CHAIN ALEZEIR
"Bakla, Ano to? Ang sarap grabe." tili ni Aimie habang walang tigil sa pagkain at sarap na sarap sa pagkaing nasa harap niya, paubos na nga eh.
"Agree ako bes." Sangayon naman ni Akhira na busy din kakatuhog sa fishball at saka kikiam sa plate niya.
Mga patay gutom.
Ngayon lang kasi naka tikim ng fishball, kwekkwek, kikiam, tokneneng, isaw at iba pang street food ang mga sosyalerang kong friends.
Ayan nasarapan kaya walang tigil sa paghabhab. Anak mayaman kaya bano sa pagkain nating mahihirap. Tinuro ko naman sakanila kong anong pangalan yong pagkain staka paano kainin.
"Twinnie, Ayoko nyan. Hindi ko kayang kainin to." Ngawa ni Alkhira, ang kambal ni Akhira. Ngawa siya ng ngawa ngayon kaya tawang tawa kami. Mukha siya tanga.
"Wag kang maarte dyan twin. Hambalusin kita. Walang arte arte ngayon. Dare to diba? Wala nga akong angal nong pinakakin nyo ko ng blood nayon!" Angal naman ni Akhira.
Dahil ayaw nya talagang kainin yung luto na dugo kanina. Laughing stock sya kanina pa kasi halatang napipilitan lang syang kumain.
"Wag kang pengkom dyan bakla. Baka mabakya kita. Balot lang to. Saka masarap. Tikman mo!" Sabay umang ni Aimie kay Alkhira ng balot.
Pero naka iwas eto. Napairap naman ang isa. Binatukan pa nya si Aimie. "Ang arte mo girl! Balot lang to, hindi tit*!"
Gago talaga yung bibig ni Aimie nato.
Si Alki talaga ang parang ang tanga lang habang pinipilit nyang ilayo ang mukha sa balot na ayaw nyang lunukin. Diring diri sya na parang masusuka.
Ang aa-R.K!
Naiiyak ng nagmamakawa si Alki. "Gaga. Ayokong kainin kasi kawawa yung itik sa loob. Waah. Maliit palang sya tapos eto. Patay at kinakain pa natin, walang puso, mga wala kayong awa!"
Sabay sabay kaming napairap sa kanya. "Ay dyos ko, naestress na ako."
"Walang awa-awa sa taong gutom pag wala ng pera. Kaya eto, Isakmal mo sa bunganga mo, arte arte ka pa!" Nabwebwesit na lintaya ni Akhira sabay pasak nya sa bibig ni Alkira ng balot.
Hindi namin mapigilang mapabunghalit ng tawa dahil sa ginawa ni Aki. Ang savage lang.
LAyaw talagang kainin ni Alkhira pero tinakpan lang ni Akhira ang bibig nito. Kaya wala syang choice kundi kainin. Halos maduwal siya na parang iiyak.
Ayan tikman mo ang kabrutalan ng kambal mo. Andami pa kasing arte. Nabwesit tuloy.
"Masarap ba twin?" Asar pa ni Akhira pag kalunok ni Alkhira ng balot.
Alkhira gave a death glare to Akhira. "I super hate you!" Nang gagalaiti nitong sabi kay Akhira sabay mumog ng tubig.
Ilang beses talaga siya naduwal.
"But I love you twinie!" Inis ulit ni Akhira habang tawa ng tawa.
"I really hate you!" Asar paring sagot ni Alkhira sabay sabunot sa kakambal nitong bully.
Siyempre di rin magpapatalo ang isa. Binatukan nya din si Alki. At nag away na po sila.
Mga baliw tong kambal nato. Pareho kasing sira ulo kaya palaging nag aaway. Wala naman kaming paki ni Aimie kasi sanay na kami sa kanila. Maya maya magbabati nayan. Parehas namay sayad to eh.
"Lezzzgooo mga bakla, nachugog na tayo!"
Sigaw pa ni Aimie pagkabayad sa counter Pagkatapos naming- I mean nilang mag pig out.
Umalis na kami sa food stall na puro street food ang inoofer. Buffet style yun kaya eat all you can ang mga to. They serve variety of street foods and drinks from different countries.
