Chereads / The Runaway Bride (Womanizer Series #3) / Chapter 6 - Chapter 6: Flowers

Chapter 6 - Chapter 6: Flowers

Nicholas' POV

Pinaglalaruan ko ang susi ng kotse ko habang papasok sa loob ng bahay ni Rino. When the maid opened the door I automatically saw my friends on the dining area. Birthday ni Rino ngayon at pinilit nila akong dumalo kaya napauwi ako ng wala sa oras galing Villanueva.

Simula nung makita ko si Gail sa bahay ko sa Villanueva ay halos pabalik-balik ako doon at dito sa syudad. Hindi ko nga alam kung bakit nag-aaksaya ako ng oras para lang bumalik doon sa Villanueva kahit wala naman talaga akong ginagawa kapag naandoon na ako.

"Sup Pare. Namiss ka namin." Salubong sa akin ni Ethan tsaka ako niyakap habang tinatapik sa balikat.

Binati ko naman sila at umupo sa tabi ni Stan. Napatingin ako sa table at nandoon ang mga pagkain at alak na mukhang kanina pa nila sinumulan.

"Wala kang kasama?" Tanong naman ni Terrence habang tumitingin sa pinto kaya pati ako ay napatingin na din doon na nakanunot ang nuo. Are they expecting anyone? "Ang sabi ni Rino ay nakilala niya daw yung girlfriend mo last month. Totoo bang may bago ka na naman?" Ngising dagdag ni Terrence, nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Ethan.

"She's not my girl Terrence." Paglilinaw ko sa kanya, actually sa kanila. I'm not harsh when it comes to the women like them, pero kapag ayaw ko na sa relasyon ay agad ko ng hinihiwalayan and that makes me called womanizer like them. Hindi din naman ito ang unang beses na nana-attract ako sa isang babae, walang pinagkaiba doon si Gail.

"Oooooh!" Panunuya nila tsaka nagtawanan. Nilagyan ni Gray ang baso ko ng alak tsaka binigay sa akin.

"Nabasted ka? Inosente daw yung babae at mukhang anghel, di bagay sayo dude." Pang-aasar ni Stan tsaka tumawa. Nilagok ko ang alak na nasa baso tsaka nilapag sa lamesa. Kaya pala pinilit nila akong umuwi para maging pulutan ngayong gabi.

"Ipakilala mo sa akin Nicholas. Baka bagay siya sa akin." Biro naman ni Terrence kaya masama ko siya ng tinignan.

"Pero type mo?" Ngising tanong ni Rhodney kaya natigilan ako at marahang tumango tsaka ulit sila nagtawanan ng malakas.

"Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi mo gawan ng paraan para makuha mo." Bulong ni Stan sa akin. "Tsaka wala sa barkada ang torpe!" Pagmamayabang nito kaya nagsitanguan sila.

Hindi ako nagsalita at tinignan na lang ang baso na hawak ko at may lamang alak na kulay pula. I pursed my lips while thinking deeply.

"Sana nga ganun kadali yun. She's.. Naïve and very innocent. Ilang beses na ako nagpahiwatig doon pero wala yatang ideya na type ko siya." Iling kong sambit at ngumisi kaya mas lalo lang lumakas ang tawanan nila.

"Mas maganda nga yun diba? You can actually take advantage on her." Agad namang nakakuha ng batok si Terrence sa  akin dahil sa sinabi nito.

"Seryoso ka ba sa kanya?" Nagulat ako sa tanong ni Ethan.

"Seryoso naman ako sa mga babae." I said playfully. Totoo yun, kapag ako may girlfriend hindi na ako tumitingin sa iba. Maliban na lang kapag nagsawa na ako.

"Seryoso ka lang naman sa una Nicholas." Ethan said with serious face. My legs are parted and my elbow is place on my legs while looking at the glass in my hand. I puckered my lips and lifted my head.

"Seryoso ba sa anong paraan?" I asked confused. Nakikinig lang sa amin mga kaibigan.

"Seryoso para pakasalan siya." Ethan said that made me barked in laughter. He must be kidding me but his face remained serious, nagkibit-balikat na lang ito sa reaksyon ko.

