Chapter 4 - CHAPTER TWO

MAGAALAS-NUEVE na ng gabi, ilang minuto na lang ay matatapos na ang klase ni Zain. Maiksi niyang tinapuan ang suot na relo. Manaka-naka'y itinapik-tapik niya sa lamesa ang hawak na ballpen. Pinasadaan niya ng tingin ang mga estudyanteng kasalukuyang sumasagot sa pagsusulit na isinagawa niya.

Maya-maya'y biglang nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang binata. Bigla'y pinagpawisan siya ng malapot. Maski ang hininga niya'y nahigit niya, bigla nalang tumigil sa paggalawan ang lahat ng nasa paligid ng binata. Tuluyan nilukuban ng kakaibang enerhiya ang buong silid.

Nanatili siyang nakatingin sa nilalang na nasa kanyang harapan. katawang tao, ngunit halos maabot na nito ang kisame sa sobrang taas nito. Ang katawan nito'y tila napapalibutan ng ginto. Pilitt inaaninag ni Zain ang mukha nito ngunit nanatiling wala siyang maaninag. Bigla'y tila naringgan niyang umusal ito ng mga salita.

"Nalalapit na ang takdang-araw, sisiguraduhin ko na tuluyan kayong mawawala sa mundong ito, Zain..."malamig na bigkas nito. Kasabay ng unti-unting paglaho nito sa kanyang harap.

Sa isang iglap ay tuluyang bumalik sa dati ang lahat na tila walang nangyari.

Mariin niyang ikinuyom ang kamao, muli na naman niyang nadama mula sa kaibuturan ng kanyang puso ang naramdaman niya noon. Kung saan mismong sa harapan niya pinatay ang mga magulang...

ISANG nakakabinging tunog ang nagpamulat sa mata ni Zain mula sa pagkakatulog sa kinahihigaan.

Ang gagawin niyang pagbangon ay natigil. Tila may malakas na puwersa ang bumalot sa kanya sa mga sandaling iyon, upang manatili siya sa kinaroroonan. Mabilis niyang iginala ang paningin. Ngunit sa pagtataka niya'y wala siyang maapuhap na kahit na anong bagay. Tila'y tuluyang nilamon ng dilim ang buong palibot. Sa isang kisap-mata'y lumitaw sa harapan niya ang nakakakilabot na eksena.

Sa nanlalaking mga mata, kitang-kita niya kung paano gutay-gutayin ng hindi niya nakikitang nilalang ang kanyang mga magulang. Nakaliliyong huni mula sa Ama't ina ang tumiliro sa kanyang diwa. Nais niyang sumigaw, lapitan ang mga ito upang tulungan. Ngunit tuluyan siyang namanhid. Tila pinupukpok ng matigas na bagay ang kanyang ulo. Sa huling sulyap niya sa magulang ay nakita pa niyang lumingon ang ina.

"Zain! Anak huwag kayong papalinlang!"huling sigaw ni Kendra.

BIGLANG napakurap si Zain ng marinig ang tinig ng estudyante niya. Nasa mismong harapan na pala niya ito, habang hawak ang examination paper ng mga kaklase nito. Nasa mukha pa ng estudyante niya ang pagtataka. Agad na kinuha ni Zain sa kamay nito ang mga papel.

"You can go back to your sit now."maiksi at malamig na utos ni Zain.

Magsasalita pa sana ang estudyante niya ng mabilis na itinutok ng binata ang mga mata rito. Tila naman nakaramdam ng takot ito. Sa eskuwelahang pinagtratrabuhan ni Zain ay kilalang istrikto at disiplinado ito.

Inumpisahan na niyang icheck ang mga papel. Sa pananahimik niya'y tuluyang naging aktibo ang mga senses niya.

Dinig na dinig niya ang mga huni ng panggabing hayop sa labas, mga nag-uusap na tao. Maski ang mga tunog ng sasakiyan na ilang daan kilometro'y malayang pumapasok sa magkabila niyang tenga.

"Gwapo ka sana kaso ang sungit-sungit mo sir!"Inis na bulong sa isip lamang ng isa niyang estudyante.

Natigilan siya sa ginagawa, agad ang pag-angat ng mukha ni Zain upang salubungin ang mga mata nitong titig na titig sa kanya. Biglang pinamulahan ito. Agad ang pagtaas ng sulok ng labi ni Zain. Naiiling nalang na ibinalik ng binata ang pansin sa pagchecheck ng mga test paper ng mga ito...

BINILISAN ni Zain ang paglalakad palabas ng eskuwelahan, hindi na niya pinagkaabalahang sagutin ang mga bumabati sa kanya sa may hallway. Nakatanggap kasi ito ng mensahe galing kay Halls patungkol sa sanggol na kinupkop nila mula kagabi.

Nagpatuloy siya sa tahimik na paglalakad, nagsimula na siyang kainin ng pangamba. Sa isip-isip niya'y napabayaan ni Halls ang sanggol.

"Lagot ka sa akin Hallden! Kapag may nangyaring masama kay Eleezhia!"gigil niyang sabi na parang nasa harapan niya mismo si Halls. Pinagkasunduan nilang magkakapatid na Eleezhia ang ipangalan sa bata.

Nang makarating siya sa bungad ng gubat ay dinoble na niya ang galaw. Nagpalukso-lukso siya sa mga sanga ng puno na nadadaanan niya. Isang mataas na pagtalon ang ginawa niya sa ere.

Ramdam niya ang malamig na simoy ng panggabing-hangin na dumadapyo sa kanyang balat.

Napakunot-noo siya nang mula sa 'di kalayuan ay natanaw niya ang tumatakbong si Halls.

Hanggang sa nagkasalubong na nga sila. Mula sa anyong lobo'y nag-umpisa na itong magpalit ng kaanyuan. Nabanaag niya sa mukha ng kapatid ang kaba.

Magsasalita pa sana ito ngunit agad niya itong pinigilan.

"Sa mansyon kana magpaliwanag Halls."agad niyang supla rito.

Mabilis na niyang iniwan ito, naiwan na lamang na pakamot-kamot sa ulo si Halls. Hindi nito maintindihan ang kapatid kung bakit sobra ang pag-aala nito sa sanggol.

Mabilis na siyang sumunod rito, hinayaan na lang niyang ito mismo ang makakita sa nadiskubre.

Agad pumasok sa loob si Zain, kasunod si Halls. Mabilis na pumanhik paitaas ang una.

Mabilis nitong tinugpa ang silid ni Eleezhia. Agad siyang dumiretso sa crib nito, pero sa pagkagulat niya'y nawawala roon ang bata.

"Nasaan ang bata Halls!"sigaw ni Zain sa kapapasok lamang na kapatid.

"K-Kasi Z-Zain..."pautal-utal na sabi nito, kasabay ng pagdako ng mata nito mula sa kanyang likuran.

Agad na ibinaling ni Zain ang paningin sa likuran, hanggang sa magtagpo ang mga mata nila ng babae. Mata na kasing-kulay ng ginto.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ni Zain, kasabay ng pagdaan ng mga malalabong imahe sa balintataw niya.

"Kamusta ka Zain."pati tinig nito'y kaparehong-kapareho ng inaasahan niya. Ang mukha nitong maihahalintulad sa isang Diyosa.

Bagamat naroon ang pagkalito'y hindi maiwasan ni Zain na makaramdam ng kasiyahan.

Hindi niya kayang ipaliwanag sa ngayon ang kababalaghan naganap. Bigla-bigla'y ang sanggol na nakita lang nila kagabi ay isa ng ganap na dalaga...