Astig ang lugar para kalang tambay. Hindi siya cozy pero maayos at malinis ang place. Kaya ma aathome ka. Saka intagram worthy po sya. Astig ang pagka Doodle at mga sayings or hugot sa wall. Pede ding date place or hangout place ng mga friends niyo.
All in all Masarap at magandang balikan ang lugar. Aprub!
"Magiging suki yata ako dito mga bes. Sarap ng food. Pero mas masarap ang katabi natin kanina. Ang yummy beee, ang shupo at ang daks." sabay slurp sound pa.
Si Aimie ang pinaka balahura samin. Nagsing-ayunan naman ang iba.
Paalis na kami ng "Streets'" yan ang name ng food court nato.. Nagkibitbalikat lang ako. Ngising ngisi naman ang mga baliw nato.
"Kayong bahala. Hala sige magsi layas na kayo. At wag nyo na ulit ako iistorbuhin. Mga wala talaga kayong magawa sa buhay. Alis na ng maka uwi na ko. At makapagsulat!" I bid.
Pangtataboy ko sa apat na maarteng kong friends na ngayoy parang hinihitay pa kong sumama sa kanila.
"Ano ba naman Chain. Girl bonding to. Wag kang KJ." Aki sabay hampas pa ng balikat ko
"Wag kang magpahigop sa mundo ng mga writer. Walang social life!" Dagdag pa ni Aimie sabay hampas din sakin sa kabila.
Aray, ang sakit na ha.
"Tama sila Chain. Wala kang mapapala sa mga imagination mong character. Hahaha. Mas baliw kaming kasama kesa sa pinagpapantasyahan mong lalaki sa story mo! Kaya samin ka sumama. Libre pa" nakangising alok pa ng mahaderang Alki.
Pinagbabatukan ko muna si Aki at Aimie. Mga bastos eh!
"Mawalang galang lang po Ms. Alkhira ha? Ipaalala ko lang po sa inyo na magkasama din tayo kahapon, nong isang araw, at nong noong isang araw pa. Halos isang lingo na tayong magkasama kaya pede stop na sa kadramahan nyo? Kayo na nga halos ang naka sira ng schedule ko. Kaya please lang ok? Hayan nyo na ako!" Inirapan ko pa sila at nagcross arm pa.
Kabwesit tong mga to. Sila na nga ang palaging sinasamahan sila pa ang magrereklamo.
Nang gigigil kong sabi sa kanila. "Huh! Bakyain ko kayo isa isa eh!"
Pinagtawanan lang ako ng mga siraulo kong friends. I just rolled my eyes heavenward.
Mga Pasaway talaga.
"Sige na makakaalis kana Ms. Chain Alezeir Del Montreal, ang laking istorbo namin sa ginto mong oras. Baka dahil sa aming malugi ang bansang Pilipinas." Nakangising turan ni Aki at tinulak pa ko paalis.
"Talaga!" Sabay hawi sa kamay nya at umalis nako sa harapan nila.
Bahala sila dyang umuwi may kanya kanya naman silang awto ako lang ang tanging nag cocommute sa amin kasi nga ako lang ang hindi R.K samin.
"Bes hatid ka na namin." Narinig ko pangsigaw ni Aimie
"Ayoko!" Ganting turan ko rin kahit nakatalikod nako sa kanila but still, I can hear their laughters.
"Libre to." Panggagantyu pa ni Alkhira.
"NO! Punyeta kayo ng times two!" pasigaw ko pa ding sagot.
"Sige na, Sayang pamasahe, samin ka nalang. Libre sakay to!" Nakasigaw na pamimilit pa ni Alki.
I took a deep breath and stomped my feet in annoyance.
Kaya naman tumigil na ko sa paglalakad at nilingon sila sa likod ko. Nandoon parin silang tatlo nakatayo tas naka model pose pa, talagang inaasar ako.
Nginisihan ko lang sila at sumigaw. "Tangina nyo talaga. Wag nyo kong ginagago mga bakla. Alam ko na ang modus nyo. Tigilan nyo na ako, uuwi akong mag isa kaya magsilayas na kayo. Punyeta kayo."
