Chereads / The Runaway Bride (Womanizer Series #3) / Chapter 9 - Chapter 9: Mini Dress

Chapter 9 - Chapter 9: Mini Dress

Gianna's POV

I was still shocked because Sir Nicholas came here in his house. Pinipilit kong ialala kung may nagawa ba akong hindi niya nagustuhan dahil parang ang sungit na niya sa akin, iniisip ko na dahil yun sa nangyari nung gabi bago siya umalis. May isa pa akong malaking problema, wala si Manang Hilda ngayon at ako ang incharge in the household chores dito, okay lang kung ako lang ang nandito sa bahay but I am more tensed because Sir Nicholas is here, watching my moves. Baka maghinala na yun dahil hindi ko naluto ng maayos yung pancakes.

"Hindi ko alam na nahihinaan pala yung stove. Ignorant kasi ako pagdating sa mga mamahaling gamit." Palusot ko at mahinang tumawa habang kumakain kami sa likod ng bahay at nasa harap namin ang mini pool area. Umangat ang tingin ni Sir Nicholas sa akin at binalik sa pagkain ang tingin without uttering words.

Naninibago talaga ako sa kanya. Baka may pinagdadaanan lang siya. O baka masungit naman talaga siya. Baka galit siya dahil ang dumi ng bahay. Ano kaya doon ang ikinagagalit niya?

"Wala ka na bang ibang damit? Paulit-ulit ko na lang nakikita yan." Sir Nicholas commented while looking at my dress beyond my knee. Nagmumukha akong manang sa mga kasuotan na binili sa akin ni Cass, she said that it is better to be look this way in able to avoid suspecting me.

"Hindi mo pa kasi ako binibigyan ng sahod Sir Nicholas." Sir Nicholas laughed of what I've said. His shoulders even moved because of his laughter.

"Hindi pa katapusan ng buwan Gail. Masyado kang nagmamadali." He uttered while grinning.

Oo nga pala. At the end of the month niya lang binibigay ang sahod namin, almost 2 months na din pala ako dito, medyo matagal na at hindi ko pa nakokontak si Cass. Speaking of contact, maybe I need to call her. Hindi ko na namamalayan na tumatagal na pala ako dito.

'Sir. Pwedi po bang makahiram ng cellphone?" Tanong ko bigla sa kanya kaya natigilan siya sa pagsubo ng pancake at tinaasan ako ng isang kilay. Binaba niya ang fork na hawak nito at tumitig sa akin.

"Bakit? Kukumustahin mo ang boyfriend mo?" Normal na boses niyang tanong. Bakit naman yun agad ang naisip niya? Wala naman akong nabanggit na may boyfriend ako ah.

"Wala po akong ganun Sir. Tatawagan ko lang yung pinsan ko." Paliwanag ko sa kanya. His looked at me become thicked but eventually he get his cellphone inside of his pocket and handed it to me. Kukunin ko na sana pero mabilis niyang inatras ang kamay niyang may hawak ng cellphone tsaka humilig sa akin kaya napatigil ang kamay ko sa ere.

"Tatawagan mo lang ang pinsan mo. Wala kang pakikialaman sa cellphone ko." Seryosong sambit niya at nilagay sa lamesa ang mamahaling cellphone nito. May tinatago ba si Sir Nicholas? Baka babae? Maraming babae? Anyway, I'm not that kind of person, hindi malikot ang kamay ko.

Pumunta ako sa sulok at nag-dial ng number ni Cass and called her. It took seconds before she finally answered my call.

"I'm not answering unregistered numbers so please introduced yourself quickly." Mataray nitong saad.

"Cass." Mahinang bulong ko sa kanya.

"Holly moly! Bakit ngayon ka lang tumawag? I told you to call me when you get there in Villanueva." Narinig kong sumara ang pinto sa kabilang linya."Hello Gianna?! It's almost two months na since you ran away." Pagsesermon niya sa akin. I can hear her voice echoing and I'm sure she is inside the CR.

"Ku-kumusta?" Kabadong tanong ko.

"Habang dumadaan ang panahon ay mas lalo lang lumalala ang nangyayari dito. Your dad almost guarded me by his men at nakakairita yun. They also send men in America to search you." She said almost shrienking in frustrations.

"How about the engagement?" Tanong ko dahilan para kumalma siya.

"Hindi ko alam kung anong plano ni Tito Armando but he is talking to my dad secretly. Hindi nila pinapaalam sa akin pero alam ko na may plano sila. Gianna, you need to go home. Ang tagal mo ng nawawala, humupa na ang issue sa pagtakas mo sa gitna ng kasal so please go home na." Nag-aalalang sambit ni Cass sa akin. I let out a long sighed.

"I want to still sure if dad won't forced me to marry Almer." Saad ko sa kanya. "I need money Cass. I also need cellphone to communicate with you." I added while looking at Sir Nicholas sitting comfortably. He is watching me from afar.

