"NASAAN na si Alessandra?" bungad ni Doña Claudia sa kuwarto ni Alexa. The woman in her fifties looked glamorous in an emerald long, green dress. The fine raffles around her turtle neck was complimented by a set of gold medallion necklace. Pinangko ng ginang ang maypagka-brown nitong buhok. Even the sublte makeup appeared perfectly on her delicate looking skin.
"Buenas dias, Doña Claudia," bati ni Sofia kasabay ang isang yuko. "Nasa baño na po si Señorita."
"Con rapidez! Alam mo namang mabagal gumayak ang babaeng iyan. Magtatanghali na pero hindi pa niya nasisimulan ang kanyang araw. Marami pa siyang kailangang gawing paghahanda para sa magiging kasiyahan. Iang oras na lang ay magsisidatingan na ang mga bisita. Siguraduhin mong handa na si Alessandra pagsapit ng alas onse, Sofia. Ayaw kong mapahiya sa mga bisita!" Laging mataas ang boses nito lalo na kapag nang-uutos.
"Si, Doña Claudia." Iyon lang at tumalikod na ang ginang.
Pagkabalik ni Alexa ay nagmamadaling tinulungan ni Sofia ang babae sa pagbibihis.
"Ano 'to, corset? Ayoko n'yan, nahihirapan akong huminga!" Ngunit sinimulan nang ipulupot iyon ni Sofia sa katawan niya.
"Kailangan ninyo ito, Señorita. Ihinto na ninyo ang pagrereklamo."
"'Wag mong masyadong higpitan, kapag kakain ako mamaya baka mahimatay na 'ko sa higpit. Saan na ang dress ko?"
"Nasa tokador, aayusin muna natin ang buhok ninyo at maglalagay tayo ng kaunting pampakulay sa inyong labi."
"You mean, lipstick?" Hindi na ito sumagot, sa halip ay pinaupo siya sa harap ng bilog na vanity mirror. Binuksan ang drawer at naglabas ng gamit.
Nang matapos ang ginawang pag-aayos ay nasiyahan naman si Alexa sa nakikita sa repleksyon. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ang sarili ang kaharap sa salamin. Pinangko nito ang buhok niya na pinaumbok sa itaas ng ulo. Medyo loose ang pagkaka-ayos niyon kaya naaayon sa may kaliitan niyang mukha. May pinatong itong gintong panyeta sa kanyang buhok. Flowers ang design at may pearls na nakadikit. Pinatungan lang ng pulbo ang makinis naman na niyang mukha at nagbahid ng parang lipgloss na pink sa labi. Presto, tapos na sila. She can't help but feel satisfied. Nagtataka siya kung bakit maganda na ang resulta kahit pulbo at lipstick lang ang nilagay sa mukha niya.
"Teka." Naghila si Alexa ng ilang hibla ng buhok niya sa magkabilang gilid ng pisngi at pinaikot iyon sa daliri, hinayaang malaglag lang. "Perfect."
"Natutunan ba ninyo iyan sa Amerika, Señorita?"
"Ah--parang ganoon na nga," aniyang napangiti.
Sabay na napalingon ang dalawa nang marinig ang mahinang katok sa pintuan. "Señorita Alessandra, pinapatawag na po kayo ng Don at Doña sa ibaba. Narito na po ang mga bisita," rinig nilang sabi ng boses ng isang dalagita.
"Matatapos na kami. Sabihin mong pababa na 'ko," saad ni Alexa na bahagyang nilakasan ang boses.
"Masusunod po." Kasunod niyon ay narinig na nila ang mga yabag nito palayo ng kuwarto.
"Handa ka na ba?" nakangiting tanong ni Sofia.
"Hmm, handa na. Salamat, Sofia."
"De nada, Señorita, napakaganda ninyo."
"Salamat."
"Mauuna na ako, sumunod na rin kayo," saad nito at lumabas ng kuwarto.
Alexa gently filled her chest with air as she scanned the crowd below her. Nakagayak ang lahat sa kani-kanilang magagandang damit. Everyone looked gorgeous and elegant kahit ang mga lalaki ay naka-amerikana lahat. Wide smiles broke their lips as she took a slow paced walk down the spiral stairways.
Itong-ito ang pinangarap niya noong kabataan. Kahapon lang, noong nakita niya ang malaking hagdan na iyon ay naisip niya kung ano ang pakiramdam ng maglakad doon suot ang pinakamagandang damit at matitingkad na alahas.
Sofia let her wear a set of diamond jewelries. Sa leeg ay nakakasilaw sa gandang diamond necklace. May malaking cut sa gitna niyon at ang chain ay tinadtad ng maliliit na piraso. Ganoon din ang hitsura ng stud earrings at singsing niya, mukhang genuine ang mga iyon base sa kinang na binibigay nito. Ang damit niya isang magandang ball gown na kulay white and purple.
Ilang hakbang mula sa ibaba ay sumalubong ang balingkinitan na babaeng nakasuot ng green na long dress. Sa hinuha niya ay nasa late forties na ito pero hindi pa rin maitatanggi ang ganda. A classic one, but there's something in her eyes na hindi siya komportable.
