CHAIN ALEZEIR
"Thanks Chain I super duper love it. Ang gaganda ng kuha mo. Ang ganda ganda ko talaga to the highest level kahit si Ryogen gustong-gusto ang prenup photos namin kasi na expose na expose daw ang kagwapuhan at kasexyhan niyang self proclaimed." Sabay tawa niya pa ng malakas.
Natawa nalang din ako sa kabaliwan ng bride nato, kasal kasi nila ngayon ni Ryogen at ako ang napili nilang official photographer. Nagpapasalamat si Hima sakin dahil nagustuhan nila ang mga pictures ko nong prenup, na amaze.
Oh diba sisikat na ako neto.
"Thanks din Mrs. Levigne. Oh pose na at ng may idadagdag ako sa koleksyon mo ng iyong kagandahan." Natatawa kong sabi sa kanya at sabay taas ng DSLR ko.
She giggled. "Ay bet ko yan. Damihan mo ha?"
Nakailang pose din ito bago nakisali ang groom nitong si Ryogen, naadik din sa kagwapuhan nito. May mga kaibigan ding nakihalo sa dalawa kanya kanyang pose at paandar ang mga guests ng mag asawang to.
Ang kukulit grabe.
Hangang magsawa na sila sa kawawacky at nag sayawan na. Ako naman busing-busy sa kakaikot sa reception ng kasal. Mas madaming picture mas maganda, mas maraming pera. *Tawang pang maldita here.
Meron akong stino-stolen shot para may pang candid memory. My groupie, duo, triple at self portrait ng mga adik sa sarili nila. Kinuhanan ko din ng pictures ang mga parents and relatives ng married couple. Pati yung mga mala ala dyosang flower girl na ang gaganda at ang mga ring bearer at etc. kanina sa church kahit ngayong dito sa reception.
Dahil lulong na lulong ako sa pinakamamahal kong camera hindi ko namalayan na may masasagi nako sa likuran ko at nakadisgrasiya ako.
"Opps. Sorry." Sabay lingon ko sa likuran ng may mag 'ouch'.
"Its ok." Sagot naman ng isang lalaki na hindi nakatingin sakin kundi sa sapatos nyang naapakan ko.
Saktong pagangat niya ng mukha ako naman ang nabigla.
No way, punyeta!
Kahit siya natigilan ng makita ako pero mas nauna syang natauhan. Oh boy, nginitian nya ako. Nanlalaki ang mga mata ko.
Holy shees. IM DOOM!
Ngumiti siya sa akin at lumapit pa lalo. "Good to see yah babe, let's talk later." He whispered on my ear and kissed me on my cheek.
MY GOS HE'S REALLY HERE! Then umalis na siya sa harap ko na tila walang nangyari.
Dug.dug, my heart.
Hindi ako nakapagsalita, naiwan akong tulala sa pwesto ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya na ngayon ay kausap na ang bagong kasal.
Why is he here?
Natauhan naman ako nang parang lilingon siya sa kinatatayuan ko. Oo para akong tangang nabigla. Dali dali akong umalis, tumakbo at nagtago papalayo.
Takbo Chain. Tangina, bumalik siya!
Hindi ko alam kung nasaan nako pero parang nasa likuran ako ng hall napadpad. Mapuno, walang tao at kung gaano kaingay sa loob ganoon naman dito katahimik.
Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Kinakabahan pala ako. Nasapo ko ang dibdib kong ang lakas maka kabog. Parang lalabas na siya sa rib cage ko. Ang hingal din!
Easy. Heart. Wag kang excited.
"Urggh! Kaasar!" Nagpapadyak ako sa inis.
Bat siya nandito? Kailan pa siya umuwi? Anong rason niya sa pagbalik? Masisira ang raket ko pag nandito siya. Hindi ako makaalis dito sa pinagtataguan ko ayoko ko siyang makita.
Bwesit naman oh. Bakit ngayon pa siya nagparamdam. Damn!
Kagat kagat ko ang dulo ng kuko ko at nagiisip kung papano makakalabas dito ng hindi ko makaka- salubong ang kurimaw na yon. Kinakabahan ako, kaasar! Walang akong maisip na paraan, ano ba kasing ginagawa niya dito? Bwesit lang coincedence ba to?
Baka hanapin ako nila Ryogen at Hima sa event pag nawala ako ng matagal. Baka kung anong isipin nila, meron pa naman sana akong sorpresa sa kanila. Mabubulilyaso yata dahil sa pagsulpot ng kurimaw nayon.
Kainis. Lord pano ba?
