Cedric's POV
Kinabukasan, nagising ako ng sobrang sabog ang aking itsura. Wala akong masyadong tulog habang binabagabag ako ng aking konsensya tungkol pa rin sa nangyari sa dalawang estudyanteng nagpakamatay sa ibabaw ng admin building.
Habang nakahiga pa rin ako sa aking kama, wala sa sarili akong napatingin ako ng 'di oras sa magkabila kong kamay.
Totoo nga bang...ako ang may gawa no'n?
Ano ba talaga ang abilidad na meron ako?!
***
Kinalaunan, napagpasyahan ko na ring maghanda para sa mga upcoming exams ko na hindi pa natapos kahapon. Nakatulala lang ako sa aking mga test papers, tila nabablangko ang aking utak kahit na pinagsumikapan ko namang aralin ang lahat ng ito.
Ahh, ano ba Cedric! Maghulos-dili ka nga riyan! May exams ka pang poproblemahin! You can't afford to distract yourself!
Throughout the entire day, pinilit kong magfocus sa pagsagot sa aking mga exams, at iniiwasang mapagawi ang aking tingin tungo sa ngayo'y mga bakanteng upuan no'ng dalawang estudyanteng isinumbong ko kahapon kay Ms. Santos.
No'ng sumapit na rin sa wakas ang aming break, nakita kong nagchat sa akin si Kylie na samahan silang magmeryenda ngayon sa cafeteria. And with that, agad din akong dumiretso doon after my exams para makipagkita sa kanila ni Mitch.
"Hey? Are you okay?" pambungad na tanong agad ni Kylie no'ng makita niya ang aking balisang itsura.
"Yeah--" I plastered a fake reassuring smile on my face. "--I'm fine."
Sinimulan ko na rin kainin 'yung meryenda na inabot sa akin ng cafeteria staff, pero kahit ano'ng gawin kong paglimot ay sadyang hindi ko magawa. Mas malala pa ito kesa sa breakup eh, not that nagka gf na'ko sa buong buhay ko or what.
"May bumabagabag talaga sa'yo eh. I can sense it." Hindi pa rin pala ako tinantanan ni Kylie at nakatingin pa rin siya sa'kin. "Come on now, spill it."
Even Mitch looked at me with a worried look on his face.
"Mamaya. This is not a good place to talk about it." I replied, which made them even more confused but chose to remain silent.
After no'n ay pinilit naming magkaroon ng isang matiwasay na meryenda.
***
"You did what?!"
Sabi na nga ba eh magpapaka-hysterical itong si Kylie matapos kong maikwento sa kanila ni Mitch ang tungkol sa nangyari sa akin kahapon. Present pa rin ang mga pasa na natamo ko mula sa dalawang iyon sa aking mukha kaya agad nila akong pinaniwalaan.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng library para sa aming Alpha Students. Since wala namang masyadong namamalagi rito, ay dito ko na rin napagpasyahang sabihin sa mga kaibigan ko ang natuklasan ko kahapon.
"Keep your voice down Kylie. Maya niyan may makarinig sa iyo eh." saway naman ni Mitch sa kanya. Nag-sorry naman agad itong kaibigan namin sa inasal niya kanina.
"I was just...shocked... to know you have that great property within you." saad naman ng dalaga.
"The problem is, I can't confirm it yet what it is called, or if what happened on those two students is a just a mere coincidence only," I stated.
And with that, tinalikuran kami bigla ni Kylie at agad na nagtungo sa shelf kung saan nakalagay ang mga libro na naglalaman ng mga topiko about our properties. Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang kada libro, hanggang sa ang kanyang hintuturo ay tumigil sa isang libro na may itim na pabalat.
Agad niyang hinila ang naturang libro na may pamagat na All About Lethal Properties written in bold, embossed letters.
"I believe na dito natin malalaman ang tungkol sa iyong property, Cedric." saad niya makalipas ang ilang segundong pananahimik.
Nanahimik pa rin ako hanggang sa binuklat niya ang naturang libro at nagsimula ng magscan ng pages.
Lethal? So that only means na posible ngang under doon ang aking itinatagong kakayahan?