"Woah! Hold on. That was so deep Ethan. Ang sabi ko lang naman type ko. Like all my other girls. She caught my attention because she is different. Very prim, decent, and… mysterious?" Sambit ko, hindi alam kung tama ba ang salitang ginamit ko sa dulo.

"Si Nicholas pa. Alam naman nating mas mahal niyan ang trabaho niya kaysa sa mga babae." Ngising saad ni Stan habang nakahawak sa balikat ko.

Lahat ng naging girlfriend ko ay attraction and desire lamang ang naramdaman ko sa kanila. I don't believe in marriage. The attraction will fade while love never lasts forever. I took another straight shot. Nagkamali na ako noon kaya natuto na ako.

"Nasabi ko na ba sa inyo na binabahay na ni Nicholas yung babaeng gusto niya?" Singit ni Rino na kababa lang yata ng hagdan. He is looking at me, I headed towards him, greet him and tapped his shoulder.

"Totoo ba yan?" Gulat na tanong ni Blake habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Rino. "Aaah! Hahahaha. Iba ka talaga Nicholas." Natatawang saad ni Blake sa akin habang tinuturo pa ako.

"I thought this girl you were talking about is decent?" Takang tanong ni Gray sa amin. Dumiretso na ako sa sofa at umupo sa dating puwesto.

"She is Gail." Tanging nasambit ko na lang. I am hesitating to tell them about her being a maid dahil mas lalo lang silang magugulat.

"And she is Nicholas' maid. But I don't believe it." Pagsisiwalat ni Rino kaya mas lalo lang silang nagulat, mariin na lang akong napapikit. Hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng isang kilay ni Ethan tila ba hindi din makapaniwala. Lahat kami ay natigilan sa biglang pag-echo ng tawa ni Ethan sa sala. He keep on laughing like there is no tomorrow.

"Nakakatawa nga talaga yun Nicholas. Is this some kind of joke?" Si Terrence habang panay pa din ang tawa ni Ethan. Para bang sinusuportahan si Ethan kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya.

"Rason mo lang ba yan para maibahay yung babae? Come on dude, okay na ang maglive in ngayon. Wag mo naman kaming patawahin." Iling ni Stan.

"What the fuck! So this girl name Gail is your freaking maid? The woman you like?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan, pinapahid ang luha sa gilid ng isang mata dahil sa kakatawa. Is he overreacting? Bakit ganyan na lang ang reaksyon ng isang ito.

"Yes. She is a maid. Nung bumisita ako doon ay nakita ko siya." Tipid na pagpapaliwanag ko.

"Talaga siguro nakuha niya ang atensyon mo. Ngayon nagtataka na tuloy ako kung bakit nagkagusto ka sa babaeng yun." Rhodney mumbled to himself.

"For me, she doesn't look like a maid. She is more like a princess, napansin din yun ni Aya." Rino said while playing on his glass that is full of liquor.

"Nakakatawa talaga. Hahahaha. Ano na lang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang tungkol dito?" Mahinang tanong ni Ethan. He seems talking to himself. What a lunatic.

"Malalaman nino?" Takang tanong ko kay Ethan na mukhang hindi narinig ng iba. Saglit na natigilan si Ethan at napanguso na lang na tila nag-iisip.

"Ni Luch. Ano na lang magiging reaksyon niya?" He said mockingly. Napailing na lang ako.

Matapos ang gabing iyun ay naging busy na ako sa mga sumunod na araw dahil ilang araw akong nawala dahil sa pagpabalik-balik sa Villanueva. Marami akong inasikaso at pinagkaabalahan bago napagpasiyahang bumalik ulit sa Villanueva. When I'm done packing my few stuffs and clothes, I automatically entered my car and started the engine of my car and headed to the Villanueva. She is not the first girl who I liked quickly when I first saw her. Marami na lalo na din sa bar at included sa circle of friends namin ang babaeng nagustuhan ko sa unang tingin. But she is the first girl who I'm having a hard time to make her realize that I like her, that is one of the reason kaya iba siya.

