Chereads / DISENCHANTED LOVE / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

CHAIN ALEZEIR

Royale de Cuisine

"Ikaw Chain? Wala ka bang lalaki ngayon? You know sa inyong apat ikaw lang ang hindi ko pa nakitang may lalaking kasama. Ikaw pa naman ang mukhang matino sa inyong lahat."

Natawa naman ako sa sinabi ni Dreon, ang long time boyfriend ni Aki. Siya ang pinaka pasaway samin pero siya pa ang may forever at saka ka pornever. Sana all.

A/N:Nabasa ko lang yan sa story ni Ms. CC. Kaya isa rin po akong inosenteng nilalang.....🤪

I flip my hair and angled my face beautifully. "Ganyan talaga ang mga magaganda Dreon. Mataas ang standard at hindi kailangan ng lalaki sa buhay!"

Angal ko sa kanya sabay nang aasar natingin kay Aki. Na ansama na ng tingin samin ni Dreon kung kanina kasi enjoy na enjoy siya ngayon alam kong bwesit na siya sakin.

Nagapir pa kami ni Dreon. "Hmmmmm? So ibig sabihin hindi maganda si Aki? May lalaki sya eh, ako diba? Ay kawawa ka na man babe, ang pangit mo pala." 

Nakangising turan ni Dreon at halatang iniinis si Aki na kapwa na masama ang binibigay na tingin samin ni Dreon.

Natawa naman ako bago sumagot. Gago talagang Dreon to. Trip niya na namang makipagbalyahan kay Aki ng asaran pati tuloy ako nadadamay eh.

Tinaasan ko ng kilang si Aki. "Exception yang mahaderang yan. Kailangan nya ng lalaki para mabawas bawasan ang pagkabaliw nya. Alam mo namang takas yan sa mental. Hindi yan nagpapa amo eh. Sayo lang. Kaya labas sya sa listahan ng hindi magaganda."

Pero mas lalo yata nainis si Aki sa tugon ko. Totoo na man eh! Kailangan talaga nya ng taga amo, may pagka hayop din kasi to minsan eh. Bigla nalang nangangalmot pag tinamaan ng saltik, sa haplos lang ni Dreon to kumakalma.

Ikinahalagpak naman ng tawa ni Dreon ang sagot ko, yung alog balikat talaga. Halatang inaasar talaga si Aki.

Pumalakpak siya ng painsulto. "Wow thank you ha. Grabe na overwelmed ako. Thank you talaga, damang dama ko!" Aki butted with a sarcastic tone with matching roll eyes pa.

Ay ang taray te.

Natawa naman kami ni Dreon. Pikonin talagang Akhira nato, asar talo palagi eh!

"Hey! Long time no see. Racer boy!" Napatingin nalang kami bigla sa gawi ni Aimie na kakadating lang.

"Hey too. Aimie pangit!" Pang aasar din ni Dreon kay Aimie sabay beso sa kanya.

Nagsi-datingan nadin si Alki at Uelane sa tagpuan.

Nandito kami sa restaurant na pagmamay ari ni Aimie na pinagplanuhan nilang magcelebrate dito dahil nanalo si Dreon sa race na sinalihan nito sa ibang bansa at ang pagkahospital ni Arjo dahil sa revenge nila Aimie.

Oo nalumpo po ang tanginang yon.

Kaya double celeb daw. Bawal absent may multa. May munting piging at inumang naganap habang panay ang pag uusap naming magbabarkada.

"Cheeers para sa pagchachampion ni Dreon baby!" Nakatayo pang sigaw ni Aki na halatang 'proud gf here' ang datingan.

Nag toast kaming lahat.

"Cheers din sa pagkalumpo ng aswang na si Arjo the monkey!" Nahahigh ding sigaw ni Aimie.

Natatawang nag "CHEERS!"  kaming lahat sa kabaliwan nila

IPAGBUNYI!  Masayang kumain kami sa Royale de Cuisine.

Kami lang yata ang pinaka maingay dito sa restau. Wala naman kaming paki. The owner is here, Remember? Kaya walang magpapalabas samin.

Try lang nila. Isasako sila ni Aimie at ipapalutang ang Angat dam!

Dahil ako ang na ho-hot seat sa kanila ngayon. BIG DEAL sa kanila na wala akong lalaki sa buhay kong MATIWASAY, DALISAY AT HAYAHAY!

Kaya pinagtutulungan nila akong gisahin sa topic na hindi ako intresado at wala akong care. As in phcare.

"Alam mo Dreon. Hayaan mo yang si Chain. Hindi yan mag kaka bf ever, as in never. Ang taray taray ng baklang yan. Nanunumpla ng lalapit na lalaki."

Pangbubuking ni Alki sakin na sinabayan pa ng nakakaasar na halakhak ni Aki.