Sinabayan ko pa middle finger sa kanila na ikinahalagpak lang nila ng tawa. Gago tong mga to ah.
Iniwan ko silang tawa ng tawa don sa kalsada at sumakay na kong jeep paamin. Modus kasi nila ang libreng sakay na yan, pag sinabi kasi nilang ihahatid ako. Wag mo nang asahang makakarating ako sa pupuntahan ko. Kung saang lupalop lang kami ng pilipinas napapadpad.
Mga saltik yon eh, walang magawa sa buhay.
Saan saan kami napa-papadpad pag hinahatid ako ng mga mandurugas nayon. Kaya hindi na ko nagpapauto I've learned my lesson na no?
"Para kuya, diyan lang sa crossing." Pasigaw kung sambit at bumaba na ng jeep.
Pagkarating ko sa boarding house galing sa restaurant na pinagtratrabahuhan ko.
Nahahapong hinarap ko agad ang pinakamamahal kong laptop. Kailangan kong matapos tong tatlong story na gagawin ko. Kailangan ko ng pera.
Maraming maraming pera. Oh Yes, Im poor.
Mahirap kaya kailangang kumayod para may pangtustos sa pangangailangan ko.
I'm an online writer/photographer/online teacher at waiter. Andami akong raket pero kulang parin panggastos.
Ako kasi ang bread winner, panganay eh. Yung tatlo mayayamang yon.
Si Alkhira, Akhira at Aimie.
Sila ay ang mga baliw lang na napagtripan akong kaibiganin noong college pa kami. Hindi kami magkaklase actually may class lang kaming mag c-mate, irreg. kumbaga. Talagang trip lang nilang maging kaibigan ako. Loner ako sila naman popular sa school. Popular sa pagkabasagulero.
Lalo yung kambal, pasimuno yon ng rambulan sa school.
Nagpupustahan pa yan sa harap ng prof namin. Ganoon sila kalakas.
Ewan ko don mga sira ulo, ang yayaman pero kung umasta sakto lang. Saktong siraulo, walng pakyime at kaetchosan. Kaya doon nagumpisa ang friendship namin. Araw-araw ka ba naman nilang bwesitin, wala ka talagang choice.
Hangang ngayon na ilang taon na din pagkatapos naming magcollege intact parin ang grupo, mas naging baliw at sakit-ulo.
May silbi naman sila sa buhay ko, sila ang tagahanap ko ng raket. Friends naman kami kaya samantalahin na. Thanks to them at hindi ako nawawalan ng raket.
Pagwala akong raket sa labas dito lang ako nakakulong sa kwarto. Nagsusulat o di kaya nagtuturo sa mga koryano at chinese na gustong matutong mag english.
Nakakapagod pero ok lang, pera naman ang katapat. Solb na solb na ako don.
May ipapadala na kasi ako kila Mama. May pangpaaral na ako sa kapatid kong sobrang pasaway, simpleng malandi.
Napahinto ako sa pagsusulat ng biglang magvibrate ang cp ko. Hinanap ko pa kung san ko nalagay kaya natagalan akong sagutin. Kunot noong tinangap ko yon. 'Sinong punyeta naman tong istorbo sa pamamahinga ko?'
Pero bago pa man ako makasambit ni isang 'hello' eto na agad ang bumungad sakin.
"Wahhhhaaaaa! Chain, tulungan mo akooooo! Ang puso koooo." Ang nakakasakit sa tengang ngalngal ni Aimie.
Yung pambwesit na hagulgol talaga basta yung maarteng iyak. Kalinte, ano naman ang problema neto?
I scratch my crinkled nose. "Hoy, ano naman ang kagagahang to, Aimie? Ano naman ang ginawa mo?" Asar ko agad na tanong sa kanya.
Sumigok siys muna bago sumagot. "Baklaaaaa, punta kang condo kooo Huhuhuhu. Mamamatay na yata ako sa sakit. Punyetang Arjo yon niloloko lang ako bes. Huhuwahaha May no.2 na siya, sinabay kami bes. Ang punyeta niya." Sabay atungal niya pa ulit ng malakas.
Sakit sa ears.... nakakabingi.
