kunin mo na ang maleta mo. Im giving you five minutes. Bilisan mo na. At ng makaalis na tayo." Nakangisi nitong sabi na tila inaasar ako.

Napailing nalang na tumalina na. Bwesit na babae yon. Ngayon na pala aalis hindi agad ako na inform. Di sana yung dinaldal ko kanina nag empake nalang ako.

Mandurugas talaga.

"Hoy. Lumabas ka na dyan. Alam kong prepared yang maleta mo kaya wag ka ng mag inarte dyan. Bilisan mo na" Sigaw ni Aimie sa labas.

"Heh. Wala pa kong isang minuto sa kwarto ko kaya manahimik ka. Nag koconcentrate ako. Wag kang epal diyan!" Ganting sigaw ko rin sa kanya.

Kinuha ko na ang backpack kong kompleto na sa gamit. May kaibigan ka ba namang may sakit sa ulo na hahablutin ka nalang pag trip nila. Kaya dapat on the go ka palagi kundi may damit ka man o wala. Wala ka na talagang magagawa. Kinuha ko din ang stinelas at rubber shoes na binigay ni Uelane. Para magamit ko naman.

Sayang eh!

Wala pang tatlong minuto tapos na ako. Lumabas na akong kwarto at nabungaran ko si Aimie na ang lapad ng ngisi sakin.

Napalakpak pa siya. "That was fast! Amazing! Akala ko kakaladkarin pa kita palabas eh!" Tila namamangha pa nitong sabi.

Nagkibit balikat ako. "Tsk. Kung kayo ba naman ang kaibigan ko. Madadala na talaga ako. So lets go?" Nakangisi ko rin tugon sa kanya sabay hila sa kanya palabas.

Tinampal niya pa ang balikat ko. Happy ka? Happy?

"Hahaha mukhang natututo ka na ah. Prepared si ateng!" Then she burst out laughing

I just shake my head. May sayad talaga. "Wala talaga akong choice. Palagi nyong ginugulo ang nananahimik kong buhay. At saan saan kayo napapadpad. San ba tayo?" I curiously asked.

Lumaki pa ang ngisi nito tila batang excited na excited "SIARGAO baby!" she squilled like a kid. Na ikinaikot ko lang ng mata.

Excited Bitch!

After naming magkita kitang lahat sa NAIA. Nabooked na pala ang flight namin without even informing me. Ang galing diba? Planado na pala lahat, ako nalang ang proproblemahin nila pag hindi ako sumama.

Tsk. Their boredoms strikes again. Ganito sila ma bored.

Maayos na kaming nakaupo sa loob ng eroplano matapos tawagin ang flight namin going to Siargao and any minute aalis nadin kami. Ang katabi ko ay si Drean na ngayon ang busy kaka pindot at mukhang maraming nakakaalala sa lalaking to, hindi kasi mabitawan ang phone. Mabuti pa sya. I check my phone. I sighed deeply. I dont even recieve atleast 1 message.

"Lalim ah! Pati yata yung oxugen na para sakin nahigop mo." Pang asar ni Drean while looking at me.Magkatabi kasi kami ngayon. Kanina pa kasi ako nagpapabuntung-hininga.

I just rolled my eyes."Tsk. Fuck off dude. Wala na bang naka miss sayo? Baka naka istorbo ako"

"Hahaha. Di rin. It was just my secretary." Sabay ngisi nito.

Knowing how his eyes sparkle. "Baka naman your sex-setary?"

Umiling agad siya. Guilty. "Hahaha. Oh Chain Shut up!"

Nakuha ko agad na tama ang hinala ko ang landi talaga. Secretary? My ass! Siya? Himala na kong walang babaeng hindi naloloko to. Dakila eh!

Dakilang manloloko!

"Ah ewan. Kakulto mo talaga ang kapatid ko. Pareho kayong Malalandi" naiinis talaga ako pagna-aalala ko din ang malanding kutong lupa nayon.

