KASALUKUYANG nagluluto si Halls sa kanilang kusina. Ilang linggo na rin ang nakararaan ng lubos silang gulatin ng kakaibang pangyayari. Kung saan patungkol kay Eleezhia.
Siya ang nakatukang magbantay sa bata ng gabing iyon, kasalukuyang nasa trabaho pa ang dalawang kapatid noon.
Nakita niyang himbing na himbing pa sa pagtulog si Eleezhia. Iniwan niya ito saglit upang ipagtimpla ito ng gatas.
Ngunit laking-pagkabigla niya ng magbalik siya'y wala na ito sa kinahihigaan. Bigla siyang sinakmal ng takot sa mga sandaling iyon.
"Kamusta Halls?" Walang anu-ano'y may narinig siyang nagsalita sa kanyang likuran.
Bigla niyang iniiwas ang tingin. Wala kasing kahit na anong saplot ito.
"H-Hey! s-sino ka ba? N-Nasaan si Eleezhia!"pautal-utal at marahas niyang sabi.
Mabilis siyang kumuha sa damitan ni Zain. Inabot ni Halls sa babae ang t-shirt ng kakambal niyang si Zain, sa tingin niya'y aabot iyon hanggang sa tuhod ng babae.
Nang masigurado niyang nakapagdamit na ang babae'y agad niyang kinumpronta ito. Tinanong niya kung nasaan si Eleezhia.
Sa pamamagitan ng paghinang ng mga mata nila'y naipahatid ng babae na siya at ang sanggol na kinupkop ng mga ito'y iisa..
BIGLA ay napabalik sa kasalukuyan ang isip ni Halls. Naramdaman niya mula sa suot na pantalon ang pagvibrate at pag-ere ng calling alert tone niya na "Living is Dying" kasabay niyon ang rockstyle na genre ng kanta.
Gustong-gusto niya ang bawat lapat ng tunog nito sa kanyang pandinig na nagbibigay ng kapayaan at aliw sa kanya.
Mabilis niyang inalis ang suot na mitten sa kamay. Pahapyaw na pinasadaan ng tingin ni Halls ang caller ID ng kasalukuyang tumatawag sa cellphone niya. Nang makasigurado'y agad niyang sinagot iyon.
"Hello Hailey, napatawag ka."napangisi ito habang naglakad papunta sa referrigerator, binuksan niya iyon. Agad siyang humablot ng baso sa lagayan. Iniipit niya ang cellphone sa balikat niya padikit sa kanyang tenga.
Agad niyang inabot mula sa loob ang pitsel ng tubig upang makainom. Pagkatapos ay muli niyang isinara iyon gamit ang paa.
"Hoy Halls! Ano na namang pinagpopost mo sa IG at Twitter mo, hindi ba ang sabi ko iwasan mong magshare ng litrato na labas ang dila, maski ang mga babaeng pinupuntahan mo sa night club ay pinalandakan mo pa talaga!" Panenermun nito sa kabilang linya.
Imbes na mairita ay aliw na aliw siya rito. Napahalakhak siya lalo ng sunod-sunod ang ginawang pagmumura nito sa kanya.
Kababata nila si Hailey bukod tanging ang pamilya ng babae ang nakakaalam ng totoong katauhan nila sa mundo ng mga mortal.
Maski ang mga pinagdaanan nila noong mga bata sila'y alam nito, kaibigan ng yumaong Lola nila ang Lolo nito.
"Sige tunatawa ka diyan Halls, iniisip ko lang ang magiging epekto ng pinaggagawa mo sa career mo! Magbehave ka naman letse ka!"Nanggagalaiting bulyaw nito sa kanya.
Naiiling lang si Halls, kumuha siya ng pot holder para kuhanin ang nakasalang sa oven na roasted chicken.
"Easy babe, masiyado kang hot! 'di bagay sa'yo!"pang-aalaska niya.
Nahimigan niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. Kung hindi niya kabisado ang ugali nito, iisipin niyang nagseselos ito.
Pero imposible iyon, kilala niya ang mga tipo nito. Kahit palagi silang magkasama ay malabong magkagusto ito sa kanya, personal assistant niya ito at the same time sub manager na rin.