Tama, mananalangin nalang ako baka marinig ni lord at matulungan niyang masalba ang puso ko. Pinikit ko ang mga mata ko sabay pinagdikit ang kamay ko.
Umusal ng taimtim na dalangin. 'Waah. Lord palayasin nyo ang TOTGA nayon. Hindi ko po hinihingi ang presensya niya sa buhay ko kaya ko na pong mabuhay magisa. Promise po magiging mas mabait pa ako, huwag mo lang ipagcross ulit ang landas namin ng talipandas nayon. Masasaktqn po ulit ako.'
Paulit ulit kong dalangin ng maramdaman kong may naupo sa tabi ko. Tumingin ako sa katabi ko sabay napapikit ulit nang makilala ko ang umupo, finished na.
'Lord sabi ko palayasin hindi palapitin sakin.'
Waaaaah. Bigti na Chain. Hindi nakikisama ang pangyayari sayo. Nandito na siya at ang lapit pa namin sa isat isa. Ano ba namang kapalaran ang meron ako ngayon? Ano bang nakain ko at ang malas ko sa oras nato?
"Hi Baby." siya.
Ignore, wala kang narinig, wala kang nakita. Huwag kang marupok.
"Hey Chain." sabay kulbit pa sakin.
Pero hindi parin ako nagsasalita, wala kang naramdaman. Ignorahin mo, Wag ka sabing marupok.
Eh sa kinakabahan pa ako, namamawis ang kamay ko sa tensiyon.
Sabi na talagang delikado sa baga ko ang lalaking to. Hindi ako makahinga, naninikip ang dibdib ko. Napatingin nalang ako sa kanya noong hinawakan niya ang kamay ko habang siya naman nakatingin lang sa magkahugpong naming kamay.
Then bigla siyang nagangat ng tingin at nginitian ako.
Ano ba naman, wag kang ganyan pre. Mahinang nilalang lang ako.
Nagwawala ang puso ko ngayon, hindi ako mapakali. Hindi ko alam pero parang nagkaroon ako ng sariling mundo. Isang demensiyong pilit kong inaalis siya sa paningin ko. Salita siya ng salita pero wala akong maintindihan, wala akong gustong marinig.
Hanggang sa naramdaman kong pinitik niya ang noo ko. Bakit? Anong meron? Bakit nananakit?
"Hey, Speak to me Chain babe. I know your not mute. Magsalita ka or it is just the normal effect of my handsome face? You are rendered speechless." He grinned as he teases me.
Doon lang ako tuluyang natauhan. Napanganga pa sa kahambugan ng lalaking to. Ang kapal ha, pang encyclopedia ang levelan.
"Gago! Hindi ka gwapo. Asa ka Dude at saka wag mo ngang molestyahin yang kamay ko. Kakasuhan kita ng harassment." naasar kong sagot sa kanya at pilit inaagaw ang kamay kong pinangigilan niyang halikan.
He just laughed but doesn't let go of my hand. Anong natira nito? Nakatingin lang ako sa kanya habang siya busying busy sa kakapapak ng kamay ko.
Really dude, really? After nyang magsawa sa kahihimas ng kamay ko binitawan nya na rin sa wakas.
Salamat naman.
"I Miss you, Chain" out of nowhere nitong sabi sakin sabay titig pa sa mukha ko with eye contact pa.
Dugdugdugdug.
Sabing easy lang heart eh, wag maglandi agad.
Inipit niya pa sa tenga ko ang ilang strand ng buhok kong nagaklasan na sa pagkakapusod.
"It's been a year since the last time I saw you and I miss you a lot, babe" He added with a serious tone as he caress my left cheek gently.
Pabilis ng pabilis na sana ang tibok ng puso ko pero.....
Ay huwag nalang pala, kaagad din akong natauhan. Gaga gumising ka girl, hindi yan totoo huwag ka nang umasa ulit. Alam mo ang katotohanan Chain, huwag ka nang magpalinlang sa maamong niyang mukha.
Masasaktan ka na naman. Mahiya ka naman sa heart mo. Pagod na yang tumibok para sa kanya.
"Heh huwag mo nga akong landiin." Nakairap kong sagot sabay sabunot pa sa kanya. Dapat siya din masaktan para fair kami. Hindi naman pwedeng ako nalang palagi. Ang swerte naman niya kung sakali.
Tinaasan ko siya ng perfectly shaped eyebrows ko. "Saka anong ginagawa mo dito? Saka kailan ka dumating? Bat ka nandito, stalker ka ba? Anong oras ka uuwi? Pauwi kana ba? Hindi ka ba magtatagal? Good di ka naman kailangan dito." I continuesly asked all the questions in my head.
