Chereads / The Runaway Bride (Womanizer Series #3) / Chapter 5 - Chapter 5: Demure

Chapter 5 - Chapter 5: Demure

Gianna's POV

Kinaumagahan nung nagising ako ay maagang umalis si Sir Nicholas at sabi naman ni Manang Hilda ay baka sa mga Villanueva daw ang punta niya. I helped Manang Hilda cleaning the house and I also helped her feeding her pigs. Medyo may kalayuan ang bahay ni Manang Hilda dahil dumaan pa kami sa mapunong lugar.

"Ikaw lang mag-isa dito Manang?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ang mga mata ko sa kubong bahay niya. It's too simple and traditional pero maganda ang area ng house niya. Quiet and peaceful.

"Oo. Yung asawa ko ay matagal ng patay tapos yung mga anak ko naman ay may sari-sarili na ding buhay sa Laguna." Manang Hilda explained and walked towards my direction habang hawak niya ang balde na walang laman.

"Hindi ka dito tumutuloy? Sa bahay ka talaga ni Sir Nicholas nakatira?" Tanong ko ulit habang naglalakad na kami pauwi.

"Nung una ay hindi talaga ako natutulog sa bahay ni Sir Nicholas pero dahil lagi naman siyang wala ay ako na ang nagsilbing caretaker ng bahay." I just nodded at nag-usap pa kami tungkol sa kanya and I always change the topic kapag ako na ang tinatanong niya.

Maybe changing the topic will make my lies less? Kasi kung sasagot ako sa bawat tanong nila baka mas lalo lang lumaki ang kasinungalingan ko. Nang makarating kami sa bahay ay agad na ding naghanda ng dinner ni Manang at wala pa din si Sir Nicholas. Victor also helped us to cooked the dishes na kakainin for dinner. Nakarinig kami ng busina ng kotse kaya sa tingin namin ay si Sir Nicholas na iyun. Binuksan ni Victor ang pintuan at pumasok doon si Sir Nicholas.

"Paki-akyat na lang kay Gail yung dinner sa kuwarto ko. Hindi na ako bababa." Narinig kong utos ni Sir Nicholas galing sala tsaka dumiretso paakyat ng kuwarto niya.

"Iakyat mo daw sa kuwarto niya yung hapunan." Pag-uulit ni Victor sa akin.

Nagtataka naman silang dalawa na nakatingin sa akin kahit ako din. Bakit ako? Pwedi namang si Manang Hilda. I just shrugged my shoulders at bago kami kumain ay sinunod ko muna ang utos ni Sir Nicholas.

I knocked on his room twice pero walang sumagot kaya dahan-dahan ko na itong binuksan at hindi ko siya nakita sa kuwarto niya. Only a dim light of lamp ang sumalubong sa akin. I slowly put the tray in the surface of the table tsaka inayos ng konti yun. Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan kaya agad akong napalingon. I saw Sir Nicholas came out from the CR at walang suot ng kahit ano. The only thing that is covering his body is the towel at his lower part at bukod doon ay wala na.

"Yan na ba yung dinner ko?" Tanong niya at naglakad papalapit sa akin habang pinaglalandas ang mga daliri nito sa basa niyang buhok.

Nung malapit na siya sa akin ay agad kong naamoy ang musk at citrus na fragrance. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha at katawan niya dahil dim light lang ang nagsisilbing ilaw. He glanced at the food tsaka bumaling sa akin. For unknown reason I got conscious and almost panicked. He turn on the light kaya lumiwanag ang paligid. Mas lalo tuloy akong nahiya dahil sa liwanag.

"Hindi ka pa ba lalabas?" He asked dazzled while his two eyebrows are almost meeting.

I blinked twice at napalunok ng marahan. Bigla akong binalot ng kahihiyan.

"Wala kana pong kailangan Sir?" I said politely habang awkward na nakangiti.

His lips lifted up and formed into a smile, he licked his lower lip with full of amusement on his face.

"Wala na Gail. Thank you." He responsed in a hoarsed voice kaya agad naman akong tumango at mabilis na lumabas ng kuwarto niya. Nang makalabas ako ay tsaka lang ako nakahinga ng malalim.

This is the first time I saw a topless man in front of me, I mean I already saw topless men on magazine but I saw him for real but his body was so different to those guys I've seen. Very manly, hard and they fall into their perfect places. It was perfectly made in order. I closed my eyes emphatically because of the thoughts in my head. Am I attracted to my boss? Nu-uh, I've never felt this way before. This strong attraction towards him is a brand-new feeling.

"Gail?" I heard Manang Hilda called me kaya mabilis akong bumaba at sinabayan na silang kumain.