Natawa naman ito, kilala na kasi nito si Quin at ang kalibre nito pagdating sa pambabae and they click. They are actually close.

Kalahi niya eh.

"C'mon. She was not my sex-setary Chain, and hey, whats wrong being surrounded with beautiful girls? It's fun. Quin should enjoy the life to the fullest. Specially in girls department: Its like a quest in finding our true love."

Kita nyo na? Kita nyo? Kinakampihan nya talaga ang kapatid ko! Hah! Kasi pareho sila! Mga sinunagaling at isang katuwaan lang tingin sating mga kababaihan?

Mga hayop!

"Oh shatap! Dont give that bullshit Drean! Your just using girls to satisfy your needs and curiousity. Kaya wag mong masali sali dito ang pag-ibig. Hindi nyo lang talaga maaamin na pinaglalaruan nyo lang talaga kaming mga babae. Talk about boys and their toys. Huh! We girls." Sinapak ko pa siya. Nakakagigil eh!

Totoo naman eh. Laruan lang talaga ang purpose natin sa mga lalaki. They enjoyed playing with us but once they're bored and through, they'll just leave us like a trash.

Its a cycle.

Tayo lang talagang mga babae ang maghilig mag expect ng happy ending. Na seseryosuhin tayo while guys treat us like we are a fcking experiment. Specimen for trial and error test. If we pass theyll keep us while theyll stop if we wont fit and meet their expected result.

Sadly, hindi natin yon napapansin.

Masyado tayong lulong sa ilusyong mamahalin nila tayo gaya ng pagmamahal natin sa kanila. Guys will always take, take, take but selfish to give what we really need. They're love.

Hindi na sakin nakasagot si Drean natamaan siguro ng very very light. He was just looking at me like Im a fucking alien.

He looked shocked dahil siguro ngayon lang ako nag out burst ng ganto tungkol sa kabaro nya. Im not Alki na vocal pagdating sa hatred nya sa mga kalahi ni Adan, lalo na kay Drean. Im cool and just a 'yeah' 'yes' and 'no' when they're bitching guys. Tahimik lang ako.

Nabigla yata sa kagagahan ko si Drean. "Okie. Okay I talk weirdly. Just oh nevermind." And shrugged my shoulder. I lose control.

Nakamata lang sakin si Drean "Chain, are you alright? Nasaniban ka ba ni Alki?"

Sinapak ko siya "Gago! Na carried away lang. Katabi kasi kita. Umiinit ang ulo ko sa mga kakulto ng kapatid ko." I joke then laugh.

He smirked "Ganyan talaga ang effect namin sa kababaihan. Over kasi ang hotness namin!"

Yabang! Talk to my hand you 'full of yourself creature'

Pagak na tumawa ito at nilingon ako na tila may gusto syang sabihin? Ano? Ano at ng masupalpal ko to. "What? Ano na naman ang napapansin mo? Usisero ka talaga no?" I raised my brows

He sighed deeply before he answered at cheneck niya pa talaga yung noo ko. "Your alright Chain? May sakit ka ba? You looked bothered and I observed that you always check your phone. Simula nung nasa sasakyan tayo napapansin na kita. Somethings bothering you? Or maybe someone?" He said concernly.

Really? Napansin nya yon?

Ilang beses na nga ba akong tumingin sa phone ko? Ive lost count. Masama bang mag expect na may maka alala sayo? Na maalala niya ako? Duh! Babalik balik tapos mang iiwan na naman.

Nakipagkibit-balikat lang ako. "Tsk. Wala. Stress lang to. At kaya ako palaging nakatingin sa phone dahil maraming nagtetext for their bookings para sa photoshoots. Wag kang imbento dyan. Hindi ako kasing landi mo!" I lied so that he wont futher ask questions.

Natampal niya ang pisngi ko "Tsk. Ako na naman. Mukha ka kasing magbi-bigti. Concern lang naman ako. Baka tumalon ka dyan sa bintana ng eroplano. Ako pa naman ang katabi mo. Cargo de konsensya pa kita. You sure? Your ok? Mukha ka pa namang suicidal."