"Wow nag salita ang bitter!" Panunupla ko din sa kanya with taas kilay para may impact.

She also made her eyebrow raised up. Mataray! 

She then spoke. "Atleast ako naranasan ko ang mag ka bf. Once. At hindi na ako uulit eh ikaw? Hindi mo pa nga na try. Iniiwasan mo na agad, mahinang nilalang!" Pang aasar din ni Alki sakin sabay dila pa.

Sumabat na din ang bunganga ni Aimie the Great, pakinggang po natin mga kaibigan, walang saysay to.

"Alam mo Chain. Masarap namang may BF ka eh. May libreng tyansing ka, may kiss, hugs at more than pa. May hatid sundo ka pa and to top it all, may taga libre ka. Be practical babe, kailangan magtipid kaya dapat mautak diba Aki?" Nakangising tanong nito kay Aki na tawang tawa na.

"Hahaha. Oo naman. Charge to experience yan Chain. May savings ka promise! Malaki, diba baby?" She shutted a questioning look to Dreon.

Such a tease bitch. Natawa naman ako nong umasim ang mukha ni Dreon.  Asar talo din to eh!

"Ah ganun?" Dreon with his fake stern voice.

Nagbeautiful eyes pa si Aki bago sumagot. Halatang pabebe eh!

"Syempre baby. Kaya nga kita mahal eh! Mahal kita at mas mahal nadin yung savings ko. "

Gaga talagang Aki to, iniinis talaga. Lalo tuloy napikon si Dreon. Tinalikuran lang si Aki at di na sumagot. Ay taray tampururot!

Balewala din naman kay Aki. "Hahaha. So galit ka na nyan?" Said ni Aki to Dreon, chuckling.

Hindi naman sya pinansin ni Dreon kaya ang malanding Aki. Hinalikan talaga sa harapan namin si Dreon, na enenjoy din naman.

Punyetaaaa!

Hooooh kalandian preee, ang haharoooot. Letche, mga walang hiya, walang respeto sa single at broken hearted.

Ang sakit sa mata, promise. Nakakapisteeeee!

"Oy. Road to pornever na yan!"

Napatigil naman sila Aki at Dreon sa kalalampungan nong thankfully may biglang sulpot na kabute galing sa planet nemic!

Ang kalahi ni goku at piccolo.

"DREAN!" Nakangising sabi ni Aki ng makilala kong sino ang nang istorbo sa kanyang kaharutan.

That earns a boyish grin from him. "Hey, pretty!" Then hug kay Aki.

Nakangiting sinalubong din ni Dreon ang kakambal niya. "Sup Bro? Long time no see, no talk brotha!"

Pang asar ni Drean kay Dreon naikinatawa lang ng huli. Nag fistbump naman silang dalawa at bro hug bago kami isa-isang binati ni Drean at niyakap.

Nakangiti naman kaming lahat kay Drean, ang kakambal ni Dreon. Masaya kaming makita siya, except lang kay Alki na pasan ang buong planet earth at buong galaxy, ganon po kabigat, kaya  parang pinaksakluban ng langit ang mukha ni Alki ngayon. Simula nong masulyapan nya si Drean, wala na nabadtrip na siya.

Na sa huliy parang e.t/alien lang ang tingin niya kay Drean. Undiscovered, no one, no identity.

Uh-oh. Awkward.

"Hi Alk." halatang pilit na bati ni Drean sabay sulyap kay Alki.

But Alki just rolled her eyes at nagkunwang walang nakita at narinig.

Ang taray ng lola. Pafame, Nag ehem nalang ako at  nagets naman ni Aimie.

Kasi mukhang pati sila nahalata ng ang  awkwardness ng atmosphere kaya si Aimie ang nambasag non. Good, kasi nakakailang masyado ang nakakamatay na tingin ni Alki eh, halatang bwesit siya kay Drean.

"Drean the scientist, Upo ka at samahan mo kaming i celebrate ang pagkasawi ko sa pag ibig!" sabay tawa pa ng gaga.

Atleast may breaker na kami.

Napangisi naman si Drean. Alam na alam nito ang lagapak na lovelife ni Aimie kasi kahit noon pa man ganto na kasaklap sa pagibig si Aimie.

"Sure Aimie pangit, basta ikaw. Game!" Kaagad na sagot ni Drean.

Napa-tsked nalang si Alki dahil wala na siyang magagawa.

Eat that girl, ang dahilan ng kabitteran mo.

Andami ko tuloy na tawa, mga ten.

Kahit awkward sa table ang kwentuhan dahil sa simpleng banatan nila Alki at Drean ng maanghang na salita at palitan ng nakakamatay na tinginan. Go lang ng go!

Kaya sa sobrang awkward ng situation, AKO, AKO ang napagbuntunan ng usapan. Ako ang ginawang Main Topic.

