Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 35 - Advantages and Disadvantages

Chapter 35 - Advantages and Disadvantages

Isang araw matapos ang pagtangka kong pagkontrol ko sa aming School Director, umabot ako sa isang napaka-halagang kongklusyon.

Ang aming kinikilalang direktor ay isa ring Alpha kagaya namin, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi siya natablan ng aking property.

"Hoy Cedric, tulala ka na naman diyan."

Napaangat ako ng tingin ng 'di oras ng biglang tawagin ni Kylie ang aking pangalan. Sa puntong ito ay kakatapos lang ng aming first period class with Mr. Cruz at ngayo'y andito kami sa school cafeteria para enjoyin ang aming meryenda for the day.

"Ay sorry, may iniisip lang." saad ko bago ulit nilantakan ang mango float na nakahain sa aming mesa.

"Jowa mo?" biro ni Mitch, na siya namang dahilan para mabilaukan ako ng 'di oras.

"At kailan pa ako nagka-jowa ha?" Napalungo na lang ako n aking ulo habang dali-dali kong iniinom ang tubig mula sa aking dalang water container.

"Ito talagang si Mitch, puro kalokohan." dagdag ko pa.

Natawa na lang din si Kylie sa aming dalawa.

Nang makabawi na ako ay saka ako napatingin ng seryoso sa kanilang dalawa. Kanina pa kasi ito bumabagabag sa aking isipan at wala naman akong ibang maaaring mapagsasabihan nito kundi silang dalawa lang naman.

"Anu-ano ba ang mga posibleng dahilan para hindi tablan ang isang Alpha ng property ng kanyang kapwa Alpha?" natanong ko na rin ito sa wakas.

Napatigil sa pagkain si Kylie at tila malalimang inisip ang aking tanong. Gano'n rin ang ginawa ni Mitch, na akala ko ay game na game lamang pagdating sa mga kalokohan.

Matapos ang ilang segundong pananahimik ay kumibo na rin sa wakas itong si Kylie habang umaliwalas ang kanyang mukha na tila ba may bigla itong naaalala.

"Sa tingin ko nabasa ko na ang tungkol dito sa ating library eh," panimula niya kaya agad nitong nakuha ang aking atensyon.

"Ayon sa libro na iyon, dalawa ang mga posibleng rason kung bakit hindi natatablan ang isang Alpha ng property ng kanyang kapwa Alpha."

Itinaas ni Kylie ang kanyang kanang hintuturo bago ulit magpatuloy sa pagsasalita.

"Una ay kung ang dalawang Alpha na ito ay magkaparehas ang kanilang properties."

Then panghuli ay itinaas nito ang kanyang hinlalato.

"At ang pangalawang posibleng rason para mangyari iyon ay kung ang Alpha na iyon ay may taglay na barrier property, wherein hindi siya tatablan ng kahit anumang property ng ibang property users as long as marunong siyang kumontrol nito."

Bigla ring sumingit si Mitch sa usapan. "Ang alam ko rin eh depende 'yan sa property na taglay ng isang tao. Kagaya ng sa property ng maarte nating kaklase na si Sasha, ang kanyang pheromone property ay hindi uubra sa isang tao kapag ang kanya'y target ay may napupusuan na. Pero 'yung sinabi ni Kylie kanina ay dalawa sa mga general reasons kung bakit iyon nangyayari."

Napaisip naman ako sa kanilang mga sinabi at naalala ko bigla na hindi nga ako natatablan ng property ni Sasha. Pero sa pagkakaalam ko ay wala pa naman akong taong nagugustuhan sa ngayon.

O kaya sabi ko nga dati ay baka hindi ko lang talaga tipo ang mga kagaya niya... na para bang babaeng version ng epal naming kaklase na si Warren.

Kita ko namang napakunot ang noo ni Kylie nang tingnan niya ako muli.

"Bakit mo ba ito biglang natanong ha?"

Napatigil ako bigla sa pagsubo ng aking kinakain at napatingin sa aking kaibigan.

"Wala, na-curious lang ako. That's all." Nginitian ko na lang siya sabay subo muli sa aking kinakaing mango float.

