Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 32 - No More Hiding

Chapter 32 - No More Hiding

Cedric's POV

Natagpuan na rin namin sa wakas ang aming target, yet ang susunod naman naming poproblemahin ay kung paano siya kukunin.

Well, buti na lang at marunong akong umakyat ng puno kahit na papaano. Bago ko ito tuluyang akyatin ay napatingin muna ako sa kasama ko.

"May nararamdaman ka bang tao sa paligid, Elise?" tanong ko.

Naalala ko lang kasi ang nangyari kahapon na nakasunod pala sa amin si Sasha at Karen. Ayoko nang mangyari ang pagkakamali kong iyon.

"Wala naman akong nasasagap sa ngayon." turan niya.

"Ah, mabuti naman kung gano'n."

Matapos kong masigurong wala ngang tao sa paligid namin ay tuluyan ko nang inakyat ang puno ng Acacia at kunin ang flag.

Expert siguro akong maituturing sa pag-akyat ng puno simula noong bata pa ako, pero ang parati kong problema ay 'yung pagbaba naman.

Dahan-dahan ang naging pagkilos ko habang pababa ako mula sa puno bitbit ang kulay bughaw na flag sa aking kanang kamay. Buti na lang at hindi naman ako nalaglag at nakalapag ako ng maayos at kumpleto pa ang mga buto ko.

"Tara na't balikan natin si Mr. Cruz para maibigay na natin itong flag." nakangiting saad ko sa aking kasama, pero hindi man lang siya ngumiti pabalik.

Marunong kaya itong ngumiti?

Anyway, nagsimula na ulit kaming bumalik sa dinaanan naming ruta, at kita ko ang pamumutla sa pagmumukha ni Elise ng makita ulit ang hanging bridge na kailangan namin ulit daanan.

"Buhatin ulit kita, huwag kang mag-alala." alok ko.

Gagawin ko na sana ang bagay na iyon ng marating na namin ang bukana ng tulay ng biglang magsalita itong kasama ko.

"Teka, may paparating sa ating kinaroroonan."

At bago ko pa man isipin kung sino iyon, nakaramdam ako ng isang kakaibang pwersa na siyang bumalibag sa akin ng biglaan.

Ang sunod ko na lang na nakita ay ang sarili kong nakahandusay na sa sahig habang may isang lalaking naglalakad papunta sa akin.

Si Dwayne...

"Pasensya ka na Cedric ha, pero kailangan kong gawin ang lahat para manalo." sabi nito sabay kuha ng flag mula sa akin.

Mula sa paghawak niya sa bitbit kong flag ay nag-isip na agad ang utak ko kung ano ang dapat kong gawin.

Oras na siguro para ipakita ko na ang nakatago kong kakayahan.

Papalayo na sana sa akin ang naturang binata ng hawakan ko bigla ang kanyang kamay na nakahawak sa mismong flag.

"Tumigil ka." utos ko.

Kagaya ng isang remote-controlled na robot ay agad siyang sumunod sa aking inutos. Kita kong agad siyang nanigas sa kanyang kinaroroonan na ang tanging nakakagalaw lang ang kanyang mga mata at ang kanyang bibig.

"A-ano'ng nangyayari sa akin?" 'Di makapaniwalang turan nito habang pilit na igalaw ang kanyang mga kamay o binti.

"Pasensya ka na rin Dwayne." sabi ko sabay kuha ng flag mula sa kanya.

"Matapos ang paligsahan na ito ay maaaring bumalik ka sa camp. Or pwede ka ring gumalaw sa oras na sa tingin mong ikaw ay nasa panganib " utos ko ulit.

Bigla siyang pumisik pero kinalaunan ay bumalik ulit siya sa pagiging frozen. Nagsimula na ulit kami ni Elise sa paglalakad patawid sa hanging bridge, with me na buhat-buhat ang nagmamaktol na dalaga.

Pagkatawid na namin ay siyang agad kong pagbaba sa kanya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago ito tuluyang nauna sa paglalakad.

Napailing na lang ako sa kanyang inasal at saka sumunod sa kanya.

"Maiba ako, kailan mo pa nadiskubre ang iyong property?" biglaang tanong nito habang pabalik na kami sa camp.

"Nitong nakaraang linggo lang din." pagsagot ko.

"Eh kung gano'n, bakit hindi mo agad sinabi sa ating guro ang tungkol sa iyong nakatagong kakayahan? Bakit tila nililihim mo ito sa kanila?"

Doon ako natigilan sa kanyang tanong. Gusto ko mang sabihin ang tunay na rason, pero hindi ko pa rin dapat kalimutan na anak pa rin siya ng school director.

"Nag-aalangan kang sabihin sa akin ang tunay na rason." saad nito, na siyang ikinatango ko na lang.

"Ayos lang. You can keep that to yourself. Pasensya ka na kung may naitanong man akong isang sensitibong bagay."

And with that ay nauna na ulit siya sa paglalakad.

