Chereads / The Runaway Bride (Womanizer Series #3) / Chapter 8 - Chaoter 8: Pancake

Chapter 8 - Chaoter 8: Pancake

Nicholas' POV

I handed the brochure to my client. She smiled widely while accepting the brochure, she scanned rapidly the photos while keep glancing at me then she put it in the table and looked at me again. Pinagsiklop ko ang dalawang palad ko sa ibabaw ng lamesa habang hinihintay ang kanyang komento.

"I love the deigned Mr. Vargaz like just like my feelings for you." Miss Lim said in a very tempting voice. I puckered my lips and smiled a bit. She giggled and glanced at the brochure tsaka umangat ang tingin ulit sa akin.

"Thank you Miss Lim—" She cutted me

"Crissa na lang Mr. Vargaz." Ngising sambit ni Miss Lim sa akin kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin ko.

"I'm sorry Miss Lim but I have an appointment right now, if you have choosen your desired designs you can contact my secretary so that we can close the deal." Ngiting saad ko sa kanya at inayos ang suit ko bago tumayo. Nawala ang ngiti ni Miss Lim at napalitan iyun ng pagkadismaya. We shaked hands again before leaving her in the table tsaka dumiretso sa kotse ko.

"Saan tayo Sir Nicholas?" Tanong ng Driver ko.

"In the company." Utos ko kaya agad namang umandar ang kotse.

Hindi dapat ako ang makikipagmeeting kay Miss Lim pero dahil isa siya sa mga VIP clients namin ay ako na mismo ang nakipagmeeting tungkol sa mga designs para sa bahay niya ngayon na itatayo sa Batangas. I know she likes me that's why she keeps buying the furnitures of our company. But I don't like older women. As far as I remember she is 2 or 3 years older than me.

Pumasok ako sa opisina ko at agad humilig sa swivel chair ko tsaka hinarap ang syudad na tanaw sa loob ng opisina ko dahil sa transparent glass nito. He hurt my pride, I won't go back there. Ilang araw na ang lumipas at nagawa kong pigilan ang sarili ko.

My phone rang so I picked up the call without looking at the caller.

"Magandang araw Sir Nicholas." Bati ni Manang sa akin.

"Magandang araw din Manang Hilda." I greeted back and then my secretary opened up the door lightly.

"Mr. Ramirez and Mr. Santiago is here to see you Sir." Paalam nung secretary ko. I made a gestured to let them in.

"Bakit kayo napatawag?" Tamad kong tanong sa kanya. I heard Gail's sweet voice on the background so I seated properly and closed my eyes firmly. Para gusto ko ng bumalik sa Villanueva ngayon mismo. I think she asked something on Manang Hilda. Gusto ko pa sanang marinig ang boses niya pero agad na ding sumagot si Manang sa tanong ko.

Nakita kong pumasok sina Ethan at Stan. Naglalakad sila papunta sa direksyon ko habang may pinag-uusapang babae. Umupo sila sa harap ng table ko tsaka sinulyapan ako kaya pinagpatuloy nila ang pag-uusap.

"Magpapaalam sana ako Sir Nicholas. Pupunta akong laguna dahil babantayan ko ang mga apo ko, mangingibang bansa kasi ang anak ko at walang mapag-iiwanan sa mga bata." Paliwanag ni Manang. Ethan and Stan are laughing secretly while looking at the chick's picture on Ethan's cellphone. Medyo nawala ang atensyon ko kay Manang kaya hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi nito.

"Iiwan mo ang bahay Manang?!" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko nun kaya sabay napalingon ang dalawa sa akin. Isang tao lang ang nasa isip ko. Gail.

"Naandito naman si Victor para—" Hindi ko na pinatapos si Manang sa sinasabi niya at napatayo na ako ng marahas at naramdaman kong gumalaw pa ang upuan sa lakas ng pagkakatayo ko.

"Iiwan mo si Victor at Gail sa bahay?!" I asked vengefully that made Ethan and Stan looked at me again for the third time. But this time, there are smiles and smirks on their faces na mas nagpairita sa akin.

"Para naman ho may kasama kahit papaano si Gail tuwing gabi." Ramdam kong tensyonado si Manang. Minsan lang natutulog si Victor sa bahay dahil mas gumagawi ito parati sa apartment niya lalo na kapag may pasok kinabukasan. Huminga ako ng malalim at kumawala ng marahas na hangin. This makes my head shivered in angered and problems. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita ulit.

"Okay Manang. Just make sure that the house is properly locked up and secured." Yun na lang ang tanging binilin ko at binaba ang tawag kahit hindi naman talaga bahay ang gusto kong maging secured. Padabog kong nilagay ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. I put my both hands on my waist while my breath became faster because of frustrations.

"Damn it!" I cursed and kicked the swivel chair kaya mas lalong umusog iyun papalayo sa akin.