When I arrived in my house, Mang Dan opened the gate for me. He was a little bit shocked because I came again. Siguro lahat naman sila nagtataka kung bakit pabalik-balik ako ngayon dito sa bahay ko at alam kong may ideya na silang lahat kung ano ba talaga ang sadya ko dito, pero mukhang si Gail lang ang walang alam. Binuksan ko ang pinto habang hawak sa kaliwang kamay ang cellphone at susi ko, sa kanang kamay ko naman ay nandun ang mamahaling bulaklak na hindi ko nga alam kung magugustuhan niya ba ito. Ethan suggested this idea about the flower at nakinig naman ako doon sa baliw na yun.

"Si-sir Nicholas?" Gulat na saad ni Manang Hilda tsaka napatingin sa bulaklak na hawak ko. "Napaaga ho ang dating niyo." Gulat na dagdag niya.

"Pakisabi kay Mang Dan na ikuha ang mga dala ko sa kotse." I said to Manang and handed her the key. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na umakyat sa taas nung makita na wala si Gail sa baba. Napatigil ako dahil saktong pagtaas ko ay pababa na siya. We met in the middle of the staircase.

"Are you done cleaning?" Tanong ko sa kanya. She glanced at the flowers I'm holding.

"Opo Sir." She answered politely kaya hindi na ako nagpaligot-ligoy pa at inabot sa kanya ang dala kong bulaklak. Agad kong napansin ang pagkunot ng nuo niya.

"Please don't ask me about the flowers. Alam mo naman siguro kung para saan ito diba?" Seryosong sambit ko sa kanya. I hate explaining, I'm not an expressive guy but hell, I'm doing this for her kahit hindi ko alam kung tama ba ang mga ginagawa ko. Napaisip siya ng ilang segundo bago lumiwanag ang mukha. Mukhang napagtanto niya din kung para saan ito. Kinuha niya ang bulaklak ng nakangiti. I sighed in relief because I think she get it right away.

"Okay po Sir. Ilalagay ko na po ito sa vase." Masayang saad niya at iniwan ako sa hagdan na tulala at natigilan. I want to curse! Talagang wala siyang ideya? Kung halikan ko kaya siya at baga malaman niya kung ano talaga ang intension ko sa kanya.  Kahit na disappointed ay hindi ko pa din mapigilan ang amusement sa kanya. Natawa na lang ako habang umiiling na naglalakad.

When I'm done cleaning myself, I go downstairs and headed to the sofa and seat there confortably. Hindi ko makita si Gail, I want to ask Manang Hilda but she is not also here. Later on, I saw Gail came out from the kitchen.

"Where is Manang Hilda?" Tanong ko sa kanya.

"Umalis po Sir, pinapakain yung mga alaga niyang baboy." Ngiting sagot niya at napatingin naman ako sa gilid ng TV at nandun ang vase na may bulaklak. The flowers that I gave her awhile ago.

"Do you.. Clean all day? Hindi ka ba nagpapahinga?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nagpapahinga naman po." Tipid niyang sagot.

"Anyway. I want to inform you that this house is not for sale anymore. So you can stay here." Sambit ko at natigilan siya. I saw her nodded even she is stilled on her position, para bang masaya na hindi.

"A-ah. Okay po Sir." Napakunot ako ng nuo ng makita ko ang reaksyon niya. Hindi ba siya masaya? Parang napipilitang ngiti ang nakikita ko sa kanya ngayon.

Seryoso ko siyang tinignan at nagtanong. "Do you have any idea why I'm not going to sell the house?" I asked her. I saw her confusion about my question and think for an answer.

"Wa-wala po." Nalilitong sagot niya, hindi na din naman ako nagulat na wala pa din siyang ideya kaya magsasalita na sana ako nang dumating na sina Manang at Victor kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Magadang hapon ho Sir Nicholas." Masayang bati ni Victor sa akin at bumaling kay Gail at doon nagtagal ang titig nito habang nakangiti. I watch them and examined their reactions on each other, Victor like Gail while Gail don't have any idea.

"Maghahanda lang kami ng hapunan Sir Nicholas." Ngiting paalam ni Manang sa akin ngunit nanatili lang ang tingin ko sa dalawa na nag-uusap ngayon at naputol lang nung tinawag na si Gail ni Manang sa kitchen.