You can follow me throught wattpad and Dreame po♥️ with these Usernames, for more of my stories.
Wattpad: @AuraRued
Dreame: Aura
***
MARAHANG pinuno ni Alexa ng hangin ang dibdib nang matanaw ang kabuuan ng mansyon. Ilang metro pa lang ang sinasakyan nilang kalesa ay kita na niya ang malaking puting bahay na may pulang bubong, matayog itong nakatirik sa gitna ng kakahuyan. Tila ito isang hari na nakatanaw sa kanyang kaharian.
"Iyan na ba ang mansyon?" tanong ni Alexa sa katabing babae.
"Oo, Señorita, iyan na ang tahanan ninyo," saad ng matanda.
Huminto ang kalesa sa harap ng malaking pintuan na gawa sa magandang kalidad na kahoy.
"Nandito na po tayo, Señorita, sana ay makapagpahinga na kayo," saad ng matandang lalaki.
"Maraming salamat po sa paghatid," nakangiti niyang sabi. Nagtanggal lang ng sumbrero ang lalaki, itinapat sa dibdib at bahagyang yumuko.
"Itay, papasok na po kami. Mag-iingat po kayo sa inyong biyahe." Ngumiti ulit ito sa anak saka pinagalaw ang renda ng kabayo.
Bago binuksan ni Sofia ang malaking pintuan ay hinawakan ni Alexa ang braso nito. "'Wag mo 'kong iiwan, okay?" Tumango naman ito.
The entire salon was gorgeous, halatang hindi basta-basta ang nagdisenyo, mula sa mataas na kulay brown na kisame na napapalamutian ng sari-saring hugis sa gilid, sa gitna niyon ay ang hindi kalakihang chandelier na gawa sa shells, perpekto ang pagkahulma na kagaya ng isang bulaklak. Ang malalaking haligi na nakatindig sa kada sulok ng bahay ay pareho ang disenyo ng sa kisame. Bricks naman ang materyal na ginamit para sa pader, medyo mamula-mula ang kulay niyon kapares ng sa sahig na mukhang puwede na siyang manalamin sa kintab. Napaisip tuloy siya kung paano iyon napapanatili ng may-ari. Ang furnitures at iba pang palamuti na maayos na nakahimlay sa paligid ay mangingimi siyang hawakan man lang dahil baka pati finger print niya ay makita sa linis. Lalo na ang malalaking flower vase na nakatayo sa magkabilang gilid ng sala set na sa hinuha niya ay hindi biro ang halaga. Nakikita niya ang ganoong design ng bahay sa mga historical tourist spots.
"Dito po ang daan, Señorita," pag-aagaw atensiyon ni Sofia sa abala niyang mga mata. From the mansion to the clothes everyone was wearing at ang pananalita ng mga ito, parang historical nga yata ang tema ng panaginip niya.
Sa kaliwang bahagi ng salon ay ang may kalakihang curved na hagdanan paakyat sa second floor. Perpekto iyon sa okasyon kung saan bumababa ang magandang birthday celebrant in a lovely gown sa mga nakatingalang naghihintay na guests.
Bahagya siyang napangiti. Once in her life, naging pangarap niya rin iyon.
Huminto sila ni Sofia sa pinakamalayong pintuan mula sa landing ng hagdanan.
"Ito na po ang silid ninyo," anitong pinihit ang knob at binuksan.
Sinalubong si Alexa ng ihip ng hangin mula sa kuwarto, nangangamoy detergent bar at natural na amoy ng kagubatan ang buong silid. Cozy, iyon ang unang naisip niya. Ang canopy bed--na may kasing-nipis ng kulambo na puting kurtinang nakapaligid--ang unang nagpangiti sa mga labi niya. She had never tried sleeping on a luxurious bed before. Mga mayayaman lang naman ang nakakabili ng ganoon. Ang pangalawa ay ang malaking bintana sa kanan ng kama kung saan malayang pumapasok ang may kalamigang hangin sa buong sulok ng kuwarto.
Napasinghap siya. "Oh my, God! Ang ganda!" saad niya na nilapitan ang bintana, sinilip ang tanawin mula doon. Nakaharap pala ang kuwarto niya sa gilid ng bahay. Ang sanga ng punong-kahoy na pilit umaabot sa bunganga ng bintana ay abot kamay lang niya.
