Chapter 9 - CHAPTER SEVEN

MARAHAN na pinaglandas ni Halls ang daliri sa leeg ni Hailey. Kitang-kita niya ang  dalawang maliit na marka kung saan naroon pa rin ang bahid ng sariwang dugo ni Hailey.

Napatutok ang mata ng binata sa magandang mukha ni Hailey.

"I'm sorry h-hindi ko sinsadiyang kagatin ka. It's just that h-hindi ko lang mapigilan."bulong ni Halls rito.

Isang manipis na ngiti ang ipinaskil ng dalaga, kasabay ng pagtayo nito. Hindi nito ipinahalata ang panghihina niya sa ginawang pagkagat ng binata sa kanya. Bawal na bawal kasi sa kanila ang magpakagat sa may dugong werewolf. Nagkakaroon ng malaking epekto at pagkairita sa kanila kapag nakagat sila nito.

Bagamat hindi naman purong werewolf ang binata ramdam niya ang masamang epekto niyon sa katawan nito. Napansin pa niya ang panghihinayang sa mata ni Halls ng lumayo siya rito.

Hindi naman niya ito masisisi, ibang-iba kasi ang dugo ng mga katulad niyang "Alpha".

Katulad nito'y isa rin siyang bampira, ngunit mas nakakalamang nga lang sa ibang aspeto ang kakayahan niya bilang kalahi nito. Ngunit meron rin naman silang kahinaan, isa na roon ang banal na punyal galing sa mga banal na kapag naisaksak sa katulad niyang Alpha' y maari siyang mabawian ng buhay. Maski ang mga may dugong banal o mapa-anghel ay delikado sila. Kung 'di sila mag-iingat ay magiging mitsa iyon ng pagkasawi niya.

Dahil  isa siya sa mas high breed na vampire, nakaya niyang itago ang tunay niyang katauhan sa binata sa loob ng ilang taon.

Maski ang ilusyon na ginawa niya para magmukha siyang mortal ay naging matagumpay din.

"Okay lang Halls, naiintindihan kita."patuloy ng dalaga mapait siyang napangisi ng maramdaman niya ang mabilis na pagdaloy ng hapdi sa himaymay ng kanyang katawan. Parusa iyon para sa pagpayag niyang magpasipsip ng dugo sa binata.

Marahan siyang naglakad palayo sa binata, anuman oras ay titimbuwang siya mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi pa siya nakakalayo ay mabilis siyang niyakap at pinigilan ng binata.

"B-Bakit Hailey, bakit ka naglihim sa akin. Akala ko ba best of friends tayo, a-akala ko ba wala tayong lihiman!"mataas nitong saad sa likuran niya. Muli siyang dumistansya rito.

"Pasensya ka na kung ginawa ko iyon Halls iyon kasi ang tamang dapat kung gawin---" Ngunit hindi pa natatapos ang sasabihin ni Hailey ay bigla na lamang itong nawalan ng malay pagkatapos.

Mabuti nalang agad siyang sinalo ng binata bago pa bumagsak ang dalaga sa lupa. Dinumbol ng kaba at pag-aala si Halls, lalo ng maramdaman niya ang sobrang init na balat na hindi pangkaraniwang sa katulad nilang Bampira. Tigbi-tigbi na ang pamamawis ni Hailey sa noo.

"H-Hailey! Anong nangyari?"

Nang hindi sumagot ang dalaga ay agad siyang nagpalit ng anyo bilang lobo. Agad niya itong isinampa mula sa kanyang likuran, saka mabilis itong tumakbo pauwi sa mansyon.

ISANG malakas na pagbukas ng pinto ang umagaw sa pansin ni Zain, kasalukuyan itong nasa itaas ng hagdan kung saan paakyat na ito sa sariling silid.

Kitang-kita niya ang pagpasok ni Halls, habang pasan nito mula sa likurang bahagi si Hailey.

Natutukoy niyang alam na nito ang katotohanan sa likod ng tunay na pagkatao ni Hailey. Sa pagpihit niyang paharap ay tuluyan siyang dinala ng kakayahan niya sa silid ni Halls.

Kitang-kita ni Zain ang labis na pag-aalala ni Halls sa dalaga. Napatutok siya sa mukha ni Hailey na kasalukuyang walang kamalay-malay.

