Chereads / The Runaway Bride (Womanizer Series #3) / Chapter 7 - Chapter 7: First Time

Chapter 7 - Chapter 7: First Time

Gianna's POV

I'm helping Manang Hilda in the kitchen to cook pakbet. Hindi ko alam kung anong klaseng ulam ito for dinner pero sigurado ako na halo-halong gulay ang nasa lamesa ngayon. Tumabi sa akin si Victor kaya tinapunan ko siya ng ngiti at nagpatuloy sa ginagawa kong pag-aayos ng mga main ingredients.

"Ang sabi po sa akin ni Sir Nicholas ay hindi na daw niya ibebenta ang bahay." Pag-oopen ko ng topic sa kanila because I'm sure matutuwa sila dahil hindi sila mawawalan ng trabaho. I was surprised when Sir Nicholas said that to me and I don't know if I'm happy or tensed. Masaya dahil may matutuluyan ako at kinakabahan din at the same time because I'm creating another identity of myself at hindi ko gusto yun, dahil mukhang magtatagalan ako dito.

"Bakit daw? Nakakapagtaka naman yun." Mahinang sambit ni Victor sa akin.

"Baka naman napagtanto lang ngayon ni Sir Nicholas ang tunay na ganda at halaga ng bahay." Manang Hilda said meaningfully while cutting the pumpkin and glanced at me for unknown reason so I just smiled at her. I heard Victor's snorted in an irritated way so my eyebrows met while looking at him with ignorance on my face.

"Mahalaga sa mga mayayaman ang status ng isang tao. Impossible ang iniisip mo Manang." Hindi sang-ayon ni Victor. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila at pilit sinasabayan ang punto ng usapan pero wala akong naintindihan sa kanilang pinag-uusapan.

Victor has a point. Rich people are very prudent and careful to the people around them, to the people they are interacting with because social status of a person is valuable. Noted, only wealthy and powerful people are valuable for them, I'm not generalizing it and I want to stop the stereotyping about rich people pero ganun ang karamihan sa kanila and of course I'm not included to those kind of person. Sabi ko nga hindi ko nilalahat dahil hindi ako ganun.

Nakaupo na kami sa table kasama sina Manang Hilda, Mang Dan and Victor. Of course nandun si Sir Nicholas sa tabi ko. I was about to get the pakbet when Sir Nicholas grabbed the bowl and put some pakbet on my plate. I was a little bit surprised and amazed. He is really kind and thoughtful to other people, no doubt why girls fell for him.

Mang Dan, Manang Hilda at si Victor ay parang natigilan pa dahil sa ginawa ni Sir Nicholas. Pero bakit ako lang ang nilagyan niya ng pagkain sa plate? Oh! Of course! Ako lang naman ang katabi niya eh. Nagpatuloy kaming kumain kahit may nalasahan akong gulay na medyo malapot ang loob. I don't know but it's kind of a bit weird, kakaiba yung lasa sa una pero masarap din naman.

Naunang matapos si Sir Nicholas sa pagkain. Matapos niyang uminom ay nilagyan niya ng tubig ang baso ko kaya napatingin ako sa kanya pero nasa baso lang ang pokus at buong atensyon nito. Ikinakibit-balikat ko na lang iyun at nagpasalamat sa kanya.

Matapos ang hapunan ay maaga na din kaming natulog. Tatlo ang kuwarto ng maid quarters doon at ako ay nasa isang kuwarto naman. Mang Dan and Victor shares the same room while Manang Hild occupied the other room like me.

Dahil 8PM pa lang ay hindi ako makatulog ng maayos. Hindi pa din ako nasasanay na matulog ng maaga at walang kahit na anong gadgets sa tabi ng unan ko. Before sleeping, I used my cellphone to become updated on my social Medias. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kitchen but when I saw Sir Nicholas sitting on the bar stool on his island kitchen ay dahan-dahan akong tumalikod at naglakad ng walang ingay pabalik sa kuwarto ko. Bad timing! Iinom pa naman sana ako ng gatas para makatulog.