"This is perfect! Gusto ko na dito!"
Gusto niyang ma-amused sa hitsura ng babae na para bang kabaliwan na pakisamahan ang kawalan niya ng alam sa lahat.
Tangang nilapitan ni Alexa ang kahoy na dingding dahil naagaw ang atesnyon niya sa malaking papel na nakadikit doon. Makaluma ang font na ginamit doon pati na ang black and white na larawan ng isang tao katabi ang kotse; pero hindi doon nakapokus ang kanyang mata.
1941
"Updated ba 'to?" lingon ni Alexa kay Sofia.
"Si, magpahinga na po kayo, Señorita Alessandra. Aakyat akong muli dito kapag oras na ng hapunan."
Nasa 1941 siya? Paanong--? At muli, naalala niya na panaginip nga pala ang lahat.
"Sige."
***
"Alexa, bumangon ka na."
"Hmmn. . ." Sa pagdilat ng mga mata ni Alexa ay ang nakakasilaw na sinag ng ilaw ang una niyang nasilayan kaya napapikit siya ulit at itinabon ang kumot sa mukha.
"Weng? Anong oras na?"
"Alas nueve na."
"Alas nuwebe?!" Bigla siyang napabangon at nagmadaling kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan. "Sa'n na, saan na ang cellphone ko?"
"Señorita, ano ang hinahanap ninyo?" Nakatunghay sa kanya ang nagtatakang si Sofia.
"Sofia?!"
"Si, ako nga." Tuwid itong nakatayo sa gilid ng kama niya, nakasuot parin ng kaparehong damit noong una niya itong nakita pero iba na ang kulay.
"Hindi pa ba ako nagigising?"
"Señorita, sa nakikita ko ay gising na kayo makalipas ang mahaba ninyong pagtulog. Magmadali na kayong bumangon at magpunta ng banyo nang malagyan na ng laman ang iyong tiyan. Kagabi ay hindi mo na kinayang bumangon para sa hapunan," saad nito na sinimulang ligpitin ang higaan.
She threw herself against the soft bed, buried her face on the pillow and let a loud scream.
"P-por que, Señorita Alessandra, anong nangyayari sa iyo?"
"Hindi ako si Alessandra!" hiyaw niya sa ilalim ng unan.
"Paumanhin pero hindi ko maulinigan ang iyong sinasabi."
Tinaas niya ang mukha at naiiyak na hinarap ito. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."
Yumuko ang babae at hinawakan si Alexa sa magkabilang pisngi. "Señorita , gusto ba ninyong magpunta sa isang manggagamot para magpasuri?"
"No need, Sofia. Hindi ako baliw, sinisiguro ko iyan sa iyo. . .napasama lang talaga siguro ang pagkatama ng ulo ko."
"Huwag kayong mabahala, ako ay nandito lang palagi para sa inyo. Sa ngayon, itigil na ninyo ang inyong pag-iyak at magpunta sa banyo, ilang oras na lang simula ngayon ay magsisimula na ang kasiyahan."
"Anong kasiyahan?"
"Hindi ba magdadaos ang mga magulang ninyo ng selebrasyon para sa iyong pagbabalik dito sa hacienda?" Sinimulan nang tupiin ni Sofia ang kumot at pinagpag ang mga unan. "Kaya maghanda na kayo at tutulong ako."
"Sa'n ba ang banyo?"
"Sa paglabas ninyo sa kuwartong ito, lumiko kayo sa kaliwa, ang kasunod na pintuan ay banyo na," sagot nitong nagmuwestra ng kamay habang sinasabi ang direksiyon.
"Sige. . ." Laglag ang balikat na tumayo na siya.
"Ang inyong tuwalya ay hinanda ko na doon pati ang inyong roba."
Kahit nanlulumo ang parin loob, sinunod na lang ni Alexa ang inutos ni Sofia.
Kailan ba matatapos ang panaginip niya? Ang lahat ng nangyayari at nakikita niya sa paligid ay parang totoo! To the point na creepy na. She had never had a dream like this before. Ang tangi nalang talaga niyang magagawa sa ngayon ay kumbinsihin si Sofia na nakalimutan lang niya ang mga detalye pero kailangang hindi umabot sa kaalaman ng iba iyon kung hindi ay magiging mas kumplikado.