GIANNA FERRIER
Tahimik kaming kumakain ni Manang Hilda of course together with Sir Nicholas na bawat galaw ay maingat. Now I can see my father to him, sigurado ako na isa siyang businessman, a tight businessman like my father.
"Dito ako matutulog Manang Hilda." I heard Sir Nicholas said in the middle of our meal.
"Ngayong gabi ba kamo Sir Nicholas?!" Bulalas na tanong ni Manang Hilda kaya palipat-lipat na ang mga mata ko sa kanilang dalawa. "Hindi ko pa nalilinisan ang kuwarto mo, wala ka naman kasing pasabi na dito ka pala tutuloy." Dagdag nito.
"I'm sorry Manang. Ipapakuha ko na din ang mga gamit ko kila Rino para idala dito. I'm staying here." Sir Nicholas uttered lazily.
"Bakit? May okasyon bang gaganapin sa mga Buenavista?" Takang tanong ni Manang Hilda while I'm eating silently and listening to their conversations.
"My friend Gray just got married." Yun lang ang tanging sagot ni Sir Nicholas. Manang Hilda nodded at bumaling sa akin ang atensyon.
"Tulungan mo akong linisin ang bahay mamaya Gail. Pagkatapos nating kumain." She said in a soft tone kaya napabaling din ang mga titig ni Sir Nicholas sa akin. Nakangiting tumango na lang ako pero Sir Nicholas' eyes are all on me, tinatanya o pinag-aaralan ang mga galaw ko. Nang matapos ang tanghalian namin ay nag-insist na ako na ang maghuhusga but Manang Hilda refused.
"Dito na ako sa baba maglilinis at ikaw naman ay sa taas." Manang Hilda said and handed me the keys. "Buksan mo ang kuwarto ni Sir Nicholas at yun ang unahin mong linisin dahil doon yun tatambay ngayon." Dagdag ni Manang. I nodded like I understood everything she said. Umakyat ako sa taas at binuksan ang kuwarto ni Sir Nicholas. I was amazed by his room, amazed by the interior designs and other antique furniture that are made by woods. I love furniture, I love designing. Napatingin ako sa isang cabinet. It is a lattice cabinet that is made OF lighter wood. Nakakamangha ang disenyo nito kaya agad ko itong hinawakan ng nakangiti.
"You love woods?" I heard Sir Nicholas' voice at my back. Gulat man ako sa pagsulpot niya ay bigla namang napawi yun nung lumingon ako. I saw him leaning on the door in a relaxed way kaya mas lalo lang akong naamused sa kanya. I can see him as a man, a man who can handle everything in life. Who can handle problems in a calmed and relaxed manner.
"Ah. Medyo." I chuckled awkwardly dahil imbes na naglilinis na ako ngayon ay nililibot ko ang tingin sa mga gamit niya. Obviously, wala naman siyang gamit dito. Mga sofa, daybed, bed, cabinet, tapos TV at iba pang appliances. Mabilis kong kinuha ang walis tsaka nagsimula ng linisin ang sahig. Hindi naman ganun karumi ang room niya, actually malinis siya at nakaayos ng tama ang mga gamit niya. I was conscious lalo na nung umupo siya sa daybed while crossing his arms and examining me.
"Hi-hindi ka lalabas?" Tanong ko sa kalagitnaan ng paglilinis ko.
I heard him chuckled with amusement at umiling, tila ba naeengganyo sa akin.
"Why would I?" Now he looks confused.
"Because I'm cleaning." Mabilis kong sagot. I bit my lower lip for answering him in English with accent on my voice pero mukhang hindi naman niya yun pinansin.
"Hindi ako aalis Gail. Kuwarto ko ang nililinisan mo. Go on. I won't disturb you, magpapahinga lang ako." I raised ny left eyebrow. Magpapahinga? Ganyan ba siya magpahinga? Pinapanuod ang bawat kilos ko? In the end ay wala din akong choice but to clean his room habang siya ay nakatitig lang at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Para hindi siya maghinala sa akin ay walang arte kong nilinisan ang kuwarto niya.