"I will try Gianna. Hahanap ako ng paraan para makapadala ng pera sayo kahit sobrang impossible naman. But right now, don't call me dahil mainit ang mga mata sa akin ng mga tao dito sa bahay at kapag nabuking ako ay lagot talaga ako kay Daddy." Cassandra said worriedly.

"I'm sorry for dragging you in this mess." I said apologetic.

Matapos nun ay binaba ko na din ang tawag at kumawala ng malalim na buntong hininga. Nastop na kaya yung engagement namin ni Almer? I hope so. Para naman makauwi na ako. Alam kong nag-aalala na sila sa akin at ayoko ng ganun, pero ayoko din naman makasal at maging pamilya ang mga Miller. They are nice but I don't love Almer to be wed to him.

"Are you done?" Napatingin ako kay Sir Nicholas na nakapamulsang lumapit sa akin at nilahad ang kamay niya. Tamad kong binibgay ang cellphone sa kanya kaya napakunot siya ng nuo. "May problema ba?" I lifted my head because of his question. I see that he is worried but how can I be sure kung kanina ko pa ramdam ang sungit niya sa akin. He is really hard to understand.

"Okay lang po Sir Nicholas. Ayusin ko na lang yung kinainan natin." Nakangiting sambit ko kaya gumilid siya ng konti para makadaan ako.

Dumating na ang oras ng kinakatakutan ko, tulala lang akong nakatingin sa loob ng ref. I don't know what to cook because all I can see are vegetables that aren't familiar to me. Napunta ang tingin ko sa isang plastic na kulay dilaw at pula ang laman. I smiled and took that thing, maybe this will be fine.

But I stilled again for a moment when I've remembered that I haven't cook the rice. I bit my lower lip and let out a hopeless sighed. Gusto ko ng maiyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko pero agad din akong napaayos ng tayo when I heard a footsteps coming from the stairs, mas lalo lang akong napapikit ng mariin.

Nagtama ang mga mata namin ni Sir Nicholas. His hands is inside his pockte while walking towards my direction, my heart pound fast. Siguro dahil na din sa kaba at takot. I don't know what to do anymore. I smelled again the familiar fragrance from him, a citrus and musk fragrance. Magaling siyang pumili ng perfume ah. But I shaked my head because of my useless thoughts, hindi dapat yan ang iniisip mo ngayon Gianna. You are doomed you little rich lady who don't know anything in the kitchen.

Nasa counter ang plastic ng hotdog at kunot-nuo niya itong pinagmasdan. His expression on his face held disbelief and irritation, ngayon ay mas lalo na akong napayuko. He looked at me and his eyebrows are also frowning in disbelief. Magkatabi lang kami at sobrang lapit niya sa akin na halos dumidikit na ang balat ng braso ko sa kanya.

He let out a sarcastic laughed while looking at me. "Dinner Gail. Not breakfast. You want me to eat hotdogs for dinner? Seriously?!" Hindi ko alam kung naiirita siya o nagtitimpi pa lang sa akin but I know for sure that he is disappointed. I swallowed hard when he just shaked his head and bring back the hotdogs in the ref.

"So-sorry po Sir Nicholas." Nahihiyang sambit ko. I never felt this kind of uselessness towards other people, sa amin ay lagi akong valuable pero ngayon feeling ko napakaworthless ko. Hindi ko makita ang mukha niya pero narinig kong kumawala lang siya ng hininga at hinawakan ang siko ko kaya gulat akong napatingin sa kanya.

"Sit. Ako na ang magluluto." Seryosong saad niya pero umiling ako agad.

"I will help." Mabilis kong sagot kaya naningkit ang mga mata niya.

"Yeah." He chuckled "If you say so." Ngisi nito na tila nang-aasar.

Binuksan niya ang ref at nilabas doon ang mga gulay na hindi talaga pamilyar sa akin. Hindi ko alam ang niluluto niya pero kapag may kailangan naman siya ay ako na ang nag-iinsist na gawin iyun, things that are simple and easy to do.

"Mahilig po ba kayo sa gulay Sir?" Tanong ko kay Sir Nicholas habang kumakain kami.

"Okay lang naman. Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. Nabuhay naman kasi ako ng simple lang, not materialistic and I am very practical person." Usal niya kaya napatango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"How about you? How is your lifestyle?" Muntik na akong mabulunan sa tanong ni Sir Nicholas.

"Simple lang din naman po." Sagot ko nang nakatingin sa plato ko. Please don't ask again about me. Please.

"You sure? I am starting to doubt if you really are a poor woman." Biro ni Sir Nicholas kaya tumawa na lang ako ng peke but the truth is my heart is starting to beat fast and I feel like I'm sweating anytime.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng kinainan namin ay dumiretso ako agad sa dining area dahil nandun si Sir Nicholas at nanunuod pa ng TV. His gazed lifted on me and raised his left eyebrow.

"Wala na po ba kayong iuutos Sir? Matutulog na po kasi ako." Paalam ko sa kanya dahil 9 PM na din naman at medyo dinadalaw na ako ng antok.