May nangyayaring debate at discussion pa. Matindeeee!

At dahil hindi sila maka move on sa pagiging single ko, ako na naman ang pinagtritripan.

Six vs ME. Anong panama ko? Wala akong kasama magdefend kung bakit ako Single. Punyeta lang!

Pero dahil nangangati na ang ilong ko sa mga pinagsasabi nila, mga walang katotohanan. Peyk News Dzaiiii!

NAKAKADIRI! NAKAKASUKA! NAKAKABABOY!

That's why before they can even utter one bullshit word I interjected with thier debate!

Nakakatangina na eh.

Inis akong sumabat sa nakakainit ulong sinasabi nila. "Pwede ba mga pre. Hayaan niyo ko sa pagiging single ko. Walang problema sakin eh. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay. Wala akong sakit sa ulo. Enjoy ako, hussle free." Umpisa ko.

Magsasalita sa na si Aki pero pinigilan ko agad, moment ko to. Walang sapaw,  let me have my spot light.

Nagpatuloy nasa pagsasalita. "Hindi ako mabwebwesit sa pambabae niya. Hindi ako maasar sa oras oras na kakatawag sakin. Hindi iinit ang ulo ko pag hindi nya matandaan ang date or anniversary namin." Pagpaparinig ko sa kanila.

Ang matamaan, edi shing.

I continued. "At lalong lalo nang hindi ko kailangan ng boyfriend para makatyansing, hindi ko rin kailangan ang mang uuto sakin. I know my worth as a woman. I know my flaws and weaknesses as well as my beauty and my strenght. I don't need somebody telling me lies just to boost my confidence to have a fake love." tiningnan ko talaga si Aimie, sa kanya ko kasi pinapatama eh.

Sinunod ko naman si Alki., ikaw namang babae ka kanina mo pa ako tinitira eh.

Its payback time, bitch.

I know I'll hurt them but that's the reality they cannot see.

Kaya nagpatuloy ako. "At Higit sa lahat, hindi ko kailangan ng lalaking iiwanan at lolokohin lang ako.   Pagkatapos niyang magsawa at maawa sa akin. Hindi ako tanga para maniwala sa paulit-ulit niyang pag papaikot sakin. Hindi yon roller coaster na nakakaenjoy, masakit siya, nakakahilo. Hindi na siya masaya at magsisi ka sa huli kasi masyado akong nagpaloko sa kanya, kasi masyadong akong nagtiwala at naniwala sa pangako niya. Kaya pag naiwan ka na, ramdam mo lahat ang bigat at sakit na siya ang dahilan. Dahil ngayon, ikaw lahat ang pumapasan at nagpapakahirap. Eh siya saan na ba? Sa piling na ng iba, masaya. Habang ikaw na iniwan, heto patuloy na nagdurusa." I said bitterly, ganoon din ako dati eh.

Nilingon ko din si Drean. "Tagos ba Drea? Masaya ka ba? Naging masaya ba? Masaya bang may nasasaktan ka?"

Wala namang kumontra o nagsalita sa kanila. Lahat sila nakamata sakin. Tila inaabangan ang mga sasabihin ko. 

So I continued, sighing deeply. "Kaya all in all, wala akong interest maki pagrelasyon. Gusto kong malaya, magisa, walang pakialamanan. Trip ko to so IDGAF to you guys. My life mah rules!" sabay pugpog pa ng mesa para mas may impact.

Dapat may force, may ipinaglalaban.

Tiningnan ko sila isa isa sa mata. "Are we all clear? May idadagdag pa ba kayo? Ikaw? Uelane may reklamo ka pa ba bakit single ako?" Nadamay ko pa tuloy si Uelane na walang muwang sa nangyayari.

Natameme silang lahat. Sapol sila isa isa eh. Bulleyes lahat. Ganyan dre. Eat that. Kayo ang dahilan kong bakit mulat na mulat ako sa kung gaano ka gulo ang makipagrelasyon at sa nakaraan kong masakit din.

How its so easy to find love yet in the end you'll lose control! How heartclenching it and how can life fucks us up when they felt we're wrong and needs to part.

Pagayaw kasi sa atin ng mundo, gagawa siya ng dahilan para magkalayo kayo, kahit ipaglaban mo pa. Wala din, talo ka pa din sa huli.

Tinaasan ko sila ng kilay, pangmaldilta lang. "Oh? Nanahimik na kayo dyan? Sapol ba lahat ng katangahan nyo? Lol, pang everything este pang everyone yon, huwag masyadong affected." Ako na ang bumasag sa long minutes of silence sa mesa.

Nakatingin lang sila sakin na tila inaabsorb ang sinasabi ko, ang kadakilan ko.

Duh loading men.