Mabilis na dumaan sa isipan ni Zain ang eksena kanina  sa pagitan ni Halls at Hailey, bago mahimatay ang huli. Agad siyang lumapit sa kinahihigaan ni Hailey. Mabilis naman siyang tinapunan ng pansin ni Halls nasa mga mata nito ang labis na pag-aalala sa dalaga.

"Don't worry magiging okay din si Hailey."pampalubag ni Zain sa kapatid, tinapik-tapik pa niya sa balikat si Halls.

Imbes na huminahon ay marahas ang ginawang pagtapik ni Halls sa palad ni Zain. Nasa mga mata nito ang labis na gigil.

"Paano akong hindi hihinahon kung wala akong kaide-ideya kung ano ba talaga ang nangyayari kay Hailey, Zain!"puno ng emosyong saad nito sa kapatid.

Napalingon sila sa pinto ng makita nila ang pagdating ni Oreo, maski ito'y aligaga rin. Tila may pinuproblema ito sa mga sandaling iyon.

"Z-Zain... Halls... nakita niyo ba si Oleene. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya mahanap."biglang sabi nito. Agad ang pagtutok nito kay Hailey mula sa kinahihigaan nitong kama.

Hindi pinansin ni Halls ang kapatid, agad ang pagbaling nito kay Eleezhia na kasalukuyang nakatayo sa bintana. Nanatili itong nakadungaw roon. Pinagmamasdan lang nito ang madilim na kalangitan na tanging bituin lamang ang nakatunghay.

Sa totoo lang galit na galit si Halls rito, kung 'di dahil dito ay hindi sila aabot sa ganoon ni Hailey. Ilang beses siyang nagpigil para hindi tikman ang kakaibang hatid ng samyo ng dugo ni Hailey sa kanya.

Ngunit ng dahil sa pakikiaalam ni Eleezhia'y tuluyan niyang nagawan ng masama si Hailey!

"Ikaw! Kasalanan mo kung bakit ito nangyayari, magmula ng dumating ka lalong naging kumplikado ang lahat! Ang mabuti pa'y umalis kana habang nakakapagpigil pa ako!"dumagundong ang galit na boses ni Halls sa kabuuan ng silid.

"Uulitin ko Halls, hindi ako ang tunay niyong kaaway. Narito lamang ako para sa ikakabuti ng lahat, kaya sana Halls alisin mo ang galit sa puso mo. Magtiwala ka sa akin, masakit man pero parte ito ng proseso para maging matagumpay ang naitakda sa nalalapit na eklipse."

Buhat sa narinig ay lalong naglimayon ang galit sa dib-dib ni Halls, hindi niya matanggap na ganoon lamang kadaling sabihin ng dalaga ang mangyayari sa kanila pagdating ng araw na iyon. Kung saan buhay nilang tatlo magiging kapalit sa bagong sibol na mundo...

Mabilis na hinayon ng mata ni Halls ang kama na kinaroroonan ni Hailey. Hangga't nanatili itong walang malay,hindi pa rin ito mapapanatag.

"Isa lamang ang makakapagligtas sa kanya Halls..."mayamaya'y biglang sabi ni Eleezhia.

"A-Ano?"agad na tanong ng binata.

"Dugo lamang ng katulad niyang Alpha ang mgpapawala ng lahat ng nararamdaman ni Hailey, Halls."patuloy nito.

Napakuyom si Halls matapos niyang marinig rito ang sinabi nito.

"Paano? hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang ama niya."tila lalong nawalan ng pag-asa ang binata dahil sa sinabi ng dalaga.

"Dahil sa my lahi kang werewolf kaya nagkaganyan siya ng dahil sa pagkagat at pagsipsip mo ng dugo niya."walang anu-ano'y sabi ni Zain.

"So kasalanan ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Hailey!"lalong nalukot ang mukha nito. Marahan nitong inihilamos sa mukha ang magkabilang palad.

"Alam ko kung saan matatagpuan ang Ama niya..."biglang saad ni Eleezhia. Kaya upang tumutok ulit ang buong pansin ng lahat rito.

"S-Saan?"mabilis na tanong muli ni Halls.

Agad na sinalubong ni Eleezhia ang mata ni Oreo na nanatiling nakatitig sa kanya, masasalamin ng dalaga rito ang namumuong tensyon. Pagkatapos nitong mabasa ang nasa isip nito.

"...Nasa gubat ito, habang kasalukuyang hinahabol si Oleene."