Naguguluhan na kasi ako. Okay na ako eh, bumalik-balik na naman. Ano na namang pasakit ang dadalhin niya sa buhay ko?
"Tsk. You have too many questions. It bores me!" Then he sighed sabay ng tingin sakin ng naaasar.
"Wag kang maarte pare. Just answer it!"
Napailing pa ito before he said "Whatever."
Binatukan ko nga ang bastos neto. Nagtatanong ng maayos, pabalang qng sagot. Sinabunutan ko din, ang kapal eh.
"Ouch! Stop! Ok. Ok Fine. I'll answer it. Stop it! Masakit!" Iniwas niya pa yung mukha niya palayo sa akin.
Good, Binitawan ko na ang buhok nya. "Sasagot din pala kailangan pang masaktan." I rolled my eyes on him.
"Tsk ang sakit!" Natawa naman ako nong nagtagalog na siya.
Ang sosyal. May accent, iba talaga ang lahing imported. Nakakapunyeta!
"Speak!" I commanded.
He took a deep breath before he started talking. "Tsk Okay, I'm here because Ryogen invited me for his wedding. We're business partners, I should be in the entourage but I refused. Im super busy right now and you see I arrived late. I have an important meeting to attend before I had my spare time."
Tumango tango ako. Ah kaya pala. Sana all pinupuntahan.
"Eh kailan ka pa dito?" Tanong ko ulit kasi mukhang hindi niya na matandaan ang mga naunang tanong ko kanina.
Tila iniisip nito kung kailan siya umuwi sa Pilipinas.
"Last last month I think?" Nakakunotnoo nitong sagot.
Last last month pa? Tapos wala man lang paramdam?
"Ikaw yung nakita ko sa bar?" Naalala ko nong may napansin akong tao sa may gilid.
"Yeah." he plainly said.
"Tsk. Stalker!" I blurted sabay sapok pa sa kanya.
Na agad niya namang itinanggi. "Hell Im not. My colleagues invited me to go to that bar. It was just a mere coincidence. Don't assume Lady. I don't intend nor plan to stalk you or anything."
I give him my death glare. Dream crasher ang isang to. Di ba pwedeng magexpect?
"Disappointed?" He teased sabay pinched ng ilong ko.
"Tsk nevaah. Bakit ka nandito? Doon sila Ryogen sa loob, sila ang ipinunta mo dito hindi ako." Pagiiba ko agad ng topic, napapahiya ako eh.
Change topic nalang.
He cleared his throat. "Business stuff, I also want to visit you, actually. You know, I have this feeling that you misses me too much. So here I am at your service madame." nakangisi pa nitong sabi sabay kindat sakin.
He seem so happy to inform that I missed him. The fuck. Mahangin na nga dreamer pa eh. Napairap ako sa kanya.
"Ambisyoso!" Naiinis kong sinapok ang dibdib niya.
"C'mon Chain, admit that you miss me I won't mind!" He teases me more.
I give him my fake smile. "Duh! Hindi ka nga pumasok sa kukote ko sa loob ng isang taon kaya pano kita mami-miss, aber? Huwag kasing bilib sa sarili pre ha?" Pang asar ko din sa kanya with my sexy smirk.
Otomatik na nabura agad ang ngisi nito, naasar yata. "Whatever you say!" He hissed at inirapan pa ako.
Ang taray ni tatay. Mas lumaki ang ngisi ko. Ang pikon.
Kaya naman mas aasarin ko pnang umalis na siya sa paningin ko. Sa buhay ko at huwag ng bumalik.
"So lastly, anong oras ka uuwi? Or uuwi kana? Wala ka namang silbi sa lipunan, alis na sige ingat. Huwag ka na ding bumalik, walang may gusto sa iyo dito." I waved at him.
He knotted his frehead ing annoyance. "Oh shut up. Kakalating ko dito lang Chain pauuwiin ko mo agad? Give me a break woman!" His accent and tagalog are worthy to laugh.
So I burst out laughing that irritates him more. "Haha. Its 'kakarating ko lang dito Chain' at 'pauuwuin mo ako agad?' Hahaha. Benta that was funny." kaya natawa ulit ako.
"Oh just shut up woman, you're embarassing me." magkasalubong ang kilay nito wika na tila asar sakin.
Pero siyempre hindi ako titigil. "Hahaha. Teka. Hahaha. Wait. Di pa ako nakamove. Bwahahhaha." Wait lang naman, natatawa pa ako.
"Are you done? Happy now?" He said sarcastically after a while of listening to my obnoxious laughter.
"Yeah. I am, infairness ngayon lang ako sumaya simula ng makikilala kita." I answered and grin at him.