"May kailangan ka?" Napatigil ako sa tanong ni Sir Nicholas. Nakatalikod pa din ako at hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko. Is he talking to me? Did he saw me? I almost tiptoed while walking silently kaya paano niya ako nakita eh nakatalikod siya kanina. I faced him and he is now facing me with amusement and playful smiles on his face. Seryoso at madilim ang mga titig.

"Come on Gail. I already saw you before you walked farther." Natatawang sambit niya kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Paano?" Takang tanong ko naman. He just pointed the mirror using his fingers. I laughed in a low voice habang malapad na nakangiti.

"Hindi ka makatulog?" Tanong niya ng humina ang mga tawa ko.

"Hindi po talaga ako makatulog kapag ganito kaaga." Paliwanag ko sa kanya.

Tumayo siya at may kinuha sa loob ng ref. I saw him holding a bottle of milk and get two glasses tsaka sumenyas na sumunod ako sa kanya. Lumabas kami at dumiretso sa garden, may isang mini table doon at doon niya nilagay ang dalang baso tsaka gatas. May tatlong upuan doon, he seated comfortably and pointed the seat beside him. I am hesitant at first but his gazed give me the urge to seat beside him.

He poured the milk in the glasses and slide the one glass in front of me. I pouted my lips while my eyes are stilled on the glass. Saglit akong napasulyap sa kanya at nasa langit ang tingin niya kaya napabaling na din ako doon. I looked at the sky and the stars that shining very beautiful.

"What do you think of me Gail?" Seryosong tanong niya at bumaling sa akin.

"You are the only boss I met who is very thoughtful to his maids and assistants." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Wow. You really have no idea." Dissapointed niyang sambit kaya napakunot ako ng nuo. "Choose Gail. I will confess or kiss you?" He added seriously, namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. I am really deeply confused right now. I can smell his musk and citrus fragrance kaya marahan akong napalunok.

Why would he want to kiss me? And what confess he is talking about? May nagawa ba siya sa akin at gustong sabihin? He leaned closer to me, his lips is inch apart from me. He was about to kiss me when I moved my face away from him, nagulat siya sa ginawa ko. He licked his lower lip tsaka ko narinig ng marahan na tawa ngunit mahina lang. Kung may aaminin siya sa akin he can tell it directly to me, he don't need to kiss me.

He tapped my back before he stood up. "Pumunta kana sa kuwarto mo Gail. Inaantok na ako." Kahit seryoso lang ang boses niya ay nahihimigan ko ito ng irita at sungit.

Medyo late na akong nagising at matapos kong mag-ayos ay dumiretso ako sa kitchen at naabutan doon si Manang na inaayos ang lamesa para sa breakfast. I greeted her tsaka tumulong na din.

"Tatawagin ko na po ba si Sir Nicholas?" Masayang tanong ko kaya agad namang umiling si Manang sa akin tsaka napatingin na din sa gawi ko.

"Hindi na Gail. Maagang umalis si Sir Nicholas, bumalik na ng Maynila. Dala na nga lahat ng gamit ng batang yun eh. Mukhang hindi na babalik." Saad ni Manang habang nilalagyan ng ulam ang bowl pero ako ay natigilan at hindi na narinig ang mga sinasabi ni Manang. I don't know but my excitement fades away and replaced by regret for unknown reason.

--------------

Nicholas' POV

Maghapon akong nasa kompanya ko at tinignan ang mga on-going furnitures na inaprubahan ko lang ilang linggo na ang nakakalipas. I even checked the sales of our company which is stable naman at marami pa ang nakalinyang order na furnitures sa amin kaya doon ko binuhos sa trabaho ang oras ko para makalimutan ang ginawa ni Gail sa akin dahil hanggang ngayon ay naiinis pa din ako.

Matapos ang trabaho at ilang business deals and meetings sa mga clients ay dumiretso na ako agad ng condo. Hanggang pag-uwi ay nilibang ko ang sarili ko sa pag-gawa ng mga designs at pagguhit ng ilang mga furnitures.

Nang marinig ko ang doorbell ay agad kong binuksan iyun at hindi na ako nagulat pa sa mga pumasok na parang sila ang may-ari ng condo na 'to. Nakita ko ang pagdiretso ni Terrence sa table ko kaya agad kong sinara ang pinto at umupo sa sofa. Umupo din naman sila habang si Rhodney naman ay kumuha ng beer sa loob ng ref ko na para bang pagmamay-ari talaga nila ito.