Disi-otso palang ito at kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo sa kursong Mascom.
Habang nag-aaral ay nagtratrabaho ito para sa sarili upang matustusan nito ang pag-aaral.
Tanging Lola nalang kasi nito ang natitirang kasama nito sa buhay, kaya todo kayod ito sa paghahanap ng pera para sa pag-aaral nito at para na rin sa pangaraw-araw ng kanilang Lola nito.
He even offer Hailey to pay all her needs in school and their home. But eventually she refuse. Kaya lalo niyang hinangaan ito, despite of what situation Hailey have ay nagpapakatatag pa rin ito.
"Hoy! Nawala kana. Hindi ka na naman nakikikinig! Diyos ko Hallden. Beinte-singko ka na pero pa happy happy ka lang!"
"Nakikinig ako, may inaayos lang ako."sagot ng binata.
"Hmmm... ano na namang niluto mo Halls?"tanong ng dalaga.
Napangisi nalang si Halls, kabisadong-kabisado talaga siya nito. Alam na alam nito kung ano ang ginagawa niya. Parang bampira rin ito.
"Roasted Chicken, tara punta ka rito. May ipapakilala ako sa iyo. Saka may darating na bisita si Oreo."pag-iimbita ng binata sa dalaga.
"Sige magbibihis lang ako,"mabilis nitong pagpayag."Huwag ka ng magbihis, shirt at jeans lang din naman ang ipapares mo!"may pagkatomboy kasi ito.
"Wala kang pakialam! Ang mabuti pa'y pakiayos-ayos mo 'yung issue na ginawa mo kagabi! o siya babush!"buweltang sagot ng dalaga sa kabilang linya.
"Talaga lang huh, hayaan mo Hailey. Kung sakali hindi ako ang mawawalan. You know me as well."mayabang niyang sabi.
Naglakad na siya papuntang pinto. Agad na niyang pinatay ang tawag. Nagbilang si Halls hanggang sampu.
Isang maluwang na ngiti ang namutawi sa labi ng binata ng mapagbuksan niya sa labas si Hailey.
Ganito ito kabilis, basta pagkain agara itong dadayo. Malapit lang ang mansyon nila sa bahay ng mga ito. Gamit ang biskleta'y dalawang minuto lang ang kakalkulain sa pagpunta sa kanila.
"Ang bilis huh, hindi halatang takam na takam ka na!"birong-totoo na sabi ni Halls rito.
"Excuse me hindi ah! Nasaan pala si Zain? Magpapatulong ako ng tungkol sa subject ko sa Social studies."
Nagtuloy-tuloy ito sa pagpasok, hanggang sa kumedor. Napangiti ng maluwang si Hailey ng makita si Zain.
"Kamusta Zain? maya pakitulungan mo naman ako sa assignment ko."pakiusap ng dalaga sa binata na nakaupo sa dining area.
"Ano ka ba Hailey, ako ng bahala sa assignment mo. Bakit si Zain pa ang kukulitin mo, puwedi naman ako."nakakunot-noong sabi nito sa dalaga.
"Bakit ba, eh si Zain ang gusto ko. Saka baka lalong bumagsak ako kapag ikaw ang tutulong sa akin nuh!"asik ng dalaga kay Halls.
Mabilis itong umupo sa isa sa mga upuan.
"Ayaw mo 'di huwag! Tignan natin kung mapagbibigyan ka ni Zain ngayon."nakakalukong balik-sagot ni Halls.
"Totoo bang hindi mo ako pagbibigyan ngayon Zain?"may halong tampong saad ni Hailey.
Matipid lamang ngumiti ito, kasabay ng pagdako ng mga mata nito sa likuran niya. Kitang-kita ni Hailey ang pagpasok ng isang babae. Mapusyaw ang kulay ng balat nito, may magandang mukha na maihahalintulad sa isang diyosa. May mahabang buhok ng kakulay ng mga ulap, mga matang kakulay ng ginto. Sa madaling salita almost perfect ito. Mabilis na binawi ni Hailey ang pagkakatitig sa babae ng makita niyang masuyo itong inalalayan ni Zain para maupo.