"Smile, Alessandra," she whispered, flashing a sweet smile to the crowd.
Nabaling ang tingin ni Alexa sa matandang lalaki na kasunod. The warmth in his gaze as he extended his wrinkly hand to her told her that he is Don Pablo Monserrat, Alessandra's father. She could sense the stiffness in his demeanor kaya na-assume niya na strikto itong tao. Matikas din ang tindig nito sa gray na amerikana. Agaw pansin ang streaks of gray hair sa magkabilang gilid ng ulo nito sa itaas ng tainga. Hindi kakitaan ng kahit isang balbas sa pisngi.
"Eres muy precioso, hija," he said as he assisted her to the last steps.
Napangiti na lamang siya dahil hindi niya naintidihan ang sinabi nito. Malapad din ang ngiti ng may kaputiang lalaki na katabi nito na kasing tangkad lang ng matanda ngunit mas bata. Sa tantiya niya ay nasa mid-twenties lamang ang edad nito. He was well dressed in a black suit na binagayan ng puting inner shirt at itim din na kurbata. Katamtaman lamang ang pangangatawan base sa bakat ng hubog nito sa suot na damit. Hindi kayang guluhin ng buga ng hangin ang buhok nitong mukhang pinaliguan ng hair gel; however, she couldn't help herself but exchange a sweet smile with him dahil nakakahawa ang magandang bukas ng mukha nito. Actually, he's a good looking lad, kahawig ng babaeng sumalubong sa kanya kaya naisip niyang si Joselito sigurado ang kaharap niya.
"Bienvenido, Alessandra!"
"Hi, Alessandra!"
"We're so glad you're back!"
Iyon ang mga natatanggap niyang pagbati mula sa iba't ibang mukha na sumalubong sa kanya. Minsan, buong pamilya pa ang lumalapit para kumustahin siya. It was exhausting, lalo at nangangapa siya kung ano ang dapat itugon. She didn't know any of them. The thought of her living in America for years at kababalik lang ay malaking tulong para tabunan ang cluelessness niya sa mga identity nito.
'Saan na ba si Sofia?'
"How's my lovely younger sister? Mukhang hindi mo naibigan ang inihanda namin para sa iyo."
Napalingon si Alexa sa lalaking nakangiti sa likuran. It's the gentlemen in black suit, Joselito Bueno. May bitbit itong goblet na may lamang yellowish na maiinom sa kanang kamay. Mukhang nakapag-aral sa higher education ang step-brother niya dahil sa maayos nitong kilos at pananamit. Maging ang pananalita nito ay desente at pormal, actually hindi nababagay sa bukid.
"Joselito. . . hindi naman. Medyo nanibago lang ako, ang dami kasing tao."
"Oh, yes. Of course. Hindi natin patatagalin ang kasiyahang ito. Kakausapin ko ang mga magulang natin para sa bagay na iyan. Sa ngayon, maaari kang magkubli muna. Malayo sa mga nakakarinding panauhin. Ako na ang bahala sa kanila," ngisi nito na medyo hininaan ang boses.
"Talaga? Okay lang?"
"Si, Señorita."
"Salamat, Joselito!" May kagalakan niyang iniwan ang tabi ng lalaki at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Sofia. Eksakto namang may dumaan na hula niya ay kasambahay dahil ang damit na suot nito ay kapares ng sa nakikita niyang uniform ng mga maids. May puting apron din na may raffles ang gilid na suot ito.
"E-excuse me." Agad na lumingon ang tinawag.
"Señorita, may kailangan po kayo?"
"Si Sofia, nasaan?"
"Nasa kusina po," sagot nito na may bahagyang ngiti sa mga labi.
"Saan ang kusina?"
Napakunot man ang noo ay magalang pa rin itong sumagot. "Baybayin po ninyo ang daan na iyan pagkatapos ay lumiko kayo sa kanan."
"Sige, sige, salamat."
"Tutuloy na po ako," saad nito na tumalikod na.
Kagaya ng binigay na direksiyon, pinuntahan niya ang kusina.
"Sofia," bungad niya nang makita ang hinahanap. Napalingon ang apat na babaeng abala sa mga gawain sa kusina.
"Señorita, ano ang ginagawa ninyo dito? May kailangan kayo?" tanong ni Sofia at lumapit sa kanya.
"Halika muna."
Naghubad ng apron ang babae at sumunod sa kanya sa isang sulok.
"'Wag mo akong iwanan, wala akong kakilala kahit isa doon!" nanggigigil niyang bulong.
Napabuga ng hangin si Sofia. "Sige, tatapusin lang namin itong hinahanda ni Manang Carmen. Naawa ako sa matanda kaya tinulungan ko."
"Sige, sige," tango ni Alexa. "Hihintayin kita, puntahan mo ako doon sa sala."
"Si, Señorita." Tumalikod na ulit ang babae at pumasok ng kusina.