"HRS daw ang natapos mo?" He suddenly asked so I nodded. "Then you must be good on this. Pero bakit hindi naman?" Nang-aasar niyang saad.
"Ikaw Sir Nicholas? Ano pong natapos niyo?" I asked to divert the questions about me. Hindi pa din ako sanay na tawagin siyang Sir. Never in my entire life had I used Sir to call someone else, even Ma'am. Inayos ko ang bedsheet niya habang hinihintay ang sagot nito.
"Architect. I'm an architect." I looked at him surprised. Para bang bigla akong naexcite, we are the same.
"Wow. I love architects." Manghang saad ko. Nakakatuwa lang na makakita ng tao na kapareho mo.
"You don't need to love all architects. One architect will be enough for you little girl." He said and puckered his lips na para bang pinipigilang ngumiti. Sumalubong ang dalawa kong kilay dahil hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin, but I know for sure na may pinupunto siya.
"Ilang taon kana po Sir Nicholas?" Tanong ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng little girl. I know he is just mocking me pero dahil doon ay nagkaideya akong itanong ang edad niya kaya hindi na napigilan nito ang ngumiti na para bang may nakakatuwa sa sinabi ko.
"26." Tipid niyang sagot. "How about you?" He asked hesitant.
"22 pa lang po." Natahimik siya sa sinabi ko.
"As expected. Bata pa nga." Sambit niya at tumayo na ito kaya napatingin ako sa kanya.
"Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa baba at ipapatas kay Victor. Keep cleaning Gail."
Maawtoridad niyang saad. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglilinis. Maya-maya lang ay pumasok na si Victor at nakangiting nilagay ang mga gamit ni Sir Nicholas sa sahig.
"Hi Gail." Bati niya matapos itong maibaba ang mga gamit. I smiled back at him. "May gagawin ka ba mamaya? Ikutin natin yung Villanueva." Aya niya sa akin kaya napaisip naman ako.
"Hindi ako sure. Baka kailanganin ako ni Manang Hilda mamaya. Maybe next time na lang Victor." I said and smiled genuinely.
"Naku sayang naman. Sige! Update mo na lang ako kung pwedi ka." Nahihiyang sabi niya.
"Tapos na ba yan Victor? Bumaba kana doon, kailangan ka ni Mang Dan." Sabat bigla ni Sir Nicholas na mukhang kanina pa nakikinig sa amin. Magalang na nagpaalam si Victor at nahihiyang umalis dahil mukhang narinig nito ang pag-uusap namin.
"Hindi pa ba yan tapos?" Tanong ni Sir Nicholas habang nakatingin sa ginagawa ko.
"Patapos na po Sir. Ilalagay ko na po ba ang mga gamit mo sa cabinet?" Tanong ko. Hindi ko alam kung tama ba na itanong ko yun. I mean, it's his personal things kaya baka ayaw niyang--
"No thanks. Ako na ang mag-aayos ng mga gamit ko. If you're done, pakisunod na yung CR." Sagot niya at nagsimula ng mag-ayos ng mga gamit niya. Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa CR dahil mukhang hindi naman niya ako kailangan doon. Nang matapos na ako sa paglilinis ng CR ay lumabas na din ako agad at naabutan ko siyang pinupunasan ang countertops at mini table niya. Napayuko na lang ako at biglang nahiya. It was perceptible how messy I cleaned his room, hindi ko man lang nalinisan ng maayos.
"Bababa na po ako Sir Nicholas." Nahihiyang saad ko.
"No. Help me clean this area Gail." Seryosong saad niya. Napapout na lang ako dahil ang area na sinasabi niya ay kanina ko pa nilinisan yun. It means that I didn't cleaned it properly that's why he is cleaning it again. Tumulong na lang ako sa pag-aayos ng mga libro na nasa table niya hanggang sa mapatingin ako sa isang magazine. Binalot ako ng kaba ng makita ang cover ng magazine which is picture ni Daddy doon. An interview about his success in the business industry. I didn't notice that Sir Nicholas is already beside me and also looking to the magazine which I'm looking for right now. Kinuha niya yun sa akin at nilagay sa table niya.