I laugh. "Gago! Hindi ako suicidal! And Yeah! Im ok." Lie again. Sige lang.

I just close my eyes and fake a yawn. To hide my sadness. Ayokong maghinala si Drean sa totoong nararamdaman ko. Nakakainis. Bat kasi nag expect na naman ako?

Umayos ako ng upo at nagkunwaring matutulog. "Please dont bother me and wake me up when were in Siargao. Copy?" Nakapikit mata kong bilin kay Drean.

"Yeah yeah. What the crap ever. Sleepwell." Narinig ko pang sagot ni Drean pero hindi na ako nagsalita.

I hate myself! Bigti na Chain. Umasa ka na naman. Pero mali bang mag expect na kahit sa text lang magparamdam sya ulit? Sobra ba yon? Did I expect too much?

Siya tong susulpot parang kabute tas mawawala na parang walang nangyari?

For fucking months Ive waited for him to see me or even call me. But Ive waited for nothing. Ganun ba sya kabusy? Saan? Sa company or sa company ng mga babae?

Parang nananadya namang nag replay sa utak ko ang sinabi nyang 'I miss you' nong kasal nila Hax and Kleah. "Miss me. My ass!"

"Hmmm? Saying something Chain? I heard you murmured?" Sabay kalabit sakin with his questioning look pa.

I stiffened. Nasabi ko ba yon? Dapat sa isip lang yon eh.

"Huh? Nothing Drean. Some ideas just popped in my head." I said plainly and close my eyes.

"Weird." Drean blurted but I dont give a damn. Bahala sya.

Wala akong pakialam sa iniisip nya.

Pagkarating namin sa Siargao. May sumundo agad samin. Akala ko sa isang mamahalin kaming Hotel magsti-stay but we are infront of a vacation house. At ang ganda. Malaki at ang ganda ng garden.

I knotted my forehead and asked to them "Sinong may ari nito?"

"Ours!" Mayabang na sagot ni Aki and give us her smug look.

Still puzzled "Ni Alki? I didnt know!" hindi man lang ako na inform. Ang yaman talaga ng mga to.

"Of course not." Pabitin pa nitong sabi tas she elaborated her sentence. "Hindi to amin ni Alki cause this vacation house is bought by me and Dreon. So we are the new owners. One month pa lang yata namin tong nabili? Kaibigan ni Dreon Ang dating mang ari. But theyve decided to stay in New York for good so they sell this house and we both love it." She said in glee.

Drean intervened with his naughty grin. "Naks! Mukhang totohanan na talaga ah."

"Duh! Ikaw lang naman kasi ang mukhang joke!" Alki hotly said that made Drean burned.

Pakamatay na Drean.

Tumawa na lang kami at pumasok na sa loob. Maluwang at marangyang sala ang bumungad samin. Ang mga gamit mukhang mamahalin at antique.

Sa left side nandon ang grand staircase at yung iba kong kasama paakyat na sa taas. Ako naman uupo muna sa sofa, mukhang ang sarap kasing higaan.

So I did!

"Yeah ang lambot. Kasya din ako." Nice. Napangisi tuloy ako. Mukhang dito ang magiging tambayan ko ah.

Nalingonan ko naman ang pinto. Ano kayang nandon? Tumayo na ako. Pinihit ko ang doorknob.

Yes. Bukas. It a balcony.

At makikita mo ang bulubun duking parte ng Siargao. The tall trees and the vast lash green grasses. The peaks of mountains that surrounded by clouds. At ang mabining ihip ng hangin. Its so relaxing.

"Breathtakingly beautiful."

I murmured as I stared in awe in the sight infront of my very eyes. I change my mind. This specific area will be my favorite place in this house. Final. Dito na ako tatambay.

"Tama tama. Mas maganda at mas peaceful dito." I said to myself. Pinagsawa ko ang mata ko sa kagandahan ng paligid at bumalik na sa loob para mag ayos ng gamit ko.