"Here it is!" masayang tugon ni Kylie no'ng nahanap niya na rin ang kanyang hinahanap na paksa.
Sa tuktok ng pahina na ito ay may nakalagay na pamagat: Mind Control
"Cedric, maaaring hindi mo pa ito napagtatanto sa iyong sarili ngayon--" Ang isang kamay ni Kylie ay biglang napahawak sa kaliwang bahagi ng aking balikat bago muling magpatuloy sa kanyang sasabihin.
"--pero tinataglay mo kasalukuyan ang isa sa kino-consider na pinaka-rare at pinaka-delikadong ability that an Alpha can possess. At ito nga iyon, the property to control people's minds."
Napasinghap ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalalaman ngayon. Surely, wala na nga sigurong ibang rason kung bakit nga iyon nangyari sa dalawang estudyante kahapon kundi ito lamang.
"Sabi rito, a person can use this property either by touching any parts of their body and feel their pulse or simply by looking at them straight in their eyes. By doing so, that person who is touched will be subject to the will of that alpha with a mind-controlling ability." pagbasa naman ni Mitch sa isang bahagi ng naturang pahina ng libro.
Kung naalala ko ng mabuti, nahawakan ko ang isa sa mga nanggulpi sa akin kahapon while ang isa naman ay natingnan ko ng diretso sa mata, saka sila biglang mga robot na umalis sa gusaling iyon.
Nagsimula ring manumbalik sa akin ang lahat ng mga pagkakataon na maaaring nagamit ko ang kakayahan kong ito. Simula sa sinalba ko si Elise mula sa kanyang mga bullies, 'yung pagsigaw ko sa dati kong bestfriend na layuan niya na ako, 'yung pagpilit ko kay Kylie na alalahanin 'yung mga nangyari sa science lab dati, at 'yung pinilit ko rin si Mr. Cruz na sabihin sa akin kung ano nga ba ang ginagawa ng mama ni Kylie no'ng nakaraang family day celebration.
All of those things that happened, is it a product of my hidden ability?
Matapos mabasa ni Mitch ang naturang bahagi, sabay silang napatingin sa akin na may nakaukit na pagka-curious sa kanilan mga mukha.
"Tingnan nga natin Cedric kung ito nga ba talaga ang iyong property." tilang naeexcite pang turan ni Kylie. Ang weird naman, hindi ba siya natatakot sa maaari kong gawin sa kanya?
"Paano niyo naman iyon gagawin?" nagtataka ko namang sabi.
"Hmm, like uutusan mo ako ngayon. Basta 'wag mo lang akong pagsayawin ha, or utusan ng kahit anumang delikadong bagay." wika ng dalaga.
No'ng una, nag-aalangan pa ako kung gagawin ko ba ang hinihiling niya. Pero kung gusto ko nga malaman kung ano ang tunay kong kakayahan, ito lang ang tangi kong alam na paraan para magawa ko nga iyon.
"Sige na nga, payag na ako. Basta dito lang sa loob ng library natin ito gagawin." pagpayag ko na rin sa wakas.
Sa pagpayag ko ay tila nagbunyi naman ang dalawang siraulo kong mga kaibigan, at sinimulan na nga namin ang aming maikling pagsasanay...
***
Third Person's POV
"Sir, have you heard the news about two students who were instantly killed after jumping off from our admin building?"
Mr. Cruz, the Alpha Section's adviser, came in the school director's office bitbit and naturang balita na halos gumimbal sa buong eskwelahan ng Eastwood High.
"Of course. I have eyes and ears everywhere." replied the school director while smirking in front of the teacher.
"Do you think it might be that kid's ability who made those two did that thing?"
Hindi muna agad nakasagot ang director sa itinanong ng guro, bagkus ay napahimas muna siya sa kanyang balbas at tila'y may malalim itong iniisip.
Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan na rin nitong magsalita na may nakaukit na misteryosong ngiti sa mga labi nito.
"What did I tell you last time William? That lad has something stored in his sleeves" wika nito sabay banggit sa unang pangalan ng naturang guro.
"At last, his hidden ability has been awakened."
---
PLEASE READ AUTHOR NOTES. THANKS.