"Galit na galit yan. Nagmura na eh." Manghang sambit ni Stan kay Ethan. I saw Ethan nodded successively. Hindi ko sila tinapunan ng tingin at nag-isip ng malalim.

"Nangangamoy balikan." Narinig kong bulong ni Stan. Nakatalikod ako sa kanila but I know that they were smirking with so much happiness.

Lumingon ako at tinapunan ng seryosong tingin silang dalawa kaya agad naman itong bumalik sa kaninang ginagawa nila na para bang walang narinig kanina.

"Ipapakilala kita dito Stan. Pagselosin natin yung Justine na yun." Sambit ni Ethan kay Stan

"Ayoko niyan. Hindi yun magseselos Ethan." Iling na saad ni Stan bago ngumisi ng malapad. "Alam nun na siya lang ang maganda sa paningin ko kaya hindi yun magseselos." Stan added while grinning and tingling on his seat. Umupo ako ulit tsaka sila hinarap.

"Why are you here? Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila kaya agad naman silang napatingin sa akin at sabay na nagkatinginan sa isa't-isa.

"May ipapakilala sanang chick sayo si Ethan. Tignan mo." Excited na sambit ni Stan kaya napailing ako, it is a signed of refused na agad naman nilang nakuha.

"Litrato lamang ng isang babae ang gusto kong makita?" I said in a serious tune para tigilan na nila ako pero nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi ni Ethan.

"Si Gail ba ang tinutukoy mo? Baka magulat ka kapag nagpakita ako ng litrato niya." He said devishly, nahihimigan ko ng panunuya ang boses. Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. "Magsama kayo ni Stan. Parehong baliw sa babaeng ayaw naman sa inyo." Ethan said while his lips filled of annoyance. My lips twisted into a puckered lips while thinking deeply. Wala naman akong naaalala na may sinabi siyang ayaw niya sa akin.

"Mukhang mauuna kang pumunta sa Villanueva." Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Stan. Hindi ako nakaimik dahil alam kong tama siya. "Don't worry, susunod na lang kami doon." He added mockingly.

Nang makauwi ako ay inayos ko ang mga gamit ko para sa pagpunta ng Villanueva. I will be there to guard her and it doesn't change the fact that I am still annoyed and felt insulted to her of what she did that night. Hindi porket gusto ko siya ay magiging mabuti na ako sa kanya.

Ilang oras ang biniyahe ko makarating lang sa Villanueva. Nang makarating naman ako ay ilang beses pa akong pumito dahil walang nagbubukas ng gate. Seconds passed and I saw Gail opening the gate, napakunot ako ng nuo dahil bakit siya ang gumagawa niyan?

Lumabas ako ng kotse at nakita kong nagulat siya ng makita ako. Wow! What a careless lady, she is opening the gate without knowing who the person inside the car is? Paano kung ibang tao ang nasa kotse at pumasok sa bahay. She is so… Arrrrrrggh! Umiinit na naman ang ulo ko dahil sa kanya.

"Where is Mang Dan?" Tanong ko agad sa kanya. Hindi siya agad nakasagot at tulala lang na nakatitig sa akin. I raised my left eyebrow and played the keys on my right hand while my left hand is on my pocket. Binigyan ko siya ng ilang segundo para makabalik sa kanyang tamang wisyo.

"Umuwi po saglit pero babalik din agad." She answered like an angel from above. You are just attracted to her, madami pang ibang babae diyan.

Masungit ko siyang tinapunan ng tingin bago nilampasan at pumasok sa loob ng bahay. Malinis naman siya pero hindi ganun kalinis kumpara sa mga araw na nandito pa si Manang sa bahay. Ewan ko nga kung naglilinis ba 'tong babae na 'to.

Naramdaman ko din ang pagsunod niya sa akin kaya pinilit ko ulit na maging masungit sa pananaw niya. Ayokong isipin niya na patay na patay ako sa kanya, alam niya naman na bago ako umalis dito ay may nararamdaman ako sa kanya at hanggang ngayon naman ay nandito pa din yun. Humarap ako sa kanya at nakatayo lang siya sa may pintuan na masyado pa yatang gulat na nandito ako.

"Ano.. hong ginagawa niyo dito Sir Nicholas?" Tanong naman niya ng mahimasmasan.

Ayaw niya ba na nandito ako dahil maiistorbo ko sila ni Victor lalo na at wala pa si Mang Dan dito sa bahay ko? I want to laugh sarcastically but I just looked at her with so much of irritation.

"This is my house Gail. Bakit ko kailangang sabihin kung bakit ako nandito? Common sense." Iritadong saad ko kaya agad siyang napayuko at humingi ng paumanhin.

"Nagulat lang po ako Sir Nicholas." Maamo niyang saad at ngumiti sa akin.

"Si Victor?" Tanong ko sa kanya agad.