Naabutan ko naman silang lahat na naka salampak sa sa sofa at nanonood ng TV.

My brows furrowed "Tapos na kayong mag-ayos?" Ang bilis naman nila. Ako wala pa kong nasimulan.

Napatingin naman sila sa akin. "Good your here. San ka ba galing? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo?" Aimie said irritatingly. As usual sa sahig na naman sya naka upo.

Adik yan sa sahig.

"Sa balcony. Nagpahangin lang." Sabay upo ko sa pagitan nila Drean at Alki na nagpapatayan na ng tingin.

"Give space lovers" I said at sinunod naman nila and with that they break their death glaring contest. So no one won.

"Balcony?" Alki repeated

"Yeah!" I eagerly said

"Walang balcony dito Chain." Angal ni Aki sa akin

Im confused. Eh ano yung napuntahan ko? Joke lang yon? Bago pa man ako maka kontra kay Aki. Sumabat agad si Alki sa usapan.

"Tsk. Hayaan niyo na nga yang si Chain. Dora the explorer ang trip nya ngayon. Total complete na tayo. So lets start."

Naguluhan naman ako bigla. "Lets start what?" Mukhang sila lang kasi ang naka relate.

So Aimie explained to me. "Aki and us decided that were going to pick one paper in this bowl" pinakita pa nito ang bowl na may papel sa loob.

And added "To know who will be our bed mate during our stay here. As you know there are only 4 rooms in here. And we are seven I mean eight pala, cause Aki said that Dreon invited one of his friend to come over here. Some business stuff I think. So thats why we need this. We dont have enough rooms. So we need to pair up." Nakangisi pa nitong sabi sabay taas baba ng kilay nito.

Habang inaanalyze ko ang sinabi ni Aimie pa kunot ng pakunot ang noo ko. "Pede namang girl to girl tayo ah." I suggest.

Na kinontra agad ng mahalay na si Aimie. "Wheres the thrill girl? We are old enough to do that thing. Hindi na tayo mga college. Kaya drop it, ok? Hindi na uso ang babaeng nagfefeeling conservative sa edad nating to. Eh mulat na mulat na ang mga mata natin sa HUBAD na katotohanan." Then she wink at me.

I just rolled my eyes. Ang landi talaga ng Aimie nato. Gusto nya lang katabi si Grae andami pang arte. "Mukhang wala na naman akong magagawa." I said defeatedly.

Aki stands up, siya naman ang nagbigay ng instructions. "So heres the catch. Isa isa tayong bubunot sa bowl nato. This paper contains the number of the room your using. The door 1 will be the masters bedroom. So kung sino man ang makbunot nito. Sinasabi ko sa inyo. Ang swerte nyo mga besh. Ang door 2 sa may right side. Sa dulo ng hall sa taas. 3 yung sa may left side yung malapit sa entertainment room at ang last door yung sa middle. Okay?" Tumango naman kaming lahat.

"Since wala pa dito sila Grae, Dreon at ang friend nya. Tayo muna ang bubunot. At pagkarating nalang nila sila bubunot para fair. Deal?" Paliwanag ni Aki.

Si Grae kasi mamaya pang hapon. Si Dreon naman bukas pa ng hapon siguro kasabay nya yong friend nya. Umo-okay kaming lahat. At isa isa ng tumayo at bumunot.

Tingin. Yes!

"I got the middle." Alki informs us as she saw her paper number.

"What? I got four too!" Drean horribly said.

Alki glance at Dreans side to confirm his room number. Nakita ko naman lumaylay ang balikat nito nong nakita nyang four din ang kay Drean.

"This is bullshit." Alki said with her irritating voice.

"Damn!" Narinig ko namang bulong din ni Drean.

Diba nasa gitna nila ako? Kaya rinig ko ang pabulong nilang salita. Stuck with each other ang di maka move ong lovers. Sila ang magsasama sa loob ng one week.