Kaya naman kailangan na silang matauhan. Tumayo pa ako at kumaway-kaway na parang kandidatong manguuto ng mamamayan sa eleksiyon.

"That's the end of my long speech my fellow citizen. Pakiboto po ako sa sunod na eleksyon at ipinapangako ko sa inyong lahat NA LAHAT NG MAG KASINTAHAN MAKIKITA NYO! IPAPABARIL KO! Kaya sana suportahan niyo ang kampanya ko para sa ikakaunlad ng ating Republikang Pilipinas."  Tanginang buhay to oh, Ano ba talagang ipinaglalaban ko?

I laugh. "Para sa bayan at sa ekonomiya. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang mga single at mamatay kayong mga taken, mga salot sa lipunan. Kaya paki boto po ako at makakaasa kayo ng isang serbisyong totoo. Thank you, thank you, salamat salamat." Madamdaming usal ko na ikinatawa nilang lahat.

Tsk Sira ulo talaga. Kumawa-kaway pa ako sa kabilang table dahil nakatingin na sila sakin.

Tangina, nakakahiya naman to.

Tumayo naman si Drean na may baso pang itinaas, ang lapad ng ngisi niya. "Cheers sa habangbuhay na single life ni Chain!" Sabay sabay silang tumayo except sakin na naupo at natatawang nag 'cheers' silang lahat.

"Crazy folks." nasambit ko nalang habang umiiling.

~Young n'wild bar.

Pagkatapos naming kumain,  nag bar pa talaga kami. Magpapakalasing daw ulit para party party sabi ni Aimie. Bwesit ang mga to, ako na naman ang kawawa mamaya.

Sila ang maglalasing at ako ang magaalaga. Punyeta lang.

Wala akong choice kundi ang sumama. Bawal daw Kj. Nandito kami ngayon sa bar ni Alki at Aki ang YoungN'Wild.

Bwesit ang dalawang to, si Uelane na naman ang napagtripan. Hinanapan talaga nila ng lalaki at dinuduga sa inuman. Lagot talaga si kay Tita Lee pagnagkataon.

Ilang bucket ng inumin ang nasa table namin. Iba pa ang cocktail drinks at bottled drinks. Ako puro ako frozen mango margarita.

Masarap na libre pa.

Sila andon na yata sa dancefloor. Ako nalang mag isa sa VIP table namin. Partner partner sila habang sumasayaw. Si Aki at Dreon, Uelane at David yata yon,

Drean at kung inaakala nyong si Alki ang kasama niya

Syempre. H.I.N.D.I ASA PRE!

Drean at Aimie, Alki and Reok nasa tingin koy kanina pa pinapatay ng tingin ni Drean. Selos ka baboon?

Ako okay na ko dito, wala akong sa mood makipagbalyahan sa dancefloor. Kaya kontento nako dito sa table ko at inom ng inom.

Bwesit lang hindi ako tinatablan.

Minix ko na nga ang iniinom ko. May beer, margarita, rumcoke, long island ice tea at  martini. Nakailang baso nako pero matino parin ang utak ko.

Diputa ag tunga.

Im busy mixing with my drink when someone interrupted my alone happy time.

Jerk! Shameless jerk.

"Hi? Need company?" May lumapit saking lalaki.

I rolled my eyes skyward. Papansin. "DUH! No thanks!" Sagot ko kaagad at binalewala ko ang walang kwenta nyang presence.

Panira ng mood. Bad vibes.

"Hahaha okay." I heard him chuckles but IDGAD.

Pero hindi parin siya umalis kundi umupo pa talaga sya sa tabi ko.

Thepak! "Urrrg! Ano ba? Usog. Doon ka. Lumayo ka sakin. Masasapak kita! Ang lapad ng upuan dito ka pa sisiksik. Ang init oh! Tang ina mo!" Tinaboy ko sya pero tumawa lang ang ugok.

Bwesit to.

"Chill. Hindi kita pakikialaman. Dito muna ako sa tabi mo. Napapagod na ako sa kakahabol sakin ng babae dito. Fuck. Ang gwapo ko talaga!"

"Ay wow. Ang boastful!" Naiirita kong basag sa kahanginan nya. Lakas tol, ipo-ipo yata ang dala nito eh!

Ngumisi lang ang ugok. The hell ang pangit naman.

"Im Grae. You?" Pagpapakilala pa neto as if naman I care.

"Tsk, Duh."

Yan lang ang sagot ko. That earns a hearty laugh from him. May nakakatawa tol? Meron? Share din.

"Taray mo naman. Hindi ako masama." Sabay abot nya pa asakin ng kamay nya.  

As if namang tatanggapin ko, kung saan saan niya pa yan dinutdot di magkaka germs pa ako.

"Yeah. Kaya pala maraming namamatay." pambasag ko sa kanya.

