"ARE those dark circles supposed to be permanent?" tanong ng lalaking kaharap na naka white laboratory coat. Si Vaughn, one of his best buds cum company physician ng Martins' Corporation, ang kompanyang pinagmamay-ari ng pamilya ni Alvaro.
"Huh?" baling niya dito mula sa pagkakatungo sa nilalarong chestpiece ng stethoscope sa ibabaw ng mesa.
"Hindi ka na naman ba nakatulog nang maayos?"
"Oh, these? Well. . .kinda," he shrugged lightly.
"Ang panaginip na iyon pa rin ba? Why don't you visit Hakim?"
"I don't need a psychiatrist, Vaughn, especially if crazier than me. Normal naman ako."
"Hindi ka ba nababahala sa recurrent nightmares mo? A guy slit on the throat?" napapangiwing sabi nito na para bang nakakita ng actual na biktima. "Are you sure wala kang trauma noong bata ka pa?"
"The struggle of having a physician buddies. . ." Alvaro rolled his eyes while shifting his position to a more slouchy one.
"Seriously, Alvaro."
"No, not that I can remember.
"Hindi pa rin ba klaro ang mukha niya?"
"No."
"Baka nag-undergone ng suppression ang utak mo, or something."
"Yeah, yeah. Whatever." Patamad niyang dinukot ang tumutunog na cellphone sa pantalon at sinagot ang tawag. "Yes?"
"Mister President, may I remind you that today is the first day orientation of the newcomers. Gusto ng Chairman na nandito kayo."
"What for? Kailangan ba talaga na makita ko sila? Nevermind, anyway, pupunta ba si Dad?"
"I believe so, Sir."
"Good, he can handle everything."
"But, Sir—"
"Bye, Cheena." Pinatay na niya ang tawag at muling pinasok ang telepono sa bulsa.
"Running away from errands?" Vaughn asked while rummaging through his chiller. "Wala na palang yogurt."
"Pupunta ako, pero mamaya na."
"Might as well take a nap, nasa ibaba lang naman ang office mo. May pupuntahan lang ako sandali." Kinuha nito ang car keys na nakapatong sa glass bowl na oblong.
"Thanks, doc!"
Napapailing na lumabas si Vaughn sa infirmary.
***
Pinuno ni Alexa ng hangin ang baga sa abot ng kanyang makakaya saka pabuga na pinakawalan iyon. Nasa loob siya ng marangyang lavatory ng corporate building ng bago niyang pagtatrabahuhan at nakaharap sa salamin.
"Put yourself together, Alexa. First day mo 'to. Just focus." Pinagtatampal niya ang magkabilang pisngi para pukawin ang sarili, "Focus, focus!"
Two months simula nang makaranas siya ng kakaibang panaginip. Isang panaginip na hindi niya inakalang magtatapos sa karumaldumal na pangyayari. She remember herself lying in a hospital bed drenched in her very own sweat the moment she regained her consciousness. Eyes were sore as if stung by a bee. Pati ang unan niyang hinihigaan ay basa.
"Diego!" Nagising siya habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan na iyon. Ang unang namulatan ni Alexa ay ang maliwanag na silid at puting kisame kasunod ang IV stand na nasa kaliwa ng kama.
'Ospital? Bakit ako na-ospital?'
She again closed her eyes and tried to gain her recollection. Bakit sumisikip ang dibdib niya? Bakit parang may nangyaring importante na nagpakirot sa kanyang puso?
"Please! Tulungan n'yo siya!"
The horror and torture once again flicker inside her chest as she clearly saw her man being marinated with his own gore.
"Diego! Diego! Mahal na mahal kita!"
Her eyes began to wet and feel warm, "Diego! Diego. . ." Ibinuka ni Alexa ang mga mata at nilingon ang paligid, tanging katahimikan lang ang sumalubong sa mapaghanap niyang paningin. Tumuloy na sa paglikha ng mala-ulan na butil ng luha ang kanyang mga mata.
Tumingala si Alexa at hinanap ang nurse intercom saka nagmamadaling pinindot.
"This is Nurse Honey of Station 3B--"
"Nurse! Puntahan ninyo ako, please. . ."
"O-okay, Maam. Coming na po."
When the nurse arrived she realized that her roller coaster dream ended. Ayon dito, mag-iisang linggo na siyang walang malay na nakahiga sa ospital. She was admitted after getting rescued from an earthquake mishap. She acquired head concussions and some minor bruises sa katawan.