I just rolled my eyes after hearing the exaggerated cry of Aimie. Ilang buwan nakong walang balita sa kanila kaya nagulat ako nong biglang tumawag sakin ang isang to tas ito pa ang ibabalita.
Nakakabad mood, panira ng gabi. Kaasar.
Kulang nalang sabunutan ko to eh. "Gaga! Ano bang bago dyan? Alam mo namang manloloko talaga ang kulogong yon, tapos iyak iyak ka! Ginusto mo yan." Naiinis kong sermon sa kanya.
Ilang beses na syang niloloko ng Arjo nayon pero pag nagsorry, okay na ulit sila.
Marupok nga naman. Ang bilis lang mauto.
Narinig ko pa ang malakas nyang hikbi bago ako makakuha ng sagot mula sa kanya. "Ah basta. Pumunta ka dito kailangan ko ng karamay.Tagay tayo Chain kailangan ko ng maraming alak sa katawan. Parang sasabog ang pus-"
Napahilot ako ng sentido. Shit kadiri to, nakakasuka yong mga words niya.
Pinutol ko siya sa kung anong arte neto sa buhay. "Okay stop. Pupunta ako dyan huwag mo kong dramahan girl, mas nabwebwesit ako. Baka maitulak kita sa building nyo ng wala sa oras, kaya tumahimik ka diyan at hintayin nyo ko." Nagagalaiti kong sermon sa kanya, nakakainis na kasi.
Ang katahangan talaga besh, isinasapuso at isinasaisip niya. Magaling, matindee ayan nasobrahan, nasaktan.
"Thanks be-" Inend call ko na. Dami pang sinasabi eh.
Walang kwenta naman yung Arjo nayon. Isa siyang punyetang animal.
Pagkapasok ko sa condo ni Aimie. Nandoon na sila Alki at Aki kasama ang pinsan nilang si Uelane na menor de edad lang, na nakaupo sa sahig na may maraming ibat ibang klaseng inumin at pulutang nakakalat.
Oooh, matindeng sunogan ng atay nanaman yata kami neto, dapat yata nagdala akong na liveraide para its liver lover boy.
Napansin naman agad nila ang pagdating ko kaya naman sabay sabay silang nag tinginan sa akin.
Wooohh, ang ganda ko talaga. *fliphair*
"Oh sa wakas nandito na ang alibugha nating kaibigan. Salubungin niyo ng batok yan." Nakangising sabi ni Aki sabay lapit sakin at binatukan nga ako.
Punyeta lang.
"Hi ate Chain." Greet sakin ni Uelane sabay tayo, punta sakin at nagbeso.
Nagsilapitan din sakin si Alki, Aimie at nag handshake kami. May kanya-kanya kaming handshake sa bawat isa, parang brocode.
"YAH!" Angal ng sinapak kong si Aimie na namumugto na ang mata ngayon, pulang pula din ang ilong. "Aray naman Chain."
Reklamo pa nito sabay himas ng nasaktang braso. I just rolled my eyes. Sabay amba ulit na susuntukin siya. Natawa naman sila Alki sa inasal ko alam nila kung gaano ko kaayaw ang animal nayon.
Si Aimie lang yata ang nauto ng maamong mukha ng manlolokong yon kaya hanggang ngayon sila parin. Oh well baka wala na sila. Sana talaga matauhan na ang babaeng marupok na to.
Nagsiupuan na kami sa couch at kanya kanyang kuha ng inumin, relaxing. Pati si Uelane naki tagay samin, pinsan mo ba naman ang kambal. Siguradong numero unong kunsintedor, sila ang pinuno ng mga pasaway.
Ready na lahat sa mesa ang kailangan namin. Ice, chaser, baso, ice tong na kailangan sa tagayan. Nice, pinaghandaan. Sana all.
"Kampaii, mga bakla." We all shouted in unison and drink the liquor bottoms up. Start na. Nothings gonna stop us now na to.
Ilang minuto kaming nagaasaran at kulitan pero dahil gusto kong malaman ang ganap sa buhay ni Aimie. Hindi ko mapigilang magtanong kay Aimie with taas kilay pa. So I asked her. "Anyaree sayo?"
Kinuwento niya na ang panloloko sa kanya ni Arjo, eith galoons of tears pang kasama.