Napailing eto at sabay sabing. "Tsk. Kaibigan ako ng kambal no. Wala akong masamang balak sa iyo. Lol lang. Sa gwapo kong to?"

"Who?" Dalawa ang kambal kong friends sino sa dalawa? Aber? Saka wala akong paki kung gwapo ka.

Ngumisi siya. "Drean at Dreon."

"Ah k." Yan lang ang sagot ko. Not interested though.

"Tsk. Nice talking ka pala." Naiinis na sabi nito siguro dahil sa katarayan ko.

Geh magsawa ka! "Sino bang pumunta dito? Duh! Hindi kita kilala at mas lalong hindi kita close. Kaya pede itikom mo yang bibig mo. Wag kang magsalita. Hindi ako intresado. Saka sinong bang lumapit? Ako? Duh? Tas kailangan pa kitang i-entertain? Abusado ka naman yata tyong!" Naasar ko ding sagot sa kanya.

Bwesit to. Leave me alone dre. Wala akong paki sa kagaguhan mo. Tsk pinilit ba kitang pumunta dito?

"Hey. Grae. Wasup bro?" Narining kong sabi ni Drean na nakalapit na pala samin ng di ko namamalayan.

"Hey man. Im good. Just hanging around." Nakangisi pangsabi neto at nagbro hug sila.

Okay wateber.

"Oh. That's nice. So magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong nito kay Grae at tumingin pa sakin.

Duh stupid din tong si Drean nato wala akong kilalang tyonggo.

Nagpalipat-lipat ng tingin samin ni Grae si Drean naghihintay ng sagot.

He just chuckled. "Hahaha. Hindi nga eh. Nakiupo lang talaga ako sa table niyo. Alam mo naman ang sakit nating mga gwapo. Nakakapagod ang mga babae dito. Pinipilahan ang kakisigan ko. Kaya nagpahinga ako at nakita ko syang mag isa so nakijoin na ako." 

So dapat maging thankful pa pala ako? Ibang klase! Matindeee!

"Hahaha. Ramdam kita pre!" Pakikisakay pa ni Drean sa kahambugan ng isang to.

Weh? Kay Alki pa nga lang wala ka na eh. Lakas ding makaembento ang dalawang to.

"So pwede mo ba akong ipakilala sa napakagandang dilag nato? Ayaw saking magsalita eh." Nakangisi pa netong tanong kay Drean sabay tingin sakin.

Duh. Ang mga linyang pang playboy.

"Dude, wag ako." Naiirita ko nalang sabi sa kanya.

Natawa naman si Drean. Alam na nyang nabwebwesit ako sa mga lalaking ang sarap ihambalos sa pader sa kahambugan.

Tumawa naman ng pagka lakas lakas ang walang hiyang Drean." Ganyan talaga yan Grae. Ayaw sa mga babaero. In short ang mga gaya mo."

"Lol. Gaya natin Drean wag kang magmalinis. Hahaha." Pangbubuska din ni Grae sa numero unong babaerong si Drean.

"Tsk. Nagbabagong buhay nako." Salungat ni Drean.

Na ikinatawa namin ni Grae. Benta pre! Galing mag joke! "Hahaha. Nananaghinip ka yata tol!" Sabay naming sabi ni Grae.

Natawa nalang kami sa naasar ng si Drean.

Nagsibalikan nadin sila Alki, Aki, Dreon, Uelane, David at Aimie. Ewan ko kung saan si Reok. Wala na kasi siya pagbalik nila sa table namin.

Umingay ulit ang table namin.

Si Alki at Akhi ba naman ang bangka ng kwentuhan. Himala talaga pag tumigil sila. Napatingin nalang ako kay Aimie na papalapit na sakin. Problema neto?

"Bakla ang gwapo ng katabi mo!" Binulong nito sabay hampas sakin. Napatingin tuloy ako ng masama sa kanya.

Bwesit to! Masakit ha! Hambalusin ko din kaya siya?

Kaya naman bago ko pa masapak sa mukha si Aimie nato. Ako na nagparaya "Oh ayan. Pagnasaan mo."

Sabay alis ko sa upuan ko at lumipat sa kabila yung malayo sa kanilang dalawa. Para may privacy, nakakahiya kasi kay Aimie.

Napatingin ako bigla ng maramdaman kung nagva-vibrate phone ko. Napakunot noo naman ako.

From Aimie: girl sure ka? Akin na to?

Keringking talaga ang babaeng to. Basta gwapo. Gora lang. Limot agad si Arjo.

Nakatingin ako ngayon kay Aimie na tila bulateng nilagyan ng asin. In short kinikilig. Chat naman ako.

To Aimie: Sure. Not interested. Iyong iyo na. Buong buo yan. Walang bawas. Gaga. Tumigil ka halatang kilig na kilig ka. Send.

