Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 26 - Examination Day

Chapter 26 - Examination Day

Cedric's POV

Nagising ako kinabukasan na medyo nananakit ang aking leeg. Paano ba naman kasi, nakatulog ako sa aking study table kakaaral ng mabuti halos buong magdamag. Alam ko namang hindi ako gano'n katalino kaya kahit papaano ay pinipilit ko ang sarili kong mag aral.

Magpapanic na sana ako no'ng pagkaturn on sa'king phone screen ay nakita kong alas sais pasado na, pero agad din akong nakahinga ng maluwag ng makita kong nagchat sa gc namin si Mr. Cruz saying mauurong sa susunod na araw ang aming exam sa kanya.

"Phew. Buti naman kung gano'n." nasabi ko sa'king sarili.

Naisip ko sanang umidlip muna since may tatlong oras pa akong natitira bago ang exam ko sa aking second class. Pero no'ng pinilit ko ulit matulog, ayun nawala na talaga ang aking antok.

Kaya sa halip na tumunganga lang sa kwarto sa buong tatlong oras na bakante ako, nagpunta na lang ako ng banyo at nagshower. Then after maligo, agad na akong nagbihis sa aking uniporme, kumain ng breakfast- na pinadeliver ko online- at nagdecide na magtungong library para ipagpatuloy ang naudlot kong pag-aaral kanina.

***

"Good morning Cedric."

Bahagya pa akong nagulat ng madatnan ko sina Kylie and Mitch na kasalukuyan din palang nag-aaral sa library.

"Good morning sa inyong dalawa."

Agad na akong umupo sa tabi ni Kylie at nagsimula na ring buklatin ang dala kong textbook

For the next few hours, tahimik lang kaming tatlo habang kanya-kanya kaming basa ng aming mga textbook. As for me, since science na ang susunod kong kaklase after nito, science textbook din ang aking binabasa sa ngayon.

After ilang oras na pagbabasa, napagdesisyon kong ilayo muna ang textbook sa aking harapan and take my time to breathe. Masyado ko nang ini-stress ang sarili ko sa pag-aaral.

"Hindi ka ba nakatulog kagabi Cedric?" biglang natanong sa'kin ni Kylie kaya napagawi ang aking tingin sa kanya.

"Nakatulog naman, pero iilang oras lang. Nakatulog ako kagabi sa aking study table, hehe." nahihiya ko pang sabi sabay rub sa aking batok.

"Naku, masama rin ang magpuyat before the exam..." Naku po, naturn on na naman ang pagiging ate- o nanay- ni Kylie.

"Dapat magbasa ka ng iyong notes hanggang 9-10pm, then get a good night rest. Magset ka ng alarm sa alas-kwatro o alas-singko ng umaga tapos saka mo reviewhin ang mga nabasa mong notes kagabi ng sa gano'n ay magretain sa iyong utak ang iyong pinag-aralan."

Natulala na lang ako rito sa kaibigan ko ritong nagsasalita habang nakikinig ako sa kanyang payo. Minsan nagpapasalamat din ako na nagkaroon ako ng isang kaibigang gaya niya, andami ko nang natututunan sa buhay.

"Ahh gano'n pala dapat 'yon?" pabiro namang sabi ni Mitch which earned him a smack on his shoulder.

"Yan kasi puro ka games. Mobile legends pa." saway naman ni Kylie sa kanya.

"Ha? Hindi kaya ako naglaro-"

"Wag ka ng magdeny. Kita kaya kitang nagpost ng winstreak mo sa facebook. Deny pa eh."

"Eto naman. Sa susunod iha-hide ko na mga posts ko sa'yo."

Napailing na lang ako habang nakikinig sa kanilang usapan. Well, kung tutuusin, matalino na si Mitch kaya siguro sisiw na sa kanila ni Kylie ang mga exams. Sana I was born smart also like them.

"Maiba ako..." Napagawi ulit ang tingin namin kay Kylie no'ng bigla ulit sumeryeso ang tono ng pananalita niya.

"Ano kaya sa tingin ninyo ang magiging exam natin kay Mr. Cruz ano?"

Doon lang ako natigilan sa kanyang tanong. Oo nga noh, wala siyang binigay na kahit anong pointers, kaya medyo nakakakaba sa parte ko kung ano ang magiging exam namin sa kanya.