"Kailan ang balik natin sa Villanueva?" Ngising tanong ni Terrence habang papunta sa gawi namin at umupo sa tabi ni Stan na umiinom na ng beer.

"Anong gagawin doon?" Takang tanong ko naman sa kanya.

"Ipapakilala mo sa amin si Gail. Diba?" Pang-aasar ni Ethan sa akin kaya masungit kong iniwas ang tingin sa kanya at kinuha ang isang beer tsaka nilagok iyun.

"Bakit ko siya ipapakilala sa inyo?" Mapait kong sambit kaya nagkatinginan sila at ngumisi.

"Bakit ang sama ng mukha mo ngayon?" Natatawang tanong ni Blake sa akin. Napasang-ayon naman sila.

"Basted ba?" Agad na paratang ni Ethan sa akin at nakangisi na parang isang demonyo. My lips twisted and drank another shot of beer.

"Mahirap magpakita ng motibo sa kanya. Para siyang bata na walang ideya." Tanging nasambit ko.

"Ooooh! But you gave her the flowers, right? Anong reaksyon niya?" Kuryusidad na tanong ni Ethan. Natawa na lang ako sa naalala.

"She put the flower on the vase. Akala niya palamuti ang bulaklak na binili ko para sa kanya." Iling na saad ko, hindi nawala ang ngiti sa aking labi. They all bursted of laughed.

"How about the kiss I suggested? Did she begged for you kisses? Anong nangyari matapos mo siyang halikan?" Rhodney said excitedly, he even leaned just to hear me say.

"Nice suggestion Rhod. Hindi ko pa nga siya nahahalikan iniwas na niya ang mukha sa akin. You are such an expert on this, I salute you." I said with sarcasm and took another shot. Naglaho ang excitement kay Rhod at napangiwi.

"Dapat sinabi mo na lang na gusto mo siya." Pang-aasar ni Stan tsaka tumawa. Hinilot ko ang sentido ko.

"Maybe she's confused on your action." Saad ni Gray na tahimik lang kanina pa. "And it's too soon for her to like you back. Let's face it, she is not like your other girls." Dagdag pa nito at inangat ang baso na may alak sa akin bago nilagok.

"Hayaan niyo na. First time mabasted eh." Saway ni Ethan pero alam kong may halo iyun ng pang-aasar. Marahan akong napalunok dahil sa pait at lamig ng alak.

"Ibig sabihin hindi ka sasama sa outing ng barkada? Magdadala pa naman ako ng chicks." Tanong ni Stan sa akin kaya napataas ako ng isang kilay. Siya? Magdadala ng chicks? Eh simula makilala niyan si Justine ay wala na yang babaeng nilalapitan. I doubt that statement of Stan.

"Hindi ako sasama. Kayo na lang." Tamad kong sambit at uminom ulit ng alak.

"Hindi lang nagpahalik basted na? Dapat kasi dinadahan-dahan yan Nicholas. Lagi kasing madalian ang gusto mo eh." Pagbabalik ulit ni Blake sa dating topic kaya mas lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Pwedi din namang nagulat lang diba?" Segundo naman ni Terrence.

"O baka ayaw talaga kay Nicholas. Hahahaha." Isa ding si Stan kaya tinuon ko na lang sa alak ang atensyon ko habang tahimik na nakikinig sa kanila.

"Mali mali! Mabaho daw kasi yung hininga ni Nicholas. Kaya nga agad tinakpan yung bibig diba?" Sambit naman ni Terrence habang tinatakpan din ang bibig niya tsaka sila nagtawanan ng malakas. Bahala kayo! Kung yan ang magpapasaya sa inyo sige lang.

"Tama na yan. Tama na." Pag-aawat ni Ethan kaya napatingin ako sa kanya. He winked at me like saying that I'm on your side dude. Napataas na lang ako ng isang kilay at pekeng ngumiti. "Magtotoothbrush muna si Pareng Nicholas." Umikot lang ang mga mata ko sa banat ni Ethan at humagalpak pa sila sa tawa.