Ang hinayupak talaga ng lalaking yon, may lahing higad. Mangangabit na lang sa secretary niya pa, walang taste. Ang babaero talaga kahit kailanman di na magbabago. Wala ng pagasang tumino.
Kung sino-sino na pala ang nakikita ni Aimie na babae ni Arjo pero hinayaan nya lang.
Tanga din ang isang to. Ang martyr, dapat yata ihanay to sa luneta. Hindi nga lang siya papasang bayani dahil maling tao ang ipinaglaban neto eh.
Ang sarap ng ipabaril sa sobrang pagkadakila. Sayang, sobra dahil sa maling tao pa. Gwapo kasi eh, kaya marupok.
Andami niya pang atungal sa panloloko ni Arjo sa kanya. Nakikinig lang kami nila Aki at hindi naman kami makspagsalita, wala kasing tigil ang bunganga ni Aimie kaya hinayaan nalang namin. Okay na rin yon para mabawasan ang sakit sa stress ng bff naming to.
Hay buhay nga naman. Ang sakit sa bangs mong mga seven lang.
Hindi ko na idedetalye ang kadramahan ni Aimie sa buhay at baka malampasan nya pa ang pinaka-trending na K-DRAMA ngayon. Move on lang ang katapat nito. Tapos alak para strong.
Inom lang kami ng inom.
Tapos na rin naman kasi kaming magbigay ng advice sa kanya, paulit ulit na nga. Actually dati pa, simula yata noong nalaman ko ang synonym ng manloloko. Hindi ko sinabing si Arjo yon ha, pero parang ganoon na nga.
Siya lang ang hindi nakikinig, ayaw maniwala. Kung nasasaktan man siya ngayon wala naman kaming magagawa. Siya ang may puso, hindi kami kaya dadamayan nalang namin sya. Libre yun, support lang.
Malaki na siya, alam niya na ang tama at mali. Bahala siya kung magpapaloko siya ulit, buhay niya naman yon. Siya pa rin naman kasi ang masasaktan kung patuloy siyang magpapakatanga.
It her choice, kung tama na or sige lang.
Habang nalulunod na ang baga namin sa alak, pati yata utak nitong si Alki lunod na kaya umandar na naman ang pagka bitch sa mga manlolokong lalaki.
May pinagdadaanan din kasi. Actually na traffic talaga siya mga 5 years na siyang hindi nakausad.
Kaya apektado siya ngayon. "Hay mga punyeta talaga sila. Ikaw Aimie, kalimutan mo na ang ugok na yon. Duh, ang mga lalaki talaga mga pinanganak na manloloko, mga traidor, mga hampaslupa."
Tumagay muna ulit siya bago nagpatuloy. "Walang pusong nilalang, akala yata biyaya sila sa gitna nating mga kababaihan. Mga punyeta! Hindi marunong magmahal ang mga tarantandong yan, mga tangina nila ng times two. Puro sila pasakit sa ating mga kababai***."
Pinasakan ko ang bunganga ni Alki ng pulutan namin, ang ingay niya na eh. Sigaw ng sigaw hindi naman kami bingi. Eh puro hugot sa buhay lang ang alam sabihin nito. Palibhasa na ghosting at napending.
Umaandar talaga ang pagkabitter ng isang to pag nakakarinig siya ng salitang manloloko.
Been there done that kasi yung tema ng pagbibig niya.
Hay ano ba naman to, Puro broken hearted tong mga sira ulong to. Pati atay namin nagsusuffer eh. Dapat kasi pag masakit ang puso, puso lang wala ng damayan ng atay. Sunog lapay na naman ang tema namin gabi-gabi nito.
Hay mga mahihinang nilalang, mga marurupok. Hayan lahat basag puso.
Eh yong sayo ba hindi?
Well hindi pa, ala pa ang gago dito eh. Nasa kandungan pa ng iba, nagpapakasasa.
Kaya okay pa yung heart ko, safe pa sa sakit.
Si Aki lang yata ang walang problema dito kasi sya lang ang may stable and happy love life samin.
Yong swenirteng makatagpo ng lalaking matino at mapapa-sana all ka nalang.