Nice. Really nice.

Si Aimie left side. Si Alki Right side.

It means "I got the masters bedroom niggas!" I happily informs them. Gusto ko silang maingit.

Okay naman ako kahit sino ang makakatabi ko wag lang talaga si Grae kasi baka masapak ko sya sa sobrang nyang kamanyakan.

Babarilin ko talaga sya.

Kami nalang ni Aki ang walang pair kasi si Grae naka bunot na pagdating nya agad kanina. At nakatyamba ang manyak, si Aimie ang nabunot I mean ka room no. nya si Aimie. Na ikinasigaw naman ng Mahalay na yon. Halatang may binabalak eh.

Pagka-Tapos naming mag ayos at kumain. Kami nila Drean at Grae ang nagluto wala kang aasahan sa mga babaeng yon. Ang alam lang nila ang kumain at mag take out. Tawa kami ng tawa kanina sa bangayan nila Drean at Alki.

Pareho po silang naeexcite makatabi ang isat isa.

Pinahugas ko muna ng pinagkainan namin sila Aki, Alki at Aimie bago kami umakyat lahat sa taas. Para fair, kami na nga nagluto kami pa maghuhugas? Ano sila maharlika? Royal blood? Tsk. Berde ang dugo nang mga yon. Dugong Mahalay. Kalahi ni Aimie.

"Goodnight Suckers!" I said when I reach my rooms' door. Kanya kanya din naman silang good night sakin. Pumasok ako sa loob. At nakita ko naman ang nakalatag sa kama. Dali dali kong kinuha at lumabas ulit ng room.

"Hey wait." Pigil ko sa kanila bago pa sila makapasok sa pinto. Nagtatakang nilingon nila ako. Lumapit ako at Unang kong binigyan si Aki.

"Imaginin mo nalang girl" na tumawa na lang at pumasok na sa loob ng room nya.

I gave her Lollipop.

Lumipat ako sa kanya. "Uh Why?" Nagtatakang tanong ni Grae.

May inabot akong foil. "Oh. Para sayo." Inabot ko kay Grae at Binigyan ko din sya ng scarf. "Ayoko ng maingay mamaya." Bilin ko pa.

Nilapitan ko naman si Drean. Naka kunot noo agad ito. "Eto. Use this. Baka kasi masyado nyong na miss ang isat isat. Protection kumbaga" Sabay bigay din sa kanya. Nagtatakang tinanggap nito iyon.

"Sige enjoy kayo este goodnight sa inyo."Nakangisi kong sabi sabay balik na sa room ko.

"What's that?" Narinig ko pang tanong ni Alki siguro kay Drean.

"Ahm-ahm. N-nothing!" Nauutal na sagot ni Drean.

"I said it's nothi- Hey!" Inagaw siguro ni Alki ang bagay na binigay ko kay Drean. "Give it to me Alki! Hey, ano ban-" Natahimik naman bigla sila Drean at Alki then

"A C-condom?" I heard Alki said in her most disgusted voice before I could close my door.

Nakarinig naman ako ng halakhak. It must be Grae. I know he like I mean he'll LOVE it. Napalaki tuloy ang ngisi ko.

"THANKS CHAIN!" Grae shouted and I bursted in laughing again.

"PUTANG INA MO CHAIN NG TIMES TWO!"

Nakahiga na ako nong marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Alki. Ngayon lang siguro natauhan I chuckled in my room until I burst out laughing so loud again.

Condom lang naman ang binigay ko kila Grae at Drean. Aasarin ko lang dapat si Alki kaya naisip kong bigyan si Drean ng condom, nasama lang si Aimie dahil concerned lang ako sa kapakanan nya. Pareho silang maharot ni Grae. Kaya dapat protektado. Baka nga si Aimie pa ang gumapang sa malanding Grae nayon.

"Hahaha. Goodnight Fuckers, have a fuckin fun!" I uttered as I turned the lights off and fell into deep sleep.

*****