Chapter 3 - CHAPTER ONE

MARAHAN na iminulat ni Zain ang mga mata mula sa pagkakapikit.  Kadiliman ang nakalatag sa buong paligid. Ngunit hindi naging hadlang iyon para malinaw na maaninag nito ang kinaroroonan niya. Isa iyon sa natatanging kakayahan niya bilang Bampira.

Napasulyap ito sa nabuksang bintana, dahan-dahan siyang naglakad palapit roon upang isarado iyon.

Natanaw niya mula sa labas ang  bilog na buwan sa madilim na langit. Pagkasara niya'y isang ngisi ang pumunit sa kanyang labi.

"Natulog ka na naman ng buong maghapon, Zain."may bahid na pagkairitang bungad ni Oreo sa kapatid.

"Hayaan mo na Oreo, mas okay na matulog siya. Para hindi siya parating nagsusungit sa mga estudyante niya."tatawa-tawang kantiyaw ni Halls. Isa kasing college professor si Zain.

Tuluyang ibinagsak sa lapag ni Halls ang lalaking nadangwit nila sa lungsod. Nasa kalagitnaan kasi ng kagubatan ang mansiyon nila kung saan mas pinili nilang tumira roon, kahit marami silang mapagpipilian na naiwang ari-arian ng mga magulang nila.

Agad na naglakad si Oreo papunta sa lagayan ng mga alak. Kung saan ang ilan sa mga iyon ay collection pa ng kanilang yumaong ama.

Agad itong kumuha ng baso at mabilis na sinalinan nito ng alak.

Habang si Halls naman ay tuluyang naupo sa bakanteng upuan, agad nitong inalis ang guwantes na suot. Busy na ulit ito sa pagtipa sa hawak nitong aparato. Abala na naman itong tumitingin sa neewsfeed nito sa instagram at Twitter. Lagi itong updated sa social media, dahil na rin sa klase ng trabaho nito. Isa itong local actor sa panahon nila, kadalasan ay wala ito sa mansiyon. Minsan lang itong pumirmi kapag wala na itong masyadong inaasikaso sa mga taping nito.

Sa pagiging half vampire nila'y mayroon silang advantage. Iyon ay maari silang maglagalag kahit umaga.

Agad na naglakad si Zain sa lalaking nanatiling nakatimbuwang sa lapag. Pinagmasdan niya ito ng maiigi, napansin niyang humihinga pa ito. Nawalan siya ng gana sa mga sandaling iyon, agad niyang itinupi ang polo. Mahigpit niyang hinawakan sa panga ang lalaki.

Sa isang iglap ay tuluyan niyang binali leeg nito. Agad na namatay ang lalaki.

"Hindi ka pa rin nasasanay Zain."biglang sabi ni Oreo habang tangan nito sa kaliwang kamay ang may laman baso ng alak.

"Hayaan mo na kasi siya sa lahat ng gustong gawin niya. Matanda na siya, saka hoy! Oreo baka nakakalimutan mo mas matanda sa atin ng ilang minuto si Zain. Pero kung umasta ka parang ikaw ang panganay ah!"nangingiting sabi ni Halls. Nanatili pa rin na nakatutok sa hawak nito ang pansin.

"Pinagsasabihan ko lamang siya, mas mainam na sipsipin ang dugo ng magiging biktima niya kapag humihinga pa. Saka 'wag siyang mag-alala, malinis iyan. Kahit halang ang kaluluwa."

Para sa kanila'y pinipili ng mga itong biktimahin ay ang mga salot sa lipunan.

Marahan kinapa ni Zain ang leeg ng lalaki, unti-unti nagsitubuan ang pangil nito. Iiling-iling nalang si Oreo, magmula ng mawala ang mga magulang nila'y tuluyan nagbago si Zain. Tila maski ito'y tuluyang tinangay na rin ng mapait na nakaraan.

Kung saan natunghayan ni Zain ang karumal-dumal na kamatayan ng kanilang mga magulang.

Magpahanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa tatlo kung sino ang mga nilalang na lumusob sa kanila dati.

Tanging naaalala lang nilang dalawa ni Halls pagkamulat nila ng hapon na iyon ay ang tulalang si Zain. Habang nasa harapan nito ang mga naging kahoy na ama' t ina.

Biglang natigilan sa pagsipsip ng dugo si Zain, maski sina Halls at Oreo tila nakikiramdam din.

Sa isang iglap nasa mismong pinto na sila ng main door ng kanilang mansiyon. Tuluyang bumukas iyon, kitang-kita nila ang isang katam-tamang basket.

Patuloy na pinagmamasdan ng tatlo ang sanggol na tuloy-tuloy lang sa pagpalahaw ng iyak.

Hanggang sa hindi nakatiis si Oreo.

"Anong gagawin natin diyan, kayo ng bahala diyan. Maaga pa ako pupunta sa practice namin ng mga kabanda ko bukas."agad na pamamaalam nito.

Agad na kinarga ni Zain ang sanggol, tuluyan itong tumahan pagkatapos. Maski si Halls na katabi lamang niya'y nagtaka.

"Mukhang gusto ka ng batang iyan Zain."

Hindi niya matukoy kung bakit bigla ay nakaramdam siya ng kakaibang silakbo ng damdamin sa karga-kargang sanggol.

Mayamaya'y unti-unting nagmulat ito ng mata. Kitang-kita ni Zain ang kulay ginto nitong mata. Bigla ay nginitian siya nito.Nagbigay iyon sa binata ng laksa-laksang damdamin.

Damdamin na tila naramdaman na niya dati...