-WARREN-
Parating habilin sa'kin ng mga magulang ko na maging rank 1 dapat ako sa lahat ng aspeto ng aking buhay dahil iyan lamang ang magdadala sa akin sa isang magandang kinabukasan at sa aking matamis na tagumpay.
With that mindset na ipinasok nila sa utak ko parati, simula ng una akong ipinasok ng aking mga magulang sa eskwelahan sa edad na limang taong gulang, sinimulan ko ng ipakita sa lahat ang taglay kong angking katalinuhan sa gano'ng murang edad.
Since then, ni wala man lang sa aking mga naging kaklase ang nakatalo sa akin. Being on top habang tinitingnan ko ang aking mga pipitsuging kaklase sa ibaba ay sobrang nakakagaan sa aking kalooban, knowing that you are way more superior than them.
Pero para kay dad ay tila may kulang pa parati sa aking mga ginagawa pa. He would usually say "Konti pa, anak." kada sasabihin ko sa kanya ang mga achievements na natamo ko sa eskwelahan.
Hindi ako nagrereklamo, because that won't do me any good. Pero instead ay itinutulak ko pa ang aking sarili to give my all hanggang sa makuha ko na rin sa wakas ang simpatya at pabor ni dad.
Then here comes one guy na siyang sisira sa aking binuong record for all these years.
Cedric Magbanua
Simula ng dumating ang lintik na iyon sa Alpha Section, I started to hate him. Bakit kamo? Because I despise those stupid, ignorant students na kita na ngang hindi siya belong sa grupo ay pilit niya pa ring ipinagsisiksikan ang kanyang sarili sa kanila.
Pero mas lalong uminit ang dugo ko sa kanya ng unti-unti ko ng napapansin na mukhang pinapaboran na siya ng aming adviser at ng aming school director. Hindi niya man ito napapansin, pero alam kong dalawa silang nakasubaybay sa kanyang mga ikinikilos.
Ang ipinagtataka ko lang dati ay kung bakit ganoon na lamang ang kanilang interes para sa isang weak at powerless na kagaya niya.
Hindi rin naman nagtagal bago ko makuha ang matagal ko ng hinahanap na kasagutan ng dumating ang araw ng aming special exam.
Kaya pala... kaya pala ganoon na lamang ang interes na ipinapakita sa kanya ng aming school director at adviser, because he possess something so rare... and so much power stored in his sleeves.
Eh ano naman kung may kakayahan naman siyang mind control? At least hindi ako isang mamamatay-tao na kagaya niya.
Going back to the day after our exam at ng makauwi na kami sa aming dormitory, padabog kong inihagis ang aking backpack sa aking kama at nagsisigaw.
That bastard! How dare he humiliates me like that! Hindi ako papayag na walang gagawin para makabawi sa pangpapahiya na ginawa niya sa akin!
Just as I was letting all my emotions go out, naramdaman kong nagvibrate ang aking bag, na ang ibig sabihin lang no'n ay may tumatawag sa akin sa'king cellphone.
Pagalit naman akong pumanhik patungo sa aking kama at hinalughog sa aking bag ang aking cellphone. Nang mahanap ko na ito ay tila nanlaki pa ang aking mga mata dahil sa pangalan na nagflash sa aking phone screen.
DAD
Nanginginig ang aking mga kamay na sinagot ang aking telepono. Alam kong madalang lang tumawag sa akin si dad, pero parati iyon tungkol sa isang mahalagang bagay kung bakit mag-aaksaya siya ng kanyang oras para lang tumawag.
And that usually means trouble for me
"Dad... bakit ka napatawag? pambungad ko agad sa kanya.
I may have not mentioned it before, pero kabilang ako sa isa sa mga mayayamang angkan dito sa Pilipinas, and my father is one of the most well-known businessman dito sa ating bansa. Bilang nag-iisa niyang anak na tagapagmana ng lahat ng meron kami sa ngayon, naiintindihan ko talaga ng mabuti kung bakit niya ako itinutulak pa na gawin ang isandaang porsyento ng kakayahan ko.
Hindi ako masyadong mahilig magmayabang sa aking family background since I relay more on my skills than that pero yeah... gano'n ang dad ko.
"Balita ko raw na may nakatalo na raw sa'yo diyan sa inyong eskwelahan?" saad nito sa tonong monotonous yet nagbabanta rin at the same time.
Hindi na ako nagulat pa kung makakarating man sa kanya ang pangpa-pahiya ng hangal na Cedric na iyon sa akin because he has eyes and ears everywhere-- kahit sa eskwelahang ito.
"I-It's just one-time dad. Hindi na ako magpapatalo pa---"
"I thought you are better than that, Warren." Nag-shift na ang boses ni dad in his firm, businessman-like tone.
Napalunok ako ng 'di oras.
"I'll make it up to you, I promise," I said.
"You'd better be, or I will have you work on your own for your college! Hindi kita pinalaki para maging isang talunan, tandaan mo 'yan!"
Ito na ang kanyang huling mga sinabi bago niya na pinatay ang tawag sa kabilang linya, and tha left me hanging.
Remembering all those past events na nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw lamang... kasalukuyan ako ngayong nakatayo sa may pinto ng aming library na exclusive lang for Alpha Section ng makita ko ang pinaka-huling tao na gusto kong makita para sa araw na ito.
Kung pwede lang siyang mamatay sa aking mga tingin, baka kanina pa namin ipinagluluksa ang kanyang mga labi.
Hindi ko naman inaasahang mapapadpad ang kanyang mga tingin sa aking direksyon, dahilan para mag-iba ang ekspresyon sa kanyang mga mukha. I just smirked at him sa kanyang inasta.
"Kung andito ka para bwisitin ako o sirain ang araw ko, please wala akong oras at panahon na mailalaan sa'yo ngayon. Kaya pwede ka ng umalis." saad nito habang abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro.
I caught a glimpse of the book's title, at hindi ko maiwasang hindi magtaka kung bakit siya nagbabasa ng gano'ng libro.
"Akala mo ba porke't natalo mo ako ng isang beses ay sa iyo na ang silid-aklatan na ito?" sarkastiko kong tanong habang unti-unting humahakbang papunta sa aking itinuturing ngayong karibal.
"Tell me, Cedric... hiniling mo ba sa school director na patalsikin ako sa Alpha Section, ha?"
Saka lang ako huminto sa paglalakad ng ilang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa. Inilagay ko naman sa isa kong bulsa ang aking kanang kamay sabay angat ng aking ulo para tingnan siya ng mata sa mata.
Kita ko naman siyang napalungo ang ulo dahil sa aking sinabi.
"At bakit ko naman 'yun gagawin ha? Hindi naman ako kagaya mo... na desperadong manalo." paasik niyang sagot. Mas lalong nag-init ang aking ulo.
"Kung akala mo ay nanalo ka na, pwes diyan ka nagkakamali." Sinamaan ko siya ng tingin sabay smirk ulit sa pangalawang pagkakataon.
"Dahil hindi ko pa naipapamalas ang tunay kong kakayahan..."
Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras pa rito at walang sabi-sabi ko na rin siyang tinalikuran habang nanatili sa aking bulsa ang kamay ko.
Can't wait to see what would be their reactions habang isinasagawa ko ang binabalak kong gawin sa hinaharap.