Two long months have past, pero hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip at damdamin niya ang buong pangyayari. Everything was so real! The excrutiating pain in her chest, the strange light to the point of emptiness feeling of being shock and the heaviness of her mind that's full of incrudelity. Pati ang kirot sa braso niyang hatid ng pagkakagapos ng lalaking tauhan ni Don Pablo sa kanyang katawan. Aside from that, the agonizing metallic scent of blood in her nose and the uncomfortable feeling of warm yet sticky liquid on her skin still lingers in her senses. Hindi niya kayang isipin na si Diego at ang pagmamahalan nila ay gawa lamang ng kanyang isip.
Nilikom ni Alexa ang mga gamit sa ibabaw ng sink saka ipinasok sa handbag. Natigilang napatitig siya sa white gold diamond ring sa daliri.
"Panaginip ka lang ba talaga, Diego?" Muli ay napabunton-hininga siya at maingat na pinahid ng tissue ang mga matang nagsimula uling mamasa bago lumabas sa banyo.
***
"In behalf of everybody in this section, I, Marinell Filar, welcomes you to Marketing depatment! Today serves as your orientation as well as first day of work, anything that you find confusing, please do not hesitate to ask for assistance from your designated team leaders," sabi ng department head.
"Thank you, ma'am," the five of them chorused. Tuwid silang nakatayo sa harap ng malaking opisina, all eyes sa kanila ang sobra bente na office staff.
"You ought to meet the chairman and the president later so give them the best impressions. Team leaders, make sure you guide them, sabi nito sa tatlong empleyado na tahimik na nakatayo naman sa kabilang gilid ng silid at matamang nakatitig sa kanila. Hindi tuloy maiwasan ni Alexa ang ma-conscious.
Dumiretso na si Miss Filar sa sarili nitong opisina kaya isa-isa na silang tinawag ng mga team leader.
"I'm Hofelia Malabnaw, but I require you to call me Hope. Don't you forget that. Maliban sa pagiging team leader, ako ang magiging tutor mo for the next three months, from A to Z. From now on, this will be your second house and this will be your bedroom," saad nito na hinawakan ang empty swivel chair na nakaharap sa isang computer, "like, literally."
"Okay," sagot niya. Gusto yata siyang i-intimidate ng kanyang bagong team leader.
"As for now, ibibigay ko ito sa iyo. Iyan ang company's handbook, pag-aralan mo. In case may maisipan kang itanong regarding Martins', buklatin mo muna iyan bago ka lumapit sa akin," anitong nagpaalam at bumalik sa sariling desk.
May naunang apat na desk bago ang sa kanya, at tatlo naman mula sa pinakahuli so basically nasa gitna ang puwesto na binigay sa kanya ni Hope.
"Hi!" bati ni Alexa sa babaeng nasa kanyang harapan. The girl's cute, nakasuot ito nude color chifon blouse na may black polka dots at binagayan ng black pencil cut skirt. "Alexa nga pala," she said extending her hand.
"Hello, po!" ngiti rin nito na inabot ang kamay niya. Mukhang mas bata yata ito kaysa sa kanya kung ang pagbabasehan lang ay ang mukha nitong free from fine lines, kahit ang boses nito ay parang sa teenager lang. "Welcome! Call me kitty."
"Salamat, Kitty." Alexa was feeling anxious sa kaisipang haharap sila mamaya sa pinakamataas na tao sa kompanyang iyon. Nangangati na ang dila niyang magtanong tungkol sa may-ari pero pinigil niya ang sarili. Masyado sigurong hands-on ang may-ari to the point of meeting the newbies during their first day.
Either way, naaapreciate naman niya dahil mukhang may pagpapahalaga ang mga ito sa empleyado. Binuklat ni Alexa ang handbook na nakapatong sa desk at binasa ang unang pahina. Ang unang nahagip ng paningin ng babae ay ang pangalan ng kompanya, Martins' Corporation. Kasunod ay ang pangalan ng foundrer at the same time ang CEO, Philip Martin. Nahinto ang pagbabasa ni Alexa nang mapansin ang halos magkasabay na pagtayo ng mga kasama mula sa kinauupuan. Nabalutan ng bahagyang tension ang atmospera ng paligid.
"Good morning, Sir!"
Kahit hindi kita kung sino ang dumating dahil natatabunan ng likod ni Kitty ay nakitayo na rin siya.
"Good morning," rinig niyang ganti ng dumating na lalaki. The voice was modulated yet slightly throaty, to the point na maiisipan ng nakarinig na mabait ang nagmamay-ari niyon.
When everybody began to take their seat, Alexa stood rooted on the ground. She couldn't help but glue her eyes to the man in fine suit standing in front of them with an aura of great influence.
A sudden chill overwhelmed her sensation as her body hair spiked involuntarily, she unconsciously held her breath as she muttered a name.
"Don. . .Pablo?"