"I would like to meet you Hailey, this is Eleezhia. Magmula sa araw na ito dito na siya titira."pakilala ni Halls kay Eleezhia kay Hailey.
Pinagmasdan niya ng maigi ang magiging reaction nito. Ang akala niya'y mag-iingay ito, katulad ng laging nakagawian nito. Pero sa pagtataka niya'y nanatiling tahimik ito.
Nakita niyang nginitian ito ni Eleezhia na tinugon naman ni Hailey ng matipid na ngiti. Sa ganoong eksena agad na pinagana ni Halls ang kakayahan bilang bampira. Binasa niya ang nasa isip ng dalaga. Hindi man tamang gawin iyon pero 'di niya mapigilan ang sarili.
Napabuntong-hininga nalang si Halls sa nadiskubre, tila pinagselosan pa nito si Eleezhia ukol kay Zain.
"Kumain na tayo."pagbasag sa katahimikan ni Zain.
Napalingon silang lahat sa entrada ng makita nilang pumasok si Oreo. Kasunod nito si Oleene, as usuall isang nahihiyang ngiti ang nakita ng lahat sa babae. Agad ng naupo si Oreo, marahan niyang tinapuan si Oleene.
"Ano pa bang tinatayo mo diyan Oleene, maupo ka na para makapag-umpisa na tayong kumain!"mando ni Oreojon rito.
Nagulat pa ito sa pagsigaw ng binata, maski ang ibang mga kasama nila'y naiiling nalang. Agad siyang tumalima, nakayuko itong naupo sa isa sa mga upuan na naroroon. Mahaba ang lamesang gamit nila at madami rin upuan na nakahilera. Kung saan mga maykaya lang ang mayroon.
"Hoy Oreo! Kahit kailan hindi ka parin nagbabago. Ang bastos mo parin!"Iiling-iling na puna ni Hailey.
Napasmirk naman si Oreo, kasabay ng pagpapalit ng kulay pula ng mata nito.
"Tama na iyan maari ba, nasa hapag-kainan tayo."biglang pamamagitan ni Halls sa dalawa.
Napairap nalang si Hailey, tila nainis talaga ito sa ginawi ni Oreo. Maski ang huli ay napasmirk naman.
Nanatili namang tahimik at nakayuko si Oleene.
"Feel at home Oleene, kain na."biglang sabi ni Eleezhia rito. Tumango naman ito at agad ng kumain. Natatakot man si Oleene sa katotohanan na ibang klaseng nilalang ang mga kasama niya sa hapag-kainan, minabuti nalang ipag-walang bahala lahat ng iyon nito.
Agad ang paglipad ng tingin ni Eleezhia kay Oreo. Mababanaag sa kulay gintong mata nito ang kakaibang kislap.
Mahigpit na hinawakan ni Oreo ang mga kubyertos. Hindi niya maintindihan, ngunit pakiramdam niya may kakaiba rito... parang may itinatago ito.
Bigla niyang iwinaksi ang nasa isip ng nanatili siyang tinitigan nina Zain at Halls.
MATAPOS makakain at makausal ng pasasalamat sa mga kaharap ay agad ng tumayo si Oleene.
Nginitian niya ang lahat maski sina Zain at Halls, narinig niya ang pagtikhim ni Oreo kasabay ng pagtayo nito at paghawak ng mahigpit sa kamay niya.
"Kung tapos ka na, halika na may ipapaasikaso ako."malamig na tugon nito kay Oleene.
Nasaktan man siya sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng binata'y hinayaan nalang niya iyon. Ilang linggo na rin naman siya sa mansyon ng mga ito.
Kahit paano'y maayos naman ang pakikitungo ng mga ito. Maski ang mga kakambal nito'y wala siyang masasabi.
Iyon lamang nababagot na siya dahil magmula ng patuluyin siya ni Oreo sa mansyon ng mga ito'y hindi na siya pinagtrabraho.
Hindi niya alam kung tama ang nararamdaman niya para sa binata, siguro'y pagtanaw lang ng utang na loob ang ginagawa niya.