Kinabukasan ay maghapong wala si Sir tulad kahapon kaya ginawa ko naman ang daily routine ko kasama si Manang Hilda. Actually, I am learning a lot of things to Manang Hilda especially when it comes in the household chores at mahirap pala at nakakapagod lalo na ang pagwawalis ng buong bahay. Paano kaya kapag yung mansion namin ang linisan ko? Siguradong hindi kaya ang isang araw to clean our mansion, now I know kung bakit ang dami naming maids and each maids have their own works in the mansion.

Nung hapon na ay kasama ko si Victor sa maliit na garden ni Sir Nicholas. I'm watering the plants while he is helping me clean the mini garden at panay din ang kuwento niya, he is so simple and funny.

"Gail!" Sabay kaming napalingon ni Victor sa tawag ni Sir Nicholas sa akin. I saw him leaning on the door while his left hand is on his pocket, he gestured me to follow him kaya binigay ko kay Victor yung hose. Nakita kong nawala ang ngiti sa labi ni Victor na sobrang lapad kanina.

I entered the dining area and naabutan ko siyang pinaglalaruan ang susi ng kotse at sinuot ang jacket nitong kulay brown nung makita ako. I walks towards him kaya napalingon na siya sa akin at nilampasan ako.

"Follow me Gail." Utos niya kaya sumunod naman ako sa kanya at dumiretso kami sa kotse niya. "Get in please." He added before entered in the driver's seat. Pumasok na din naman ako sa front seat sa tabi niya at naglagay ng seatbelt kahit naguguluhan.

"Saan po tayo pupunta Sir Nicholas?" Tanong ko sa kanya. He glanced at me especially to the dress that I am wearing. Lampas tuhod ang dress at kulang na lang ay maging long gown na ito sa sobrang haba. This dress isn't expensive because we bought this on a small boutique before I go here in Villanueva.

"To my friend." Tipid niyang sagot kaya hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang. Our travelled consumed more than 20 minutes before the car finally stopped in the resort.

Agad akong bumaba at nakita ko ang puting buhangin tsaka malinaw at malawak na dagat. I miss going to the beach kasama si Cass. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse, I looked at Sir Nicholas and I saw him open the back of the car tsaka may nilabas doong box. He handed it to me kaya mabilis ko naman itong kinuha. It was a box wrapped by the color white, a pure white na bagay sa occasion ng kasal.

Sir Nicholas started walking inside the resort kaya agad din naman akong sumunod sa kanya habang yakap-yakap ang medyo malaking box pero hindi naman ganun kabigat. Pumasok kami sa isa sa mga VIP villa. Kumatok si Sir Nicholas at agad naman iyung bumukas.

A girl opened the door, she smiled at Sir Nicholas and then glanced at me, her look stopped on me. She is wearing a strapless dress above the knee and the waist part was so tight that showing a good shape of her body. She has a fair white skin and a pinky checks. No make up and very plain but she's totally gorgeous.

Sir Nicholas kissed the girl on the checks kaya namilog ang mga mata ko at napaiwas ng tingin. Baka girlfriend ni Sir Nicholas and this box is for the girl because it was their anniversary or a birthday Gift? But why am I here? Pumasok kami at umupo si Sir Nicholas sa sofa habang ako ay nanatiling nakatayo. Panay ang sulyap sa akin nung babae kaya agad ko namang nilagay ang box sa coffee table at akmang aalis na ng tawagin ako ni Sir.

"Gail. Umupo ka." Utos ni Sir Nicholas kaya napangiwi na lang ako at agad ding umupo. I'm a little upset because I have this attraction feeling to Sir Nicholas but he already have girlfriend. Nakakalungkot lang. Marami na din naman akong crush na lalaking may mga girlfriend kaya hindi naman bago saakin ang malungkot ng konti.

"Hindi ka sasama sa amin pauwi? We are going home later." The girl said while keep on glancing at me.

"I'm staying here." Sagot ni Sir Nicholas dahilan para tumaas ang isang kilay nung babae.

The girl extended her arms to me. "I'm Aya." Nakangiting pakilala niya.

"I'm Gail." Nakangiting tugon ko din sa kanya at tinanggap ang kamay niya for shake hands.

"How rude you are Nicholas. Hindi mo man lang pinapakilala sa akin ang girlfriend mo." Aya said while smiling widely. My eyes widened and I almost choked of what I heard but Sir Nicholas just laughed in a soft voice and looked at me with so much amusement in his eyes.

Dahil wala din naman yatang balak na magsalita si Sir Nicholas ay ako na ang nag-explain kay Aya na mukhang hindi naman niya yata girlfriend.