Hindi kaya... it has something to do with using properties?

Naku, 'pag nagkataon, tiyak bagsak na agad ako sa exam. Tas naiimagine ko na ang bwisit na pagmumukha ng Warren na iyon as he laughed his ass of sa aking harapan habang lumalayas sa section na ito.

Well, as much as I don't want to leave this section since napamahal na ako rito, lalo na sa dalawang kasama ko ngayon, pero kung makakakuha ako ng mababang marka ay baka posible ngang mangyari iyon.

"Hindi kaya mai-involved ang properties natin sa magiging exam niya bukas?" natanong ni Mitch ang siyang bumabagabag sa utak ko ngayon.

At dahil doon ay bigla silang napatingin sa aking direksyon.

"Naku, kung nag-aalala kayo sa akin... okay lang ako guys." I gave them a reassuring smile para tantanan na nila ako sa kanilang pag-aalala. "Kakayanin ko ito."

"Ipagdadasal kita bro." sambit ni Mitch.

"Sira ka talaga." Napailing na lang ako sa kanyang sinabi.

And with that ay bumalik na agad kami sa aming pag-re-review hanggang sa matapos na rin sa wakas ang aming two-hour break.

***

Pumasok ako ng classroom ko sa aking regular classes na medyo mabigat ang pakiramdam. Geez, tama nga naman si Kylie. hindi na dapat ako nagpuyat kakaaral kagabi eh. Ito tuloy, mukhang magkaka-migraine pa ako.

Pagkapasok ko ng classroom ay agad akong binati ng isang creepy na ngiti mula sa aking former adviser at science teacher naming si Ms. Santos. I gave her a quick, awkward smile saka nagmadaling pumunta sa aking silya. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na nagiging mabait siya sa akin.

Matapos maibigay ang aming test paper, agad ko namang sinagutan ang ibinigay sa aking papel. Well, kahit na papaano, masasabi kong paid off din ang aking pagpupuyat kagabi dahil marami namang nagretain sa mga pinag-aralan ko. Luckily for me, halos lahat ng nabasa ko sa notes ay lumabas sa exam namin ngayon.

Pangit-ngiti pa ako habang sinasagutan ko ang aming exam.

No'ng napatigil ako sa pagsusulat para mag-isip sa isasagot ko sa ika-dalawampu't limang tanong, wala sa sariling napagawi ang aking tingin sa aking kanan para mag-isip ng aking isasagot.

Pero natulala ako ng bahagya ng makita ko ang dalawang lalaki kong kaklase na nagpapalitan sagot sa kani-kanilang mga mesa. No'ng mapatingin sa akin ang isa sa kanila, 'yung mukhang bad boy sa ayos ng kanyang buhok na halatang pina-dye lang para magkulay ash brown na ginulo ng onti, nagtaas ito ng kanyang hintuturo papunta sa kanyang bibig at sinenyasan akong tumahimik at 'wag magsumbong.

Then mula sa kanyang bibig, napunta ang kanyang kamay sa kanyang leeg at umaktong nilalaslas niya ito, indicating naman kapag nagsumbong ako ay malalagot ako sa kanila.

Whew, tinatakot niya ba ako?

"Mr. Magbanua, is there something wrong?" I snapped out of my thoughts at napatingin dito kay Ms. Santos.

"W-wala po." sabi ko habang nakasulyap sa kaklase kong sumesenyas pa rin na malalagot ako kapag nagsumbong ako sa guro.

Sinubukan ko na lang ipagsawalang-bahala ang aking nakita at nagpatuloy na lang sa pagsagot ng aking test paper.

Makalipas ang ilang minutong pagsagot ay sa wakas natapos na rin ako. No'ng akmang magpapasa na sana ako ay hindi ko maiwasang mapagawi muli ang aking tingin sa aking kanan at nakikita pa rin ang dalawa kong kaklase na nagkokopyahan.

Pero napakunot naman ang noo ko ng makita kong may kinokopyahan pala silang key answers galing sa isang pirasong bondpaper.

Hindi ako 'yung tipong basta-basta na lang nang-aakusa, pero walang duda na 'yang key answers na 'yan ay nakaw galing sa faculty office ng eskwelahan.