Natawa naman ang baliw. Gaga eh. Ang landeee.

From Aimie: Halata ba? Hahaha cant help it. Ang gwapo girl! Malalaglag yata matris ko dito. Ang laki....

ng muscles. Masarap to bhe.

To Aimie: Malandi! Hahaha. Magpakipot ka ng very very light.

From Aimie: Thanks bebe, lablab. Sige na at hahalayin ko pa ang yummy nato.

Don na ako natawa. Bwesit, As if namang magpa- pakipot ang Aimie na yon.

I know she's so marupok!

After ilang minutes, napatingin ako sa kila Aimie at Grae na ngayon ay nagtotorrid kiss na. Yan ang pakipot ni Aimie ng very very light. Lupit talaga ng babaeng to, nakahook agad ng gwapo.

Mukhang pumapag-ibig ang grupo namin ah.

Ako lang ang wala. Nice, palakpakan!

Mga 4 a.m na yata kami nakauwi. Hinatid kami nila Drean, Dreon at Grae sila ang may kotse eh. Sila din ang walang tama, I mean kami pala.

Drean's car: Drean, Alki at Uelane

Dreon's car: Dreon, Aki at David

Grae's car:   Ako, Grae at Aimie.

Lahat sila tumba na, except saming apat. Kaya kami ang nagasikaso sa kanila. Ang galing no?

Bahala na sila Drean at Dreon sa kanila, kami naman ni Grae ang bahala sa Lasengang Aimie nato. Isang way lang kasi sila kaya dito kami sumabay.

"Oh diyan mo ihagis ang babaeng yan!" Utos ko kay Grae nong makarating kami sa condo ni Aimie.

Tsked, tsked, tsked.

Tiyak na maglulupasay to pag nalamang binuhat siya ni Grae. Nakatingin lang ako sa kanya habang maayos niyang nilapag si Aimie at kinumutan pa talaga.

Nice, mukhang may ka forever at kapornever nadin ang isang to. Lagkit makatitig eh, tumatagos.

"Oy. Tama na yan baka hindi na yan magising bukas!" Asar ko kay Grae nong tinutunaw niya ng tingin si Aimie.

He laughed. "Hahaha. Baliw, kung ano napapansin mo." Sabi niya at lumabas na kaming kwarto ni Aimie.

Bahala na siya dong maglikot. Umupo muna ako sa sofa. Pampatanggal hilo, sakit din ng ulo ko ng kunti.

Fucking tape.

Mukhang maghapon ako sa bhouse mamaya ah, naki-upo nadin si Grae. May tama na din ang isang ito.

Pero tama lang, hindi lasing na lasing.

"Shit inaantok na ako!" Sabay higa nya pa sa sofa.

Paraparaan ka boy! "Gago! Wag mo kong artehan dyan, hindi ka benta sa akin. Tumayo ka na at umalis, hindi kita papayagan matulog sa bahay ni Aimie. Gapangin mo pa yon, though kahit alam kong magpapagapang yon huwag muna ok? Next time nalang. Hala sige tayo at umuwi ka na." Pantataboy ko sa kanya sabay sapok ko sa kanya ng unan.

Para magising, matauhan.

Akala nya ha hindi ko mapapansin, Galawang hokage ka dre. Knows na knows ko yan.

Natatawang tumayo eto at nag ayos na para umalis. "Hahaha akala ko makakalusot!" Nakangisi netong sabi nong nasa may pintuan na.

"Asa dre! Hala, layas." Sinigaw ko para marinig niya.

Pagtingin ko sa may table, ang gagong yon. Tumakbo ako palabas ng condo. Ayon, pasakay na siya ng elevator.

"Grae! Grae! Graeeee!" Ang bingi naman neto sumisigaw na ako.

"Grae! Hoy Grae!" Tawag ko ulit hangang sa mapalingon siya noong malapit na ako.

"Tangina mo pre!" Hiningal ako don bwesit.

"Miss me?" Nakangisi nitong sabi sa harapan ko.

"Gago, asa ka. Oh Susi mo. Ang tanga kadi ng may ari!" Sabay tapon ko sa kanya ng car key niya naiwan sa table ni Aimie.

Miss me mo mukha mo. Ihampas ko kaya sayo tong vase nato? Ang ambisyoso eh.

"Hahaha. Just kidding but thanks, Chain!" Nakangiti nitong sabi sakin sabay taas ng susi.

"No prob. Geh ingat!" Nakangiti ko ring sagot sa kanya kahit nahihingal pa.

"Bye Chain Kitakits laters." paalam pa niya sabay kaway at pumasok na sa elevator.

Hindi na maiinit ang dugo ko sa kanya kasi gusto ko silang magkatuluyan ni Aimie. Bagay sila parehong baliw.