Napukaw naman ang pagkatulala ko nong may biglang sumapak sakin. "Hoy gising, Iinom na lang natin tong punyetang kabiguan niyo. Let's enjoy ourselves and lets have fun. Forget all those exes of yours and move on. Lalaki lang yan." Pangchacharot ni Aki.
Tinagayan niya din ng puno ang baso namin lahat habang busy sa paglintaya. Ngisingising tinitingnan kami.
She uttered crazily. "Hello mga mamsh, maraming boys around the Globe, mga lafang, shupo at daks. Kaya dapat lang maging Smart ka to choose, kung the who ba ang the one?Just Talk n' Text baka naman may malaking dick este isda pa dyan under the SUN."
Tango tango pa siya habang feel na feel ang speech niya. Tinapik niya pa ang ulo ni Aimie, tinuro kami isa-isa. "Kaya chill lang girls. Don't chase love, let the love find you. In no time with no perfect place, you'll just meet him, trust me. Happiness will find you, maybe not now but so soon. You all deserve someone who will love you endlessly, walang what ifs or kung ano paman. A man enough to love and accept who you are and the flaws you have. Kalma lang ang keps, may kapornever yan." Dagdag pa ng lasenggang Aki nato, tama pero ang gago lang.
"What a wondelful, beautiful and honorable speech you did Twin. Sana all na lang talaga may kapornever. Punyeta, cheeers ng tayo. Nakakaproud kayo." Tawang tawang pasimuno ni Alki.
"Cheers baby. Wohhhhhooo shit lakas! "Go naman ang lahat kaya hindi na kami tig-isa ng baso, kanya-kanya na kaming hawak ng isang bote black label at walang takot na nilalaklak.
Punyeta talaga ng times two.
Infairness, nag speech si Inday Aki, ang english pre sagad. Ang fluent, nakakanosebleed.
Sabay nalang kaming napatango lahat dahil may point naman si Aki. Huwag kasi tayong maghabol dapat tayo ang sinusuyo, tayo ang priority. Tayo ang ipaglalaban.
Hindi lang dapat tayo basta option. Hindi naman kasi tayo kabilang sa mutiple choice, na pwedeng mabura pagmali ang napili, bibilugan tapos sa huli iba parin pala ang pinili.
Na sana sa choices na all of the above ikaw ang kanyang none of the above. Hindi ikaw ang choice, hindi ikaw ang pinili.
"Tama, tama ka talaga baby Aki kaya ibe-break ko na talaga ang tanginang Arjo na yon. For real, humanda sya. Ibebreak ko ang mukha niyang monkey, letche siya. Ang sakit na niya sa ngalangala ko, ilang balde ng luha ko ang nasayang ng dahil sa kanya. Punyeta sya ng times two. May bukas siya sa akin." Sabay tungga pa ng whiskey at humagulgol pa ulit si Aimie.
Lasing na ang mga to, mga baliw na eh.
Napapalakpak naman ang kambal, siguro kasi na fefeel na din nilang matatauhan na si Aimie at salamat talaga pagnag-kaganoon.
Sana for real nato, magising na siya sa kahangalan. Alam kong mahirap pero wala eh, kailangan mong umusad o mapagiiwanan ka ng ikot ng mundo.
Nag fistbump naman sila. "Agree ako dyan girl. Tutulungan kapa namin, akong bahala sa tadyang pababa. Ako ang magpipiraso sa dugyot niyang katawan, babaliin ko ang pwedeng baliin sa kanya. Dont yah worry, Aimie. Akong bahala sayo." Ang angas na usal ni Aki sabay karate action niya pa.
Matindeeee...
Naicheneers naman ng iba kong kasama. "Kung ganoon, e-celebrate natin ang pagmove on ni Aimie. Sana all magmo-move on. Hala tagay tayo" Si Uelane yan.
Nalasing na siya dahil dinuduga ng kambal. Siya lang ang tinatagayan eh. Puno pa ang baso, may dagdag na ulit, mandurugas talaga ang dalawang to!