Nagsalubong naman ang kilay nito. Tila asar pa sakin, lalo na sa sinabi ko bakit totoo naman yon ah.
"Can you please come closer?" With hand gesture pa.
Ano na naman ang binabalak nito? Duh? Ako pa talaga ang mag aadjust? Sapakin ko to eh. Hindi ako lumapit bahala sya diyan. Siya ang may kailangan.
"Chain." tawag ulit nito sakin with his stern voice.
Pero wala, wala akong paki. Duh. Dont me.
"Hard headed, woman." he hissed at naramdaman ko nalang na umusog siya papalapit sakin at niyakap ako mula sa likuran sabay patong ng baba niya sa may balikat ko.
Nanigas yata ang ngala-ngala ko hangang spinal chord. I stiffened, sa sensasyong pinupukaw niya sa katawan ko.
He nibbled my ear and whispered. "I miss you so much, baby." at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sakin.
Luh, anyaree dito? Hala siya, parang tanga.
Dagundong ang kabog ng puso ko habang yakap yakap niya ako. Napahawak naman ako sa dibdib ko, kalma lang heart or mamatay kang mukhang tanga diyan.
Ang lakas ng heartbeat ko, punyeta.
We stayed like that for a while, he was just hugging me, we are not talking. Parang mas okay pang ganito nalang sana palagi.
'Just let him, Chain, alam mong aalis ulit yan. Iiwanan ka na naman kaya hayaan mo na. Total sanay ka naman. Sa modus niya.' Paalala sakin ng isip ko.
Susulitin ko na lang ang sandaling to, ilang taon din ang bibilangin ko para mayakap siya ulit kaya sasamantalahin ko na. Once in a blue moon. Kumbaga matagal. At ako dakila....
Dakilang marupok.
Huwag lang akong masyadong madarang sa handsome niyang face at sa body niyang biyaya sa mga kababaihan, kundi magbibigti na talaga ako.
Wag madarang, huwag marupok.
After niyang pagsawaan ang katawan ko. Lol. At singhutin lahat ng bango meron ako. Umalis na siya sa pagkakayakap sakin at sa likuran ko. Tumayo at nilahad ang kamay niya, tumingin lang ako doon.
Ano namang trip nito?
"C'mon stand up. Take a photo of me para naman may pagnasaan ka." I took his hand and he help me stand up.
"Gago. Pagnasaan mo mukha mo." Bwesit talaga ang accent nya. At kapal din po ng mukha niya eh?
Anong sabi niya? Siya pagnanasaan ko?
Duhhhh, dati pa kaya.
Nakailang shots din ako sa kanya andaming arte kasi. Sya nalang kaya ang kumuha? Mas magaling pa siya sa akin eh! Gusto niya daw perfect shot para siya lang daw ang gwapo sa paningin ko.
Gago talaga. Wala namang mas gugwapo pa sa kanya.
"Oh ikaw naman. Stand there." Sabay agaw nito ng camera sakin nang masatisfied na siya sa litrato niyang puro mukha niyang nakasimangot ang kuha ko.
Huh ang papangit! At ang galing ha, bat pati ako nasama sa pagiinarte niya?
"TSK. NO WAY! Bahala ka sa buhay mo!" angal ko sabay alis na sana pero nahawakan niya ako sa braso at hinila pabalik sa kanya.
"C'mon babe. Just two shots or I will never return this camera? You want that? Or ihuhulog ko nalang to?" pang babribe nito o mas tamang sabihing threat.
At neready na niya ang camera ko sa mukha ko.
No choice! "Fine! Punyeta isa lang." Napipilitang pagpayag ko. Sabay sabunot ulit sa kanya, nakakainis kasi eh.
Wala akong pera pag hindi nya binalik ang pinaka- mamahal kong DSLR. Tangina naman kasi, ano bang problema niya at dinamay niya pa ko sa kaabnoyan niya sa mundo.
My precious camera. Pang kabuhayan to. My Puhunan.
Ang two shots naging hindi ko na mabilang. Ayaw akong tantanan ng kurimaw nato. Andaming pose na pinapagawa. Ang arte. Letche. Demanding. Wala akong magawa.
At meron ding dalawa kami, siya talaga ang nag insist. Oh mapilit po siya nang may remembrance daw kami ng isat isa. Ang sweet diba? Ang Sarap sarap niyang tadyakan sa mukha.
Ang luwang nang pakakangiti niya habang nakatingin sa screen ng camera. Happy ka? Happy?