"Wala. Pwedi ka ng magpahinga." He said lazily while looking at me intently with his dark eyes.

I nodded and turn my back on him then started walking but I faced him again when he called me.

"Wake up early. Maraming kailangang bilhin sa bahay, mamimili ka. At.." Pinasadahan niya ang damit kong lampas tuhod bago nagsalita. "You also need to buy new clothes." Dagdag niya kaya tinignan ko din ang suot ko.

"Nakakaasiwa po ba Sir tignan?" Natatawang sambit ko. He just brushed his lips using his right fingers without leaving his gaze on me.

"Hindi. Masyado lang madaling tanggalin. Nakakadistract." Masungit niyang saad at masungit na umiwas ng tingin. It didn't registered properly in my head what he said, parang hindi ko nakuha at medyo naguluhan ako doon. Naiinis ba siya sa suot ko? So, should I buy clothes that is hard to remove?

Kinaumagahan ay akala ko ako lang ang mamimili pero sumama sa akin si Sir Nicholas at ang kotse niya ang gamit naming sasakyan. Una kaming bumaba sa department store na hindi masyadong malaki at hanggang second floor lang siya. We entered inside the department store and he get one cart.

I insist that I will be the one who will pull the cart but he refused. Sabay kaming naglalakad pero hanggang ngayon ay wala pa ding laman ang cart namin at nakasunod lang siya sa akin habang umiikot kami.

"Bibili ka ba o hindi?" Taka naman akong napatingin kay Sir Nicholas sa kanyang tanong.

"Wala naman po akong bibilhin. Baka po ikaw Sir?" I answered politely that made him looked at me blankly.

"Aren't you the one who run the household chores?" Agad naman akong tumango sa tanong niya. "Then buy things that are needed in the house. Hindi mo man lang ba tinignan ang mga kulang sa bahay?"He is starting to get annoyed again. I just pouted my lips and shaked my head slowly to answer his questions.

"Bakit hindi na lang tayo ang magpalitan ng posisyon Gail? Ako yung maid ikaw naman yung boss." Sarcastic niyang saad at hinila ang kamay ko tsaka nilagay sa hawakan ng cart. "You pull the cart Princess." He added cockily filled of annoyance. I just pouted my lips and obey his command.

Nakasunod lang ako sa kanya buong araw habang bumibili kami ng mga kailangan sa bahay. Pumunta din kami sa bilihan ng maraming isda, fork, chickens at iba pa. Basta mga ganun ang tinitinda nila. Then our last stopped was in a small boutique, not famous one and the clothes there aren't that expensive compare to my clothes in our mansion but it's also nice.

"I guess this is fine. Ito lang ang boutique na meron dito." Sir Nicholas commented while looking at the shop then we entered together.

"Wa-wala pa po akong pera Sir." I said shyly but he didn't bothered to answer and just eyed on me quickly before wandering his eyes inside the boutique.

"Pick clothes that will make you comfortable and I will pay it." Seryosong saad niya kaya malapad akong napangiti. Unconsciously I hold his hand kaya napasulyap siya doon.

"Thank you po Sir." I smiled at him because of excitement. Ngayon lang ako nakalabas at bibilhan niya pa ako ng damit, hindi man ako mahilig magshopping pero nakakamiss ang bumili para sa sarili. Tinanggal niya ang kamay kong nasa braso nito.

"Don't thank me, ibabawas ko 'to sa suweldo mo." Masungit niyang saad at iniwan ako tsaka umupo sa area kung saan malapit sa fitting room.

I pick clothes na comfortable sa akin like what he said. Pabalik-balik din ako sa fitting room at minsan ay sumusulyap naman si Sir sa akin but his main focused is on his cellphone. I choosed clothes like babydoll dress, mini dress and sun dress. Yun kasi ang kadalasan kong sinusuot sa amin, usually dresses pero hindi dusters. It's actually my first time wearing those kind of clothes and if my parents saw me wore dusters they will definitely be furious.

"I'm done." Bigla kong sambit kay Sir Nicholas kaya napaangat siya ng tingin sa akin at sa mga damit na napili ko. I saw him raised his left eyebrow and let out a small chuckled.

"I already told you why I can't bear seeing you wore duster but you choosed dresses, short and strapless dresses." He emphasized while shaking his head. He is like having a hard time looking at the dresses.

"Ahm.. Should I pick another clothes?" Nag-aalinlangan kong tanong sa kanya. He puckered his lips and put back his cellphone inside his pocket.

"Okay na yan. Wag mo lang susuotin kapag lalabas ka." He said faintly and walked ahead in the counter.

"Anong susuotin ko kung ganun?" Takang tanong ko at sinundan si Sir Nicholas. He stopped and looked at me annoyed.

"Try not to wear anything outside the house." Sarcastic niyang sambit at masungit akong inirapan. He is being moody again, siguro masyadong marami na siyang nagastos. Naaah! He is rich naman, that won't be a problem to him.

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag