Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 28 - A Gift Or A Curse

Chapter 28 - A Gift Or A Curse

Cedric's POV

Nasa library pa rin kami nina Mitch at Kylie, na pareho akong pinipilit ngayon na gamitin ang aking kakayahan. Siyempre no'ng una, ayaw ko, since hindi pa naman kumpirmado kung ako nga ba talaga ang may kasalanan sa pagkamatay sa dalawang estudyante na iyon, pero sa huli ay napagdesisyunan ko na rin na sundin ang suhestyon nilang dalawa.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko, 'di ba?

"Utusan mo si Kylie na sumayaw." Nagulat naman ako no'ng biglang lumapit sa'kin si Mitch at bumulong malapit sa tenga ko. I just looked at him in disbelief.

"Sige na." pag-udyok niya pa lalo. Ito talagang lalaking ito oh, dinadamay ako sa kanyang kalokohan.

Well, pasensyahan na Kylie...

Hinawakan ko na ang palapulsuhan ng babaeng nakatayo sa harapan ko, na ngayo'y nakapikit ang kanyang mga mata.

"Sumayaw ka ngayon sa harapan namin." utos ko. What the heck ang mga pinaggagawa ko ngayon.

Nagsimula namang humagalpak sa tawa si Mitch no'ng nagsimula nang sumayaw ng mala-hiphop dance si Kylie sa'ming harapan. Pero...woah, may talent naman siya sa pagsasayaw eh. Siraulo lang talaga itong lalaking katabi ko ngayon.

"Okay huminto ka na." Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata habang sinasabi ito, na siyang malugod niya namang sinunod. Napangisi lang ako no'ng tumingin ito sa akin ng matalim tas ang nalipat naman ang tingin niya sa aking katabi, and there was a smirk formed on the corner of her lips.

Lumapit si Kylie sa akin at bumulong din sa kabilang tenga ko. "Ipag-moonwalk mo 'yang si Mitch." suhestyon niya.

Siyempre, para maging fair para sa kanilang dalawa, sinunod ko rin ang utos niya. Nagbabadya na akong hawakan ang kamay ni Mitch no'ng bigla niya itong inilayo.

"Teka, ano ba 'yang inutos niya ha?" tila kabado niya pang tanong.

"Basta, akin na 'yang kamay ko." Hindi ko naman sinasadyang utusan siya na agad niya ring sinunod. Pagkalapit ng kanyang kamay ay agad kong ibinigay ang utos ni Kylie.

"Mag-moonwalk ka sa harapan namin." utos ko na siya naman niyang sinunod.

Humagalpak din ng tawa itong si Kylie pagkakita niya kay Mitch na sinunod ang utos ko. Phew, buti na lang talaga at walang librarian na nakabantay dito, or else lahat kami ay malalagot sa aming kinatatayuan.

Makalipas ang ilang segundo ay pinatigil ko na rin si Mitch sa kanyang ginagawa, pero si Kylie ay hindi pa rin nahimasmasan sa kanyang pagtawa.

"Grabe Kylie, tawang-tawa ka talaga riyan ha." pagpuna naman ni Mitch. Sa puntong ito ay tumigil na rin siya sa kakatawa at tumikhim muna bago sumagot.

"Siyempre, pwede mo ng palitan si Michael Jackson." biro niya. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa.

Pero agad ding nawala ang kasayahan ko no'ng mapagtanto ko na rin sa wakas kung ano ang tunay kong kakayahan. Hindi pa rin ako mapakali sa trahedyang nangyari dahil sa akin... Ni hindi ko nga malaman kung isa ba itong gift na ipinagkaloob sa'kin...

.... or isa ba itong curse.

"Ngayong alam na natin ang iyong kakayahan, ano na ang plano mo ngayon? Well, kailangan malaman ng adviser natin ang tungkol rito. I'm sure matutuwa iyon." Pagbasag ni Kylie sa saglit na namuong katahimikan.

"Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito." Agaran kong sabat sa kanya. "Or kahit sinumang kaklase natin sa ngayon."

"Bakit naman?" kunot-noong tanong naman ni Mitch. "Mayroon kang sobrang cool na kakayahan. Bakit ayaw mong ipagmayabang... lalo na do'n sa Warren na iyon?"

Agad akong napailing no'ng marinig ko ang pangalan ng epal na iyon. Yeah right, gusto ko ngang ipamukha sa kanya na nadiskubre ko na ang aking kakayahan, pero may tamang panahon para diyan.

"Basta..." Ang mga mata ko'y parang nangungusap habang nakatingin ako sa kanila ng mataimtim. "Sana ay ilihim niyo lang muna ito sa mga kasamahan natin."

Hindi ko masabi-sabi sa kanila ang dahilan ko kung bakit gusto ko muna ilihim sa iba, sa kadahilanang alam kong binura ang kanilang mga alaala.

Gayumpanan, habang wala pang nakakaalam ng aking sikreto ay palihim muna akong kikilos para malaman ang mga katotohanang pilit na ikinukubl ng eskwelahang ito.

"Well, speaking of our adviser..." biglang sabi ni Kylie habang nakatingin ito sa kanyang phone screen. "...nag-message siya sa'ting group chat, saying na mamayang gabi raw ang ating Spcial Exam?!"

Halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nabasa, pati nga kami ni Mitch dito ay nagtaka rin. I mean, sino ba ang magpapa-special exam sa kanyang mga estudyante ng dis oras ng gabi?

***

No'ng sumapit na nga ang gabi, pinakiusapan kami ni Mr. Cruz na kung maaari ay magkikita kita kaming lahat sa school gymnasium, na siya naman naming sinunod. Nakasuot ako ng itim na pantalon at plain white na tshirt na pinaresan ng aking white sneakers no'ng umalis ako ng kwarto para magpunta ng gym.

Sa school gymnasium na kaming lahat nagkita-kitang mga nabibilang sa Alpha Sections. Si Mr. Cruz, na siyang nakatayo sa dulo ng gym, ay biglang napangiti no'ng makita niya na kaming nagtitipun-tipon rito.

Pero halos mapaawang naman ang aking bibig ng makita namin ang mismong school director ng Eastwood High na andito rin nakatayo malapit sa aming adviser.

Ano kaya ang ibig sabihin nito?

"Welcome Alpha Students to our Special Exam. Bago ko pala sabihin ang mechanics ng ating exam, andito sa inyong harapan ang ating school director para ibahagi sa inyo ang isang magandang balita." turan ng aming adviser, na siyang ikinakunot ng aking noo.

Agad na nalipat ang tinigin namin sa aming school director na siyang nakatayo ngayon sa isang platform na may mic pang nakatuon sa kanyang bibig.

"Magandang gabi sa inyong lahat, my dear Alpha Students..." panimula ng director na siyang dahilan para bumati rin ang ilan sa kanila. "Una sa lahat, gusto ko muna humingi ng paumanhin sa inyo dahil sa pagkaka-delay ng inyong exam sa klase na ito. Minabuti muna namin ng inyong adviser na pag-isipan muna ang inyong gagawin na siyang makakatulong sa paghubog ninyo sa inyong mga kakayahan."

Huh, I doubt about that...

"Pero ngayon, malugod kong inaanunsyo sa inyo na kung sinuman sa inyo ang makakakuha ng pinakamalaking puntos sa exam na ito, siya ang makakatanggap ng isang gantimpala sa'kin."

That phrase caused others na magpalitan ng opinyon sa isa't-isa. Kahit ako ay nagtataka sa kung ano'ng ibig niyang sabihin para dito.

"Anuman ang hilingin ng estudyanteng ito sa akin ay maluwag sa loob kong ipagkakaloob sa kanya." nakangiting tugon ng direktor. Kita ko namang nalipat ang kanyang tingin sa aking likuran.

"Yes, Mr. Santiago?" pagtawag niya sa kaklase kong epal na siya palang nasa likuran ko.

"Kung may gusto akong patalsikin dito, given na kunyari ako ang mananalo, makakaasa ba akong ipagkakaloob mo 'yun sa'kin?" tanong nito na siyang ikina-trigger ko ng konti.

Hindi ko na kailangan pag-isipan ng matagalan kung sino iyang gusto niyang patalsikin, alam naman natin na sa'kin lang mainit ang mga mata niyan eh. Ni wala nga akong ideya kung bakit.

"Oo naman Mr. Santiago." tugon ng direktor. "Makakaasa ka. So do you're best."

Narinig ko namang mahinang napatawa itong si Warren before tuluyang nanahimik sa kanyang kinaroroonan. Tsk, as if din naman magpapatalo ako noh.

Gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko para sa exam na ito.

Pagkatapos magsalita ng aming direktor, doon na naman nag-ingay ang aking mga kaklase. Pero no'ng tumuntong na nga si Mr. Cruz sa platform, doon na natahimik ang lahat at nagpokus sa kanyang sasabihin.

"Para sa inyong special exam, gusto ko lang ianunsyo sa inyo na bukas ng Sabado gaganapin ito, at doon siya gaganapin sa isang tagong lugar na pagmamay-ari rin ng school at eksklusibong para lamang sa Alpha Section. Ito ay ang Camp Alpha."

Pagkarinig namin ng kanyang mga sinabi, saka na naman nag-ingay ang mga kaklase kong ata at nagpalitan na naman ng kuro-kuro sa kanilang kinaroroonan. Pati si Mitch ay napatingin sa'min at napakunot ang noo.

"Well, kung bukas pa pala ito, sana man lang hindi na tayo pinapunta rito at nagchat na lang ano?" paghayag niya ng kanyang opinyon ng pabulong na siyang ikinakibit-balikat lang namin ni Kylie bago ulit kami nakinig sa guro namin.

"Bukas, we expect you to be at the school gate at exactly 7am, or else ang maiiwan ay magkakaroon ng automatic zero sa kanyang marka. Para sa mechanics ng inyong exam, marahil ay do'n na rin natin pagtatalakayan ang tungkol dyan. Sa ngayon ay dito muna magtatapos ang ating diskusyon at maaari na kayong matulog. Are we all clear?" pahayag ng guro na agad rin naming sinang-ayunan.

Paalis na sana kami ng bigla ulit magsalita si Mr. Cruz na para bang may nakaligtaan siyang sabihin kanina which made all of us pause and listened to him once again.

"By the way, please prepare your things for tomorrow... because we will go on a two days and one night camping at Camp Alpha."