"Ki-kilala mo po siya Sir Nicholas?" I asked tensed.
"Not that much. I don't usually interact with my co-businessmen. Piling tao lang." I raised my left eyebrow of what he said.
"You said you're an architect?" Takang tanong ko. He crossed his arms at hinilig ang likod sa likod ng sofa.
"Yeah. And I also graduated business administration." Simpleng saad niya ng walang halong yabang. Mas lalo akong napanganga at namangha sa kanya. When he saw my reaction he can't help it but smiled.
"Ang galing naman." Yun na lang ang sinabi ko at mahinang natawa dahil din sa sariling reaction ko.
"Gail! Tinatawag ka ni Manang Hilda sa baba." Sabi ni Victor na nasa may pintuan at may hawak na grasscutter.
"Sige na. Ako na ang bahala dito." Ngiting tipid ni Sir Nicholas kaya sabay kaming bumaba ni Victor.
"Ang bait ni Sir noh." Puna ni Victor kaya mas lalo lang lumapad ang ngisi ko. He is very kind, gentle and manly.
"Yeah." Wala sa sariling sambit ko habang pinagpapantasyahan si Sir Nicholas. How he manage to lift up the chair easily, how he wiped the mini tables like an expert and how gentle he is to me. I bit my lower lip to hide the smile and enjoyment I feel towards him.
"Mabait si Sir Nicholas sa LAHAT. Walang exemption sa kabaitan niya. Sa lahat mismo Gail kaya mas lalo lang nagkakagusto at nahuhumaling sa kanya ang mga kababaihan dahil akala nila ay special treatment ang ginagawa sa kanila ni Sir." Saad ni Victor sa akin. Pero mas lalo lang yata akong naaamazed sa kanya. Nakita ko ang pag-iling ni Victor ng makita lalo ang reaction ko. Para bang he is dissapointed.
"Maganda ka nga pero hindi kagaya mo ang mga type ni Sir. Puro mga sexy at kaedad niya. Hindi yun pumapatol sa mga bata." Pang-aasar ni Victor sa akin kaya mahina ko siyang hinampas sa balikat.
"Wala akong sinabi na gusto ko si Sir ah!" Simangot kong sambit kay Victor pero mukhang hindi siya naniwala sa akin.
"Playboy yun si Sir. Paiiyakin ka lang nun." Bulong ni Victor sa akin at pinasadahan ang hagdan, tila sinisigurado na walang nakarinig.
"Hoy Victor! Wag mo ngang sinisiraan si Sir Nicholas kay Gail." Sabat ni Manang Hilda at dumiretso sa kitchen. Sabay din kaming pumunta doon ni Victor.
"Ingay mo naman Manang." Si Victor habang nasa batok ang isang kamay at nahihiya.
"Natural, single kaya maraming dinidate. Pero nakita niyo naman na kapag girlfriend niya ay hindi siya naghahanap ng iba." Depensa ni Manang Hilda.
"Seryoso nga sa una pero break din agad kapag nagsawa na." Bulong ni Victor sa sarili. Natawa na lang ako dahil parang wala dito ang pinag-uusapan nila. Umupo ako sa wegner bar stool tsaka mas lumapit kay Manang Hilda na nagluluto ng meryenda.
"May mga sineryoso po si Sir Nicholas? Akala ko playboy siya?" I asked curiously. Victor shook his head dahil sa pagiging interesado ko tungkol kay Sir Nicholas.
"Meron naman yata." Manang Hilda said uncertainly. "Basta alam ko na kapag girlfriend na niya loyal naman siya pero kapag date naman marami, sinasabaysabay." Napatango na lang ako sa sinabi ni Manang. Suwerte ng mga naging girlfriend niya, hindi nga lang nagtatagal tulad ng sinabi ni Victor. Break agad.