"Hindi po. Maid po ako ni Sir Nicholas." Nakangiting paliwanag ko sa kanya kaya napawi ang ngisi ng babae at napakunot ng nuo. Mas lalong tumagal ang titig nung Aya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"You're kidding!" She said in disbelief so I shaked my head once to say no. "You are so.. pretty and If I saw you wearing an expensive gown ay magmumukha kang prinsesa." She commented. She is still surprised at bumaling kay Sir Nicholas. "You sure she is your maid? I bet you hired this girl because of her looks. Hindi ka ganun Nicho." Dagdag ng babae na para bang dissapointed.

A small chuckled came out from Sir Nicholas tsaka napailing. "I didn't hired her Aya. Maid ko siya dito sa bahay bakasyunan ko. Doon sa Quirino." Paliwanag ni Sir kaya napatango na lang si Aya kahit hindi kumbinsido.

"Mommy!" A girly voice I heard from the door at nakita ko ang isang batang babae na tumakbo papunta kay Aya tsaka ito niyakap. "Tito Nicholas!" The cute girl added and ran towards Sir Nicholas tsaka din ito niyakap.

Lumapit din ang isang lalaki na kasing-tangkad ni Sir Nicholas at mabilis na hinalikan si Aya sa labi. So she is married? At may anak na siya. It was unobvious because she looks young. The guy also glanced at me tsaka kumunot ang nuo nito habang hawak sa baywang ang asawa niya.

"You must be Nicholas' girl." Sambit nung lalaki tsaka inabot ang kamay niya sa akin. Para bang sanay na silang makakita ng babaeng kasama ni Sir Nicholas at agad girlfriend na niya ang assumption nila. "Rino Buenavista, his best friend." Pakilala niya sa pormal na paraan tsaka bumaling sa asawa nito, Aya whispered something to his husband dahilan para mapamura ito ng malutong.

"I'm Gail. Sir Nicholas' maid." Pakilala ko din tsaka tinanggap ang kamay niya.

"Jackpot Nicho." Pang-aasar na sambit ng nung Rino na nakangisi at tinapik sa balikat si Sir Nicholas na para bang nang-aasar pa.

"Dinala ko lang yung regalo sayo Aya. Aalis na din kami." Biglang saad ni Sir Nicholas at tumayo tsaka tumingin sa akin. Tumango naman ako at nauna ng lumabas. Nagpaalam pa siya kay Aya at doon sa asawa nito.

Nagmamaneho siya ng kotse habang ako ay nakatingin lang sa bintana at pilit sinasaulo ang daan. Kailangan kong isaulo ang lugar na 'to. Kung saan ba pweding sumakay ng bus at kung saan ang daan papuntang syudad.

"You thought that Aya was my girlfriend." Sir Nicholas said in the middle of the silence. Napabaling ako sa kanya at nakangiting tumango na lang. "I don't have girlfriend." Paalam niya kaya napakunot ako ng nuo. I pouted my lips because of what he said. Well, it's not my business if he has girlfriend or not. Pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Ah! Single ka po." I stated kaya tumango naman siya and glanced at me again.

"How about you?" Diretsang tanong niya kaya napataas ako ng isang kilay. Oh no! Is he hitting on me? Stop assuming Gianna, he is your boss and it's his responsibility to know his staff. Ganun yun diba?

"Nope. I don't have Sir." I answered kaya kumunot ang nuo niya at bumagal ang pagpapatakbo ng kotse habang palipat-lipat sa akin ang tingin at sa daan na tinatahak namin.

"Why not?" Takang tanong niya na para bang nakakagulat iyun. "I won't believe that." He added jokingly.

"Strict kasi parents ko. Lalo na papa ko. Nagagalit yun kapag may lalaking umaaligid sa akin." Sagot ko sa pabirong tono pero yun ang totoo, walang halong kasinungalingan. Daddy make my whole life secured and distant from the boys that have strange intention to me. He always remind me that I am precious like a diamond na hindi pweding nahahawakan ng kung sino-sino lang na tao lalo na lalaki.

"Dapat na ba akong matakot sa Papa mo?" Biro ni Sir Nicholas kaya mahina akong natawa.

"Don't worry Sir. Galit lang si Papa sa mga lalaking may gusto sa akin." Nakangiting sambit ko.

"So do I have to be afraid to him?" He asked again kaya tinignan ko siya na puno ng pagtataka. Tumawa lang siya ng marahan kaya napangiti na lang din ako ng pilit, maybe it was a joke. Pero kinabahan ako doon sa joke niya ah. "You are so prim and proper. Very demure and soft-spoken." Puna niya. Hindi ako sumagot at nagkibit-balikat na lang.

I grown up like this. Not to become just a girl or a woman but also to become a lady. I studied different languages, I learned swimming, ballet dancer and even skating. My dad said that the great foundation to learn is to learn young. Dad trained me in different field, academic and skills. Gusto niya na maging magaling ako sa lahat pero kung saan dapat ako maging magaling ay doon ako naging mahina. Yun ang business.