Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 29 - Special Exam: Group Category

Chapter 29 - Special Exam: Group Category

Cedric's POV

Ang lahat ng mga kasamahan ko ay natahimk at napakurap pagkakita namin sa buong paligid ng nabanggit ng aming guro na Camp Alpha kagabi. Unang tumambad sa amin pagkababa namin ng bus ay ang luntiang paligid ng kampo, malayo sa nakagisnan naming matao at magulong lugar ng Eastwood High.

Eksaktong alas syete nga kami ng umaga nagkita-kita sa tapat ng gate bitbit ang aming mga backpacks sa mga likod namin. Kada sa'min ay takot maiwanan ng bus at magka zero sa'ming mga marka. Makalipas ang tatlumpung minuto ay dumating na ang bus na siyang maghahatid sa amin sa Camp Alpha at agad na umandar papunta ro'n.

Thus kaya kami naririto ngayon sa luntiang paraiso na hindi ako makapaniwalang eksklusibo lamang para aming mga Alpha Students.

"Ang inyong mga tents ay nakatayo na sa loob ng camping grounds. Pagkalagay ninyo ng inyong mga gamit sa inyong mga tents, agad kayong magsilabasan at makipagkita sa amin. Dadalhin na namin kayo sa inyong testing ground at do'n na namin sasabihin ang mechanics ng inyong exam." anunsyo ni Mr. Cruz. Sa kanyang tabi nakatayo naman ang aming school director.

Pagkabigay niya ng kanyang anunsyo, sabay-sabay na rin kaming nagsipunta sa aming mga tents. Bawat tents ay may nakalagay na mga pangalan namin kaya agad ko ring natunton 'yung sa'kin, which is nasa tabi ng kay Warren, sa kasamaang palad. Sa loob nito ay may nakahanda na palang sleeping bag at isang kumot. Nice, hindi ko na pala kailangang magdala ng ganito.

No'ng mailapag ko na nga ang aking backpack sa loob ng aking tent ay agad rin akong lumabas at nakipagkita ulit sa aming guro at school director kasama ng iba kong kasamahan. Nang makumpleto na kami, saka lang naglakad sina Mr. Cruz at Mr. Salviejo na agad rin naming sinundan ng walang pag-imik.

Makalipas ang ilang lakaran, agad kong natagpuan ang aking sarili sa tapat ng kakayuhan. Napakunot naman ang noo ko at nagtanong sa aking sarili kung dito na ba gaganapin ang aming special exam.

"Ganito ang magiging mechanics ng inyong magiging special exam," panimula ni Mr. Cruz na siyang bumasag sa ilang segundong katahimikan.

"May dalawang bahagi ang inyong special exam, namely: group and individual category. Sa group category, mahahati kayo sa dalawang pangkat at bawat isa sa inyo ay magtatalaga ng isang group leader. Sa loob ng kakayuhan na ito nakatago ang flag ng bawat isang grupo, red for group one at blue naman for group two. Kung sino'ng grupo ang siyang unang makakahanap sa flag ng kalaban at ang makakabalik rito sa entrance ay siyang tatanghaling panalo at siyang aabanse para sa individual category na siyang gaganapin naman bukas ng umaga. Maliwanag ba?"

"Eh paano 'yung magiging grupo namin?" mataray na tanong ni Sasha sa aming guro.

"Para diyan, kailangan niyo lang mag bilang ng 1 tsaka 2 para malaman namin sinong mapapabilang sa group 1 and 2." pagsagot ni Mr. Cruz sa kanyang katanungan. "Maaari nyo nang simulan ang bilang."

Pagkapahayag no'n ni Mr. Cruz ay nagsimula na ang pagbibilang, starting from Sasha. From her ay umusad na ang pagbibilang ng bawat isa sa'min, which led from these:

Group 1:

Sasha

Elise

Karen

Kylie

Mitch

---

Group 2:

Dwayne

Evan

Warren

Cedric

Elise

***

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng mapagtanto kong magkagrupo kami ng epal na egoistic jerk na 'yon! At hindi ko pa kagrupo ang aking mga matatalik na kaibigan sa section na'to. Kung minamalas ka nga naman oh.

Anyway, pipilitin ko na lang magconcentrate at tapusin ang exam na ito sa abot ng aking makakaya.

Nang maestablish na ang dalawang grupo, nagtanong sa amin kung sino ang tatayong lider sa bawat grupo. Sa kabilang grupo, itinanghal na lider si Sasha, while sa amin naman...