Bumalik na ko sa condo ni Aimie, dito nalang ako matutulog tinatamad akong umuwi.

YOUNG N' WILD

Ilang buwan na din nong magkakilala kami nila Grae sa bar at ngayon ang malanding si Aimie. Ice-celebrate daw namin ang first monthsary nila ni Grae. Kitams sila ang nagkatuluyan. Nandito ulit kami sa Young N' Wild. Kompleto ang barkada, ang dalawang kambal, Aimie, Uelane, Ako at si Grae.

Maglalasing daw ulit kami letche sila lang ang nalalasing, hindi ako.

Tawa kami ng tawa dahil si Uelane ay nagdradrama na ngayon. Kawawang bata lasing na naman. Umiiyak dahil hindi na sila nagkikita ni David.

Boys will always be boys. Mga manlolok to the deepest core.

"Mga ate at kuya ang sakit talaga. Parang nabasag yata ang puso ko. Grabee Isang lingo palang nong binasted ko siya pero meron na siyang ibang girlfriend." *Insert different curses here. ANG LUTONG PRE!

"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Hindi pa nga pwedeng may manligaw eh. Maghahanap agad kayo ng bago. Mga letche kayo, mga walang puso. Hindi ba kayo marunong maghintay?" Atungal niya pa sa harap namin.

Oh dabest to.

Isa isang tinuro ni Uelane si Drean, Dreon at Grae. "Ikaw? Ikaw? Ikaw? Ganyan ba talaga kayo? Hindi kayo marunong maghintay? May pamalit agad kayo? O madami agad kami, para pag pumalya ang isa meron na agad kayong reserba?" Puno ng damdaming usal niya at umiiyak na talaga.

Kawawang bata to, na brokenhearted nadamay tuloy ang tatlong nananahimik lang. Kanya-kanya naman silang ehem at sipol sabay iwas tingin.

Siguradong guilty ang mga baboon. Sapol silang lahat.

Kaya namam nakisali na agad ang numero unong bitter na si Alki. "Oh kayong mga lalaki wala kayong sasabihin? Ipaglaban niyo ang sarili nyo. Magpaliwanag kayo diyan naman kayo magaling, ang paikutin kaming mga babae." Nangigigil niyang usal sa mga lalaki.

Ilang beses namang napalunok si Drean halatang uneasy siya. Nabullseye yata ni Alki. Tragis! Ang saya nito.

"Oy. Wag mambintang Alk, si Drean lang ang nanloko sayo. Huwag mo kaming idamay." Defensive namang sagot ni Dreon na tinuro pa talaga.

Si Drean naman masama nang nakatingin sa huli.

Gago talaga ang magkambal nato. Lupit mag asaran, sagad.

Namukhang ise-second the motion pa ni Grae. "Oo nga Alki, si Drean lang talaga ang manloloko samin. Ako kasi loyal ako kay Aimie, diba baby? Im all yours." Sabay kindat at kiss niya pa sa malanding si Aimie sa cheeks.

Ay ang harot.

"At pinagtulungan niyo pa talaga ako, salamat ha!" Naiinis na sabi ni Drean na hindi makasagot kay Alki.

Guilty nga.

"Welcome bro!" Nakangisi pang sagot dito ni Dreon at Grae na mas ikinainis pa lalo ni Drean.

Alam nya kasing babanatan na naman siya ng maanghang na salita ni Alki.

Kaya umandar na ang bitter-meter ni Alki ng hindi sumagot si Drean sa tanong nito.

Ayan na ang simula. Hmmm, interesting.

Nag-deep breath si Alki. "Hay alam mo Uelane dapat kasi hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ng lalaki. Ganyan talaga sila, sa umpisa lang magaling, sa umpisa lang sweet, sa umpisa lang nag eeffort at sa umpisa kalang mahalaga." Nagpause pa siya at tila nagiisip ng susunod na sasabihin.

Sige lang Alki ipagdiinan mo pa mukhang may tatamaan na oh. Napapailing na nagpatuloy ito na tila may naalalang hindi maganda.

She patted Uelane's sympathetically. "Tsk, pero pag nawalan ka ng kwenta at pag may nahanap na siyang iba, etsapwera na. Hay, Kinalimutan ka na pala, iiwasan na parang hindi siya nageffort na mapansin mo noong una. Iiwanan na parang basahan pagkatapos niyang gamitin, ay pababayaan lang na naka-hang, naguguluhan at nag iisa."

Umiling-iling ito. "Ganyan sila, bhe. Pagkailangan babalikan ka pero pag wala na, aalis na naman. Masanay kana, masakit lang yan sa una pero pagpaulit ulit na, masasanay karin, magiging madhid na ang puso mo. Magsasawa karing intindihin siya, mawawalan ka rin ng dahilan para ipaglaban siya at mapapagod ka na ring mahalin siya."