Masyado siyang nabibilisan, para makaramdam siya ng kung ano rito. Sabagay kahit may pagkarude ito'y alam niyang may good side rin ito. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila, lalo sa tuwing damdampi ang balat nito sa kanya.
Gulat pa siya ng bigla'y hinila siya papasok ni Oreo sa silid nito. Takot at pagtataka ang namayani sa kanya sa mga oras na iyon.
"O-reo a-nong gagawin natin d-dito?"
Ngunit imbes na sumagot ay agad siyang ibinagsak ni Oreo sa kama. Muli sanang babangon si Oleene, ngunit agad na siyang kinubabawan ng binata.
Kitang-kita niya ang mapula nitong mata na nakatunghay sa kanya. Napapikit siya ng maramdaman niya ang pagdila ni Oreo sa leeg niya. Nanginig siya sa labis na takot.
"P-please O-Oreo h-huwag."
Buhat sa nahimigang takot ay tuluyang bumalik sa dati ang kulay ng mata ni Oreo. Sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti niyang nararamdaman ang labis na pagkauhaw sa dugo. Magmula ng gabing magtagpo sila ni Oleene.
Kakaibang pagkauhaw sa dugo na kahit anong inom niya ng dugo sa ibang mortal ay iisa lamang ang nais niyang matikman at hinahanap-hanap...
Iyon ay ang dugo ni Oleene, tila siya mababaliw sa tuwing malapit ito sa kanya. Lalo kapag nagkakadikit ang balat nila. Kakaibang pagnanais at pagnanasa ang umaalipin sa kanya sa mga sandaling iyon.
Sa mga linggong nagdaan ay nakita niya kung gaano ito kasunurin sa lahat ng ipinag-uutos niya. Kahit Lagi niya itong binubulyawan. ay nanatili pa rin itong tahimik... and he hate it too much!
Maski sa mga kapatid niya'y maayos itong makisama, he eventually talk to Zain as well. Kilalang mapili sa kinakausap si Zain.
Habang si Halls ay mabilis rin nakapalagayang loob ni Oleene at sa tuwing nag-uusap ang mga ito at malayang nagbibiruan ang dalawa na lagi niyang nadadatnan sa tuwing umuuwi siya galing sa gig at walang taping si Halls.
Pero kanina, lalo ng nginitian ni Oleene ang dalawa, tila may kung anong dumagan sa dib-dib niya. Nalilito siya, they just met a few weeks ago. Bakit ganito nalang siya makaramdam ng kung ano rito.
Na maski sa mga kapatid ay hindi niya mapigilan ang manibugho. As if he wants Oleene for himself only!
Muling nanumbalik ang isip niya ng makita niyang nanatiling nakapikit ito, napabuntong-hininga siya. Kasabay ng pag-alis niya rito, dahan-dahan siyang napaupo. Mayamaya'y naramdaman niyang naupo na rin si Oleene sa tabi niya.
"K-kung may nagawa man ako na hindi mo nagustuhan Oreo, I'm sorry."sinserong sabi ng dalaga.
Naramdaman ni Oreo ang paghawak ng dalaga sa kamay niya. Alam niyang nangingilag pa rin ito, dahil isa siyang bampira. Ngunit sa tuwing ganito ito sa kanya'y magkahalo-halong emosyon ang namamayani sa kanya. Sasagutin niya sana ito ng muli ay naramdaman na naman niya ng kakaibang damdaming kumakain sa kanya. Halos maglaway si Oreo ng makita niya ang nakalitaw na leeg ng dalaga. As if he want to bite those neck of her.
Agad niya itong tinalikuran.
"Being near with you is a bad idea, Oleene..." bulong sa isip ni Oreo. Nakita pa niyang nasa labas ng silid si Zain kasama si Eleezhia.
"Oreojon."tawag ni Zain sa kanya.
Hindi na niya pinagkaabalahang sagutin ito, sa isang kisap-mata'y mabilis siyang nawala sa paningin ng mga ito...
Halls As Enrique Gil
Hailey As Liza Soberano