Tumingin siya sakin and he grinned naughtily. "Here babe. Dont you ever delete yours and our photos. Send those pictures to me nang ikaw naman ang pagnasaan ko. So we're even!" Sabay balik ng camera sa kamay ko with matching himas pa sa braso ko.
Abuso na ha? Sirang sira na ang dangal ko!
I just rolled my eyes. Yayayah! As if magkikita pa tayo, After niya akong pagnasaang yakapin at hinalikan sa lips. Oo yung torrid talaga. Yung Rated SPG.
AT NONG MAGSAWA NA SIYA SA KAKAPAPAK SAKIN!
Hinila nya na ako pabalik ng reception wala namang nakapansin samin. Wala talaga silang pakialam sa hanash ng buhay mo girl. Noong nandon na talaga sa gitna ng bulwagan oh ha? Bulwagan. Nakaka talino pakinggan.
Agad akong bumitaw sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Baka may makakita. May makasaksi. May ebidensiya at Ma issue pa ng madla.
After a while hindi ko na siya makita at wala akong pake! Marami kasing gusto kumausap sa kanya at ako naman naging busy ulit sa pagkuha ng litrato.
Work before boys. Chos! Eh inuna mo pa nga ang kalandian mo! Marupokpok ka!
Nasurprise naman talaga sila Hima sa pavideo na hinanda ko sa kanila. It was a compilation of old photos and videos of the couples adventures and travels. Nangstalk talaga ako ng accounts nila and their friends para makuha ang mga litratong to. Worth it naman lahat.
From baby, teens, college, wacky, photos of them in different countries, their engagement until sa prenup nila ay meron ako. Salamat nalang at updated sila sa social media kaya marami akong nakuha.
Mga dakilang self vain.
Tawa na naiiyak si Hima sa napapanood niyang video. Ganun din si Ryogen na hindi rin maalis ang tingin sa nakaplay na video sa projector. They were all smiling, reminiscing their past until present relationship goal.
Kahit ang mga guests nila tawa ng tawa kung makikita niyo lang ang mga pictures at videos ng dalawang to matatawa ka talaga. Ang lakas kasi ng trip ng mag asawang. Dare kung dare, pose kung pose. Hanggang natapos ang video at umani ng masigabong palakpakan mula sa lahat ng bisita ng magasawa.
Indeed it was a successful event.
Naiiyak na niyakap ako agad ni Hima. I hug her back. I only want to see thier happiness.
"Waaah Chain. Thank you. Salamat talaga at ang ganda ko don. Grabe! You exceed my expectation. Hindi ako prepared sa video mo Mayora. Nakakaiyak talaga. Naiiyak ako kasi ganoon ko na pala katagal napag tiisan ang pangit na pagmumukha ni Hax? My gosh. Grabe ang tibay ko! Woooh"
Baliw! Tumawa muna ako bago sumagot. "Your welcome Hima. You deserve better. You derserve it all. At congrats sa inyo ni Ryogen. Napagtiisan niyo ang pagmumukha ng isat isa sa tagal ng panahon. Ang tibay niyo parehas na mamapasana all nalang ako."
Tumawa kami at humirit na naman si Hima. "Chain, bigyan mo din ako ng copy ng video na yon ng maipakita ko sa mga magiging anak namin kung gaano kabaliw si Ryogen sakin at kung gaano kaganda ang Mommy nila. Sheet ang hot ko, supeeer!"
Grabe ha? Ang hangin din eh! "Hahaha sure. Expect it with your wedding photos." Pang aasure ko sa kanya and I kiss her cheek.
Ilang sandali pa ay umalis na ako sa lugar. Nagsiuwian na din kasi ang mga bisita nila Ryogen at wala na din yong lalaking nakausap ko kanina, nakauwi na rin siguro.
Mabuti yon para hindi ko na kailangan magtago.
Ilang oras pa kanina ang lumipas bago matanggal ang epekto ng lalaking yon sa katawan ko. Nakakanginig katawan. Hindi ako makakuha kanina ng magagandang shots kasi nanginginig ang kamay. Puro tuloy blured. Idagdag pa, na hindi parin steady ang heartbeat at napa paranoid sa makakasalubong ko.
Nakakainis talaga. Nakaka tang-ina langs.
Sila Ryogen at Hima naman, malamang nasa kalagitnaan nayon ng honeymoon. Kanina pa sila umalis. Natawa na naman ako sa ideya ni Kleah kanina. May topak talaga ang babaeng yon...
Gusto niya ba naman akong maging official videographer nila ni Ryogen sa kanilang honeymoon ara remembrance daw, gagang yon talaga.
Photographer lang ang propesyon ko at hindi ko pinangarap maging pornographer.
*****