"Wa-wala po siya. Busy siya sa finals nila kaya hindi siya nakakapunta dito." Nang sabihin yun ni Gail ay natigilan ako. My jaw tightened and I can feel how my adam's apple moves slowly.

"Ikaw lang ang mag-isa dito?" I asked in disbelief. Tumango naman siya sa tanong ko.

Goodness Gail! Kami lang ang nandito sa bahay? I think going here is not a good idea. Mariin akong napapikit at ng minulat ko ang mga mata ko at hinagis ko sa kanya ang susi ng kuwarto ko at  na nasalo naman niya.

"Clean my room please." Masungit kong utos sa kanya at nakangiti naman siyang sumunod. Alam kong madumi ang kuwarto dahil wala naman silang spare key at nag-iisang susi lang iyun at dala ko pa. I puckered my lips while looking at her walking upstairs.

I might commit sin in no time.

Iling na bumalik ako ng kotse at kinuha ang mga gamit na dala ko. Maraming gamit ang naimpake ko dahil alam kong matatagalan ako dito pero mukhang mas matatagalan pa ako sa inaakala ko.

Nilapag ko ang mga malalaking bags ko sa kuwarto ko malapit sa pinto. I saw Gail arranging the bedsheets of my king-size bed. Humilig ako sa pinto habang tinititigan siya na marahan ang bawat kilos. Hindi ko namamalayan na ang normal kung titig sa kanya ay nagiging malagkit na at iba na ang pumapasok sa isipan ko ngayon. I shaked my head to take away the cockiness thoughts.

"Get out." I said in an authoritative voice. Napapitlag Gail at gulat na napaharap sa akin, gulat dahil sa tono ng pananalita ko o dahil sa pagsulpot ko nang hindi niya nalalaman?

"Madumi pa po yung kuwarto mo Sir Nicholas." She stated at me. I crossed my arms and held an arrogant expressions.

"Nakikita ko." Pabalang kong sagot kaya napakagat siya sa pang-ibabang labi niya at ngumuso bago tumango. "You're not cleaning Gail. It's not properly cleaned up kaya lumabas kana at ako na ang gagawa niyan." Pagsusungit ko sa kanya at napayuko na lang dahil sa kahihiyan.

"Maghahanda na lang ako ng meryenda Sir!" She said pleased and joyful. She seems very energetic and excited, pero hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo Gail. Ilang linggo kong dinama ang kahihiyan na binigay mo. Tignan natin kung makangiti ka pa sa akin ng ganyan.

But I can't hide the feeling that she really made me amazed even on her minor movements and actions.

Nagsimula na akong maglinis sa kuwarto ko. Hindi naman ganun kakalat at kadumi dahil sa pagkakaalala ko ay nilinisan ko naman ito bago umalis. Pati mga gamit ko ay inayos ko sa tamang pwesto nila, pati na din ang mga damit ko ay nilagay ko na din sa cabinet. Bumaba na ako nang matapos na ako sa paglilinis pero hanggang ngayon ay nandun pa din si Gail sa kusina na naabutan kong binabasa ang directions ng isang maliit na karton.

Kunot-nuo akong lumapit sa kanya at mukhang hindi niya ako napansin dahil busy siya sa binabasa nito. Natapos na ako sa paglinis ng kuwarto at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nakakaluto ng meryenda?

"Anong ginagawa mo?" Napatalon siya sa gulat kaya hinilig ko ang side ng katawa ko sa counter habang nasa tabi niya at tinitignan ang ginagawa niya.

"Lagi mo na lang akong ginugulat Sir Nicholas." Saad niya at pinakita sa akin ang box ng pancake.

"Bakit di mo pa niluluto?" Takang tanong ko sa kanya kaya napakagat siya ng kuko sa daliri niya at tinanggal ang takip ng isang plato sa gilid. Nakita ko doon ang itim na pancake. Napanganga ako sa nakita ko, halos lahat sunog kaya agad niya yung tinakpan at bumalik ang titig ko sa kanya. She got conscious because of my intensed stares so she looks away while keep biting her nails on her fingers. Hobby niya talaga ang pagkagat sa daliri o kaya sa labi niya, kung siya kaya ang kagatin ko para matigil na siya sa mannerism niya.

Binaba ko ang daliri niyang nasa bibig nito. She looks tensed and worried.

"Bakit hindi mo kaya hinaan ang apoy ng stove?" Masungit kong utos sa kanya at napailing tsaka siya tinulungan na magluto ng pancakes. Para pancake lang hindi pa magawa. Marunong ba talaga siyang magluto o hindi?

"Wow! Perfect circle." She said amazed while her eyes are twinkling like the starry night while I'm putting the pancake in the plate. I looked at her so she pouted her lips and bowed her head. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya, hindi ko alam kung make-up ba yun o natural na yun sa maputi niyang balat. I smiled secretly because of her gestures that made my day always complete.