Gathering my courage altogether, napatayo na ako mula sa aking silya at napagdesisyon ko nang ipasa ang aking test paper.

"Ang aga mo natapos ngayon Mr. Magbanua. Good job. You may get your bag and leave the room." pagpuna ni Ms. Santos pero ipinagsawalang-bahala ko lamang ito at dumiretso na sa punto kung bakit din ako naparito.

"Ms. Santos..." tawag ko sa isang napakahinang boses. "... sa tingin ko po hawak no'ng dalawang lalaki kong kaklase sa likod sa may kanan ang answer sheets na napabalitaang nawawala no'ng nakaraang araw. Pakicheck na lang po."

Dahil sa aking sinabi, biglang sumeryoso ang mukha ng aking former adviser habang nagtiim ang kanyang mga bagang at nagsalubong ang kanyang mga kilay. No'ng bumalik na ulit ako sa aking silya para kunin ang aking bag, saktong tinawag ang dalawang lalaking estudyanteng isinumbong ko.

My face became tensed ng nakita kong nagbanta na ang dalawang estudyante na iyon gamit ang kanilang nakakahindik na mga tingin. Pero I chose to ignore it at dali-dali na akong lumabas ng classroom na iyon.

Sinubukan kong iwinaksi ang pangyayaring iyon sa aking isipan at nagconcentrate para sa susunod kong exam mga isang oras mula ngayon. Napagpasyahan ko namang maghintay sa regular library malapit lang dito at magbuklat ng textbook ko sa History.

***

*Riiiiiinnnnngggg*

Parang lifesaver kung maituturing ang aming school bell ngayon dahil hudyat na iyon ng pagtatapos ng aming exam para sa araw na ito. Hanggang bukas na lang ito at mayroon na lamang akong tatlong subject na poproblemahin.

Pagkapasa ko ng aking test paper sa aking history teacher ay agad naman akong lumabas ng room. Inilabas ko pa ang aking phone ng madama kong nagvibrate ito mula sa bulsa ng aking uniporme.

Kita kong napatanong ang mayabang na si Warren sa gc namin tungkol sa magiging pointers namin sa exam.

'Just be prepared.' -Ang tanging naisagot lamang ni Mr. Cruz.

Hindi ko ba alam kung matatawa ako or maiinis sa isinagot ng aming adviser. Anyway, itinago ko na itong muli sa aking bulsa at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aming dormitoryo.

Kakalabas ko lang ng General Student Learning building at tinatawid ko na itong kahabaan ng hallway papunta sa dorm building para sa Alpha Sections ng bigla kong maramdaman na biglang may humatak sa akin mula sa'king likuran.

Pagkalingon ko para malaman kung sino, hindi na ako nagulat pa no'ng muli ko na namang makita ang dalawa kong kaklase kanina na isinumbong ko kay Ms. Santos.

"A-ano'ng kailangan niyo sa akin?" medyo natataranta kong tanong.

"Basta, sumama ka na lang ng matiwasay sa'min." sabi no'ng mukhang badboy.

"At subukan mong sumigaw, baka mas lalala pa ang leksyon na ibibigay namin sa'yo." sabi naman ng kanyang kasama.

Mas lalong humigipit ang hawak sa'kin ng dalawa habang kinakaladkad nila ako papunta sa kung saan. Kahit gusto ko man makawala, hindi ko naman magawa dahil na rin sa panghihinang nadarama ko dulot ng pagpupuyat ko kagabi.

Kinalaunan, nakita ko na lang aking sarili na itinatapon papasok sa isang abandonadong kwarto na parang isang basura. Walang napapagawi na estudyante rito sa parteng ito ng school kaya imposibleng may mahihingan ako ng tulong.

"Akala mo ba hindi namin malalaman na ikaw ang nagsumbong sa'ming g*go ka!" nanggigil na turan no'ng isa sabay sipa sa'kin sa may sikmura ko habang hindi pa rin ako nakakabangon mula sa pagkakahagis nila sa'kin kanina dahilan para mapahiga ako sa sakit.

"Kaya mo ba kami sinumbong kasi takot kang malamang ka namin ha?!" 'yung kasama niya naman ang sumunod na sumipa sa may tagiliran ko.

Itinayo naman ako ng kaibigan niyang mukhang badboy gamit ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking kwelyo.