"Ako na ang magiging lider sa grupo ng mga talunan kong kaklase." Siyempre, sino pa ang magsasalita ng ganito kundi ang epal naming kaklase na si Warren. Well, okay lang naman, hindi rin ako willing na maging lider eh.

Pagkatakda ng lider sa bawat grupo, ibinigay na ni Mr. Cruz ang kanyang hudyat, "Maaari niyo nang simulan ang unang bahagi ng inyong special exam."

Wala na kaming inaksayang oras at agad na kaming pumasok sa kakayuhan na ito. Pagkalakad namin sa loob, nagsalita naman itong si Warren.

"Dapat isa or dalawa sa'tin ay maghahanap para sa ating flag at protektahan ito laban sa kabilang panig." ani nito saka siya napatingin kay Elise.

"Alam kong may tracking ability ka, kaya ikaw ang aatasan kong maghahanap ng ating flag." Hindi naman nakaangal do'n si Elise kaya tumango na lamang ito.

From her ay nalipat ang kanyang tingin sa akin. Sabi na eh ako na naman pagdidiskitahan nito.

"At ikaw na walang kakayahan, samahan mo na lang si Elise sa paghahanap at pagpoprotekta sa flag ng magkasilbi ka naman sa'ting grupo." ani nito sa'kin. I only clicked my tongue in annoyance at napatango na lang din to avoid conflict.

With that being said and done ay nahati sa dalawa ang aming grupo, ang isa ay maghahanap sa flag namin which is ako nga at si Elise at 'yung isa naman ay ang maghahanap sa flag ng kalaban which is sina Warren, Dwayne at Evan.

Pagkahiwalay ng aming grupo, wala na rin kaming inaksayang oras ni Elise at ginamit na niya agad ang kanyang ability para hanapin ang aming flag. Kahit saan siya magpunta ay nakasunod lamang ako sa kanya sa bandang likuran at piniling manahimik na lamang.

"Hindi mo pa nga ba nalalaman ang iyong kakayahan?" biglang umimik itong kasama ko makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"H-hindi pa eh." I replied hesitantly sabay iwas ng aking tingin sa kanya.

"I don't think so." pagsaad niya saka mas binilisan ang kanyang paglalakad. Napalunok naman ako. Minsan nakakatakot at nakakaintimidate rin ang babaeng ito eh. Pero onga pala, may kakayahan pala siyang malaman kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi.

Napakamot na lang ako ng aking batok habang nakasunod pa rin ako sa kanya.

Lumipas ang ilan pang minuto na tahimik lang kaming dalawa sa paglalakad habang hinahanap pa namin ang aming flag. Napapasipol na nga ako para lang basagin ang katahimikan, pero dama ko pa rin ang pagkailang sa pagitan namin.

I suddenly wondered kung bakit siya ganito kailap sa ibang tao, like sadya niyang inilalayo ang kanyang sarili sa iba... sa amin.

"Hey Elise--" I was just about to ask her about herself nang naunahan niya ako sa pagsasalita.

"There it is." ani nito sabay stretch ng kanyang kanang kamay sa kanyang harapan.

Sinubukan ko namang sundan siya nakaturo ngayon, at laking gulat ko naman na makita ang aming blue flag na siyang nakatayo sa gitna ng mga naglalakihang mga puno. Akmang lalapitan na namin sana ito ng bigla kaming mapatigil sa aming kinatatayuan ng may biglang nagpasabog ng isang mala electric current sa'ming harapan, dahilan para kami'y mapaatras ng onti. Agad din itong lumikha ng mga naglalagab na apoy sa mga luntiang damo at mga nahulog na mga dahon mula sa mga puno sa harapan namin.

Pagkatingin ko sa direksyon kung saan sa tingin ko nanggaling ang pag-atake na iyon, bahagya pa akong nagulat ng makita ko sina Karen at Sasha sa bandang likuran namin. Geez, ni hindi namin nadama na nakasunod sila sa'min eh. Napakagaling.

"Good work Karen. I didn't know you can do that." rinig kong pagpuri ni Sasha sa kasamahan niya. Napakamot naman ng kanyang batok itong kaklase namin.

With these horizontal row of flames sa harap namin, imposible na para sa'min ang makalapit sa aming flag habang sila Karen at Sasha naman ay unti-unti nang inilalapit ang kanilang mga sarili sa aming flag. Napangisi pa itong si Sasha sa amin sabay sabing,

"Finders keepers."