Nang mawala na ang araw at nilamon na ng dilim ang paligid ay patuloy pa din sa paglilinis si Manang Hilda while Sir Nicholas is on his room at kanina pa nakakulong doon. Manang was right, hindi masyadong lumalabas ng kuwarto si Sir.
Tinutulungan ko din naman si Manang pero mas nakatutok ako ngayon sa iniihaw kong isda. It is not hard to grill fish kasi dati gawain ko ito ng patago kasama ang mga friends ko sa ibang bansa, although hindi ako ganun kagaling at hindi isda ang iniihaw namin kundi hotdogs.
"Nakakapagtataka ang biglang pagtuloy ni Sir Nicholas dito. Kapag may mga okasyon naman ang Buenavista ay laging doon tumutuloy si Sir." Narinig kong usal ni Manang sa sarili. I shrugged my shoulder, does it matter? I got startled when Manang walked towards me na nagpapanic pati tuloy ako kinabahan sa reaction niya.
"Sunog na Gail yung iniihaw mo!" Bulalas niya bigla kaya kinagat ko ang daliri ko sa hiya at kaba. Mas lalo mo lang pinapahalata Gianna kung gaano ka kawalang silbi pagdating sa bahay lalo na sa pagluluto.
"Hi-hindi ko napansin. Sorry po Manang." Dahilan ko na lang para hindi niya isipin na hindi talaga ako marunong. I'm not an expert like her, kahit nga si Sir Nicholas ay sigurado akong hindi din siya marunong nito. Kapag mayaman ka ay hindi mo na kailangang magluto, all you need to do is sit and wait until the food is served by your servants.
"Ano pong nangyari Manang?" I heard Sir Nicholas' voice and I saw him walking to where we are standing. Mas lalo lang akong binalot ng kahihiyan at napayuko.
"Hindi nabantayan ni Gail ang iniihaw niya kaya nasunog." Ngiting saad ni Manang "Isang isda lang naman Sir Nicholas." Manang added like everything was fine. Isang isda lang kasi isang isda pa lang ang naiihaw ko.
"Ituloy niyo na lang po ang ginagawa niyo. Kami na ang bahala dito ni Gail." Sir Nicholas said in a serious voice kaya akala ko ay galit siya pero mukhang normal lang naman ang ganung boses niya.
Wait! Kami? He will help me grill the fish? Wait again! Did I hear him right? Marunong ba siya mag-ihaw?
"Osige at aayusin ko ang lamesa." Nagmamadaling sabi ni Manang at iniwan kaming dalawa doon ni Sir Nicholas. Walang nagsalita at ako ay nakatayo lang habang siya naman ay abala sa paglalagay ng isda. So marunong nga talaga siya.
To make his work lighter ay ako na ang humawak ng platong may lamang isang sunog na isda na inihaw ko kanina. Medyo nagulat pa siya sa pagkuha ko bigla sa kanya ng plate. He just ignored my presence at patuloy lang sa ginagawa niya.
"Marunong ka ba talagang magluto? Or pastry lang talaga ang alam mo? Like baking, cakes. Mga ganun." Sir Nicholas' opens up. May maliit na upuan doon at hinawakan niya para paupuin ako sa tabi niya.
"Manag Hilda said that you're going to sell this house. Kailan niyo po Sir balak na ibenta para makahanap na ako ng malilipatan agad." I said trying to change the topic again. Ayokong maopen ang topic about sa akin dahil hindi ko alam ang maisasagot ko.
Napatingin si Sir sa akin and raised his left eyebrow. Umiwas siya at malalim na nag-isip habang ako naman at hinihintay ang sagot niya sa akin.
"Pinag-iisipan ko pa." He said in a small tone of voice bago tinuon ang atensyon sa iniihaw niya.
Dahil sobrang tahimik ng paligid kaya naisipan ko na lang na umalis at magpaalam sa kanya para tulungan si Manang. Patapos na din naman kasi siya sa pag-iihaw.