Bigla na naman akong nalungkot ng mapagtanto kong hindi ko maaaring sabihin sa kanila ang tunay na rason kung bakit ko ito naitanong, hindi katulad ng dati.

Ayoko na madamay ulit sila sa mga gagawin ko sa hinaharap.... at malagay ang kanilang mga buhay sa peligro katulad noong huli naming subok na mag-imbestiga.

Pagka-dismiss ng aming teacher para sa'ming pang-huling subject para sa araw na ito ay agad akong nagtungo sa library na nakalaan para lang sa aming mga nasa Alpha Section.

Bukod sa mga nabanggit nila Kylie at Mitch kanina sa cafeteria ay gusto ko pang maghanap ng ibang mga posibleng rason kung paano magiging immune ang isang tao mula sa property ng isang property user.

Agad na akong pumunta sa pinaka-dulong book shelf kung saan naroroon ang mga librong pang-syensya at mahika at isa-isa kong ini-scan ang kada title ng mga librong nakalagay doon.

Maya't-maya ay may nakita akong isang manipis lang na libro na may kulay itim na pabalat at may nakalagay na title sa itaas printed in bold letters: Properties: Its Advantages and Disadvantages.

Nagtaka tuloy ako kung bakit may ganitong libro in the first place. Sinadya kaya itong ilagay para maging aware ang mga estudyante sa kani-kanilang mga kalakasan at kahinaan?

Hindi ko na masyadong prinoblema ang bagay na iyon at minarapat ko ng buklatin ang unang pahina ng librong ito at doon na nagsimula ang pag-i-scan ko sa kada pahina nito.

Sa pahina ikatatlumpu't lima ko nakita ang sinabi ni Mitch about sa kahinaan ng property ni Sasha... na kung sinuman ang ginamitan ng pheromone property na may taong nakatatak na sa kanyang puso ay hindi kailanman matatablan ng ganitong kakayahan, mapa- Alpha man ito o ordinaryong tao.

Pero ang advantage naman nito ay madaling mapapasailalim sa property na ito ang sinumang wala pang experience sa pag-ibig.

O... kay? Sunod na pahina nga lang, ang korni nang pakinggan ng pinagbabasa ko rito.

Memory Manipulation

Pagkaabot ko sa kasunod na may ganitong title ay agad akong napahinto at napabasa. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang klase ng property na meron ang aming class adviser kaya niya nabura ang mga memorya nina Mitch at Kylie.

Ayon sa libro na ito, ang tanging kahinaan ng property na ito ay kung may isa kang device na nakasukbit sa iyong tenga na siyang magsisilbing harang para marinig ng isang biktima ang mga sasabihin ng isang Alpha user. Pwedeng earplugs, headphones, or simpleng pagtakip mo lang sa iyong tenga

Sa ilalim naman ng kanyang weakness ay nabasa ko ang mga katagang "best works with a pendulum."

So advantage ni sir kung may pendulum siyang dala... which reminds me na meron nga akong nakitang pendulum sa kanyang mesa no'ng minsang napadpad ako sa kanyang cubicle no'ng isang araw.

Base sa halos lahat ng nabasa ko, ang bawat property ay may kanya-kanyang kalakasan at may kanya-kanya ring kahinaan.

Pero kung may kakaiba man sa lahat ng ito, iyon ay ang property na meron ako. Ang nabasa ko lamang na kanyang advantage ay maaari ko raw itong magamit kahit saan at kahit kailan.

Para sa mga baguhan na kagaya ko, magsisimula daw muna ako sa paghawak sa aking specific target at kapag naramdaman ko na ang kanyang pulso, 'yun na ang oras na maaari ko na siyang makontrol. Once na nakahawakan ko na ang target ay pwede ko nang kontrolin ito kahit kailan ko gugustuhin.

Pero sa mga pro na sa ganito, kahit simpleng eye contact na lamang ay sasapat na upang mapagana ang ganitong property.

Wala akong nabasang kahit na anong parte sa kahinaan nito kundi ang mga kataga lamang na "A mind controller or a telepath can't control another Alpha with the same property as he/she possesses."

Doon nanlaki ang aking mga mata sa huli kong nabasa.

Huwag niyong sabihing..... parehas kami ng property na taglay ng aming school director?!