Susunod na rin sana ako ng may biflang tumunog ng kakaiba sa ilalim ng sapatos ko. Pagkatingin ko sa aking naapakan ay isa lamang pala itong dahon.

Ngunit sa pag-apak ko nito ay siyang pagtrigger ng isang bagay.

Isang malaking lambat ang lumitaw at agad akong nahuli bago ko pa man maisipang umilag.

Damn, mukhang may idea na ako kung sino ang may kagagawan ng bagay na ito.

"Well, well, well, hindi ko naman imaasahang agad kang mahuhulog sa aking patibong." sabi ng nakakaasar na boses na iyon.

At sino pa ba ang tinutukoy ko kundi ang epal kong kaklase na si Warren, na ngayon ay naisipan nang magpakita mula sa likod ng isang malapad na kahoy ng Narra.

"I believe you have something important to me?" dagdag pa nito sa isang mapang asar na tono habang papalapit ito sa akin.

Binuksan niya ng onti ang lambat, just enough for his hands to pass through para kunin mula sa akin ang flag.

"Soon, ang mga walang kakayahan na kagaya mo ay nararapat lamang na makick out sa isang naiiba at espesyal na section katulad ng Alpha Section. Kasi hindi ka nababagay dito in the first place."

Sa ngayon at nakahawak na ang kanyang kanang kamay sa kulay bughaw na flag at hihilahin na sana niya ito palabas ng gawin ko rin sa kanya ang ginawa ko kay Dwayne kanina.

Inangat ko ang isa ko pang kamay at agad na hinawakan ang kanyang palapulsuhan.

Kasabay ng pagramdam ko sa kanyang tumitibok na pulso ay ang aking utos sa kanya sa aking ma-awtoridad na tono.

"Pakawalan mo ako rito, ngayon din."

Ang kanyang buong katawan ay awtomatikong nagreact sa aking inutos at pinakawalan nga ako sa pagkakakulong ko sa kanyang binuong trap.

Hindi maipinta ang kanyang mukha sa ngayon habang gulat siyang napatitig sa akin kasabay ng panlalaki ng kanyag mga mata.

"Now, ibigay mo sa akin ang flag." saad ko nang nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.

Hindi ko ba alam kung bakit, pero ang aking kakayahan ay mas epektib pag nahawakan ko na ang isang tao. Maaari ko lamang siyang utusan ng malayuan matapos ko siyang hawakan sa kanyang kamay or sa kanyang palapulsuhan.

Parang aso na sumusunod sa kanyang amo, gumalaw ang kanyang kanang kamay at kusang ibinigay sa akin ang flag, still looking dumbfounded sa kanyang kinaroroonan.

Matapos niyang maibigay sa akin ito ay nginitian ko siya ng mapang asar bago ko maisipang umalis.

"I think... karapat-dapat akong mapaparito sa Alpha Section. And I do belong here, for your information."

Pagkaraan ng ilang segundo ay lumayas na ako sa kanyang harapan at tumakbo papaalis at pabalik sa camp.

Hindi ko na siya ginamitan ng aking kakayahan matapos iyon. Mukhang masyado siyang nagulat sa kanyang nasaksihan para man lang gumalaw eh.

Pagkabalik ko sa camp ay natagpuan ko na rin si Mr. Cruz sa wakas at agad na ibinigay sa kanya ang flag.

"Well done, Mr. Magbanua. You have proven yourself worthy of staying in this section after all." masayang pagbati sa akin ng aming guro.

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi. "Walang anuman po."

Pagkabalik ko ay binati rin ako ng aking mga matatalik na kaibigan na sina Kylie at Mitch pati na rin ng iba ko pang mga kaklase.

---

Kinalaunan sa araw ding iyon, nagsi-impake na kami ng aming mga gamit at naghanda para sa aming pag-alis.

Matapos kong maibigay ang flag kay Mr. Cruz ay saktong bumalik na ang dalawa ko pang katunggali na sina Warren at Dwayne mula sa kakayahan.

Inabot siguro kami ng mga isang oras sa paghihintay bago nakarating ang bus. Agad na rin kaming sumakay saka nagsimula ang byahe namin pauwi.

---

Isang araw makalipas ang nagdaang exam, pumasok ulit kami sa classroom ng Alpha Section pagsapit ng Lunes.

Bago magsimula ang opisyal na diskusyon ng aming guro, pormal niyang tinawag ang pangalan ko na siyang ikinagulat ko.

"I believe you have something to share with the whole class?" saad nito.

Hindi naman nagtagal bago ko nagets ang kanyang ibig sabihin. Siguro nga, panahon na rin para sabihin ko sa kanya ito.

No more hiding of my identity anymore...

Napabuntung-hininga akong napatayo mula sa aking upuan at nakapamulsang pumunta sa gitna tsaka ginaya ang ginawang pagpapakilala dati ng aking mga kaklase.

"Ako si Cedric Magbanua, 15 years old at galing sa section 8. At ang aking taglay na property ay.... mind control."