"Palibhasa kasi isa ka ng Alpha Student kaya hindi mo na kailangang maghirap gaya namin!" Hindi rin siya nakapagpigil at pinaulanan ako ng isang malakas na suntok sa'king kanang panga, dahilan para pumutok at dumugo agad ang dulo ng aking labi.

"Wala nang ibang ginawa ang mga katulad niyo kundi ang maliitin kami at ipamukha sa amin kung gaano kayo ka-superior sa lahat ng bagay! Dahil sa inyo kaya nagiging miserable ang buhay namin rito!" Umani pa ako ng isa pang suntok sa kabilang panga naman.

Napangiwi ako sa sakit na nadarama ko ngayon. Medyo nandidilim na rin ang aking paningin dahil mas lalo lang akong nanghihina dahil sa ginagawa nila sa'kin ngayon. Papikit-pikit na ako no'ng makita ko ang isa pang kamao na nakaabang na ipatama sa'king mukha any minute from now.

"Ang mga katulad niyo ay salot lamang sa eskwelahang ito. Narinig mo ako? HA? MGA SALOT KAYO SA ESKWELAHANG ITO!"

Kita ko namang iginalaw na niya ang kanyang kanang kamao at balak na akong patamaan no'n. Kapag iyon tumama sa akin, sigurado akong mawawalan na agad ako ng malay.

Bago pa iyon mangyari, out of instinct ay nagawa ko itong pigilan gamit ang isa kong kamay at hinawakan siya ng kayhigpit.

"Itigil niyo na ang kahibangang ito!" paasik kong sabi. Para namang nanigas ang kanyang kamao dahil literal siyang tumigil sa paggalaw.

"Kung tingin niyo sa amin ay salot , ano na lang kayo?" Isa-isa ko silang tiningnan ng matalim.

"At walang magagawa 'yang paninisi ninyo sa amin dahil lamang sa miserable ang mga buhay ninyo. Mas mabuti na lang na..." Bahagya muna akong napatigil sa pagsasalita at hinabol muna ang aking hininga.

"... tumalon kayo sa pinakamataas na building! Magpakamatay na lang kayo, gano'n, tutal tamad din naman kayong mag-isip ng mga paraan upang iangat ninyo ang inyong mga sarili mula sa inyong pagkakalugmok at panay kayo sisi sa ibang tao!"

Matapos kong masabi ang mga bagay na iyon, doon lang nila ako binitawan at tulalang nakatingin sa'kin...marahil ay napag-isip-isip din nila ang mga bagay na sinabi ko.

And without uttering a word ay bigla nila akong iniwan at sabay na silang naglakad paalis hanggang sa mawala na sila ng tuluyan. O...kay? I guess mabuti na rin na iniwan na nila ako para makabalik na ako sa aking dorm ng matiwasay.

***

Kakabalik ko lang ng dorm room ng saktong makita ko si Mitch na papasok rin sa kanyang kwarto. Nag-iba ang ekspresyon sa kanyang mukha matapos makita ang mga galos ko sa mukha at ang nagdurugo kong labi.

"Ano'ng nangyari sa'yo?!" nag-aalala niyang tanong.

"Ah eh, wala ito. Napaaway lang...dahil...err...may binabastos na babae. Pinagtanggol ko lang." pagsisinungaling ko. "Sige pasok na ako dahil lilinisin ko pa mga sugat ko."

Saktong naunlock ko na ang pinto ng aking dorm room ng bigla ko ulit maramdamang nagvibrate ang aking phone. Sabay pa talaga kami nitong si Mitch sa pagswipe ng aming phone at nakita ko namang may chinat ang maarte kong kaklase.

'OMG, did you hear that news guys? ...'

"...may dalawang estudyante ang sabay na tumalon mula sa tuktok ng admin building na ikinamatay nila agad pagkasugod sa kanila sa hospital." Rinig ko namang binasa ni Mitch ang karugtong na chat ni Sasha.

Tila nagtiim ang aking bagang at nanigas ako sa aking kinaroroonan habang nakatulala pa rin akong nakatingin sa aking phone with my eyes wide open. Nanlalamig ako na ewan dahil sa nabasa kong chat message sa aming group chat.

No. Freaking. Way...

---

PLEASE READ AUTHOR'S NOTES GUYS. THANKS <3