Haluh ang sakit naman netooo tagos hanggang soul.

So she continued. "Nakakapagod talaga kasi ikaw lang ang nageeffort masalba ang relasyon nyo, habang siya sinukuan ka na. Dyan lang naman talaga sila magaling, ang mangiwan. Sila etong manliligaw sayo, pagkatapos kang pahulugin bigla ka nalang iiwanan. Hay, kaya wag ka talagang magpapaloko sa mga lalaki. Pinanganak na silang ganyan, mga manloloko, mga sinungaling."

Nangigil na pahayag nito na tila may pinanghuhugutan talaga. Nanahimik naman ang tatlong lalaki sa mesa.

"Kaya Uelane, makininig ka sakin ha?" Sabay tapik pà sa pisngi ni Uelane

"Charge to experienced to, proven and tested na. Masakit siya sagad, it lingers matagal bago mawala, kaya habang maaga pa ikaw nalang ang umiwas, kasi sa huli ikaw lang naman ang nasasaktan, siya kasi wala na sayong pakialam, wala ka na namang worth para sa ķanya kaya bakit ka pa niya ipaglalaban? Bakit kapa niya pagta- tiyagaan? Tsss!"

Nanahimik kaming lahat sa outburst ni Alki kahit si Uelane natigil sa pagaatungal na loading yata sa lalim ng pinang huhugutan ni Alki. Si Drean naman namutla at biglang tumayo at umalis. Leaving us awkwardly staring at each other.

Apektado, sigurado.

Napa'tsked' nalang si Alki. Ang lalim siguro ng sugat na iniwan ni Drean kay Alki kasi hanggang ngayon hindi pa rin sya magaling, hindi makamove-on at nasasaktan pa rin.

Kahit siguro tahiin tong sugat ni Alki mag iiwan parin ng marka, sa sobrang deep ng sugat mag kakascar parin. Hay. Ano ba kasing nangyari sa kanila ni Drean?  Hindi nya kasi na i share it or nabluetooth.

Hindi tuloy kami makarelate. 

Napapugpog naman ng table si Aki. "Huwow Twin, paki ulit nga yong hugot mo sa life. Pang-fb worthy yun, palong palo, sapol na sapol. May ganyan ka palang pinagdadaanan ha? Ma i-post nga yung hugot andaming tatamaan nito, panigurado. Ayon na nga yong nauna, nakalabas na." Pambasag ni Aki sa awkward atmosphere sa table.

Sabay pindot pa nito ng phone.

Sinapok sya ni Alki "Gaga. Lagyan mo ng credits yan babakyain kita pagwala!" Nakatawa ding sagot ni Alki na parang wala lang sa kanya na nag walk out si Drean.

Nawala na yung bad vibes sa table namin at balik na ulit sa normal nilang katauhan ang barkada ko.

Mga baliw na ulit.

"Ook.k.k.k oh itaas niyo na ang mga baso at bote niyo mga Repapeps! Magto-toast tayo para kay Uelane na magmomove-on na daw kay David." Nagsitayuan kaming lahat at clinick ang mga baso at bote namin.

"Cheers!"  we said in unison.

"Cheers din dahil 1 month na kami ni Grae, Ayiee. Congrat niyo kami dali." Natatawa nalang kaming nag  cheers dahil parang kilig na kilig si Aimie sa pagkakasabi non.

Ang harot harot talaga.

"At higit sa lahat ipagbunyi ang kabitteran ni Alki at ang pag walk out ng guilting si Drean. ANG DALAWANG TAONG hindi nakamove-on sa nakaraan!"

We bursted out in loud laughs. "Bwahahahaha"  kaming lahat, gaga talaga tong si Aimie na to lakas mangtrip.

"CHEERS!" HIYAW NAMING LAHAT at sabay sabay na tumawa, malala na talaga ang topak namin.

At dahil may kanya-kanya silang pinagdadaanan sa buhay. Kanya kanya din kaming tagay! Huh, iinom nalang natin yan. Pampatanggal stress, hay buhay ang gulo talaga.

Mabuti pa ako pera lang ang problema ko.

Eh sila? Problema na nga sa kong papano mababawasan ang pera nila dadag-dagan pa ng mga lalaking nagbibigay ng sakit ng ulo at panggulo sa buhay nila.

Napakunotnoo nalang ako noong may napansin akong pamilyar na mukha sa may gilid ng bar at bigla ring nawala sa paningin ko.

Why is he here? Teka, siya ba yon or Guni-guni ko lang yon? Pero impossible.

Napailing nalang ako, lasing na talaga yata ako kung anu-anong multo ng nakaraan ang nakikita ko.

Punyeta langs.

******