Sumigok pa muna siya bago nagsalita. "Basta girls, promise talaga tommorow. Punyeta, Ilalampaso ko talaga ang Arjo nayon. Wala nang gwapo-gwapo, bwesit sya. Humanda sya bukas, matitikman niya ang batas ng isang Aimie!" Kasabay ng pang kontrabidang halakhak at taas pa ng baso.
Wala na, wasted na to.
Natawa nalang kami sa narinig namin mula sa kanya. Ibang klase, walang originality tong Aimie nato. Line yon sa isang sikat na teleserye eh. Inangkin bigla.
Tumayo ako at itinaas ko ang baso "Ipagdiwang natin ang pagkabuhay ni Aimie galing sa walang kamatayang katangahan. Wohhh nakakaproud. Cheers bhebhes, Cheers!" Nakasigaw na sabi ko.
At clinick namen ang boteng kanya-kanyang hawak namin. Ipagbunyi talaga ang pagkalas ni Aimie sa alibughang yon. Natauhan narin sa wakas, salamat naman. Ang tanga niya na eh pero ganon talaga pagminahal mo.
After ilang oras na inuman at pagpaparty. Binuksan kasi ng kambal ang stereo at nagpatugtog ng party song. Para daw HeadBang, Dance in beat, hypebeast and feel the heat. Kaya eto nagwawala na kami at nakikisabay sa kanta na "Patron Tequilla ft budots of the pilepens.
Ilang sandali pang pakikipagbalyahan namin sa isat isa at sa wakas tumigil na kami. Nahihilo na daw sila, lasing na lasing na talaga ang mga prends ko. Parehas lang kami ng iniinum pero sila lagapak na, mahihinang nilalang.
Woooh ang tibay ko, Tangina niyo. Sila ang nagyaya pero mga weak, tinumba ko lahat.
Nilibot ko ang blurred kong paningin, si Aimie, nakayupyop na sa lamesa, si Aki naman busy kakalampaso ng sahig. Don sya nahiga at nagpagulong gulong. Ang kambal nya Knock out na at si uelane ayon kanina pa tumba.
Ako nahihilo lang pero hindi ako lasing. Eto ang masaklap pag masyadong mataas ang alcohol tolerance mo, ikaw ang taga asikaso sa barkada mong hindi na makagalaw sa kalasingan at tagaayos ng kalat.
Whoooo. Curse you all!
Nabwebwesit kong tiningnan ang apat na nasa dreamland na. Mga letche!
Una kong inasikaso si Aimie, hinila ko sya papuntang room nya. Bwesit ang bigat ang sakit sa likod. Pasakdol ko syang nilugmok sa kama bahala syang mahulog. Basta naka balibag sya sa kama, nakahiga. Yon lang ang goal ko.
Sinunod ko si Aki at pinagulong sa may sofa doon ko sya hiniga. Doon sya nababagay hindi ko siya nilagyan ng unan. Bahala syang indahin ang sakit sa batok bukas.
Ganoon din ang ginawa ko kay Alki, sa sofa din sya nababagay, magdusa kayo sa sakit ng likod at batok bukas. Mga punyeta kayo!
Naawa ako kay Uelane, lasing na lasing ang batang to. Kaawa awa talaga siya sa kamay ng kambal. Inayos ko siya ng higa sa sofa nilagyan ko ng unan at nilakasan ang AC.
Nang maayos ko na silang lahat, nilinis ko naman ang kalat namin. Tinapon ko lahat ng bote at pulutan, bahala si Aimie. Tapon lang ako ng tapon basta feeling kong kalat basurahan agad ang tuloy.
Ilang minuto din ang ginugol ko sa paglilibot para siguraduhing maayos sila lahat. Nilibot ko ang paningin ko, ayan malinis na, perpek. Makakauwi na ako sa wakas
Haysssst, sana walang hangover bukas to. Nilingon ko ulit sila Aki, Alki at Uelane na natutulog.
Bahala na sila kay Arjo bukas, may raket ako eh. Laglagan muna, alam ko namang kaya na nilang ilampaso ang mukhang monkey nayon. Stong strong ang mga yan eh!
"See you the soonest fuckers. Hasta luego mi amiga, adios." Sigaw ko sa kanila nang lumabas na kong condo at iniwan ko na silang lahat sa dreamland.
Punyeta ang sakit ng ulo ko.
*****